"Dad anong ibig sabihin nito" mariing tanong ni Drei sa ama pagkatapos magbawi ng pakikipagkamay
"You're right, she is the Vera I told you about pero hindi ko alam na sya ang babaeng nabangga ko, di ko nga alam na andito sya sa pinas" mahabang paliwanag ni Anton
"So what do you want now?bakit kailangan kasama sya sa dinner na to?should I welcome her with open arms dahil wala na si mommy?" Sarkastikong tanong ulit ni Drei
"Andrei Von I just want you to meet her" tumaas na ang tono ng boses ni Anton
"And then what dad?you'll come back to her, propose to her and marry her?who's gonna die next?" Tumaas na din ang boses ni Drei at nanginginig na ang boses na tila ba isang bulkan na sa anumang oras ay sasabog na
"Andrei Von!!!" Pagpipigil ni Anton ngunit napalakas parin ang pagkasambit
"Can you both calm yourselves down?" Sumabat na si Vera at di na mapigilan ang sarili na naririnig na sya ang pinag aawayan ng dalawa.
"Im not talking to you!!!" baling ni Drei kay Vera at dirediretso ng tumalikod palabas ng restaurant. Naiwan namang nagkatinginan sina Vera at Anton. Tila naman napansin ni Ehra na maselan ang situation at ayaw naman nya makialam sa kung anumang gulong nakaambang sa kanila.
"Excuse me guys, I have to go to the toilet" parang walang pakialam at parang walang narinig na sabi ni Ehra habang nakatuon parin ang mukha sa cellphone nya at panay ang pagtitipa dito na tila ba isang contest ng pabilisan ng pagtetext. Agad itong tumayo at tumungo sa toilet na nasa likurang banda ng restaurant, tumigil sya sa harap ng salamin na katabi ng isang pinto na may nakasulat na (FEMALE).
"I think you are beautiful Ehra, you don't need Gelo! There is a lot of fishes in the sea" confident na sabi ni Ehra sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuoan ng kanyang katawan at mukha ng bigla nyang mapansin na may gumalaw sa likuran nya, nilingon nya ito ngunit wala namang tao at saka lang nya napagtanto na my lagusan pala ang toilet doon ngunit ng sinipat nya ito, isa palang Exit way, walang tao at walang magandang nakikita doon bukod sa maliwanag na gabi na naghihintay sa labasan, naglakad sya hanggang sa dulo ng Exit ramp. Hindi nya alam na may daan pala dun palabas gayung hindi ito nakikita mula sa looban ng restaurant.
"Ang ganda ng gabi" mahinang bulong ni Ehra habang napapangiti at napapapikit sabay singhot ng malamig at mabangong simoy ng hangin na tila galing pa sa mga nakapaligid na mayayabong na kahoy ng mangga at guyabano. Pakiramdam nya ay full moon ngayon o kaya naman ay mas dumami ata ang mga bituin sa langit at tila ba napakaliwanag ng gabi.
"Dude di ko alam na sya pala ang nabangga ni daddy,even dad didn't know she was here in the Philippines, that b***h is gonna ruin my life again!!!I'm sure of it and am not gonna let that happen!!!" asik ni Drei na kinakausap sa phone si Gelo at dirediretsong naglakad papunta sa kotseng nakapark sa lilim ng isang malaking puno ng mangga habang ang kanang kamay ay pilit na ipinapasok sa kanang bulsa para hugutin ang susi ng sasakyan,si Gelo talaga ang takbuhan nya sa mga panahon lito sya gaya nito.
"Are you talking about my mom?!" Biglang sabat ni Ehra mula sa likuran ng lalaking sa pagkakaalam nya ay yung kaharap nya lang kanina sa dining table. Medyo napalakas ang pagkasabi nito gawa ng marinig nyang tinawag na b***h ang ina na naging dahilan ng pagkabigla ng lalaki at pagkahulog ng phone nya.
"What the f***?!?!?" Bulalas ni Drei sa sobrang pagkabigla,sa kasamaang palad ay duon pa ito nahulog sa bahagi na may putik at tuluyan ng lumubog at nabasa.
Tila naman lumayo ng kaunti si Ehra habang sinisipat ang kabuoan ng mukha ng lalaki na ngayon ay mabilisang yumuko para kunin ang phone nyang basa na ng putik. Panay pagpag at punas si Drei sa phone nya gamit ang sariling T-shirt na nagpalabas ng kanyang abs na hubog na hubog sa regular nyang paggigym. Ngayon nya lang napansin na may taglay pala itong kagwapuhan at kakisigan.
((so masculine hmmm this is something I've missed from the inside,pano inuuna mo pa kasi ang COC mo!!!pano ka magkakaforever nyan!!!)) sambit ni Ehra sa kanyang isipan na may halong panghihinayang. Ewan ba nya at kahit di nya ito kilala ay gusto nya itong kilalanin pa but how?base sa mga nangyari sa loob ng resto at maging sa ngayon ay nasisigurado nyang hindi magiging okay ang tagpong ito.
"Excuse me miss??? Are you having a nice view??? You wanna touch it???" Isinuksok ni Drei ang phone nya sa kaliwang bulsa ng jeans nya, nangingiting itinuro ni Drei ky Ehra ang abs nyang kanina pa nakalabas , bagamat inis na inis sya sa pagkahulog ng phone nya ay naaaliw syang tingnan ito at nahalata nyang nakatingin parin ang babae sa abs nya.
"Uh!Oh I'm sorry! I-I was just worried about your shirt" bulol na sagot ni Ehra. ((What's happening to you Ehra!!!shirt ka jan!!!para kang tanga!!!you're looking at his packs!!!umayos ka nga baka sabihin pa ng adan na to type mo sya!!!)) Anas ni Ehra sa sarili ng mamalayang kung anu ano nalang pala ang nasagot nya, kita naman ni Ehra ang pagngiti ng nakakaloko ng lalaki na syang ikinainis nya ng sobra.
"You're lookin' at my abs lady!" tahasang kompronta ni Drei sa babae, sinipat nya ang mukha nito at saka nya naalala na ito yung magandang babae sa loob ng restaurant na kasama ng Vera na pinakilala ng ama.
((What do you expect Drei???sabi na nga nya na mom nya ang tinutukoy mo kanina!!!of course!!!she's the daughter of that b***h!!!)) galit parin na sabi ni Drei sa sarili nya na di nya matukoy kung dahil ba nahulog ang phone o dahil anak ito ni Vera. Kung ano man yun ay di na nya kailangan pang isipin, kailangan nya itong kaibiganin upang pumayag ito na makipagkasundong paglayuin ang kanilang mga magulang, iyon ang main purpose nya ngayon.
"I said I was looking at your shirt!!!at please lang wag kang mag ilusyon na maattract ako sayo, eiw!!!" Inis na sagot ni Ehra. ((I think you already are Ehra, omg!!!he's so hot!!)) Hindi man sumang ayon ang isip nya ay napagdecisionan nyang itago ang anumang nararamdaman ((you can do it Ehra,you're good at this,hiding what you feel))
"Hahaha I didn't say you were attracted either but oh I now remember!you were that girl with Vera" pagkukunwari ni Drei na ngayon lang nya ito nakilala sa mukha. Bagamat palihim na nangingiti habang nahahalata nito ang pagpapanic ng kalooban ng babaeng kaharap.
"Yeah?the Vera you called b***h on the phone?" Hinamon ni Ehra ng tinginan si Drei. Lumabas na naman ang pagiging palaban nya, natural na iyon kay Ehra lalo na kung alam nyang yun lang ang nag iisang defense mechanism nya sa mga taong di pa nya nalalaman kung ano ang kanyang gagawin.
"Oh that! I'm sorry! But how come you agreed with this? My dad is your mom's ex, do you know what that means?" ani Drei na pinapahaba ang usapan sa kadahilanang gusto pa nyang pagmasdan ang napakagandang mukha nito na kanina pa nagbablush.
"What do you mean?spill it out!" matigas na sagot ni Ehra. Gustong gusto na nyang umalis at tila ba di sya mapakali sa presensya nito, natataranta ang katauhan nya sa kakisigan nito na para bang gusto nyang magpayakap dito buong magdamag.
"It means you're betraying your dad" mapangahas na sabi ni Drei habang ang mga mata ay napapapikit pa na para bang confident syang mapapatiklop nya ang babaeng kaharap nito.
"You mean the dad who died in a car accident years ago?or the dad who was in rehab in the US right now? Which is which?You know I think it's okay if mom will like your dad coz after all she's not with anyone right now" Paglilinaw ni Ehra na mukhang alam na kung bakit galit ang lalaking kaharap sa mommy nya and she is gonna use it to strike him this time.Ramdam ni Ehra ang malaking pagkadisgusto nito ky Vera para sa kanyang ama.
"Oh I didn't know your mom was that attractive to have so many guys in her life not to mention my dad yet" patuloy parin ni Drei, napagtanto nyang marami palang nakakalungkot na pinagdaanan ang babaeng kaharap ngunit kahit na gusto nyang mag sorry sa pagkakaungkat ng mga ito ay pinaalalahanan parin nya ang sarili na kalaban ito at hindi kaibigan,ngunit pano ba nya ito pakikitunguhan para sumang ayon ito sa plano nya.
"You don't know my mom!you don't know me either!if you have any problem with us,kausapin mo ang tatay mo!besides I don't think papatulan ni mommy ang dad mo,look at him!he is so much of a mess, his age doesn't fit him at all,masyado ata syang nastress sa pagkakaroon ng walang kwentang anak na kagaya mo" ganting sagot ni Ehra sabay talikod, galit na sya at nagtitimpi prin sya sa kabila ng panghuhusga nito sa mommy nya, babalik na sya ng resto bago pa nya masapak ang lalaking ito.
"He was the first love, matagal na nyang pinatulan ang dad ko, just like you!wala ka ng ginawa kundi mag text, malamang sangkatutak na lalaki na ang nag aabang sayo, you're like your mom!mahilig sa lalaki!" Dirediretsong sabi ni Drei na syang nagpahinto sa paglalakad ni Ehra.
Di paman nakakapagsalita ulit si Drei ay isang malakas na sampal na ang bumungad sa kanya pagtaas nya ng tingin sa babaeng kanikanina lang ay naglalakad na sana palayo, maluhaluha ang mga mata nito at nanginginig ang ibabang labi sa sobrang galit dagdag pang nagpaganda dito ang mapupula nitong mga pisngi na lalong namula sa inis. Di tuloy alam ni Drei kung sasabihin ba nyang masakit ang sampal nito o kung pupurihin nya ang kagandahan nito ngunit isa lang ang nasa isip nya.
Isang mapusok na halik sa humihikbing mga labi ni Ehra ang iginawad ni Drei.
Dahilan upang matigil ang panginginig nito na tila ba nagpakalma sa lahat ng ugat na nakapaligid sa bawat sulok ng katawan nya. Yes she was calm this time and yes she was responding with the kiss???huli na bago pa pumasok sa utak ni Ehra ang mga nangyayari, binawi nya ang mga labi at buong lakas nya itong itinulak papalayo.
"I hate you!!!" yun lang at tumakbo na si Ehra papasok ng resto. Umiiyak na sya at diretso na sya pumasok sa toilet na dapat ay kanina pa nya ginawa, ngayon lang sya nahusgahan ng ganun kabigat sa buong buhay nya hindi pa kasali ang pangahas nitong paghalik sa kanya, di man lang nya alam ang pangalan nito,he was her first kiss at sinumpa nyang hindi nya kailanman mapapatawad ang lalaking ito sa paghalik at pang iinsulto nito sa kanya, pinahid nya ang mga luha at pinilit ayusin ang sarili, hindi ito dapat malaman ng mama nya o ni mahalata na may nangyaring kakaiba, she has to play like nothing happened.
"San ka ba galing?tapos na kaming kumain, kumain ka na at ng makauwi na tayo" utos agad ni Vera sa anak pagkabalik nito sa hapagkainan. Pasimpleng umupo ito sa tabi nya at kunyari ay may hinahanap sa bag para di nito mahalata ang namumula nyang mga mata.
"It's ok mom I'm not hungry, salamat po Tito Anton sa pag imbita samin, the food was great" pinilit ni Ehra makangiti para maikubli ang pagdaramdam nya sa lalaking batid nya ay wala na sa lugar na iyon at mukhang hindi na bumalik pagkatapos ng kanilang engkwentro sa parking lot.
"Walang anuman hija,matagal din kaming hindi nagkita ng mommy mo, pagpasensyahan nyo na ang inasal ni Drei, medyo bago lang din kasi kaming nagkaayos bilang mag ama,napalayo ang loob nya sakin mula nung mamatay ang mommy nya kaya ganun nalang kalaki ang epekto sa kanya ng malamang nagkataong si Vera ang nabangga ko, minsan talaga ang tadhana naglalaro" mahabang paliwanag ni Anton na tila ba sinisipat kung anong magiging reaksyon ni Ehra. Si Ehra naman sa kabilang banda ay biglang napatungo ky Anton ng banggitin nito ang pangalan ng anak. So Drei was the name of her first kiss,yes she has heard it before pero ngayon lang ata ito naabsorb ng utak nya marahil dahil may ninakaw itong parte ng puso nya,galit sya dito iyon ang alam nya ngunit di nya malaman kung bakit ang bahagi ng puso nya na ninakaw nito kanikanina lang ay gustong makinig sa kung anumang sinasabi ni Anton na tungkol sa anak nitong pinangalanan ngang Drei.
"It's ok Tito, I understand" pilit parin ni Ehra pangitiin ang sarili. Sariwa pa sa isip ni Ehra ang mga labi ni Drei na nakalapat sa mga labi nya,napahawak na lamang sya sa sariling mga labi kasabay ng alaala ng pakiramdam na iniwan nya dito,di nya lubos maisip kung talaga bang naiintindihan nya ito pero gusto nya itong intindihin yun ang totoo,napayuko nalang sya. Bigla namang nagtaka si Vera sa inaakto ng anak kaya kunot ang nuo nyang sinipat ang kabuoan ng mukha ng anak.
"Are you ok Ehra?umiyak ka ba?parang mamumula ang mga mata mo ah!" nagtatakang tanong ni Vera sabay tuluyang lumapit sa anak.
"Yes mom, baka sa kakaCOC ko kaya namula, sorry too I wasn't so attentive kanina hehehe clan war po kasi namin" pagdadahilan ni Ehra sa ina sabay bawi sa mukha at yumuko na ulit kunwari ay may hinahanap sa bag.
"Ok anyway Anton we have to go, kailangan ko na magpahinga, thanks for the dinner" baling ni Vera kay Anton na nakangiti man ay halatang mabigat na rin ang talukap ng mga mata ni Vera, ito ay marahil sa gamot na iniinom nya.
"Ok Vera, I wasn't really expecting to meet you again in a situation like this but maybe we will see each other again, soon when destiny strikes again" pamamaalam ni Anton na syang dahilan na mapangiti ang mag ina.
"I know, bye" at humalik na si Vera sa pisngi ni Anton na hudyat ng kanilang pag alis.
"Bye Tito, see you again next time" nakangiting sabi ni Ehra na tila ba gusto nyang sabihin dito na sana next time ay dala parin nito si Drei at umaasang okay na sila sa susunod na pagkakataong makita nya ang anak nito. Naglakad na ang mag ina palabas ng restaurant.
"What was that Ehra?bakit parang sure ka na babalik pa tayo ng pinas?" Tanong agad ni Vera pagkasakay palang nila ng sasakyan.
"Kuya is here mom, I'm sure you can't let yourself be away from him knowing he's alive so I guess we are coming back" sagot ni Ehra sa ina na pasimpleng sumulyap dito, dinahilan nya ang kapatid gayung gusto talaga nyang sabihin na babalikan nya ang lalaking pangahas na humalik sa kanya at nagpalito sa kanyang isipan.
"And how does that makes you sure na magkikita kami ni Anton pagbalik natin dito?" Nag uusisa na si Vera ngunit wala syang makita ng sinyales na nagsasabing ayaw ni Ehra Kay Anton, isang bagay na gusto nyang ipagdiwang sapagkat lumaki si Ehra sa States na open minded sa kahit anong complication sa buhay.
"I'm not sure mom!just stop it ok?I'm not in favor of him but I'm not against him as well, wala lang if destiny brings you back together, that's something I can't control right?" Sarcastic man ang pagkasagot nito sa ina ay hindi ito minamasama ni Vera dahil ganun talaga si Ehra sumagot, pranka at direct to the point maging ang pagmamasid nya ay halata nito agad.
"Yes right" napapangiti nalang si Vera habang patango tango.
"Hey mom!are you smiling?what the hell???kinikilig ka pa ata eh" natatawang turan ni Ehra sa ina, di man sumagot si Vera ay tumawa na rin ito, alam nyang kilala na sya ng anak at kahit na ina sya nito ay masaya sya na parang mag kaibigan lang ang turingan nila.
Sa kabilang dako, kakarating lang ni Anton sa bahay ng...
"Where are you going?" tanong ni Anton sa anak na bihis na bihis at katatapos lang ata mag wash up.
"Dun ako matutulog kina Gelo, may lakad kami bukas ng maaga and please dad let's not talk about it right now, bukas nalang po!I'm going now, bye!" di na nakapagsalita si Anton sa sinabi ng anak, ganun ito pag nalilito kailangan nito ng oras para mag isip at mapag isa kaya hinayaan na lamang nya itong umalis. Sadya din namang gusto munang mapag isa ni Drei lalo pa sa mga nangyari sa kanila ng daddy nya,di nya alam kung paano ito pakitunguhan pero bukod dun ay natatakot syang makompronta ng ama sa nangyaring paghalik nya sa anak ni Vera sa parking lot, di pa kasali sa mga iisipin nya ang babaeng yun na para bang simula ng lumulan sya sa kotse nya kanina hanggang sa ngayon ay nanggugulo parin ito sa isip nya.Hindi nya maitatangging gusto nya ito at ang malambot nitong mga labi, ((how could you let her go like that, sometimes you're stupid Drei!!!)) Di matukoy ni Drei kung sinisisi ba nya ang sarili nya dahil hinalikan nya ito o dahil hinayaan nyang maghiwalay sila ng masama ang loob nito sa kanya.
Bumabyahe na si Drei patungo kina Gelo, nakaligo na sya at lahat lahat ngunit di parin maalis sa isip nya ang huling mga salita na binitawan ng babaeng anak umano ni Vera, umaalingawngaw ang mga salitang I HATE YOU sa utak nya na para bang mas masakit pa ito kesa sa sampal na natamo nya mula dito. Bumabalik balik sa utak nya ang mga tagpong gustong gusto nyang ibalik para lang makita at makasama ito, parang gusto nya magsisi sa mga sinabi nyang masasama dito bagamat kung hindi lamang ito anak ni Vera ay masasabi nyang gagawin nya lahat maligawan lamang ito at mapasakanya. Ngunit ngayong alam nyang anak ito ni Vera, hindi na nya ito pwedeng ligawan pa, hindi na pwede!dahil anak sya ng babaeng sumira sa pamilya nya! dahil hindi nya kailanman mapapatawad ang ina nito at higit sa lahat di nya maatim na maging parte pa ng buhay nya ang ina nito.
"Dude gising nah" sabay yugyog ni Gelo ky Drei.
"Dude ano ba yun?antok pa ako" kinuyamos ni Drei ang mga mata habang nakalaylay ang ulo na unti unting bumangon sa pagkakahiga.
"Dude 6am na, ihahatid pa natin sila mama, baka matraffic tayo sa daan" paalala ni Gelo sa kaibigan
"Ngayon ba yun?Kala ko bukas pa, I was supposed to just rest here you know" ani Drei na parang gusto pang magdabog habang akmang sinisimangot ang mukha at kinukunot ang nuo.
"Dude please?sabi mo sasamahan mo ko eh,now get up and prepare, mamaya ka nalang matulog pag uwi natin,promise sayong sayo na room ko" sabi ni Gelo na nagmamadali ng kumilos. Tumayo na rin si Drei at wala na rin syang nagawa,matitiis ba naman nya ang best friend nya sa mga panahong ganito. Nasa sasakyan na sila ng biglang may tumawag.
"Hello!" Si Gelo ang sumagot
"Ok po we're on our way mom"
"Kasama ko po bestfriend ko"
"I see, 30 minutes and we'll be there" sunod sunod na sagot ni Gelo
"Andun na sila dude? Aga naman?Kala ko ba 10am pa flight?" ani Drei na busy sa pag aayos ng ngkabuhol buhol na wire ng headset,mgsasound trip sya habang nasa byahe.
"Yes dude! 2 hours ahead kasi check in at boarding pa" paliwanag naman ni Gelo.
"I see. First time ko pala makikilala ang mama at sister mo, maganda ba kapatid mo dude? Well kung naging gf mo yun malamang maganda nga" patuloy ni Drei na sabay na rin pang aasar sa kaibigan
"Loko ka!as you said kapatid ko nga so di ako papayag na diskartehan mo, playboy ka kaya malamang magkakagulo tayo besides di ka papatulan nun kasi ako pa ang mahal nun ngayon, at kahit makamove on na sya di ka parin papatulan nun, ayaw nun sa babaero" sabay tawa ni Gelo na nagpatahimik kay Drei.
"Grabeh ka naman makababaero dude,di naman masyado, nagseryoso din naman ako minsan like with Casey I mean Cass??Caze??or Cazie ba yun??Ewan ko anong name nun hahahaha" sabay na nagtawanan ang magkaibigan, nilagay na ni Drei ang headset sa magkabilang tainga at pumikit na habang nakikinig sa music.
39 minutes exactly ang dating ng mag best friend sa NAIA. Hinanap agad nila ang waiting area kung saan naghihintay umano ang ina at kapatid ni Gelo. Nasa malayo pa lamang sila ay tanaw na ni Gelo ang ina at kapatid ngunit kapwa ito nakatalikod kaya naman ay saka lang nila ito tinawag ng makalapit na.
"Ikaw na naman?!?!?!" Magkasabay na bulalas ni Drei at Ehra ng makita at magkaharap ang isat isa.
Nanalo na naman si Destiny sa pagtatagpo ng landas ni Ehra at Drei sa pangalawang pagkakataon.Naiwan namang maang at di makapagsalita sina Vera at Gelo habang nakatingin sa dalawa na di malaman kung paano nagkakilala ang mga ito.
Ano ang gagawin ni Drei ngayong kaharap nya ang babaeng gustong gusto nyang makita at makasama?
Will everyone be ready to face each other and bare each situation when destiny strikes AGAIN???