“Nililigawan ka noon?” hindi ko alam pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya bago kami pumasok. “Ligaw? Hindi! Kaibigan lang talaga kami noon, tsaka wala pa sa isip ko iyang ligaw-ligaw na iyan kasi bata pa ako at mas priority ko talaga iyong pag-aaral ko.” sagot naman nito. Napangiti na lang ako sa sagot niya sabay napatango, kung ganoon ay wala akong dapat ipagalala kasi wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng kasintahan. Tinawag na kami ni Mommy sa loob kaya pumasok na kami, as usual wala si Dad dahil busy talaga ito. Masaya ako na finally nagkita at nagkausap na sila ni Mommy. Pagkatapos naming kumain bigla naman akong kinabahan nang pumunta sila sa sala at nagsimula ng tignan ni mommy iyong mga larawan naming doon. “My baka may makita si Cali diyan,” nakabusangot

