Isang linggo na ang nakakalipas, nakapag-decide na akong i-add siya. Halos minu-minuto ko i-check ang social media account ko kung tinanggap niya na ba pero hindi pa rin. May mga pictures niya ng naka-save sa cellphone ko at ginawa ko pang screensaver para laging inspired sa pagpasok sa school.
"Baka busy lang siya o kaya hindi mahilig sa social media kaya hanggang ngayon ay 'di niya makitang in-add ko siya." Saad ko habang nakatitig sa account niyang walang progress. Hindi lang oras, araw, linggot kung 'di buwan ang hinintay ko pero walang Kiel na lumalabas sa notification ko.
Alam ko sa sarili ko na walang nagbago sa nararamdaman ko, siya at siya pa rin talaga. Ginawa ko na lang siyang inspirasyon, dahil sa kan'ya ay nag-aral ako ng mabuti at pinakita ko sa kanila na kaya ko mag excell.
Balita ko ay mayaman ang pamilya ni Kiel kaya medyo nalungkot ako kasi doon pa lang ay wala na akong pag-asa. Iyong Mama niya isang manager at Papa niya naman ay supervisor, may kuya siyang engineer at ate rin na engineer. Ganda mg pamilya nila, galing sa pamilyang engineer.
Hindi ko naman kinakahiya iyong pamilya ko, sadyang may kaya lang talaga ang Pamilya nila Kiel at sa akin naman ay kaya ibigay ng mga magulang ko ang pang araw-araw na kailangan namin.
"Si Kiel na naman?" saad ni Dave, ang bakla kong kaibigan. Nakuwento ko kasi sa kan'ya na sobrang crush ko ito.
"Hindi niya pa rin tinatanggap Dave, mawawalan na yata talaga ako ng pag-asa." Malungkot na saad ko.
"Chat mo! Iyan iyong sagot sa mga tanong mo," saad nito.
"No! Ayaw ko, hindi ako gagawa ng first move Dave." Saad ko at nagpakawala na lang ng buntong hininga.
"Dalagang pilipina 'yan? Bahala ka, baka maunahan ka ng iba."
"Wala iyong girlfriend, ilang beses ko ng na-check iyong social media account niya at pictures niya— walang babae doon." Paninigurado ko rito.
"Ikaw bahala, saan nga iyon nag-aaral?" tanong nito.
"Sa Private school, mayaman iyong family niya kaya sigurado talaga akong hindi ako mapapansin noon." Saad ko at pinatong ang ulo ko sa arm chair.
Sa totoo lang nagsisimula na akong malungkot, kasi ramdam ko e. Kahit ano pang imahinasyon gawin ko, parang wala talagang pag-asa na maging kami.
Second year high school ako nang magtagpo ang landas namin ni Kiel, isang araw in-imbita kami ng Tita ko kasi may event sa bahay nila. Umaasa akong makikita ko si Kiel doon kaya nag-ayos ako ng mabuti at sinigurado kong presentable ako sa harap niya. Lunch pa lang ay nandoon na kami, tumulong ako sa paghahanda, natanong naman ng pinsan ko kung may progress na ba sa amin ni Kiel pero sinabi ko sa kan'ya na wala alaga.
Namilog ang aking mata nang makita ang pamilyar na mukha, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at ramdam kong namumula ang aking pisngi kaya dali-dali akong tumakbo papasok sa silid ng aking pinsan at doon nagsisigaw habang nakatakip ang aking kamay sa aking bibig.
"Oh my gosh! Nandito si Kiel," kinikilig na saad ko sabay humarap sa salamin at inayos ang aking sarili. "Kinikilig ako, kinikilig ako!" saad ko habang nakangiti ng malaki.
"Selea lumabas ka na diyan, kakain na." Tawag ni Tita sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang paglabas ko ay nagtama ang mata namin ni Kiel.
Parang mababaliw na ako sa sobrang kilig.
Natapos ang gabing iyon na halos hindi maalis ang ngiti sa labi ko, kahit iyong pamilya ako ay nagtataka kung bakit parang sobrang inspired ko raw. Imbes na sagutin sila ay ngiti lang ang tinugon ko. Pabalik-balik sa isipan ko iyong ilang beses na pagtama ng mata namin, ibig sabihin noon ay nakatingin din ito sa akin. Umasa ulit ako kaya dali-dali kong tinignan kung may progress ba sa social media pero ganoon pa rin.
Nakuntento na lang ako na lagi siyang i-stalk sa social media kahit paulit-ulit lang din iyong nakikita ko. Ilang beses rin kaming nagkikita sa bahay nila Tita tuwing may event pero hanggang doon lang talaga, ni walang hi at hello dahil pakiramdam ko pareho kaming nahihiya.
Ilang taon ko rin siya naging crush, ganoon kalala iyong nararamdaman ko sa kan'ya. May mga naging crush din naman ako pero alam ko sa sarili ko na si Kiel talaga ang ultimate crush ko. Hanggang sa makapagtapos ako ng high school, siya pa rin talaga. Umaasa ako na baka pareho kami ng university na papasukan sa kolehiyo pero malabo iyon kasi sigurado akong sa sikat at mamahaling university siya papasok. Nabalitaan ko rin na engineer din iyong kinuha niyang course at ako naman ay business course. Flight attendant sana iyon e, kaya lang sabi ng parents ko hindi kaya dahil mahal daw ang tuition at maraming extra curricular na sigurado akong kailangan ng pera.
Nagkaroon ako ng boyfriend noong fourth year high school ako pero hindi iyon nagtagal dahil alam namin pareho na hindi pa iyon seryoso at kailangan muna namin mag-focus sa pag-aaral. Aminado rin ako na ginawa ko lang siyang rebound noon para makalimutan si Kiel pero walang epekto. Not until one day, while checking his social media bigla akong nanlamig at bumagsak ang dalawa kong balikat.
Kiel Monsolo is in a relationship.
Na-update niya na social media niya pero hindi niya man lang ako in-accept, siguro panahon na talagang kalimutan siya. Enough na siguro iyong ilang taon na naging loyal ako sa kan'ya kahit alam ko naman na hindi niya alam ang nararamdaman ko.
"Siguro tama si Dave, kung nag-chat lang sana ako baka mapansin niya pa ako at may chance pa na makilala namin ang isa't isa." Saad ko habang nakatitig sa pangalan ni Kiel. Mas lalo akong nanlumo nang maya-maya pa ay nag-upload ito ng mga pictures niya kasama ang girlfriend niya.
"Wala na," saad ko sabay nagpakawala ng malalim na hininga.
"Alam mo Kiel? Kung kagaya lang sana ako ng ibang babae, sana tayo na pero ayaw ko kasi gumawa ng first move e. Gustong-gusto kita pero baka hanggang doon na lang talaga." Saad ko habang nakatitig sa mga pictures niyang naka-save sa cellphone ko. Crush lang naman sana e, pero bakit ang sakit? Ilang taon kita hinintay pero mauuwi rin sa wala. Napangiti ako ng mapakla at muling tinignan ang mga larawan nito, isa-isa ko na itong binubura.
"Panahon na rin siguro para burahin kita sa puso't isip ko."
Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog agad, para akong tanga na sinasaktan ang puso ko dahil muli kong tinignan ang mga larawan nila.
"Ang ganda niya, wala akong panama at sobrang kinis pa." Saad ko habang nakatitig sa picture nila. Kung ganoon lang sana ako kaganda, baka may chance pa na mapansin ako ni Kiel. Bagay na bagay sila sa isa't isa at kita sa larawan na pareho silang masaya.
"Masaya na rin ako para sa 'yo," saad ko habang nakangiti ng mapait.
I found myself crying...
Masyadong mababaw pero doon ko napagtanto na hindi na basta crush lang iyong nararamdaman ko para kay Kiel, mahal ko na yata siya. Minahal ko siya kahit alam ko na wala namang pag-asa, kumbaga nagmamahal ako mag-isa.