Tuwing linggo ng gabi ang balik ko sa city kasi masyado ng traffic kapag hinintay ko pa ang lunes, may possibility pang ma-late ako kapag ginawa ko iyon. Handa na iyong mga gamit ko at si Andrei na lang ang hinihintay ko, isang linggo rin siyang mananatili doon dahil may mga aasikasuhin siya. "Kuya daan tayong bus terminal, na-contact ko na si Selea. Babalik din pala siya ng city ngayon kaya sinabihan ko na lang na sabay na siya sa atin." saad nito habang dala-dala ang bag niya. "Ganoon ba? Mas mabuti," saad ko at tumayo na. "Aalis na 'yong mga anak ko, ingat kayo doon." saad ni Mommy sabay isa-isa kaming hinalikan sa pisngi. "Heto nagluto ako ng dinner niyo, pakainin niyo rin si Selea dahil marami 'yan." ani nito sabay abot ng bag na may lamang mga pagkain. "Thanks mom, you're the bes

