May event ulit sa school, may laban ang varsity team at kasama si Cali dahil siya ang SSG Pres. Kalaban namin iyong kabilang school, magsisimula na ang laro nang bigla akong i-cheer ni Cali. Napangiti ako nang marinig na sinisigaw nito ang pangalan ko sabay binuksan ang hawak niyang banner. Mas lalo akong napangiti nang mabasa kung ano ang nakasulat doon. "Go Sean!" "Go Sexy Sean!" Ito iyong nakasulat doon, bigla naman akong napakamot sa batok ko nang maalala ang sinabi nito na may ganoong scene sa paborito niyang story. Mas ginanahan akong maglaro nang makitang sinuot niya iyong jacket na binigay ko sa kan'ya at may nakalagay na apelyido ko sa likuran. "Hindi ko alam na may gan'yang side pala si Cali," saad ni Sky nang makita kung paano niya ako i-cheer. "Me too, kaya galingan natin

