Nagmamadali akong umakyat sa silid ni Andrei at binigay sa kan’ya ang gatas ni Sean. Napakunot naman ang noo nito nang mapansin na parang ‘di ako mapakali, umupo ako sa medyo malayo sa kanila at doon nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Okay ka lang?” tanong ni Andrei sa akin sabay tumabi. Nanginginig ang aking kamay at ‘di ko iyon matago kaya hinawakan niya ito. “Anong nangyari?” tanong ulit nito. “Andrei, si Kiel… Sabi niya anak niya raw si Sean.” mahinang saad ko rito. Napailing ito sabay niyakap ako, “Hindi niya anak si Sean.” saad nito sabay hinaplos ang buhok ko. “Wala siyang karapatan kay Kiel pagkatapos niya kayo iwan.” saad nito sabay hinalikan ang noo ko. “Wala ka bang ideya na uuwi din pala siya ngayon?” tanong ko rito. “Wala, nagulat nga ako kanina e.” sagot naman

