Nakatingin lang ako sa harap ng salamin, hindi ko kasi akalain na ang outing na ito ay mauuwi sa pagsagot ko kay Kiel. Wala pa talaga iyon sa plano pero dahil sa mga nangyari, mas pinili ko na lang na maging secure kahit nasa paligid lang si Tamara. Ayaw ko naman talaga sana magalit kay Kiel e, pero akala ko kasi na wala siyang ginagawa para layuan siya ni Tamara. Panay kasi ang lapit at kapit nito kay Kiel na akala mo talaga, pagmamay-ari niya si Kiel. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang halik ni Kiel kanina, iyon ang unang beses na hinalikan niya ako sa labi. Akala ko talaga hindi sila sang-ayon sa desisyon ni Kiel tungkol sa akin pero natuwa ako nang makitang masaya sila pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot para kay Andrei, kahit naman wala siyang sinasabi alam nati

