Kabanata 2

1748 Words
Hindi naging madali ang pag mo--move on ko kasi halos araw-araw ko pa rin i-check ang account niya, ganoon ako ka manhid. Hinayaan ko lang na ganoon ang mangyari hanggang sa ako na mismo ang mapagod. May mga sumubok na manligaw sa akin pero takot ako sumubok kaya mas pinili ko na lang na mag-focus sa pag-aaral. Second year college ako noon nang lumipat ako ng university, hindi pa kasi ako ganoon ka independent kaya masyado akong matatakutin. Lagi akong naiiwan noon mag-isa sa dorm at halos araw-araw akong hindi makatulog, hindi na naging healthy at affected din iyong pag-aaral ko kaya nakapag-decide na lang ako at ang parents ko na lumipat sa mas malapit. Ilang beses na kasi akong binabangungot at sakto pa lagi ako mag-isa sa dorm, may mga nararamdaman din akong kakaiba kaya doon na rin nagsimula iyong anxiety ko. Walang maayos na tulog, tapos stress pa sa school kaya iyon na ang nakitang paraan ng mga magulang ko. Ang daming nangyari sa pag-aaral ko, ang dami kong na-discover sa sarili ko hanggang hindi na talaga sumagi sa isip ko si Kiel. Ilang events din ng Tita ko ang hindi ko dinaluhan, ako na mismo ang umiiwas na mag-krus ulit ang landas namin dahil aasa na naman ako. Nagkaroon na ako ng boyfriend, long distance relationship kami kaya hindi naman iyon naging dahilan para magkulang ang oras ko sa pag-aaral. Nagtagal din kami ng three years, sa loob ng tatlong taon na iyon marami na kaming napagdaanan and I can finally see my future with him. He was always there for me, lagi niya akong tinutulungan sa mga school activities ko kahit malayo kami sa isa't isa. Honestly sometimes, sumasagi sa isip ko si Kiel at na-g-guilty ako doon. Our relationship was almost perfect, I couldn't ask for more pero lahat ng almost perfect ay may kapalit. Akala ko kami na hanggang dulo pero hindi pala, sinubok kami ng panahon at pareho ring napagod. Marami akong issue sa sarili kaya kahit ako 'di maintindihan ang sarili ko minsan. I graduated college and started working then suddenly my Tita called me, miss na raw ako ng Lola kaya kailangan dumalo ako sa celebration ng birthday ni Lola. Matagal na rin akong 'di makakabalik doom kaya nakapag-decide akong pumunta dahil saktont day off ko iyon. Kinakabahan man na baka may makita ako doon na ayaw kong makita ay pumunta pa rin ako kasama ang pamilya ko. I saw her Mom. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, dahan-dahan kong nilibot ang aking paningin at nakahinga ng maluwang nang mapagtantong wala siya doon. "Auntie kayo lang po? Wala yata si Kiel," tanong ng pinsan ko sa Mommy ni Kiel. "Busy sa trabaho e, si Andrei lang iyong puwede." Nakangiti naman nitong sagot. Pareho kaming nakaupo sa sala at medyo hindi ako kumportable kasi nandoon si Auntie. "Selea, kumusta trabaho mo?" pagbubukas nito ng topic. Ngumiti naman ako sabay sagot, "Okay lang naman po." Sagot ko rito. "Alam mo ba? Lagi kitang nakikita rito tuwing may occasion pero napansin ko na matagal-tagal din simula noong last tayo magkita." Saad nito. "A-Ano po kasi naging abala na ako sa trabaho ko tapos sa pag-aaral kaya madalang na lang ako makabisita rito." Sagot ko naman. "Akala ko noon magkasing-edad kayo ni Kiel pero balita ko mas matanda si Kiel ng tatlong taon sa 'yo so si Andrei pala iyong ka-edad mo." Paliwanag nito Ewan ko ba pero nahihiya talaga akong makipag-usap sa kan'ya pero wala akong choice kasi kami lang nasa sala. Imbes na sumagot ay ngiti at tango lang ang tugon ko rito. "Huwag ka na mahiya sa akin, magkaibigan kami ng Mama mo noong kabataan kami kaya hindi na kayo bago sa amin." Saad nito nang mapansin na parang nahihiya ako. "Opo," sagot ko sabay nginitian ito. "Ma dadating daw si Kuya, sunduin ko lang sa terminal." Saad ni Andrei na kinagulat ko. "Oh tapos na pala shift niya? Sige para makapag-usap din sila ni Selea." Sagot ni Auntie na mas kinagulat ko. "Naku po Auntie kahit hindi na po mag-usap, hindi rin naman po kami close ni Kiel." Nahihiyang saad ko. "Kaya nga 'di ba? Kaibigan kami ng mga magulang mo kaya dapat magkaibigan din iyong mga anak." Saad nito sabay nginitian ako. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga sabay nginitian ito ng pilit. Wrong choice yata. Sakto namang nagsi-datingan ang mga bisita kaya tumulong na ako sa kanila, nagpaalam na rin ako kay Auntie na maiwan ko muna siya doon. "Kailangan ko maging abala para hindi mabigyan ng pagkakataon na mag-usap kami ni Kiel." saad ko sa aking isip. Tumulong akong mag-refill ng mga pagkain na wala ng laman sa mesa, hugas ng pinggan hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Nandito na siya. Umiling lang ako sabay hindi na iyon inisip, mas lalo kong inabala ang sarili ko. Narinig kong tinawag ako ni Auntie pero sinabihan ko si Mama na busy ako at may ginagawa kaya naman hindi na rin nila ako pinilit. Ilang taon na rin kasi ang lumipas, ayaw kong bumalik na naman iyong point na magustuhan ko siya at wala rin akong mapapala. Sinadya ko pang mabuhusan ang damit ko para makapagpalit at hindi talaga kami makapag-usap. "Selea!" tawag ni Auntie sa akin. Nilingon ko ito at saktong nagtama ang mata namin, agad naman akong nag-iwas at muling tumingin kay Auntie. "Kiel si Selea, anak ng Auntie Susie mo. Selea si Kieal," pagpapakilala ni Auntie sa amin. Hindi ako naka-ilag doon. Nagkatinginan lang kami, sabay una itong ngumiti kaya tinanguan ko na lang din. "Magbibihis lang po ako auntie, ang dugyot ko na po kasi tignan." Paalam ko at tuluyan ng naglakad. