First time kong mag-field work ngayon, medyo nakakapagod kasi mainit dahil kailangan lagi akong nakasunod kay Engineer. I need to take notes, and listen to their discussions. Enjoy din naman siya kasi maka-kasalamuha mo 'yong mga construction worker ng project.
"How was it?" tanong ni Engineer sa akin habang nagmamaneho ito.
"Okay lang naman po, naka-kapagod pero nag-enjoy po ako kasi panibagong experience." Sagot ko rito.
"Masasanay ka rin, pasensya na kung natagalam tayo umuwi ha? Hayaan mo, counted naman 'to sa overtime mo e." Saad nito.
"Okay lang po tsaka trabaho ko naman po talaga na sabayan kayo." Nakangiti kong sagot.
"Sana kumain na lang tayo sa labas," saad nito.
"Naku huwag na po tsaka okay naman na po 'tong binili mo e. Salamat po ulit," tukoy ko sa take out order niya para sa akin.
Nang malapit na kami sa office ay sinabihan ko na si Engineer na sa may kanto na lang ako, maglalakad na lang ako patuno sa aking apartment. Noong una ay nagpumilit ito na ihatid ako pero kalaunan ay pumayag na rin ito na maglalakad na lang ako. Bigla naman akong natigilan nang matanaw ang pamilyar na bulto ng katawan ng lalaki na nakayuko sa mesa. Nasa malapit na bakery ito papasok sa apartment. Nilapitan ko ito sabay sinundot ang braso, nagtaas ito ng tingin at tama nga ako ng iniisip.
"Kiel, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya.
"Galing ako sa apartment mo, kaya lang sabi ng landlord mo wala ka pa raw doon kaya dito na lang ako naghintay." Sagot nito.
"Hala, kanina ka pa? Sana nag-text ka o kaya naman tumawag para alam ko na naghi-hintay ka pala." Nagaalalang sagot ko.
"Hayaan mo na, ang mahalaga dumating ka. Gusto ko lang sana sumabay na mag-dinner sa 'yo kaya lang malamig na 'tong pagkain na binili ko kanina." Saad nito habang naka-titig sa akin.
"Ganoon ba? Tara, sabay na tayo dahil hindi pa naman ako kumakain." Sagot ko at tinulungan ito.
Mukha itong matamlay, nang masagi ng kamay ko ang braso nito ay natigilan ako.
"Kiel mainit ka, may gamot ka ba riyan?" nagaalalang tanong ko.
"Wala e, hayaan mo na mawawala rin 'to." Saad nito at naglakad na.
Umiling ako sabay kinuha ang dala nitong supot, "Daan na muna tayo saglit ng tindahan o malapit na pharmacy at ibibili kita ng gamot." Sagot ko at inalalayan ito. Pinaupo ko muna ito at bumili na ng gamot para sa lagnat.
"Kain muna tayo bago mo 'to inumin, sana nag-text ka Kiel para mas maaga ako nakauwi." Pagma-maktol ko rito.
"Okay lang naman Sel, ayaw naman kita disturbuhin 'no." Mahinang sagot nito.
"Huwag ka mahihilo please, hindi kita kaya buhatin o kargahin kaya humawak ka lang sa akin kung pakiramdam mo 'di mo kaya o kung kailangan mo ng suporta." Saad ko.
Hindi ko mapigilang hindi magalala, kita kasi sa mukha nito na may sakit ito at mainit pa. Nang makarating kami sa apartment ay inayos ko na muna iyong kama ko.
"Heto magpahinga ka na muna saglit, gigisingin kita kapag okay na. Ako na magha-handa, magpahinga ka na lang." Saad ko at inalalayan itong makahiga.
"Thank you Se," saad nito habang nakapikit.
Hinawakan ko ang noo nito, napakagat ako sa pangibaba kong labi nang maramdamang mainit pa rin ito. Kinuha ko 'yong kumot ko at pinatong sa kan'ya. Hinanda ko na iyong pagkain na binili niya at binigay sa akin ni Engineer, bigla tuloy akong nakonsensya nang maisip na kanina pa siya nandoon sa bakeshop at naghi-hintay sa akin. Pagkatapos ko ihanda ang mga pagkain ay nilapitan ko ito, nakapikit ang mata nito habang nata-takpan ng kumot ang kan'yang katawan. Hindi ko mapigilang titigan ang maamo nitong mukha.
"Kiel ayaw ko umasa, ayaw ko masaktan ulit." Saad ng aking isip.
"Kiel gising na, kain na muna tayo." Pag-gising ko rito. "Kiel," tawag ko ulit sa pangalan nito.
Mayamay pa ay minulat na nito ang kan'yang mata, inalalayan ko itong makaupo at inabot sa kan'ya ang pagkain.
"Kumain ka ng marami para makainom ka na ng gamot," saad ko rito.
"Nahihilo ako," saad nito sabay hilot sa sentido nito.
"Gusto mo hilutin natin ulo mo mamaya? Kumain ka muna, uminom ng gamot para makapag-pahinga ka na." Saad ko rito.
"Nakakahiya naman sa 'yo, naging pabigat pa ako. Hayaan mo, pagkatapos natin kumain ay uuwi na ako." Saad nito.
"Kiel, huwag mo iyan isipin. Kaibigan kita kaya handa akong tulungan ka, hindi rin ako mapa-panatag kung uuwi ka na may sakit at nahihilo pa. Huwag ka magalala kasi hindi ka nagiging pabigat." Mahinahong saad ko.
"Babawi ako, maraming salamat." Saad nito at kumain na.
Pagkatapos naming kumain ay uminom na ito ng gamot, bumalik ito sa pagkaka-higa at nagtalukbong ng kumot. Inayos ko lang muna iyong pinagkainan namin at naghanda ng tubig, bimpo at alcohol.
"Hindi ko alam kung tama ba 'tong mg ginagawa ko pero subukan na lang natin," saad ko sa aking isip.
Umupo ako sa gilid ng kama sabay kinapa ang noo ni Kiel, mainit pa rin ito at mayamaya ay bigla itong nanginig.
"Kiel! Kiel, anong nangyayari?" nagaalalang tanong ko.
Hawak-hawak nito ang magkabilang braso niya at yakap-yakap ang sarili.
"Teka lang ha? Hahanap lang ako ng jacket," saad ko at naghanap ng jacket sa aking lalagyan. Mabuti na lang at dala ko iyong hoodie ko na malaki, pinasuot ko iyon sa kan'ya sabay hinawakan ang palad nito at pinapa-init gamit ang palad ko.
"Kiel nagaalala na ako, tatawagan ko na sila Tita." Mahinang saad ko.
"Huwag," sagot nito sabay hinila ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "Hindi ko kaya iyong lamig, dito ka na muna sa tabi ko please." Saad nito sabay niyakap ako ng mahigpit.
Napapikit ako ng mariin sabay umayos at tinugon ang yakap nito kahit nag-aalangan man. Wala na kasi ako iba pang maisip na paraan kaya pumayag na lang ako sa request nito. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pamumula ng aking pisngi. Naramdaman ko namang unti-unti ng kumakalma si Kiel kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
"Lagyan natin ng bimpo ang noo mo Kiel para bumaba na iyong init," saad ko rito.
"Sorry dahil sa akin na abala pa kita," nakapikit na saad nito.
"Stop saying sorry, hindi ka pabigat okay? Halika't lagyan natin ng bimpo ang noo mo." Saad ko sabay kumawal sa pagkaka-yakap dito. Umupo naman ito sabay umayos sabay payong ng ulo niya sa hita ko. Nakapikit lang ito at hinahayaan lang ako sa ginagawa ko sa kan'ya.
"Ginagawa 'to sa akin ng Mama ko sa tuwing may lagnat ako kaya sigurado akong effective din 'to sa 'yo." Saad ko sabay lapat ng bimpo sa noo nito.
"Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ko rito.
"Medyo, ewan ko ba bakit ako biglang nilagnat. Kanina pa lang sa office napapansin ko ng medyo masama talaga ang pakiramdam ko. Akala ko mawawala rin agad pero heto at nilagnat na talaga ako." Paliwanag nito.
"Huwag ka na lang muna pumasok bukas, magpahinga ka na lang." Saad ko at mayamaya pa ay hinilot ang sentido nito.
"Ang suwerte ng magiging boyfriend mo 'no? Sobrang maalaga mo tapos sobrang bait pa." Saad nito.
"Boyfriend? Wala pa naman 'yan sa isip ko e, sigurado rin ako na 'di na ako magkakaroon." Sagot ko naman.
"I don't think so Sel, maganda ka tapos mabait kaya sigurado akong may magkakagusto sa 'yo." Saad naman nito.
"Ikaw rin kaya, hindi madamot tsaka family oriented pa. Mababait ang magulang, kaya sigurado akong masuwerte rin ang magiging girlfriend mo."
"Masuwerte ka pala…" mahinang saad nito kaya napalunok ako ng sarili kong laway.
"A-Ano iyon?" nauutal na tanong ko.
"Wala, thank you sabi ko." Sagot nito sabay ngumiti.
Tinititigan ko lang ang mukha nito habang nakapikit ito, hindi ko maiwasang matuwa dahil napagsilbihan ko siya sa ganitong paraan.
"Nakakatakot, bumabalik na naman iyong nararamdaman ko para sa 'yo." Mahinang saad ko sabay haplos sa mukha nito.
Hindi na ako nagabala pang gisingin si Kiel dahil mahimbing na ang tulog nito, sumandal na lang ako sa pader habang siya naman ay nakahiga pa rin habang unan ang aking hita.
"Good night, sana gumaling ka na bukas." Saad ko at pinikit na rin ang aking mata.
Pagod na rin kasi ako dahil sa site visit namin kanina kaya mabilis lang akong naka-idlip. Naalimpungatan ako nang maramdamang parang may mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan. Muntik ko pang matulak si Kiel nang makitang nasa tabi ko na ito, mahimbing na natutulog habang nakapulupot ang braso nito sa akin.
Patay na iyong ilaw at pareho kaming dalawa na nasa ilalim ng kumot, wala akong maalala na humiga ako sa tabi nito. Dahan-dahan kong kinapa ang noo nito at nakaramdam ng tuwa nang hindi na ito ganoon ka init. Doon ko lang din napansin na braso pala nito ang aking unan, namilog ang aking mata sabay siniksik ang aking mukha sa may dibdib nito.
"Bakit ganito iyong nararamdaman ko? Wala na, hulog na talaga ako." Saad ng aking isip.
Kinaumagahan, nagising na lang ako nang maramdamang may tumatapik sa akin.
"Good morning, pasensya na kung maaga kitang ginising ha? Magpapaalam na kasi ako, uuwi na ako Selea. Pasensya na ulit dahil sa akin napuyat ka at napagod." Saad nito.
Bumangon naman ako sabay umayos ng upo habang inaayos ang aking buhok.
"Kaya mo na ba? Ingat ka, walang ano man Kiel. It was my pleasure to help you," saad ko sabay nginitian ito.
"May in-order na akong food for your breakfast, hindi ako sure kung papasok ako mamaya pero susubukan ko. Kumain ka okay? Pa-thank you ko iyan sa kabutihan mo." Saad nito sabay gulo sa aking buhok.
"Sana hindi ka na nagabala, huwag mo pilitin kung 'di mo pa kaya okay? Ingat ka, tara hatid na kita sa labas." Saad ko sabay tatayo na sana nang pigilan niya ako.
"Huwag na, magpahinga ka na lang ulit. Mag-alarm ka na lang para magising ka mamaya kasi maaga pa rin naman e, salamat ulit Selea." Saad nito sabay sinukbit na ang bag nito.
"Okay, pa-lock na lang iyong pinto. Ingat ka ha? Please update me kapag nakarating ka na." Bilin ko rito.
"Sure, alis na ako. Salamat ulit!" saad nito sabay nginitian ako at tuluyan ng umalis.
Muli kong binagsak ang aking katawan sa kama habang nakatitig sa kisame
"First time kong makatulog na may katabing lalaki at si Kiel pa talaga, considered ko na lang kasi may sakit siya e." Saad ko sa aking sarili sabay muling pumikit.
"Kiel, please don't give me false hope." Mahinang saad ko sabay muling pumikit.