Para akong binuhusan ng tubig na may maraming yelo pagkatapos ko iyong marinig, tumingin ako kay Kiel na para bang nagtatanong ng bakit? “Kidding aside, I am her ex.” Saad nito sabay nginitian ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na binawi niya iyong sinabi niya o mas magaalala dahil sa sinabi nito. “Malay mo may comeback,” biro naman ni Tita. “Ma!” saway naman ni Kiel dito sabay iling. Nagiwas na lang ako ng tingin at sakto namang tumama ito sa mata ni Andrei. “Tara na nga sa loob, kain na lang tayo.” saad ni Andrei sabay lapit sa akin at hila papasok. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi pagkatapos kong marinig iyon, parang bumalik ulit sa akin lahat iyong mga nangyari sa akin noon. Parang mali yatang sinabi ko sa kan'ya iyong totoo kong nararamdan, napangiti ako nang mapakla na

