She's back. Hindi ko akalain na babalik ulit siya, hindi ko alam paano mag-react. Alam ko nasakran ko si Selea, sobrang occupied lang iyong utak ko kaya ganoon ang naging reaksyon ko. I didn't expect it, wala akong ideya na dadating pala siya sa dinner na iyon. "Ma, why did you invited her?" tanong ko kay mommy nang makaalis na si Tamara. "To surprise you anak," sagot naman nito. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang marinig ang rason nito. "Alam mo namang matagal na kaming wala 'di ba? You don't have to invite her anymore Ma, hindi na siya kasali sa pamilyang ito." bilin ko rito. Napayuko naman ito sabay umupo sa tabi ko, "Alam mo anak? Isa iyan sa mga mahirap na parte ng buhay ng mga magulang at pamilya mo, iyong tipong pareho na kayong legal both sides tapos

