Nagising na lang kami kinaumagahan na wala na ang gamit ni Tamara sa kuwarto, siguro ay maaga itong umalis dahil na rin sa ginawa niya kagabi. Maaga rin kaming umalis dahil babalik na kami ni Kiel sa city, napansin ko ang pag-iwas ni Andrei sa akin at maging sa pag-uwi namin ay hindi ito tumabi sa akin. "Kapag inulit ni Tamara iyong ginawa niya sa 'yo kagabi, sabihan mo ako agad okay?" bilin nito ds akin habang hawak-hawak ang kamay ko. "Kaya ko naman iyong sarili ko e, hayaan mo at 'di ko naman siya hahayaang saktan ako." sagot ko rito. "Anong ginawa niya sa 'yo?" biglang sabat ni Andrei. "Muntik na sampalin ni Tamara, mabuti na lang at dumating si Mommy." sagot ni Ate rito. "Iyong babaeng iyon," saad nito sabay iling. "Sasabay ka sa amin mamaya?" tanong ni Kiel kay Andrei. "Hindi

