Kabanata 4

2467 Words
Nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng silid, nakakapanibago lang kasi simula ngayon ay mag-isa na akong titira dito. Wala akong choice kung 'di tumira sa isang rental place dahil sa bago kong trabaho. "Naku naman, hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na 'to." Saad ko sabay binagsak na ang aking katawan sa kama. Mabilis pa naman ako ma-homesick kaya ngayon pa ay ramdam ko na 'yong paninibago ko. Bigla namang sumagi sa isip ko 'yong huling usapan namin ni Papa, si Timmy. "Hindi ko naman kasi talaga gusto si Timmy e, mas masasaktan ko siya kapag hinayaan ko siyang manligaw sa akin kasi naaawa lang ako sa kan'ya. "Aish. Ahh!" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa aking mukha. Imbes na magmukmok doon ay naisipan ko muna lumabas para maging pamilyar sa mga daan, nagugutom na rin ako kaya naghanap na ako kung saan puwede kumain. Napangiti naman ako nang makitang may malapit na convenient store sa amin, may mga food na doon na for microwave na lang kaya iyon na lang ang mga pinili ko. Isang box ng rice na may sisig ang kinuha ko at isang bote naman ng iced coffee. "Okay na 'to for dinner," saad ko at binigay na 'yon sa cashier. "For dine in po," saad ko rito. Nang matapos na itong initin ay pinili ko 'yong mesa na kita ang daan. Sanay naman ako mag-isang kumain sa labas e, nakakainis lang kasi iyong mga mata nila kung makatingin kaya mas pinili ko 'yong puwesto doon. Wala namang masama na kumaing mag-isa, lumabas mag-isa o gumala mag-isa e. Ang problema doon ay 'yong mga taong nakapalibot sa 'yo na huhusgahan ka na porket mag-isa e loner na agad. Pagakatapos kong kumain ay namili ulit ako ng pagkain na puwede dalhin sa dorm, kumuha ako ng dalawang piraso ng gummy worms, isang pack ng mallows tsaka peanut na nasa pouch. Nilakad ko lang 'yong magkabilang kanto at naisipan ng umuwi nang makaramdam na ako ng pagod. "Heto na naman tayo sa stage na 'to Selea, gustong magtrabaho pero takot makihalubilo sa tao." Saad ko sa aking sarili nang bigla ko maisip na parang gusto ko na agad sumuko. I hate myself for being negative, I always think that people would not like me because this is just me and cannot do more. I am not introvert, ain't extrovert too— sure thing is I am an ambivert. Unang gabi ko pa lang sa bagong inu-upahan ko ay namamahay ako at hindi agad makatulog, pumasok sa isip ko na baka unang araw ay pumalpak agad ako o kaya ay tatanggalin agad. "Hay Selea, ano na? Puro na lang negative," saad ko sabay sampal ng mahina sa aking pisngi. Pagtingin ko naman sa aking cellphone aya ala una na ng madaling araw kaya pinikit ko na lang ang aking mata at hinayaang ito hanggang sa makatulog na talaga. Kinabukasan naman ay mas nauna pa akong nagising sa aking alarm, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Nagsaing na ako ng kanin ko at habang hinihintay iyon na maluto ay naligo na rin ako. Hindi naman ako ganoon katagal matapos mag-ayos kasi hindi naman ako marunong mag-make up at hindi ako fan ng mga 'yon. Bumili lang ako ng ulam sa labas, kumain, naghanda ng baon at handa na umalis. One ride lang 'yong office galing dito kaya hindi na ako mahihirapan. "Kaya ko 'to," saad ko nang makababa na ako sa sinasakyan kong jeep at nasa harap na ako ng opisina. "Ang taas," saad ko sabay tumingala dahil sa taas ng building. Bago tuluyang pumasok ay nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at inayos ang aking sarili, "Kaya mo 'to Selea!" saad ko sabay naglakad na papasok sa opisina. Halos lahat ng nadadaanan konay bumabati ng magandang umaga kaya panay din ang tugon ko. Kinakabahan man ay mas nanaig ang excitement na nararamdaman ko. "Good morning, you must be Selea?" salubong sa akin ng isang magandang babae nang makita niya ako sa upuan ng mga new employee. "Good morning po, yes po ako po." Sagot ko naman dito. "Okay, I just want to inform you that Engr. Mackent Quirez requested you to be his secretary. Are you okay with that?" Tanong nito. Nagulat man ako sa sinabi nito ay ngumiti ako sabay sagot, "Wala pong problema ma'am". Akala ko kasi ay isa lang ako doon sa mga support system ng company, hindi ko akalain na magiging secretary ako ng engineer. "Good, by the way I am Anne Marie Suarez head of the HR." Pagpapakilala nito sa akin. "Anyway, dito pa rin 'yong designated table mo sa business department. Pupunta ka lang sa Engineer department kapag pinatawag ka ni Engr. Quirez okay? I already gave your number to him so expect a call from him 'kay? Sabi niya kasi na tatawagan ka lang niya para magkakilala na kayo in person." Inform nito sa akin. "Noted po ma'am, thank you po!'" nakangiti kong sagot dito. Matapos namin mag-usap ay umalis na ito, nakahinga naman ako ng maluwang at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Girl ang suwerte mo naman, secretary ka pala ng engineer. Palagi busog mata mo doon sa department nila kapag pupunta ka doon." Hirit ni Thea sa akin na nasa kabilang table. "Naku, pressure nga e kasi wala akong idea kung ano nasa field nila." Sagot ko naman. "Matututunan mo rin 'yan," saad nito sabay nginitian ako. Nagpakilala ito sa akin kanina kaya masaya akong may nakakausap na ako. Mas matagal na sa akin si Thea sa company kaya siya na rin ang nagmistulang trainor ko, kapag may mga 'di ako maintindihan sa trabahp ay sa kan'ya daw ako lalapit. Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone, namilog ang aking mata nang makitany numero lang ito. Isang malalim na buntong hininga muna ang aking ginawa bago ito sinagot. "Hello good morning, this is Sheila. How can I help you?" saad ko agad sa kabilang linya. "Good morning this is Engr. Mackent Quirez, can you come to the third floor now? So I can introduce myself to you properly and you can introduce yourself to me too." Saad nito. "Sure sir," maikling sagot ko rito. "Please bring with you your pen and paper so I can give you a quick orientation about your work with me." Dagdag pa nito. "Noted po," sagot ko at nagpaalam na ito. "Thea punta lang muna ako sa third floor ha? Tumawag na kasi si Engr. Quirez, pinapapunta na ako doon." Paalam ko rito. "Sure, ako na bahala dito." Sagot naman nito. Dinala ko naman 'yong cellphone ko, small notebook at ballpen. Hindi pa ako ganoon ka pamilyar sa mga offices na nandoon kaya tanong lang ako nang tanong sa mga nakakasalubong ko. Saktong pagbukas ng elevator ay bungad na agad doon ang office of engineering. Kinakabahan man ay kumatok na ako doon, agad naman itong bumukas at sumalubong sa akin ang isang babae na sa palagay ko ay ka-edad ko lang din. "Good morning, how can I help you?" nakangiti nitong saad sa akin. "Good morning po, I am looking for Engr. Quirez. Pinatawag niya po kasi ako, pinapunta po ako dito." Paliwanag ko. "Oh, you must be Selea? Come in, nasabi niya na sa akin na dadating ka. Dumiretso ka lang doon tapos pa kaliwa ka, and the third table is his table. Makikita ko sa name na nasa mesa na siya na si Engr. Quirez." Turo nito sa akin. Nang makita ko ang kabuuan ng opisina ay bumungad sa akin ang mga magagandang lahi. Napailing na lang ako sa naisip kong 'yon, tama nga talaga si Thea at busog lagi ang mata ko kapag dito ako. Halos eighty percent ng nandoon ay mga lalaki, twenty percent ay mga babae. Sinunod ko naman ang sinabi noong babae, nasa malayo pa lang ay tanaw ko na ang lalaking tinutukoy nilang Enr. Quirez. Sa palagay ko ay matanda lang ito ng ilang taon sa akin, habang palapit ako nang palapit ay mas lalong lumilitaw ang kaguwapuhan nito. Hindi iyon maipagkakaila, he's wearing a thick eyeglass habang hawak-hawak ang sentido at nakayuko sa mesa nito na para bang may binabasa. One word for him, hot. "Excuse me po," saad ko nang nasa harap na ako ng mesa ni Engr. Quirez. "Good morning po," bati ko rito nang tumingala ito sa akin. "Good morning have a seat," saad nito sabay umayos ng upo. Napayuko naman ako nang mapansing tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Umupo naman agad ako sabay humarap sa kan'ya. "I guess you are already familiar with the basic function of a secretary right?" tanong nito. I nodded. "But before that, I want to introduce myself to you formally— I am Engineer Mackent Quirez. You can call me anything, suit yourself." Saad nito sabay lahad ng kamay niya. "I am Selea Duñez, you can call me by my name po. Engineer na lang po tawag ko sa inyo para pormal po." Saad ko sabay nakipag-kamay dito. "Engineer? Ang pormal naman, you can call me baby." Biro pa nito kaya natawa na lang din ako. "Kidding aside, you can call me anything. Pinapatawa lang kita kasi halatang sobrang tense ka." Saad nito sabay nginitian ako. "First day ko po kasi, medyo nahihiya pa po talaga ako." Pagsasabi ko ng totoo dito. "That's natural, masasanay ka rin. So let's proceed?" tanong nito. "Thank you po, yes sure." Sang-ayon ko rito. "Great, simple lang naman ang trabaho mo. Aside sa basic job ng secretary may mga araw na may meeting ako sa labas at kailangan mo sumama sa akin. You don't have to worry kasi kapag may overtime ako sa labas, overtime ka rin. Hindi naman ako ganoon ka strikto when it comes to work, gawin mo lang 'yong trabaho mo wala tayong magiging problema doon." Paliwanag nito. "Engineer gusto ko po maging honest, first time ko po magtrabaho with an Engineer kaya hindi po ako ganoon ka pamilyar sa field niyo po pero willing to learn naman po ako. Baka po kasi ang taas agad ng expectation niyo sa akin." Saad ko habang nakatitig dito. "There's no problem with that, you can ask me anything. Kapag may hindi ka maintindihan, feel free to approach me. Huwag ka mahihiyang magtanong lagi, i'll answer you." Paninigurado naman nito. Tumango naman ako sabay ngumiti, "Maraming salamat po." "Selea, if you don't mind me asking— are you single?" tanong nito. "Yes po," sagot ko naman. "Okay, good. Makakabalik ka na sa department niyo, tawagan na lang kita kapag may kailangan pa ako." Saad nito sabay tinanguan ako. "Sige po," saad ko at nakayukong naglakad. Pansin ko kasi ang mga matang nakatitig sa akin kaya hindi ako ganoon ka kumportable. "Ouch," mahinang saad ko nang naramdaman kong may nabangga ako. Namilog naman ang aking mata nang makitang may mga nahulog na papel kaya dali-dali ko 'yong pinulot. "I'm sorry po," saad ko habang isa-isa itong pinulot. "Bakit kasi nakayuko kapag naglalakad e," saad noong nakabunggo ko. Pagkatingala ko ay nagtama ang aming mata, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makilala kung sino ang nasa harapan ko. Pero agad naman akong nakabawi nang blangko niya lang akong tinignan. "Hindi niya ba ako nakilala?" tanong ko sa aking isipan. Nang mapulot na lahat 'yong papel ay tumayo ito ng maayos, "Next time sa daan ka titingin kapag naglalakad ha? Huwag 'yong naka-yuko ka." Saad nito at naglakad na. "Sorry po talaga," saad ko at napakamot na lang sa aking batok. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko, it's Kiel. Pero bakit hindi niya man lang ako nginitian o nagpakita man lang ng senyales na kilala niya ako? Oo nga pala, hindi nga pala kami close, mas kilala nga pala ako ng Mommy niya kaysa sa kan'ya. "Kamusta 'yong meeting with Engr. Quirez?" tanong ni Thea sa akin nang makabalik ako. "Okay lang naman, pakiramdam ko para siyang mabait." Saad ko rito "True ka diyan mare, isa nga 'yan sa mga kilalang Engr. ng kompanya e. Bukod kasi sa guwapo na 'to, ay matalino rin 'yan." Puri ni Thea dito. "Suwerte mo nga e at napili ka niya na maging secretary. Mapili 'yan, nagtaka nga ako at isang baguhan ang pinili niya." Dagdag nito. "Kaya nga pressure 'yong nararamdaman ko ngayon e." Saad ko sabay bumusangot. "Ano ka ba? I know tutulungan ka naman ni Engr., hindi ka niya pababayaan." Saad nito. "May isa pa akong iniisip, parang may nakita akong kakilala kanina kaso hindi lang ako ganoon ka sigurado pero hayaan mo na." Saad ko at hinildi na lang 'yon inisip. Nagaptuloy ang aking trabaho ngayong araw, minsan ay tinatawag ako ni Engr. Quirez para magpa-assist pero hindi pa naman ganoon karami ang aking trabaho. Napapasulyap ako sa mga upuan na nandoon, hinahanap ko ang upuan ni Kiel pero sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay umiiwas ako. Out ko na at doon ko pa napagtanto na hindi ko pala nadala 'yong payong ko, for sure stranded ako nito ngayon sa baba. Saktong nasa labas na ako ay nandoon si Kiel, napalingon ako sa kausap nito— tatalikod na sana ako nang makilala ko kung sino iyon pero narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Selea?" unang tawag nito sa akin. "Selea!" naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko kaya lumingon na ako. "Hello po Tita," nahihiyang bati ko rito sabay nagmano. Namilog naman ang aking mata nang makipagbeso-beso ito sa akin. "I knew it! Unang sulyap ko pa lang kanina nakilala na kita agad, bakit ka nga pala nandito?" tanong nito sa akin. "Ah, dito po kasi ako nagt-trabaho po." Sagot ko. "What a small world! So magkatrabaho kayo ni Kiel?" saad nito. "Kiel si Selea, iyong pamangkin ng Auntie mo. Nakalimutan mo na ba?" turan ni Tita kay Kiel. Tumingin naman ito sa akin na para ba akong sinusuri, "Oh! I remember you, pasensya na 'di kita agad nakilala kanina. Medyo occupied kasi utak ko," saad nito habang tumatango. "Okay lang, naiintindihan ko." Sagot ko sabay ngiti. "Ang mas mabuti pa, sumabay ka sa amin para makapag-kuwentuhan pa tayo." Nakangiting aya sa akin ni Tita. "P-Po?" namilog ang mga matang saad ko kay Tita. "Yeah, sumabay ka sa amin. We will be having a dinner tonight, hindi ka naman na iba sa amin e kaya sumabay ka na." Saad nito. "Naku Tita nakakahiya naman po, tsaka okay lang naman po ako. Salamat po," saad ko habang nakangiti. "I insist, sasama ka sa amin si Kiel na bahalany sumabay sa 'yo mamaya pag-uwi okay? Tara na," saad ni Tita at hindi na nga ako naka-palag pa. Halos lumuwa na naman sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, bukod sa nahihiya ako ay iniiwasan ko talagang mapalapit kay Kiel. Marupok ako, ayaw kong umasa na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD