Kabanata 6

1335 Words
Kinabukasan nagising ako sa tunong ng aking alarm, umagang-umaga ay nakangiti na ako nang maalala ang nangyari kagabi. Ayaw ko namang mag-expect, alam ko ginagawa lang 'yon ni Kiel upang sundin ang bilin ng Mama niya. Humarap ako sa salamin habang nakatitig sa sarili ko. "Huwag kang mahuhulog sa kan'ya, oo alam ko isa 'to sa mga pangarap mo noon pero ayaw kong masaktan ka ulit. Tama na iyong ilang taom ko siyang mimahal at hinangaan mula sa malayo. Pigilan mo 'yong nararamdaman mo kasi alam mo na pagiging magkaibigan lang ang mabibigay niya sa 'yo." Seryosong saad ko sa aking sarili sabay nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pagkatapos ko magmuni-muni saglit ay naghanda na ako para sa pagpasok ko. Dahil tamad akong maglugo, cup noodles ulit kinain ko at dadaan na lang ng puwede i-snack mamaya. Maaga pa akong natapos kaya nag-check muna ako ng cellphone ko, nagulat ako nang mag-notify sa akin na in-add ako ni Kiel sa social media account ko. "This can't be happening," mahinang turan ko sabay napa-hawak sa bibig ko sa gulat. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko, magka-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. "Ilang taon ko 'to hinintay noon, tapos ngayon nangyayari na lahat. Ang unfair naman, nakapag-move on na ako pero bakit ngayon pa?" humihikbing saad ko. Hindi ko lang maiwasang malungkot habang naaalala ang mga nangyari sa akin noon dahil sobra kong gusto si Kiel. Nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ang request niya, mas lalong bumilis ang kabog nang dibdib ko nang makita ang my day nito. Nag-picture pala siya kagabi habang nasa coffee shop kami, kinunan niya ng litrato ang kape at cake na nasa mesa. "Kiel naman e," saad ko sabay pinunasan ang luha ko. "Nakapag-move on na ako sa 'yo e," saad ko sabay humagulgol. Ewan ko pero natatawa na lang ako sa mga ginagawa ko ngayon. Inayos ko na lang ulit iyong sarili ko at napahilamos sa sarili kong kamay nang makitang mugto ang mata ko. "Hindi naman siguro 'to nila mapapansin," saad ko sabay pinikit-pikit ang aking mata. Muli, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at naglakad na papunta sa office. "Good morning po," bati ko sa guard namin sa opisina. "Good morning po, Ma'am!" sagot naman nito. Dumiretso na ako sa department namin at nakitang nandoon na pala si Thea. "Good morning Tey," bati ko rito. "Good morning, kape ka na." Saad nito sabay nginitian ako. "Sige salamat," sagot ko sabay umupo na. "Tey 'yong kape mo," saad ko sabay inabot sa kan'ya ang kapeng nasa mesa ko. "Huh? Hindi naman sa akin 'yan e, sa 'yo iyan! May note pa nga oh," saad nito sabay ngumuso. Kinuha ko naman iyong sticky note na nasa mesa ko. "Morning, have a cup of coffee before starting your day. I bought a cheap one, baka kasi sabihan mo na naman akong mayaman. Enjoy!" -K. "Eh! Si Kiel ba 'to?" mahinang saad ko, namilog ang aking mata nang maalala ang sinabi ko kagabi. I knew it, it's him! Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para i-message siya. "Hey! Thank you sa kape, nag-abala ka pa." "Wow, sana lahat may nagbibigay ng kape 'no?" saad ni Thea sabay tingin sa akin ng nakakaloka. "Ikaw talaga, galing 'to sa kaibigan ko." Saad ko at sumimsim na sa kape. Pakiramdam ko ay kakalagay lang noon sa mesa ko kasi mainit pa. "Sus, saan ba nagsisimula ang mga lovers 'di ba?" asar pa nito pero sinamaan ko na lang ng tingin. I checked my phone pero hindi ito nag-reply kaya 'di ko na lang din iyon inisip. Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone, nakita kong si Enge. Quirez 'yon kaya dali-dali ko itong binasa. "Morning, akyat ka dito I need some help. Ty!" Pagkabasa ko noon ay nagpaalam na ako kay Thea, kinuha ko ulit 'yong bag ko at tumungo na sa department ng mga engineer. "Good morning po," bati ko sa receptionist nila. "Morning, pasok ka." Saad nito sa akin. Naglakad na ako diretso papunta sa mesa ni Engr., nakita ko namang nandoon sa kabilang mesa malapit kay Engr. si Kiel nakatayo at kausap ang isa pang engineer. "Good morning po," bati ko kay Engr. "Hi, have a seat. May mga ipapa-note ako sa 'yo, please check my email nandiyan lahat ng schedule ko this week. Paki-tignan na lang para ma-remind mo ako sa mga meeting ko," saad nito sabay inabot sa aking ang laptop niya. "Okay po, noted!" sagot ko at isa-isa ng chineck ang emails niya. "Selea okay ka lang? Umiyak ka ba?" Natigilan naman ako sa ginagawa ko sabay lumingon kay Engir., umiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin at saktong nakita kong nakatingin pala sa amin si Kiel. "O-Okay lang naman po, napuwing lang ako kanina." Pagrarason ko rito. "You sure?" paninigurado nito. "Yes po," sagot ko sabay nginitian ito ng bahagya at nag-focus na sa trabaho ko. Pagkatapos ko sa scheduling ay sa filling na ako, pinagawa niya rin 'yon sa akin para daw maging pamilyar ako sa mga files namin. Minsan lang kami nagkaka-usap kapag may mga tanong lang ako o siya sa akin. Naging mabilis ang takbo ng oras dahil pareho kaming naging abala. Malapit na lunch nang lumapit sa akin ang receptionist nila. "Excuse mw, tumawag si Ms. Thea, may naghahanap daw sa 'yo sa baba." Saad nito. "Huh? Wala naman akong ina-asahan na may pupunta sa akin ngayon e," sagot ko rito. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko, may text galing sa unknown number. "Hey Selea! This is Andrei this is the reason why I asked Kiel for your number last night, nasa baba na raw 'yong order ko para sa 'yo. I bought a lunch and dinner for you para 'di ka na magluto mamaya. I hope we can be friend. Ingat!" Napanganga na lang ako sa aking nabasa, "Totoo ba 'to?" mahinang saad ko. Nagpasalamat ako sa receptionist at nagpaalam muna kay Engr. na pupuntahan ko muna 'yon. Tinawagan ko si Andrei at sinagot niya rin agad. "Hi! Nakuha mo na?" tanong agad nito. "Pababa pa lang ako, hindi mo naman kailangan gawin 'to e pero salamat. Ikaw talaga, ako na lang magbabyad nito." Saad ko rito. "Nope, wala ka ng babayaran and it's okay. I really wanna be friends with you." Sagot naman nito. "Nakakahiya, oo naman we can be friends pero huwag mo na 'to ulitin ha? Salamat ulit." Saad ko rito. "Thank you, no worries and it's my pleasure to treat you." Saad naman nito. "Sige, ibababa ko na ha? Nandito na ako e, salamat ulit." Saad ko at pinatay na ang tawag. Dalawang box nga talaga ang nandoon, nagpasalamat akonsa delivery guy at umakyat na ulit. "Ibigay ko na lang kay Kiel 'tong isa," saad ko sa aking sarili. Nang maka-akyat na ako ay pumunt ako sa mesa ni Kiel. "Hi, busy ka? Excuse lang saglit, may sasabihin ako." Tawag ko sa atensyon nito. "Malapit na lunch kaya 'di na gaano, bakit?" tanong nito. "May lunch ka na ba? Nagpa-deliver kasi si Andrei ng food para sa akin, for lunch and dinner daw pero you can have this one para sa lunch mo." Saad ko at inabot sa kan'ya ang isang box. "Sigurado ka? Baka sa akin pa magalit si Andrei kapag nalaman niyang binigay mo sa akin 'yong isa," biro pa nito sabay tinanggap ito. "Hindi naman siguro tsaka sayang kasi e, sige mauna na ako." Saad ko at aalis na sana nang maalala ang kape kanina. "Thank you nga pala sa kape," dagdag ko at tuluyan ng umalis. Bumalik na ako sa mesa ni Engr. Quirez at tinabi muna ang dala kong pagkain. "Bumili ka ng pagkain?" tanong nito. "Binigay lang po sa akin," sagot ko naman. "I see, nag-order din kasi ako ng food for us." Saad nito sabay tingin sa akin. "Hala may pagkain na po ako e," nahihiyang sagot ko. "Hayaan mo na, the more the merrier nga 'di ba?" saad nito sabay nginitian ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD