Maging ang mga nasa paligid ay napalingon din dito, kung puwede lang tanggalin ang mga mata nila lahat ginawa ko na. Lumapit naman sa akin si Andrei sabay abot sa akin ng damit niyang suot ni Selea kanina. "Tapos ka ba mag-swimming hindi 'ba? Pahawak naman nito," saad niya sabay abot sa akin ng damit niya at tumakbo na papunta sa dagat. Lumangoy ito papunt kay Selea kaya napailing na lang ako at muling umupo sa bakanteng bench. "Sige lang mag-enjoy lang kayo, pasasaan ba at mas-solo ko na rin si Selea." saad ko sabay humiga. Hindi na ako nakatiis at iniwan na muna ang damit namin doon sa bakanteng bench at sumunod sa kanila. Kahit malinaw na sa akin na hindi gusto ni Andrei si Selea, ayaw ko maging kampante dahil sa panahon ngayon kailangan ni Selea ng karamay. Sumulong ako sa dagat at