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid ay agad akong napahawak sa aking dibdib. Ang lakas ng kabog nito na para bang may mga kabayo doon na nag-uunahan. "Kalma Selea, kalma." Saad ko sabay muling nagpakawala ng malalim na hininga at binagsak ang aking katawan sa kama. Pagkatapos kong magbihis ay pinili ko na lang na doon muna tumambay, hindi ko namalayan ay nakatulog na rin pala ako doon. Nagising na lang ako sa tapik sa pisngi ko, pagmulat ko ay nakita ko ang aking kapatid. "Gising na, mayamaya pa ay aalis na tayo. Ayusin mo na raw mga gamit mo at baka may maiwan." Saad nito. Agad naman akong bumangon sabay inayos ang sarili ko sa harap ng salamin. Halos dalawang oras din pala akong nakatulog, ganoon ka himbing at hindi ko man lang napansin ang oras. Nauna na itong lumabas, ako naman ay naiwan kaya umupo na muna ako. Napakagat ako sa pangibaba kong labi nang maalala kung gaano ako ka-patay noon kay Kiel. I deleted my request to become one of his friend on his social media account the moment I discovered that he's in a relationship already, but it didn't end there. I still stalked his account secretly until I get tired. Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala kung gaano kahirap mag-move on sa taong hindi naman alam na minahal ko. Paglabas ko ay wala na sila Auntie, umuwi na raw sila pagkatapos kumain ni Kiel dahil may lakad din daw si uncle. Kinabukasan ay may trabaho na ako, nang i-check ko ang aking account ay nagulat ako nang makitang in-add ako ni Auntie. Nagdadalawang isip man ay tinanggap ko iyon, magkakilala naman sila ni Mama kaya hinayaan ko na lang. Simula din ng araw na iyon ay halos araw-araw ako nakakatanggap ng heart reaction galing sa kan'ya sa mga pictures at posts ko. Sinusubok talaga ako ng tadhana, hindi ko na lang iyon binibigyan ng malisya dahil alam ko na ginagawa niya iyon dahil anak ako ng kaibigan niya. Sinubukan ko ulit na huwag isipin ang muling pagtatagpo namin ni Kiel, binaling ko sa ibang bagay ang atensiyon ko. Muli ay may mga nanligaw, nagpakita ng interest pero wala pa rin talaga. Hindi pa ako handang pumasok sa relasyon. May isa talaga na makulit, he is also a son of a family friend. Lagi niya akong ina-alok na ihatid pauwi, ilang beses ko siyang tinanggihan hanggang sa napagod ako dahil wala yata itong balak na tumigilnsa pag-alok sa akin kaya pinagbigyan ko na. He is younger than me kaya pakiramdam ko ay parang bunsong kapatid ko lang din siya. Mabait ito, gentleman at botong-boto iyong isa kong Tita sa father side sa kan'y dahil kilala niya raw ang family nito at kilala sila bilang mabait na pamilya. Simula pa lang ay sinabi ko na sa kan'ya ma huwag mag-expect, wala naman daw iyong problema at gusto niya ako maging kaibigan. Isang gabi noon, wala na talaga akong masakyan kaya hinatid niya ako sa bahay namin. Nakita iyon ng Papa ko, nagtanong ito kung sino siya. Ayaw ko na pati sila isipin na may namamagitan sa aming dalawa kaya nagpaliwanag ako. Timmy and I are just good friends not until I feel something. Iba na iyong care niya sa akin, at hindi na ako kumportable doon kaya ako na mismo ang lumayo. Nililibang ko na lang iyong sarili ko sa pag-inom ng mga kape at milk tea dahil isa iyon sa mga comfort drinks ko. My life was just really normal, pero lagi nila sinasabi sa akin na panahon na daw para tumanggap ako ng ligaw pero ayaw ko pa talaga. Hindi namam ako choosy, parang may kulang lang talaga. Siguro kapag nahanap ko na iyon, baka doon na ako tatanggap ng ligaw. Isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang landas ng mga magulang ko at magulang ni Timmy sa isang pang pamilyang okasyon. Doon ko nakita kung gaano ka-close ang parents ko sa parents ni Timmy. I didn't expect na may mangyayari sa araw na iyon. "Anak ayaw mo bang ma-boyfriend?" tanong ni Papa sa akin. "Hala, ba't mo naman po iyan natanong?" takang tanong ko rito. Kagabi kasi nalasing si Timmy, kinausap niya ako nak. Nasabi niya sa akin na gustong-gusto ka niya pero nahihiya siyang manligaw kasi raw magkakilala ang mga magulang niya at magulang mo." Paliwanag nito. Kahit hindi iyon sabihin ni Timmy naramdaman kong may nararamdaman na siya sa akin noon kaya ako na mismo ang lumayo. "Pa para ko na kasi siyang kapatid e, iyon lang talaga tingin ko sa kan'ya." Sagot ko rito. "Mabuting bata naman iyon anak e, bigyan mo kaya ng pagkakataon?" saad nito kaya napayuko na lang ako. Bigla akong napaisip sa sinab ni Papa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD