Kabanata 7

1924 Words
"Thank you," saad ko nang makarating na kami sa labas ng tinitirhan ko. "My pleasure, gusto ko rin makauwi ka ng safe kaya sana hayaan mo akong ihatid ka lagi tuwing uwian." Saad nito. "Okay lang ba 'yon sa 'yo? Ayaw ko namang mapagod ka dahil sa akin kasi kailangan mo pa maglakad para lang mahatid ako." "Don't worry, hindi naman 'yon problema sa akin. Selea sorry nga pala ha? Pasensya na kung nakikita mong ang rude ng treatment ko sa amo mo. Sinusubukan ko namang iwasan e, kaya lang lagi talaga nagtatagpo ang mga landas namin." Saad nito. "Naiintindihan ko naman, naiipit lang ako minsan kapag nagsasagutan kayo. Hindi ko alam kung anong rason bakit mainit ang dugo niyo sa isa't isa pero sana isang araw magkaroon kayo ng reconciliation." Saad ko sabay nginitian ito ng bahagya. "I don't know, let's just see. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng sorry kung naiipit ka sa pagitan namin ni Mackent." Saad nito sa akin. "Hayaan mo na lang, sige pasok na ako. Ingat ka, salamat ulit." Saad ko at kinawayan na ito. Nginitian lang ako nito sabay tumango, nang makaalis na siya ay pumasok na rin ako. Hindi na ako nag-abala pang initin ang pagkain na binigay sa akin ni Andrei. Sobrang init ng nararamdaman ko ngayon kaya naisipan no na lang na maligo muna bago kumain. "Hi Sel, how was the food?" Itong message na 'to agad ant bumungad sa akin matapos ko i-check ang aking phone pagkatapos ko maligo. Dali-dali ko namang tinikman 'yong pagkain at nag-reply sa kan'ya. "Helo Andrei, it's good! Thank you ulit." Nagpatuloy na ako sa pagkain nang mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone. "What are you doing? Labas ka muna." Napakunot naman ang aking noo nang mabasa ang message ni Kiel. Wala akong ideya kung anong meron pero lumabas na ako at nakitang nandoon siya, nakatalikod ito habang naka-harap sa daan. "Kiel," saad ko nang makalabas. Namilog naman ang aking mata nang bigla niya akong hilahin sabay niyakap. "Ayaw ko muna umuwi, puwede ba muna akong mag-stay kahit saglit?" mahinang saad nito habang yakap-yakap ako. Bahagya ko naman itong tinulak nang maramdamang lumakas ang kabog ng dibdib ko, ayaw kong marinig niya 'yon. "Sorry," saad nito. "Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ko. "Oo, may mga alaala lang kasi na bumalik kaya parang pakiramdam ko down na naman ako ngayon." Paliwanag nito. "Tungkol ba 'to kay engineer? Sorry Kiel, dahil sa akin nararamdaman mo 'yan ngayon. Sana hindi na lang ako nag-tanong." Paghingi ko ng pasensya rito. "Hey don't blame yourself, pasensya na kung ikaw pinuntahan ko ha? Bukod kasi sa malapit ka e dito ako dinala ng paa ko." Paliwanag nito. "Gusto mo bang pumasok? Kumain ka na ba?" tanong ko. "Okay lang ba? Don't worry, hindi ako masamang tao. Hindi, uminom lang ako ng kape kasi busog din ako e." Saad nito. "Busog? Hindi, tara sa loob." Saad ko at nauna na maglakad. Okay lang naman ang mga bisita doon e, basta lang huwag mag-ingay para 'di makadisturbo sa ibang boarders. "Heto nga pala 'yong room ko, pasensya na kung maliit at 'di maganda ha?" saad ko nang makapasok na kami. "Okay lang, hindi naman ako maarte." Saad nito at umupo na. "Kumakain ka pala? Pasensya na sa disturbo." Saad nito sa akin. "Kakasimula ko lang din, halika saluhan mo na ako. Share na tayp dito, marami din kasi 'to." Saad ko at kumuha ng extrang plato para kay Kiel. "Hindi iyan madumi ha," paninigurado ko rito. "Selea kahit huwag na, nakakahiya naman at tsaka okay lang ako." Tanggi pa nito. "I insist po, ayaw ko kumain na ako lang knowing na may kasama ako." Saad ko rito Pagkatapos kong hatiin ang pagkain ay inabot ko na ito sa kan'ya, "Ikaw talaga." Saad nito at nagsimula na rin kumain. Pareho naman kaming natigilan nang tumunog muli ang cellphone ko at lumitaw ang pangalan ni Andrei. I already saved his number earlier. Napalingon naman ako sa gawi ni Kiel at nakitang nakatingin ito sa screen ng phone ko. "Can I invited you for a dinner? Pupunta akong city this week or next week, basta update kita. Okay lang ba?" laman ng message nito. "Ano daw sabi? tanong nito habang kumakain. "Nag-aaya ng dinner, gusto mo na sumabay?" tanong ko rito. "Wow! Si Andrei talaga 'yan?" natatawang saad nito. "Oo, bakit?" tanong ko rito. "Wala, sige sasama ako pero don't tell him yet okay? Surprise natin siya," saad nito sabay ngumisi. "Sige! Para rin makapag-bonding tayong tatlo." Saad ko sabay nginitian ito. "Sure, update mo lang ako. Ingat!" reply ko rito. "You know what? Kahit ilang araw pa lang tayo nagka-kausap, ang gaan na ng loob ko sa 'yo. Having a girl friend is not new to me, it's just that I am wondering why I become so comfortable with you that easily." Biglang saad nito. "Maybe because we know each other before? I mean hindi tayo nag-uusap pero nagkikita minsan dahil sa family gatherings." Sagot ko naman. "Maybe, yeah you have a point." Pagsang-ayon nito. "Okay ka na ba? Nagalala talaga ako kanina, you look so down." Pag-iiba ko ng usapan. "Yeah I do, siguro kailangan ko lang talaga ng kausap." Saad nito sabay nginitian ako. Who would thought na dadating pala 'tong araw na 'to? Kiel and I in one room, talking about life and random things. Habang tinitignan ko ito, unti-unting bumabalik sa akin ang nararamdaman ko sa kan'ya noon. Napangiti ako ng mapakla sabay nag-iwas ng tingin. "Hindi puwede," saad ng isip ko. "Selea nakikinig ka ba?" saad ni Kiel kaya napa-iling ako at tinignan ito. "H-Huh? Sorry, hindi ko narinig." Saad ko habang nakatingin sa kan'ya. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo, okay ka lang ba?" tanong nito. "Oo naman, pasensya na may pumasok lang talaga sa isip ko." Saad ko. "Okay, as what I am saying earlier… Pupunta si Andrei dito next week, I guess sa akin siya matutulog ng isang linggo. Kapag nandito si Andrei I am sure gagala at gagala iyon. Gusto mo ba sumabay?" Alok nito sa akin. "Ano gagawin niya? Tignan ko lang Kiel, nagtitipid kasi ako e. Pasensya na ha," saad ko rito. "Bawal tumanggi, siya naman gagasto sa lahat e. I am sure mama will be happy kapag nalaman niyang sumasabay ka na sa amin, sigurado din ako na i-imbitahin ka ni Andrei kaya ako na nauna magsabi." Saad naman nito. "Ikaw talaga, tignan ko lang talaga. I won't promise but i'll try." Saad ko sabay nginitian ito. "Sige, Selea mauna na pala ako. I know it's getting late, magpahinga ka na." Paalam nito at tumayo na, sinukbit na nito sa balikat niya ang kan'yang dalang bag. "Ikaw din, ingat ka sa daan." Saad ko at hinatid na ito sa labas. "Sila mag-ingat sa akin," biro pa nito kaya napailing na lang ako habang nakangiti. "Take care, good night." Mahinang saad nito at tumalikod na. "Good night," mahinang sagot ko at pumasok na. Parang kanina lang iniiyakan ko si Kiel pero ngayon todo alaga at sobrang concern ko pa sa kan'ya. "Sasaktan mo lang talaga sarili mo, Selea." Saad ko sa aking sarili sabay sinampal ng mahina ang aking mukha. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kinabukasan hindi pa man ako nakakapasok ay may humila na sa akin ng bahagya, paglingon ko naman ay nakita ko si Engineer. "Good morning Engineer, kayo po pala." Bati ko rito. "Morning, I forgot to inform you last night that we will be having a site visit today so we will be having a field day today." "Ganoon po ba? Sige po," sagot ko naman dito. "Tara na?" aya niyo. Nasamid na lang ako sa sarili kong laway ng marinig 'yon, may thirty minutes pa kasi bago magsimula iyong office hours pero aalis na kami. "May gagawin ka pa ba? I know we still have time, pero wala pa kasi akong breakfast. Isasama sana kita para 'di na ako bumalik pa dito diretso na mamaya pagkatapos." Paliwanag nito nang mapansing 'di ako sumagot. Nginitian ko naman ito sabay tango, "Okay lang po." Sagot ko naman at sumunod na dito. Nagulat naman ako nang dumiretso ito sa driver's seat, so wala pala kaming kasamang driver. Nilingon ko muna ang backseat bago binuksan ang pinto sa harapan. Gustuhin ko mang umupo sa likuran ay 'di puwede, ayaw kong mag-mukhang driver si Engineer kapag ganoon. Ika nga— proper etiquette. Pumarada na sa harap ng coffee shop si Engineer, bumaba na rin ako at hinintay itong makababa. Sobrang gentleman nito dahil pinagbuksan niya pa ako ng pintuan papasok sa shop. "Pili ka na," saad nito. Umiling naman ako, "Naku hindi na po tsaka tapos na po ako kumain e." Tanggi ko. "Ganoon ba? Kahit kape na lang, my treat." Saad ulit nito. "Sige na, don't be shy." Nakangiti nitong saad sa akin. "Nakakahiya naman po, pero ice cappuccino na lang po." Sagot ko naman dito. "Noted, hanap ka na ng upuan natin susunod ako." Saad nito sa akin. "Tulungan ko po kayo sa pagdadala," alok ko rito. "I can manage, no worries." Paninigurado naman nito. Sumunod na lang ako sa sinabi nito, nang makaupo na ay tinignan ko muna iyong cellphone ko. Nagulat ako nang makita ang message ni Thea. "Saan ka na? Lalamig na 'yong kape mo rito." Dali-dali ko naman itong ni-reply-an, "Seryoso ba? Tey, sa 'yo na lang 'yan para 'di masayang. Field kasi kami ngayon e, nakalimutan ni Engineer mag-inform last day." Reply ko rito. "Nakakahiya mars kung ganoon! Si Engineer Kiel naghatid at naglagay dito sa mesa mo." "Oks lang 'yan, ako na bahala doon." Reply ko at umupo na ng maayos nang mapansing papalapit na si Engineer. "You okay?" tanong nito. Tumango naman ako, "Yes po." "I see, by the way here's your coffee." Saad nito at nilapag ang kape ko. "Thank you po ulit," saad ko rito. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Masanay ka na kasi mas marami pang pagkakataon na maka-kasabay mo ako sa pagkain." Nakangiti naman nitong sagot. Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone, nag-excuse muna ako rito nang makitang si Kiel ito "Kiel," sagot ko rito. "Hi! Did you see your coffee? That's cappuccino, our favorite. My way of thanking you for last night," saad nito kaya napahimas na lang ako sa aking batok. "Thank you Kiel! A-Ano kasi mags-site visit kami ngayon, kanina lang ako nasabihan ni Engineer kasi nakalimutan niya raw kahapon. Hindi na ako naka-akyat kasi sakto pagdating ko kanina sinalubong na ako agad ni Engineer sa entrance. Kiel hindi ko nakuha pero okay lang ba na binigay ko kay Thea? Sayang din kasi kung walang iinom noon." Paliwanag ko rito. "Nakalimutan? Baka nga sinadya e," sagot ni Kiel rito. Rinig ko ang buntong-hininga nito. "Baka pagod lang kahapon o kaya madami ginawa kaya nakalimot," sagot ko naman. "I don't believe, sinadya niya 'yon Selea. He was me earlier, galing ako sa coffee shop and dalawang kape ang dala ko. Sinadya niya 'yon para 'di mo makuha 'yong binigay ko para sa 'yo." Natigilan naman ako sabay lumingon sa kinau-upuan namin. "Kalma Kiel, ang aga pa para uminit ang ulo. Hayaan mo na lang, thank you ulit tsaka pasensya na." Saad ko naman dito. "That guy, sige ingat ka." Saad nito at binana na ang tawag. "Is everything alright?" tanong nito nang makabalik na ako. Nilingon ko naman ito, ano kaya ang problema ng dalawang 'to? Baki parang lagi silang nasa competition dalawa? Nagpap-pataasan, nagla-lamangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD