Kabanata 5

2689 Words
Pinagbuksan ako ni Tita ng pinto ng sasakyan nila, nginitian ko naman ang kapatid ni Kiel na si Andrei na nasa loob pala at binati ko naman si Tito. Tumabi na ako kay Andrei at namilog naman ang aking mata nang pumasok na rin si Kiel sabay umupo sa tabi ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napa-hawak na lang sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. "Okay ka lang?" tanong ni Andrei sa akin. "A-Ah o-oo okay lang," na-uutal na sagot ko. "Saan tayo kakain, Ma?" tanong ni Kiel kay Tita. "May bago akong na-discover na kainan, doon tayo kakain ngayon." Sagot naman nito. Tahimik lang ako sa buong biyahe, bukod kasi sa katabi ko si Kiel ay nahihiya talaga ako lalo na at ako lang ang hindi miyembro ng pamilya. Kapag naman tinatanong ako ay sumasagot lang din ako. "Hey, you're so tensed! Kalma ka lang, 'di ka naman namin kakainin e. Gan'yan lang talag si Mama sa mga kakilala niya tsaka sakto pa na pamangkin ka ng kaibigan ni Mama kaya sinama ka niya." Saad ni Andrei nang mapansin na sobrang tahimik ko at 'di mapakali. Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga sabay ngumiti ng bahagya, "Oo thank you." Saad ko at umayos na ng upo. Nakarating na kami sa kakainan namin, steak house 'yon at unli. Sobrang tuwa naman ni Andrei nang makita 'yon dahil paborito niya raw ang steak. Parehong medium rare ang mga gusto namin, habang naghihintay ay 'di talaga maiwasang mag-usap. "Selea, may boyfriend ka ba ngayon?" biglang tanong ni Tita kaya nasamid ako sa sarili kong laway. Umiling ako sabay ngumiti, "Wala po Tita." Sagot ko. "Nice! Single din 'tong dalawa kong lalaki," biro nito. "Ma!" sabay na saway ni Kiel at Andrei kay Tita. "Nakakahiya ka ma," saad naman ni Andrei. "Joke lang, baka lang naman 'di ba? Tsaka hindi naman iba si Selea sa akin e, mas gusto ko na kapag may naging girlfriend kayo e kilala ko." Dagdag pa ni Tita. Mayamaya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone, napakunot naman ang aking noo nang makita kung sino ang tumatawag. "Excuse me po, sasagutin ko lang." Paalam ko sabay tinalikuran muna sila at mahinang sinagot ang tawag. "Good evening Engr. Quirez, napatawag po kayo?" tanong ko rito. Tumayo ako at dumistansya muna sa kanila ng kaunti. "I just wanna ask kung nakauwi ka na, kasi kung 'di pa papasabay sana ako mag-dinner to know you more." Saad nito sa kabilang linya kaya napa-awang ang aking bibig. "N-Nakauwi na po ako e, tsaka kakain na po ako." Sagot ko naman dito. "I see, maybe next time." Saad nito. "Sige po, pasensya na po." "It's okay." Saad nito at binaba na ang tawag. "Tumawag sa 'yo si Engr. Quirez? Iyong lalaking 'yon talaga, kahit 'di na office hours." Biglang saad ni Kiel habang nakatingin sa akin. Tumango ako, sabay ngiti ng bahagya at nagdadalawang isip kung sasabihin bakit siya tumawag. "Tungkol ba sa trabaho tinawag niya?" dagdag na tanong nito kaya tumikhim ako bago sumagot. "Oo? Nag-aaya ng dinner para daw mas makilala niya ako." "Naku, mag-ingat ka sa lalaking 'yon. Hindi sa tinatakot kita pero matinik sa babae 'yon." Saas nito sabay uminom ng tubig. "Thanks, noted 'yan!" nakangiti ko na lang sagot at iniiwasang maging awkward sa kan'ya. Naramdaman kong umiinit ang aking pisngi, hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa ni Kiel. Nagpaalam na muna ako sa kanilang pupunta muna ako sa comfort room, nakakahiya kasi kapag nakita nila akong ganito. Nang makarating ay agad akong humarap sa malaking salamin, napahilamos na lang ako sa sarili kong palad nang makitang namumula nga ako. "Selea! Nagiging marupok ka na naman, nakalimutan mo na si Kiel 'di ba?" saad ng isip ko. "Kasi naman e, bakit tsaka paano? Hindi ko talaga 'to in-expect na isang araw makakasabay ko sila sa pagkain ng kami lang." "Okay! Hindi dapat ako makakaramdam ng kilig, hindi dapat ako mahuhulog ulit kay Kiel. Kahit pa mabait sa akin si Tita, dapat hindi bumalik 'yong nararamdaman ko noon para sa kan'ya." Saad ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Nang maramdman kong okay na ako ay bumalik na ako sa mesa namin, sakto namang nandoon na ang order namin kaya umupo na ako. "Kain ka na Selea, huwag kang mahihiya." Anas ni Tito. "Opo, salamat po." Sagot ko at nag-umpisa na ring kumain. Kaunting usapan, kamustahan ang naganap habang kumakain kami. Halos isang oras din kaming nanatili doon, hinintay lang din namin na tumila ang ulan. Hindi ko maiwasang mamula habang naalala ang mga sinabi sa akin ni Tita kanina. "Selea pamilyar ka na ba sa lugar na 'to tsaka mga pasikot-sikot?" tanong ni Tita. "Sa totoo lang po Tita kinakabisado ko pa po, hindi pa ako ganoon ka pamilyar kaya po tumanggi ako kanina na sumama kasi 'di ko alam paano uuwi." Nahihiya man ay sinabi ko ang totoo. "Ganoon ba? Huwag ka magalala, I'll make sure na Kiel will help you about that. Dito rin kasi sa city nag-aral si Kiel kaya sigurado ako na pamilyar na sa kan'ya ang mga lugar dito. He will help you, right Kiel?" saad ni Tita sabay hinawakan ang braso ni Kiel. "Naku Tita ayaw ko pong ma-abala si Kiel, may google map naman po kaya puwede na 'yon." Nahihiyang tanggi ko. "Okay lang, ililibot tsaka ipapasyal kita rito para naman 'di ka mawala at maging pamilyar ka rito." Sang-ayon ni Kiel na kinagulat ko. "See? Tsaka saan ka ba nakatira ngayon, you can be with Kiel para masigurado nating safe ka. Close kami ng parents mo Selea kaya ayaw ko na may mangyari sa 'yo knowing na Kiel is here, so I know you are safe with him." Saad ulit nito, napa-inom na lang ako ng tubig sa sinabi nito. "M-Malapit lang naman po 'yong dorm na inupahan ko sa office po, ah walking distance lang po kaya okay lang po ako doon." Paliwanag ko rito. "Sigurado ka ha? Don't hesitate to tell me or approach Kiel in case na may kailangan ka." Bilin nito. Hindi ko maiwasang humanga sa ugali ni Tita, sobrang bait nito at maalaga pa. "Yes po, maraming salamat po." Saad ko rito. "Here, ilagay mo number mo diyan para ma-save ko and akin na 'yong phone mo kasi ilalagay ko rin number ko." Saad ni Kiel sabay inabot sa akin ang cellphone niya. Nagdadalawang isip man ay nagpalit kami ng cellphone para malagay ang number ng isa't isa. Pakiramdam no ay nananaginip lang ako kaya bahagya kong kinurot any aking braso, "Ouch." Mahinang saad ko nang maramdaman iyon. "Totoo ngang nangyayari lahat ng 'to," saad ng aking isip. "Saved!" saad ni Kiel sabay nginitian ako, "Huwag ka magdalawang isip na i-text o tawagan ako kapag may kailangan ka ha?" Saad nito. "Saved too, oo salamat!" Saad ko at nginitian rin ito. "Selea, hatid ka na namin." Saad ni Tita nang makalabas na kami. "Naku nakakahiya naman po, nilibre niyo na nga ako ng pagkain tapos ngayon ihahatid niyo pa ako." Tanggi ko rito. "I insist, ihahatid ka namin kasi 'di ka pa pamilyar dito tsaka baka mawala ka pa." Saad ni Tita. Wala na akong nagawa, wala rin akong laban sa kan'ya kung magpumilit pa ako. Doon na lang ulit ako sa office magpa-pahatid, walking distance na lang din naman papunta sa dorm ko kaya okay na 'yon. "Tita, Tito thank you so much sa dinner babawi po ako next time tsaka salamat po sa paghatid." Nakangiti kong saad sa kanila. "Ma dito na rin ako bababa," saad naman ni Kiel. "Welcome iha, tsaka huwag mo na isipin 'yon. Sana next time kapag bibisitahin namin ulit si Kiel sumama ka ulit ha?" saad nito. Nagdadalawang isip man ay tumango na lang ako. "Kiel, ihatid mo na si Selea. Update me kapag nakauwi na kayo ha? Ingat kayo." "Hala Tita kahit huwag na po," nahihiya na talagang saad ko. "Okay lang," sambit naman ni Kiel. "S-Sige po, ingat po kayo. Bye po," paalam ko at kinawayan na rin si Andrei. Hinintay na muna naming makaalis sila Tita at kami na lang ni Kiel naiwan. "Mauna na ako," paalam ko kay Kiel at tatalikod na sana nang hawakan niya ang braso ko. "Sabi ko kay Mama ihahatid kita so bakit sabi mo mauna ka na?" tanong nito habang nakatitig sa akin. "Ah sabi mo nga, tara na!" saad ko at nauna ng maglakad. "Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng binilin ni Tita e, lalo na kapag 'di ka kumportable o ayaw mo." "Narinig mo bang my sinabi ako? Isa pa, hindi ako nagrereklamo at wala akong sinabi na ayaw ko." Diretsong sagot nito. "Kung ayaw mo naman pala edi sana hindi ka oo nang oo kay Mama, concern lang talaga 'yon sa mga kakilala niya lalo na ikaw." Dagdag pa nito. "Okay fine, sorry na." Saad ko didiretso na sana nang hawakam niya ulit ang braso ko sabay hinila habang naglalakad. "Hoy! Saan mo ako dadalhin?" tanong ko nang nag-iba ang daan namin. "Gusto kapag umuwi na ako, matutulog na lang ako. Wala na rin akong ibang gagawin kaya samahan mo na lang ako mag-kape, my treat." Paliwanag nito at tumigil sa harap ng coffee shop. Hindi pa man ako nakakasagot ay binitiwan niya na ako sabay sumenyas na sumunod daw ako sa loob. Napakamot na lang ako sa sarili kong batok, parang noon lang mga laman 'to ng imagination ko pero nangyayari na. Gusto ko umalis pero ayaw maki-ayon ng katawan at isip ko. "Bakit ngayon pa 'to nangyayari?" mahinang saad ko. "Ano, hindi ka ba papasok?" Bumalik ako sa aking sarili nang marinig ang boses ni Kiel. "A-Ah papasok na," sagot ko at sumunod na dito. Habang nasa pila kami ay may mga naririnig akong nag-uusap sa likuran namin, sa palagay ko ay mga estudyante pa ang mga ito. "Grabe ang tangkad niya 'no?" saad ng isang babae. "Oo nga tsaka ang pogi pa! Suwerte ko kung gan'yan magiging boyfriend ko sa future." Saad naman noong kasama niya. Pasimple akong humarap sa may puwesto ni Kiel at nakita sa gilid ng aking mata na si Kiel ang pinag-uusapan nila. "Pili ka na, ako na bahala." Saad nito nang magtama ang aming mata. "Anything basta iced coffee, ikaw na bahala. Nakakahiya pumili e, promise okay lang kahit ano." Sagot ko naman. Tumango naman ito at kinausap na ang crew, "Two large macchiato and two sliced of blueberry cheesecake please." Tinignan ko naman ito nang marinig na nag-order din siya ng cake, pero wrong move— kinindatan niya ako kaya naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. "Hanap ka na ng seat, susunod ako." Saad nito at tinanguan na lang ito. Mabuti na lang para hindi niya mapansing namumula ako. "Ang suwerte niya naman," rinig kong saad ng babae nang tumalikod na ako. "Kung alam niyo lang! Hindi ko 'yan boyfriend," saad ko sa aking isipan. Sa may sulok ko naisipang umupo, malayo sa pinto at 'di kita sa labas. Mayamaya pa ay dumating na si Kiel, naka-kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. "Bakit nandiyan ka? Maraming bakante doon oh," saad nito sabay turo sa mesang tanaw mula sa labas. "Baka kasi may makakita sa atin na katrabaho natin, baka ano pa isipin." Sagot ko. "Para ka namang tanga e, matakot ka kung pareho tayong may asawa tapos nakita tayong sabay na nasa labas." Saad nito. "Tara, lipat tayo doon." Saad nito at nauna ng maglakad. "Kiel ang sarap mo kurutin ng nail cutter!" sigaw ng isip ko at sumunod na sa kan'ya. Nang makaupo na kami ay sakto ring dumating na ang order namin. "Thank you," biglang saad ni Kiel. "Eh? Ako nga dapat mag-pasalamat sa 'yo e," saad ko rito. "Nah, ako naman nag-aya e. Oo nga pala, kamusta trabaho mo?" tanong nito habang kinakain ang order niya. "Okay lang naman medyo ina-aral ko pa 'yong function ko, kinakabahan din at the same time kasi engineer maka-katrabaho ko." Saad ko sabay sipsip ng kape ko. "May problema ka sa engineer?" natatawang tanong nito. "Wala, ano… Basta ewan ko ba." Nahihiyang sagot ko rito. "Masasanay ka rin, mababait naman 'yong mga tao sa office e. Sa department namin, expect lang talaga na maraming mapang-asar kasi halos mga lalaki e." Saad nito. "Oo, si ani Engr. Quirez— mabait ba 'yon?" tanong ko rito. "Oo naman, matinik lang talaga sa mga babae. Maraming nagiging girlfriend 'yan, kadalasan 'yong mga secretary niya." Dagdag pa nito. Nasamid tuloy ako sa huling sinabi nito, tinignan ko ng masama ito pero tumawa lang ito. "Just kidding, pero totoo talaga iyong una kong sinabi." Saad nito at uminom na ng kape niya. "Oo nga pala, pasensya na talaga kanina kung 'di kita nakilala agad ha? Dami ko kasi iniisip tsaka 'di ko masyado natatandaan 'yong mga mukha ng taong minsan ko lang nakaka-salamuha." Tumango naman ako rito, "Okay lang talaga promise." Saad ko sabay nginitian ito. Sa mga nangyayari ngayon, parang gusto ko kausapin iyong sarili ko noon. Gusto ko sabihin sa kan'ya na naka-kausap ko na si Kiel, may communication na kami at higit sa lahat kasama ko pa sa trabaho. Kasi dati kuntento lang talaga ako na sa malayo ko lang siya nakikita o sa malayo lang minamahal. Ngayon heto, nasa malapit at abot kamay ko na. "If you don't mind, can I ask?" "Yeah," maikling sagot ko. "Kanina ko pa kasi napapansin, parang naiilang ka sa akin. May nagawa ba ako sa 'yo?" tanong nito. "Wala, naninibago lang ako tsaka nahihiya. Hayaan mo, kapag nakilala mo pa ako ng lubos ikaw na mismo magre-reklamo dahil sobrang ingay ko." Saad ko rito habang nakangiti. "I see, let's see about that." Saad nito sabay nagkibit-balikat. "By the way ang sarap ng cake, favorite ko 'to sa totoo lang." Saad ko nang maubos na ang cake. "Favorite ko rin 'yan e, good thing nagustuhan mo. Dito ako lagi naka-tambay pagkatapos ng work, mahilig kasi ako sa kape tsaka minsan naman dito ako gumagawa ng trabaho." Saad nito. "Talaga? Iba talaga kapag mayaman, laging sa coffee shop ang tambayan." Biro ko rito. "Hindi rin kasi ganoon kamahal mga bilihin dito, ikaw talaga." Saad nito habang nakangiti. Grabe ilang beses na niya ako nginitian, wala na talaga— tunaw na tunaw na ako. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ni Kiel, tinignan niya naman ito sabay napa-iling habang nagbabasa. "Andrei asked for your number," natatawa nitong saad. "Bakit naman daw?" takang tanong ko. "I don't know, sabi niya to make friend with you daw. Should I?" palaam nito. "Eh? Pero sige, ikaw bahala. Huwag niya lang talaga ako pag-tripan, I don't answer random calls from random numbers." "Totoo ba?" tanong ni Kiel. "Oo, ewan ko ba. Sabi nga nila I should answer daw baka kasi emergency pero hindi kasi ako kumportable e." Paliwanag ko rito. "Yeah, they are right tsaka lalo na ngayon na may trabaho ka na." Saad nito. "Oo naman tsaka sinasabihan ko naman 'yong mga binibigyan ko ng number ko na magpakilala kaya tell Andrei too na magpakilala kung balak niya mang i-text ako." Paliwanag ko. "Okay, that's noted!" saad nito. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at muling naglakad. "Dito na lang tayo mag-hiwalay, diyan iyong daan papunta sa inu-upahan ko mga ilang bahay na lang. Ingat ka," paalam ko rito. "Kanina ko pa talaga napapansin na parang iniiwasan mo ako, hatid na kita sa harap mismo ng inu-upahan mo para alam ko kung saan." Saad nito kaya napanguso na lang ako. "Oo na, master!" saad ko at nauna na maglakad. "Nandito na tayo," saad ko sabay tigil sa paglalakad. "Ah I see, so paano ba 'yan? Mauna na ako," paalam nito sabay nginitian ako. "Sige, ingat ka ha? Salamat ulit, sobrang nabusog ako." Saad ko at nginitian ito. "Next time ulit, good night!" saad nito at tumalikod na. "Good night," sagot ko habang pinagmamasdan ang likuran nito. Pumasok na ako sa loob ng gate sabay tumalon at nagti-tili ng mahina. "Tama ba 'yong narinig ko? Next time daw!" saad ko sa aking sarili. Grabe, matutulog ako ngayon na may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD