Cyber Love

2206 Words
"Monteveros???" Sounds familiar bulong ni Drei sa sarili. "Hi" nagpop up ang isang message sa laptop ni Drei, pagod sya sa school at gusto nyang magpahinga ngunit naintriga sya sa account na ito na halos lahat ng post nya first liker nya ito mahigit 1 taon na mula ng inadd sya nito "Who are you?" Matipid na tipa ni Drei sa laptop nya "I'm EA Monteveros" pagpapakilala nito "Do you know me?in person?" Agad na tanong ni Drei "Yes, I've known you for like 1 year already" Anito "Do I know you?" Kinakabahan si Drei sa mga sagot nito "Yes" iyon lamang at nag send pa ng di mabilang na smileys "Ok should we meet?base on your profile, sa BAA ka rin nag aaral" ani Drei na ngayon ay iniiscan na ang timeline nito "Yes, meet me in the library at 12nn tomorrow, for now I have to go, bye!" Mabilisang sagot nito at tuluyan ng nag offline. Tiningnan ni Drei ang mga latest post nya at ang pinakauna nyang nakitang nilike nito ay ang post nya 1 year na ang nakakalipas. "British Academy of Arts, here I come!!!" Simula noon ay lagi na nitong nilalike ang mga updates nya sa sss. Nakakapagtaka man ngunit gusto nyang makilala ang babaeng ito. Hindi dahil ayaw nya ng stalker kundi dahil iniisip nya na maaaring si Ehra ito, bakit naman nya iisiping si Ehra ito eh Robles ang apelyido ng babae at saka bakit ba si Ehra nalang lagi nasa isip nya. Nagrereklamo na sya sa utak nya ng may makita sa newsfeeds nya. (Cyber Love) Naalala nya tuloy ang programa nya noon sa station 85 na Doctor Love. Doon nya unang nakilala ang babaeng minamahal nya ngayon, tumigil na sya sa programang iyon dahil sa maselang kwento na connected kay Congmat na naipahayag ni Ehra bilang Miss Rae sa gabing iyon, ipinasara ang program na iyon ng iilan sa mga political leaders na concerned sa image ng mga De Jesus na pinagsang ayunan naman ni Drei upang maprotektahan ang kaibigang si Gelo. Pinindot ni Drei ang icon ng Cyber Love at bumungad agad sa kanya ang sign in page kung saan kailangan nya ilagay ang kanyang personal details. Kinompleto nya ito at ngsubmit,ang huling stage na gagawin na lamang ay ang username at password, nag isip sya ng matagal... Username: Doctor Love Password: Station85 Nakapasok na sya ngayon sa groupchat ng cyber love at lahat ay may kanya2ng mga kaibigan sya lang ang walang kausap ng... Unknown: Hi Doctor Love Isa itong private message Drei: Hi Hindi makapaniwala na tipa agad ni Drei sa laptop nya ng makita kung sino ang kausap. Unknown: Do you remember me? Drei: Yes of course Miss Rae!from station 85??? Ehra: I can't believe it hahahaha kumusta doctor love?? Drei: Yeah but I stopped as Doctor Love!wala lang akong maisip na username kya ginamit ko to ulit Ehra: I see, it's ok hahaha I'm just happy to talk to you again Drei: Same here Miss Rae!so ano nang update sayo? Ehra: Naku!!! maraming nangyari hahahaha pero mas marami pala ang nangyari noon Drei: Would you mind to update me?hahaha we can still be friends kahit wala na ang station 85 Ehra: Oo naman, online friends" Drei: So ano na nga nangyari sayo nung umalis ka ng pinas? Ehra: Wala naman,actually may nakilala ako,na di ko makalimutan bago ako umalis Drei: sino naman?at ska bakit di mo makalimutan?diba mahal mo pa ang kapatid mo that time? Ehra: oo pero nung nakita ko sya parang gusto ko na sya agad Drei: talaga?sino naman ang maswerteng lalaking yun? Ehra: hai basta, ang mahirap lang ayaw nya kay mommy Drei: bakit naman?hmmm baka may ginawang mali ang mommy mo sa kanya Ehra: wala ah, hindi ganun si mommy at ska unexpected yung pagkikita namin, nagkataon lang na ex ni mommy ang daddy nya Drei: ah ang liit naman ng mundo, so bakit nga ba hindi mo makalimutan? Ehra: kasi he is my first kiss Drei: eh bakit ka naiiyak?at saka kung di mo makalimutan edi balikan mo Ehra: hindi ganun kadali yun, hindi nya mapapatawad ang mommy ko Drei: pano mo malalaman kung di mo tinatanong sa kanya? Ehra: I'm sure di nya mapapatawad si mommy kahit kailan Drei: pano kung ikaw lang pala ang magiging dahilan para patawarin nya ito?pano kung gusto ka rin nya? Ehra: kung sakaling ganun, lalapitan ko sya at ako na mismo hihingi ng tawad pra ky mommy Drei: ganun mo kamahal ang mommy mo na ikaw gagawa nun para sa kanya? Ehra: oo, ganun dapat ang pamilya, they protect each other, cover each other and love each other while we live Drei: yes right!hmmm di mo pa sinasagot ang tanong ko, sino nga kasi yung lalaking yun? Ehra: his name is Andrei Von Sandoval but he is a playboy, baka gawin lang akong isa sa mga collection nya pag nalaman nyang gusto ko sya Drei: nakakasigurado ka bang yan ang gagawin nya?alam mo lahat ng tao nagbabago at mas malaki ang chance nyang magbago if in case mainlove sya sau Ehra: I'm not sure actually pro bahala na,susubukan ko nalang muna syang kausapin, magiging magschoolmates naman kami eh Drei: good!so ano na nangyari sayo at sa kapatid mong si Troy ba yun? Ehra: ah yeah,of course I have moved on at sya naman ay tanggap na rin na mag kapatid nalang kami, I'm in fact happy na nagkaroon ako ngayon ng kuya sa katauhan nya Drei: so ok na pala ang lahat, di ka ba nakakita ng iba sa states? Ehra: hindi nga eh, andaming gwapong lalaki dun my G!!! pero wala eh iba ang talon ng puso ko sa mokong na Andrei na yun,sya pa out of all people Drei: dahil lang sa halik?kaya di mo makalimutan? Ehra: hmmm ou eh first time ko eh bakit ba???kayo naman kasi mga lalaki yung kiss sa inyo parang regalo lang, naexcite pagtapos buksan, ginamit at pagkatapos pagsawaan, wala ng halaga, pag wala ng halaga itatapon na Drei: hindi lahat ng lalaki ganyan, may iba na tinatago lang nila ang kilig Ehra: kinikilig din pala kayong mga lalaki?hahaha di ko alam yun ah Drei: oo naman,so pano ka nya hinalikan? Ehra: hala!ano ba yan???kailangan pa ba nakadetalye??? Drei: di naman just in case lang gusto mo ishare Ehra: hahahaha actually biglaan yun kasi nagalit sya kaya nya ako kiniss Drei: ang then??? Ehra: gumanti din ako ng kiss hahaha Drei: eh gusto mo rin naman pala eh,bakit parang nagrereklamo ka pa?hahaha Ehra: ayoko kasi ng hinahalikan ako ng walang paalam, gusto ko ako yung humalik Drei: ah hahaha dapat sinabi mo Ehra: pano pa eh tapos na Drei: ahw yun lang hahaha huli ka na, minsan kasi kailangan mong maunahan para maexcite ka, syempre pag alam mo na, wala ng excitement Ehra: hmmm oo nga ano?ngayon ko lang din naisip yan, buti sinabi mo Drei: oh tapos ano na next nangyari pagtapos nyo mag kiss? Ehra: ahm sinapak ko sya kasi syempre parang feeling ko nun pangahas sya Drei: I understand, oo nga pangahas nga sya hmm masarap ba? Ehra: syempre masarap kasi di pa naman ako nakakatikim ng lips hehehe first kiss ko yun eh, ganun pala ang feeling noh?parang nag world war 3 sa loob ng tyan ko tapos parang gustong kumawala ng kaluluwa ko Drei: over ka teh!as in ganun talaga feeling mo?eh bakit sakin para namang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan Ehra: ano???!! Drei: ah ibig ko sabihin nung first kiss ko parang ganun ang effect sakin, exage lang ng kaunti yung sayo Ehra: ah hahaha hayaan mo na basta ganun ang pakiramdam ko Drei: Ok sabi mo eh! Oh tapos umuwi ka na ng states?di na kau nagkita uli? Ehra: nagkita nagkataong best friend sya ni kuya Gelo Drei: Gelo?ibig mong sabihin best friend sya ni Troy??? Ehra: oo ganun na nga!kaya di ko alam kung pano magkakaroon ng pag asa ang nararamdaman ko sa kanya Drei: nag aalangan ka ba kasi ex mo si Gelo? Ehra: oo at the same time di ko alam kung papayag si kuya na si Drei magustuhan ko,alam kasi nun na playboy best friend nya Drei: Edi itanong mo muna sa kuya mo kung ok lang kasi best friend din naman nya yun kaya I'm sure may tiwala sya dun Ehra: you think so?Hindi kaya dyahe na nauna akong mag tanong ky kuya,di pa naman nanliligaw si Drei hahahaha hintayin ko muna kaya sya manligaw bago ako papaalam kay kuya Drei: sa bagay may point ka hahahaha oo tama nga yang naisip mo Ehra: at saka itatanong ko pa kay mommy kung ano status nya ky Drei, my heart really breaks pag nakikita ko ang mata ni Drei na may galit pag tinitingnan nya si mommy Drei: yeah I think you should ask Drei about that too, if napatawad na ba nya mommy mo Ehra: yeah soon!iniiwasan pa naman ako nun nung last kaming nagkita Drei: bakit ka naman iiwasan nun? Ehra: kasi feeling ko dahil nga kay mommy Drei: ah hintayin mo lang sya lumapit basta wag ka lang lalayo, malay mo naiisip na rin nya kung magpapatawad ba sya lalo na kung para sayo Ehra: pano mo naman nalamang iisipin nya yan?ni diko nga alam kung gusto ako nun o hindi Drei: ah sabi ko nga diba na malay mo at saka wala ka bang napansin na ginawa nya para masabi mong may posibilidad nga na gusto ka nya? Ehra: hmmm yung kiss lang eh at saka yung mga kasunduan namin bago ako umalis ng pinas, hiningi nya number ko at full name ko din Drei: ayun naman pala edi ok lang yun, ibig sabihin maari nga na gusto ka nun, nag change ka ba ng number? Malay mo tawagan o itext ka nya Ehra: hindi yun parin, 1 year na nga nakakalipas di naman sya nagparamdam bukod sa sinabi nya nung huli na mag enroll daw ako dito sa BAA, mag kasama daw kami mag aaral Drei: basta hintayin mo lang,alam mo na girls of worth are those who have bountiful self control, they know their worth enough to say no to small opportunities and confident enough to choose the best one Ehra: oo tama ka,salamat ah hahahaha daig mo pa best friend ko, buti pa sayo nasasabi ko lahat, I wonder if we could be good friends in real life hahahaha siguro ang saya nun Drei: soon Miss Rae, when the time is right Ehra: sya nga pala, I told you before about Gelo as my classmate and her ex too, ayun nga nung umalis ako hinatid kami ni Gelo at Drei sa airport pero di ko nabanggit kay kuya na nakita ko sa plane yung ex nya and to my surprise, she got married on that plane Drei: oh?talaga? You mean on the spot marriage?wow! Kakaiba yun ah Ehra: oo nga, di ko na talaga sinabi kay kuya kasi di ko alam kung mahal pa nya o hindi na,I might hurt his feelings kung mahal pa nya Drei: yeah hayaan mo nalang kasi if ever na mahal pa nya I think noon palangß nakipagbalikan na ito sa kanya ay pumayag na sana sya pero mas makakabuti kung hindi galing sayo,remember that time Gelo believes that you still love him Ehra: yeah your right! Thanks! Drei: anyway I was curious about sa kasunduan Ehra: why?what about it? Drei: nasabi mo kasi na may kasunduan, so kapalit ng number mo at fullname ay? Ehra: itago ang lahat sa mga taong mahal namin at paghiwalayin ang mga parents namin Drei: hmmm yun lang wala ng iba? Ehra: meron pa, hindi na nya ako pwedeng halikan ulit Drei: I see hmm pano kung may hindi sya nagawa sa mga yun?is there a consequence? Ehra: wala, kasi di ko pala naisip yung ganun, so kung di nya iyon magawa dapat pala nagbigay ako ng consequences Drei: oo naman for your safety Ehra: I see hmmm I will talk to him tomorrow Drei: hmmm Miss Rae?can we talk again next time? Ehra: oo naman, as long as I'm online, feel free to drop a message Drei: thanks it would always be my pleasure, alam mo na minsan sa sobrang stress social media nalang ang magiging libangan na pantanggal ng stress natin sa buhay Ehra: hahaha oo nga I agree, alam mo yung feeling na di ako maintindihan ng nakararami pero andyan ka at may isang taong nakakaintindi sakin, super thank you talaga Drei: no worries, maybe I'm just a good listener Ehra: yeah you are naexcite tuloy akong mameet ka, how I wish one day I could Drei: yeah soon! When the time is right Ehra: thanks good night! I'm glad I've talked to you! Drei: ikaw pa!malakas ka sakin eh! Iyon lang at nag offline na ang dalawa, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Drei. Habang mukhang magiging mahimbing naman ang tulog ni Ehra na dulot ng nakagaanan ng kanyang loob na si Doctor Love. Isang taong di nya makita ngunit ramdam nyang naiintindihan sya at malapit na sa kanyang puso. Mapatawad kaya ni Drei si Vera para lang mkasama ang babaeng minamahal? Magtagpo kaya ang landas nila Ehra at Drei bilang Miss Rae at Doctor Love?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD