The Queen

2802 Words
"Dude tapos nako sa pathophysio ko" bungad agad ni Drei ng sagutin ang phone nyang kanina pa nagriring, alam nyang si Gelo ito at may usapan silang sabay silang pupunta sa Student Council. "Good!see you at the triad!" Yun lng at ibinaba na ni Gelo ang phone. Triad ang tawag sa meeting place ng Student Council dahil hindi lamang ito prang isang covered court na kung saan hiniheld ang mga activities ng schools gaya ng mga intercompetitions local at international kundi nahahati din ito sa 3 parte, ang The Edge ng Journalism Club na pinamumunuan ni Drei as Head Journalist, ang The Red Dragon ng Sports Club na pinamumunuan ni Gelo as Varsity Team Captain at ang The Queen ng SME club na pinamumunuan ni Elise Amira Monteveros as DL coordinator. Si Gelo ang President ng student council kaya hindi sya maaring umabsent. Busy man si Gelo sa kinukuha nyang course na Political Science na syang preparatory course for Law, di parin nya nakakalimutan ang iba nyang responsibility gaya ng Student Council na wala ring inaasahan kundi sya lang din at ang pagiging captain ng BAA varsity team. Si Drei naman ang kanyang nagmistulang kanang kamay dahil bukod sa ito ang vice president ng student organization ay ito lang din ang maaasahan nya pagdating sa pagpapatupad ng mga bagong rules at pag oorganize ng mga events sa BAA. Nasa kalagitnaan na sila ng meeting ng... "Mr. Sandoval and Mr. De Jesus, in my office now!" Bungad agad ng isang babae pagbukas ng pinto ng Triad, si Miss Amber iyon ang lady principal ng BAA. Laging ganoon iyon magsalita galit man o hindi kaya tuloy kinakabahan sila at di nila matukoy kung may nagawa ba sila o wala. "But Miss Amber we're not yet done, in one month na po ang intramurals" sabat agad ni Elise na kahit muse lang sa Student Council ay tila kinacareer ang meeting na iyon. "That can wait Miss Monteveros, you two now!" Sabay turo at pinandilatan pa ni Miss Amber ang dalawa Bagamat nagtataka at panay tinginan ang magbestfriend ay sumunod naman agad sila papunta sa office ni Miss Amber. "Dude ano na naman ang ginawa mo?" Kunot nuong tanong ni Gelo ky Drei. "Hoi wala akong ginagawa ah, midterms na next week kya busyng busy ako sa case presentations ko, baka ikaw dyan!" Napanguso pang sabi ni Drei sabay tiningnan ng masama ang best friend. "Nakuh!siguraduhin mo lang kung hindi ewan ko nalang, di na talaga kita papatulugin sa bahay kita moh!!!" nagbabantang sabi ni Gelo. "Ano???grabeh ka dude!!!wala nga akong ginagawa" kunwari ay naiiyak ng sabi ni Drei, mas pilyo kasi ito kaya sa kanilang dalawa sya ang expected na mas may gagawing kalokohan. "Talaga ba?hai ano ba yan first time natin to, first year plang tayo na principal's office na, student council paman din tayo!nakakahiya! " kinakabahang turan ni Gelo na umiiling pa bago sila pumasok sa office ni Miss Amber. "Ano po yun Miss Amber?" Tanong agad ni Gelo pagkapasok pa lamang. "Have a seat, we will be waiting for a guest" matipid namang sagot nito. Hindi na ulit nag tanong si Gelo sa kabila ng kaba, si Drei naman ay nakontento na rin sa pag upo sa tabi ng bestfriend at bahagyang binuksan ang notebook nya, magmememorize sya habang naghihintay sa darating na guest at meron nga pala silang quiz mamaya sa anatomy and physiology subject nya. "She's here,compose yourself!" Utos ni Miss Amber. Tumalima naman agad ang dalawa at sabay pang tumayo. Pumasok sa principal's office ang isang babaeng nasa 5'6 lang ang height, sexy, maputi, brown ang buhok at nakaboots pa. "Ehra???" Sabay na turan ng dalawang lalaki na puno ng pagkabigla ang mukha, bagamat ay abot tainga ang ngiti ni Ehra umikot pa ito sa harap nila na tila ba ipinapakita sa dalawa na talagang totoo na andun sya at hindi lamang isang guniguni. "Ehra!!!ikaw nga!!!" nahulog ni Drei ang notebook nya at huli na ng mamalayan nyang nakayakap na sya sa babae na napapapikit pa ang mga mata, oo namiss nya ito. "Dude!!?" Sabay tapik ni Gelo sa balikat ni Drei na tila ba wala pang planong bumitaw sa pagkakayakap. Nabigla man ay nakabawi din si Ehra sa reaction ng mga ito. "Ay sorry sorry" malapad na ngiti ni Drei na para bang ngayon lang sya natuto kung pano mahiya at saka bumitaw sa pagkakayakap ky Ehra. "Over naman to kung makayakap, daig mo pa ang kapatid ah!!!" Reklamo ni Gelo na nakangiti na ngayon at masaya sya na nakita ang kapatid, niyakap nya ito ng mahigpit,napayakap na din si Ehra dito. "Kumusta kuya?" Tanong agad ni Ehra. "Ok naman,napadalaw ka?Kala ko next year ka pa uuwi eh, where's mama???" untag nito na bahagyang itinaas pa ang kilay at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa "Mom sent me" simpleng sagot ni Ehra "And I received her, so you guys are here to look after this lady" utos ni Miss Amber na may diin pa sa huling salita "Ah kaya lang po ti..." Dina natapos ang sasabihin ni Ehra dahil bigla itong lumapit at bumulong sa kanya at 3 tango lang ang isinagot nya dito. "Yes Miss Amber, I'm sure these guys will do that,diba Kuya?diba Drei?" Sabi ni Ehra sabay baling sa kapatid at sa bestfriend nito. "Opo" isang malutong na opo agad ang isinagot ng mag best friend. "Good" yun lang at ikinumpas na ni Miss Amber ang kanang kamay hudyat na pwede na silang umalis "Ahm Miss Amber, bakit po..." Si Gelo iyon na nakatalikod na sana ay bumalik pa. "No questions! You may go now!" At itinaas nito ang eyeglasses na tila ba may importanteng babasahin. Tumalima naman agad si Gelo at sabay na lumabas ang 3. "So does this mean?dito ka na mag aaral?" Ani Drei "Oo bakit bawal ba?" Sagot ni Ehra na parang may hinahanap sa bag. "Sino may sabing bawal?gugulpihin ko" pabirong sabi ni Gelo na nagpangiti naman sa kapatid "What's that kuya? Brother duties?hahaha" malutong na tawa ng babae. "Kinda!!!" Yun lang at nakangiti na rin si Gelo "Ako kaya pwedeng boyfriend duties?" Sabat naman ni Drei na ikinasingkit ng mga mata ni Gelo "Ito dude gusto mo???" Sabay tapat ng kamao nito sa mukha ng bestfriend "Hahaha si kuya naman masyadong hot" prang nagmukhang nanlalambot si Drei sa inaakto nya ng sabihin iyun Tumatawa silang tatlo habang naglalakad sa lobby pabalik ng Triad. "Ehra???ikaw ba yan???" nakapako ang tingin ng babaeng nakasalubong nila sa mukha ni Ehra. "Nica???hi kumusta???" Nakangiting bati naman ni Ehra sa babae na ngayon ay kaharap na nya. "Ok lng ako, kala ko nasa states ka?kailan ka lang dumating?" Anito namukhang kilalang kilala nya ang kausap. "Actually yesterday, nagpahinga lang ako konti bago dumalaw dito" sagot naman ni Ehra sa sunod sunod nitong tanong. "I see!so you're just visiting here?" Para namang disappointed ang mukha nito ng biglang naalalang may mga kasama pala ito at napatingin nalang sa dalawang lalaki "No!ah sya nga pala, this is Drei and this is Gelo,my brother" pagpapakilala agad nya ng mapansing nakatingin ang mga mata ni Nica sa dalawang kasama "Hi, I'm Elaine Veronica Monteveros ,you can call me Nica" pagpapakilala nya sa mga ito "Hello I'm Drei" at nakipagkamay. "Hello I'm Gelo, sis you never told me you have a beautiful friend here in BAA" sabay baling ky Ehra at kumindat pa,mukhang alam na ni Ehra ibig sabihin nun dahil ganun din ang sinabi nya noon nung nagkakilala sila. Natawa naman si Nica sa tinuran nito. "Naging sis ako bigla!kanina Ehra lang" tiningnan nya ng masama ang kapatid at nagnguso na para bang nagtatampo. "Sumakay ka nalang, ipagluluto kita ng adobo mamaya" bulong ni Gelo dito na nagpalaki sa mata ni Ehra na para bang naexcite ito bigla. "Well, Nica was an old friend from the states at wala kaming contact except that we're sss friends kaya di ko alam na dito sya nag aaral, playmate when I was still in grade school and one of my closest friend before" paliwanag agad ni Ehra "Aaaaah!bakit before lang?" Nagtatakang tanong ni Gelo ky Ehra. "We got new set of friends since then" medyo alangan si Ehra kung isishare nya ang bahaging iyon ng kwento "Yeah!hmmm I'm sorry besh!" Yun lang ang naisatinig ng malungkot na boses ni Nica na sinabayan pa nya ng pagyuko. "It's okay Nicz,we can still be friends right?" Nakangiting sagot ni Ehra na sinabayan pa ng akbay "Of course!" Agad nitong sagot na nakangiti na agad na prang nabuhayan ng loob "Besh???" ani Ehra sabay tapon ng mga kamay sa ere na prang nag iimbita ng isang napakalaking yakap. "Definitely besh!" Anito at nagyakap ang dalawa. "So dito ka na sa pinas for good?" Paglilinaw ni Nica pagtapos makipagyakapan. "I'm transferring! Inaayos lang ni Miss Amber ang papers ko, pag naissue na ang uniform and ID ko papasok nako kaagad ng makahabol" pagbabalita ni Ehra sa kaibigan. "Miss Amber???" Naningkit ang mga mata ni Nica "Shhhhhh!!!" Agad na dagdag ni Ehra sabay takip pa sa bibig nito "Hoi ano yan ha???" Agad na napuna iyon ni Gelo. "Girls talk kuya!" Agad na sagot ni Ehra sabay pinandilatan pa ang nakatatandang kapatid "Hmmm ikaw kabago bago mo pa nagpapasaway ka na ah!alalahanin mo yung sinabi ni Miss Amber, we will look after you kaya umayos ka!" Dugtong naman ni Drei na kakatiklop lang ng notebook nyang nahulog. kanina sa principal's office, kaya pala ito nananahimik ay nagmememorize parin pala ito at ngayon nga ay natapos na. "Ako nagpapasaway?excuse me!?!?" Daing naman agad ni Ehra dito na naniningkit ang mga mata habang inilapit ang mukha ky Drei. "You know what, wala akong oras sa immaturity mo, I have to go guys!may pasok ako ngayon in 10 minutes" Pamamaalam na agad ni Drei na tila hindi na pinansin si Ehra this time. "Hindi ako immature noh!I'm already 17 years old!" Hindi parin sya pinansin nito at dirediretso ng umalis patawid sa kabilang building "Anyari dun kuya?" Tanong naman ngayon ni Nica ky Gelo. "Kuya ka jan!mukha ba akong brother material sayo?wala yun,ganun yun pag nag aaral di nagsasalita parang love lang yan,di na kailangan sabihin pa kasi nararamdaman mo na" Nangungulit parin sabi ni Gelo na nangingiti naman sa sariling kakornihan. "Kuya ano ba!lubayan mo na nga si Nica,ang gulo mo eh!Alis na muna kami at magpapatour ako dito sa babaeng toh!bye see yah later" agad na humalik sa pisngi ni Gelo ang kapatid at umabrisete pa ky Nica bago nagsimulang maglakad. Wala ng nagawa si Gelo kaya napilitan na rin syang lumiko at dumiretso sa daan patungong Triad, yes tatapusin nya lang ang meeting na naudlot kanina. Dumiretso naman si Nica at Ehra sa Cafe De Mercedes, iyon ang tawag sa isang food court na nasa gitna mismo ng BAA, maraming mga food chains ang andun at may kanya kanyang pwesto ang mga ito na nakapalibot sa gazebo, maraming mga cottages dito na gawa sa kawayan,narra at nipa pa ang ceiling nito na nagmistulang prang mga traditional resting huts. Umupo sila sa isang cottage, sabay pang itinaas ni Ehra at Nica ang kanilang mga paa sa table na nasa gitna ng cottage nila at ng mamalayang hanggang ngayon ay pareho parin sila ng mannerism nito ay sabay na nagtawanan. "So ano ng nangyari sau mula nung nag away kau ni EA???"ani Ehra ky Nica na ang tinutukoy naman ay ang kakambal nito. "Nothing!nung nawala ka kasi tinigilan na rin nya ako" malungkot na sabi ni Nica "As in?mabuti naman,nasaan na sya ngayon?bakit hindi kayo magkasama?" Nagtatakang tanong ni Ehra "Ah my meeting ang student council hahaha muse na naman sya" tumawa si Nica na tila ba lagi nalang ganoon ang situation ng kakambal "Oh?talaga?hahahaha naalala ko noong Search for Christmas King and Queen of Nevada High tapos gusto nya sya ang sumali" pag babalik tanaw ni Ehra sa nakaraan "Oo nga naalala ko tapos ikaw ang pinasali ni Miss Chivas,ngitngit na ngitngit sya nun grabeh!bakit daw ikaw eh sya yung classroom muse" ani Nica na tawa na ng tawa "Hahaha tamo toh!makabully sa kapatid parang di kayo magkakambal,ok na yun pareho naman kaming nakasali,yun ang importante" natatawa na ring sabi ni Ehra "Tapos inannounce ng judge na ikaw ang nanalo hahahaha galit na galit si EA nun kasi sabi nya dapat daw ay mas priority daw ng US ang global warming kesa sa Drugs" halos sumakit na ang tyan ni Nica sa kakatawa, iyon kasi ang itinanong ng judge nung araw na iyon, kung ano ang pinakamahalagang pagtuonan ng US ng pansin na mas makakabuti sa nakararami. "Hoi besh!tama na nga!past is past,kaya naman galit na galit sakin yun kasi ikaw eh!binubully mo pa!I wonder why you look so similar but inside is a total opposite of each other" Suway ni Ehra sa kaibigan "Yeah but seriously besh!hindi sya makaget over sa insecurities nya sayo kaya lahat ng ball, dance competitions, clubs, events, activities, pageants at kahit ano pa yan sinisigurado nyang sya ang Queen. Alam mo bang ang name ng SME (joint Science,Math,English) club dito sa BAA na pinamumunuan nya ay tinatawag na (The Queen)???" paliwanag ni Nica kay Ehra. "Weh?di nga?seryoso?" Di makapaniwalang sagot ni Ehra,natatawa sya ng biglang nawala ang ngiti nya ng makita ang paparating. "Andito ka lang pala Nica!!!kanina pa kita hinahanap, alam mo bang..." Napatda si Elise ng makita ang kasama ng kapatid "EA" Iyon lang ang naisatinig ni Ehra habang nakapako na ang mga mata nya kay Elise, mabilis na tumayo ang magkaibigan ng biglang pumasok ito sa cottage. "Oh hi Ehra!long time no see!" Mapakla man ang ngiti ni Elise dito ay halatang insecure padin ito sa kanya hanggang ngaun "Hi!!!kumusta ka EA???" Bagamat ay mahinahon ay nakangiti namang sabi ni Ehra, nag abot sya ng kamay para makipagshake hands dito kahit na napansin na nyang pinasadahan sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa "No need for that, I like your boots and oh!it's not EA anymore, you can call me Elise!" Nakangiti man ay tila kitang kita ni Ehra na sinisipat ni Elise lahat ng mga branded nyang mga gamit mula sa gilid ng kanyang mga matang malikot na naglandas sa kabuoan ng cottage "Elise let's go!!!" Gusto mang umiwas ni Nica ay di nagpapigil si Elise sa kapatid "Its okay Nicz,you must have missed your all time beshy.!!!" Nang aasar ito alam ni Nica iyon "Ako nalang ang aalis, baka hinihintay na rin ako nila kuya, sabi kasi nun kanina sabay kami umuwi, bye besh!!!" Nilagpasan nya si Elise na mataman paring nakatingin sa kanya at humalik na sya sa pisngi ni Nica "Itext kita later" bulong ni Ehra Kay Nica habang magkadikit pa ang kanilang mga pisngi, buti nalang at kinuha agad ni Ehra ang phone number ni Nica bago pa man sila makapag decide na kumain sa CDM, di na kumibo si Nica ng bumitaw ng halik si Ehra upang di na mahalata ni Elise. Tuluyan na rin itong nakaalis. "Who's her kuya?" Tanong agad ni Elise "I don't know, konti palang napag usapan namin nung dumating ka" pagsisinungaling ni Nica na di naman nahalata ni Elise "I didn't know Tita Vera had a son" nag iisip paring sabi ni Elise "Alam mo insecure ka parin ky Ehra, after all these years of becoming a queen in your own world, you're still not contented?" Suway ni Nica sa kapatid "I am the queen of that night,inagaw lang ni Ehra ang crown ko!Hindi lang yun,pati si Ron inagaw nya sakin" halos gusto ng maiyak ni Elise ng maalala ang mga nangyari ng nasa US pa sila 10 years na ang nakakaraan. "Hoi Elise!wala talagang gusto sayo si Ron kaya wag mong sabihin inagawan ka, pano maaagaw sayo ang taong di naman naging sayo?umasa ka sa lalaking kaibigan lang ang turing sayo, nung nawala si Ehra diba di ka naman niligawan?ibig sabihin hindi ka talaga gusto!" Paglilinaw ni Nica sa mga nangyari "Oo kasi lumipat sya ng school kaya di na nya ako nakikita, di na nya ako magawang ligawan kasi malayo na sya" pagpapaliwanag ni Elise na tila ba sarili nya lang ang pinapaniwala nya "Hai nako, libre magpakatanga Elise I know pero wag mo naman gawing hobby please lang!at saka si Ehra mabuting kaibigan, kaya tigil tigilan mo na yang kakahanap ng mali sa kanya, you know why you will never be The Queen?" itinigil ni Nica ang pagsasalita at bumuntong hininga, alam nyang sa susunod na sasabihin nya,masasaktan nya ang kapatid ngunit kapalit naman nito ay katotohanang dapat matagal na nyang sinabi dito... "Because you are not happy, you are not contented of what you have and what you are, that makes you just a second placer and that makes Ehra the Queen" "She has that beautiful heart...that you will never ever have" pagtatapos ni Nica at saka tumalikod kay Elise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD