Kabanata 10 Nakarating na kami sa bilihan ng mga street foods, may mga ganoon din naman sa labas ng office pero kilala kasi ang lugar na 'to dahil sa mga street foods na masasarap at malilinis. "Kain tayong ihaw," saad nito habang nakanguso. "Anything that you want," nakangiti ko namang sagot. Sobrang contented ko na sa ganito, makita ko lang siya na masaya ay masaya na rin ako. "Nasubukan mo na ba kumain sa mga ganitong lugar kasama ang mga naging girlfriend mo?" tanong nito. Nilingon ko naman ito natawa na lang nang makita ang mukha nito, may ketchup sa gilid ng labi nito kaya tinanggal ko iyon gamit ang aking panyo. "Dahan-dahan lang naman baka mabilaukan ka niyan," nakangiti kong saad. "Sorry na! Ang sarap kasi e," sagot nito habang ngumunguya. "Tikman mo 'to, ang sarap!" saad

