I knew it. I am falling, again. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala kung paano ako alagaan ni Selea kagabi, I have guilt feeling right now kasi alam ko na hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa akin. Hindi ko maalis-alis sa aking labi ang ngiti nang maalala rin ang unang yakap namin sa isa't isa. "Dapat ba ako maging thankful na nagka-sakit ako? Dahil doon nakita ko kung paano ka-concern si Selea sa akin at paano niya ako alagaan. Unang treat ko pa lang sa kan'ya noon sa coffee shop, pagiging kaibigan lang talaga intention ko sa kan'ya and a guide for her kasi hindi pa niya ganoon ka kabisado ang lugar na 'to. I don't want to disappoint Mom too kasi nakikita ko kunh gaano ka importante si Selea sa kan'ya. Kahit noo pa man, nam-mention na siya ni Mom sa amin na gusto niya raw si

