The Broken Past
Tuwang tuwa si Andrei ng makita ang isang sobre sa ibabaw ng kanyang study table, iniexpect na nya na makukuha nya ang scholarship na iyon mula sa British Academy of Arts, ngunit naisip nya na kung nasa study table ito instead na dapat sa mailbox nya kukunin ay di na sya magtataka kung bakit alam ng daddy nya ang tungkol dito.
"Congratulations Drei" bati ng kanyang ama paglabas nya ng study room.Agad na lumapit si Anton sa kanya at umakbay sa anak.
"Thanks" iyon lamang at hinawi ang kamay ng ama mula sa balikat nya. Mula ng mawala ang kanyang ina ay napalayo na ng tuluyan ang loob ni Andrei sa kanyang ama.
"Son im so proud of you, mana talaga sakin ang katalinuhan mo" pagbabawi ni Anton sa pagkapahiya.
"But im not like you,Im using my brain real well" mahinahon paring sagot ni Andrei.
"Watch your mouth Andrei Von" naubos na ang pagtitimpi ni Anton sa anak at alam ni Andrei na nacocompleto nitong banggitin ang pangalan nya pag nagagalit ito.
"Here we go again dad, ayoko ng sermon ngayon, this day is too happy for you to ruin,please I have to go" pagtatapos ni Andrei sa usapan at dumiretso na sa kanyang silid. Nakatalikod na si Andrei pero ramdam parin nya ang pagkainis sa ama, dumiretso sya sa kanyang silid, sumalampak sa bed at tumipa sa laptop na nakasandal sa kanyang head pillow.
(British Academy of Arts, here I come!!!) sabay pindot ng post icon sa sss account nya. Ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ay tumunog na ang kanyang telepono.
"Hello dude" sagot agad ni Drei.
"Dude totoo ba yun?" Bungad agad ng bestfriend nyang si Gelo. Ito ay anak ng kasalukuyang Congressman ng Santa Monica na naging kaclose nya at kalaro mula ng maaddict sya noon sa counterstrike at dota. Mula nung bata pa sya ay naging kaibigan na nya ito, sa lahat ng masasayang nangyari sa buhay nya ay kasama nya ito bagamat isa ito sa pinakamaasahan nya sa oras ng kagipitan at maging sa kalokohan.
"Yeah its true, why?dont tell me susundan mo ko hanggang dun?utang na loob dude lubayan mo na ako" sabay tawa ni Drei ng malutong. Di pa man din sya kumuha ng scholarship sa BAA ay alam na nyang doon mag aaral ng Law si Gelo at dahil MVP ito ng high school nila malamang ay varsity scholar din ito sa BAA as expected.Napatawa na din si Gelo sa kabilang linya.
"Anyway dude duty ako mamaya, galit sakin si daddy as usual nagkasagutan na naman kami about BAA, so ironic nga eh good news na nga nag away prin kmi, I wonder kung sa anong bagay kaya kami magkakasundo" malungkot na ang boses ni Drei at nahihimigan naman iyun ni Gelo.
"Dude ikaw lang naman ang tumutulak kay Tito Anton palayo, im your friend so im gonna tell you the truth, learn to forgive kasi kung tutuusin di kasalan ni Tito Anton ang pagkawala ni Tita Vhie" paliwanag ni Gelo
"Yeah I know but being the contributing factor sa pagkamatay ni mommy at pagbibigay nya ng sama ng loob dito before she passed away is unforgivable" matigas na sagot ni Drei. 9 years na ang nakakaraan mula nung mamatay ang mommy nya na si Valerie Sandoval at sariwa parin sa mga alaala ni Andrei ang huling pag aaway ng mommy at daddy nya na syang kinahantungan ng pagkamatay nito. Muling umusbong ang galit na minsan ng itinago ni Andrei para lng maging masaya sya. Para bang kahit na nasa kanya na ang lahat ay di parin sya masaya gawa ng nakaraan nyang di nya matakasan, yung mayaman nga sya, gwapo, matalino, sinasamba ng mga babae, kinaiinggitan ng kapwa mga lalaki but everything seems so lacking, yun ay dahil wala syang buong pamilya, isang masaya at buong pamilya na ninakaw sa kanya ng sarili nyang ama. Isang pagkakamaling di nya mapapatawad ang sarili nya oras na natuto syang mapatawad ang ama nya.
"But dude he is your dad in fact your only family, you have to learn to forgive" pangungulit prin ni Gelo.
"Wait, kala ko ba di kau close ni dad, how come you sound like his lawyer?" Pagbibiro ni Drei na nagpaiba sa usapan.
"We're not but seriously im gonna be a future lawyer hahahaha" nagkatawanan na sila na para bang hindi maselan ang huling napag usapan.
"Anyway dude im glad you called coz I need a ride" sunod na pasok ni Drei sa usapan.
"Anyari sa camaro mo?" Tanong ni Gelo
"Di ko gagamitin, di ako magpapaalam kay dad na aalis ako tonight, galit yun im sure ilalock nun ang garage mamaya" pagpapaliwanag ni Drei
"Hahahaha paano pala kung di ako tumawag?" kutya pa ni Gelo sa kaibigan
"I know you're gonna call hahaha kung hindi malamang ako tatawag sayo" at nagkatawanan na naman sila.
"Ok hintayin kita sa crossing ng 7pm, dont be late hahaha pag nalate ka magtaxi ka nalang!" Ani Gelo
"yes sir! ang stricto ng driver na to!" Ani Drei na matawa tawa pa
"Hai kung di lng kita kaibigan eh, hmmm mukhang alam ko na ang magiging future ko nito sa BAA" ani Gelo na may halong pag aalanganin kunwari.
"Sus kala ko ba kaibigan kita, prove it later hahaha bye!" Sabay baba ni Drei ng phone.
Binalikan ni drei ang laptop at nakita nyang 133 na agad ang nglike sa post nya about BAA, madaming followers and fans si Drei dahil bukod sa sya ay gwapo at malakas ang appeal,sadyang napakatalino pa nya kaya naman hindi katakataka kung bakit mga babae na ang lumalapit sa kanya at kung bakit pinagkakaguluhan sya sa Santa Monica National High School, isa sya sa pinakasikat na heartthrob ng SMNHS at malakas ang loob nyang kahit sino sa mga babaeng gustuhin nya maging girlfriend ay makukuha nya, wala pa ata syang niligawan na humindi sa kanya, bukod dun ay sikat din syang chess player ng school nila at head journalist ng school newscasting club kaya kung sikat sya, yun ay gawa na rin ng kanyang pagiging active sa iilang mga school activities, chineck nya ang likers at lahat ay friends nya sa sss except ng isang nagngangalang EA Monteveros, wala itong picture ng mukha nya sa sss kaya hindi nya matukoy kung kilala ba nya ito o hindi.
Hinayaan nalang nya ito at naisip nyang baka fake account since wala namang picture ng mukha nito,marami namang ganun sa sss nya at lahat naman ay gusto syang iistalk at makilala, makausap at makachat.
Eksaktong 7pm sinundo ni Gelo si Drei sa kantong pinakamalapit sa bahay ng mga Sandoval. Dumiretso sila sa Station 85, ito ay isang radio station kung saan pumapasok si Drei bilang isa sa mga kilalang DJ ng evening show na pinamagatang Doctor Love. Nagsimula na ang Airing eksaktong 8pm.
Drei: hello station 85, hello world! Sa ating mga masugid na tagasubaybay at mga aktibong tagapakinig, Doctor Love is on air from 8pm to 9pm only every Friday night. Kung sinuman ang ayaw kumain, ayaw matulog, gusto nalang umiyak, magdamag nag.ifb, ayaw lumabas ng kwarto, ayaw magtrabaho, ayaw lumapit sa kaibigan, kapamilya o kakilala at gusto ng magpakamatay dahil sa LOVE, here is Doctor Love at your service, pag usapan natin yan at naway lahat ng ating mga puso ay magamot sa tamang paraan, malaman ang ating mga gagawin sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang advice at higit sa lahat susunod kung saan magiging masaya ang ating mga puso ng hindi tayo nakakasakit at nakakalamang sa ating kapwa. The show is on, let's hear it from....
At dumagundong ang background music na tila ba isang surpresa ang magiging caller ng naturang gabi.