"Dad I'm on my way to the studio" sambit ni Drei pagsagot pa lamang nya sa phone,alam na nyang hahanapin sya nito.
"Okay we will have dinner tonight at 8pm" ani Anton
"Dad 9pm pa matatapos ang show ko, can I come late?" Tumawad pa si Drei thinking na baka pwedeng mapostpone ang dinner.
"Okay just make sure to be there at 9pm" sagot ni Anton sabay baba ng phone. Every Friday night nagkakaroon ng dinner date ang mag ama sa kadahilanang gusto nilang bumawi sa isat isa. Nagsimula na ang show.
Drei: hello station 85, hello world! Sa ating mga masugid na tagasubaybay at mga aktibong tagapakinig, Doctor Love is on air from 8pm to 9pm only every Friday night. Kung sinuman ang ayaw kumain, ayaw matulog, gusto nlng umiyak, magdamag ng.ifb, ayaw lumabas ng kwarto, ayaw magtrabaho, ayaw lumapit sa kaibigan, kapamilya o kakilala at gusto ng magpakamatay dahil sa LOVE, here is Doctor Love at your service, pag usapan natin yan at naway lahat ng ating mga puso ay magamot sa tamang paraan, malaman ang ating mga gagawin sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang payo at higit sa lahat susunod kung saan magiging masaya ang ating mga puso ng hindi tayo nakakasakit at nakakalamang sa ating kapwa. The show is on, let's hear it from our previous caller Miss Rae
Rae: hello good evening Doctor Love
Drei: good evening too Miss Rae, atin na pong simulan ang pakikinig sa iyong kwento, what happened for the last 1 week that have passed?
Rae: my mom was hospitalized (nagsimulang humikbi at maging emotional, emotion na ramdam ni Drei at tila ba hindi maitatago ni Rae kahit sya ay nasa kabilang linya lamang) ako po ay naging busy sa pag aalaga sa kanya kaya di ko po nagawa ang pag iimbestiga na ipinangako ko po sa inyo last week, sa kasawiang palad nagkita po kami ng boyfriend ko sa di inaasahang pagkakataon na isinumpa ko na sana ay di nalang nangyari (at tuluyan ng humagulgol sa pag iyak si Rae)
Drei: ah Miss Rae I know it must be hard for you but can you give us a name of your boyfriend or at least kahit anong pwede mong itawag sa kanya?para maintindihan po ng lahat kung sino ang tinutukoy mo
Rae: yes! His name is Troy Vermont
Drei: you mean that's his real name?hehehe mukhang pangalan palang eh lalaking lalaki at mukhang may appeal
Rae: unfortunately yes! You're right! (Sagot ni Rae na may halong inis at pag aasik)
Drei: okay! Im just making you smile, lets get to it, so where and when did you meet unexpectedly?
Rae: In the hospital where my mom was admitted
Drei: anong ginagawa ni troy sa hospital na yun?did you ask him?
Rae: yes! Bigla syang pumasok sa room kung saan nakaadmit ang mom ko, I was thinking that maybe he knew what I was going through from my friends and classmates at school na naospital si mommy and he's there to visit yun pala ay mali ako, he was there for my mom and not for me, because he was my mom's lost son (at tuluyan ng bumigay ang panginginig ng boses ni Rae na humantong sa paghagulgol at pag iyak, parang kinuyamos ang puso ni Drei sa di malamang kadahilanan, why he is feeling so much sympathy to this caller? well in fact he hasn't been so much attached or carried away by other callers since the day he made journalism as his personal thing, pansalamantalang inalis ni Drei ang kanyang emotions sa pakikipagpanayam)
Drei: you mean he went there pra bisitahin ang mom mo na sa pagkakaalam nya ay kanya ding ina? Tama ba ako Rae?
Rae: yes! He is my brother!
Drei: so how come ngayon lang nya dinalaw ang mommy mo kung saan ito ay naospital na sa pagkasabi mo nga, bakit noon di sya dumalaw sa inyo ng di pa naospital ang mommy mo?
Rae: kasi ngayon nya lang din nalaman from Congmat na sya ang nawawalang anak ni mommy, Congmat is the brother of Troy's dad
Drei: Congmat? You mean Congressman Mateo De Jesus?
Rae: yes he is!
Drei: oooh! Miss Rae I would like to remind you that we are talking here about a very important person where the whole Santa Monica and may the whole country tuning in might hear, so I would like to inform all the listeners that everything going on with the show is not scripted but due to the circumstances that the guest Miss Rae personally witnessed herself and stating it on the spot with an ongoing call
Rae: I know what Im talking about doctor love and I will never lie to cover up anything, Im telling you my story and this is my story!
Drei: yes we understand that Miss Rae, I just want to tell you that whatever you say in favor or against Congmat might affect him or the people listening to your story, so lets get to it straight and forward, so Congmat's brother is the father of Troy Vermont?
Rae: yes right!
Drei: so why is he using Vermont instead of De Jesus?
Rae: because Vermont is my mom's maiden name, when my mom gave birth to Troy, she raised him alone, Troy's father has another family and his father took him when he was 3 years old. My mom went back to US after how many attempts of taking back Troy and still failed. After a year she heard a news regarding a car accident involving Troy's father and they said Troy died there too
Drei: so ibig mong sabihin tinago ni Congmat si Troy from you and your mom?ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ni Congmat at biglang umamin kay Troy ng buong katotohanan?
Rae: Sinabi ni Troy kay Congmat na ipapakilala nya ako sa kanya at sa buong pamilya as girlfriend nya, alam na pala ni Congmat na magkapatid kami at ang sabihin samin ang totoo ang tanging paraan para pigilan kami sa relasyong di dapat namin sinimulan in the first place
Drei: I see hmmm parang teleserye pala ang buhay nyo ni Troy ngunit masakit ang kinahantungan, di ko alam kung mapapayuhan kita ng tamang payo pero isa lang ang totoo, di kayo pwede ni Troy, he is your own flesh and blood Rae. Mahirap masaktan at mabigo sa pag ibig pero mas mahirap yung alam mong sya ang gusto mo ngunit di mo sya pwedeng mahalin
(Mga katagang kusang lumabas sa mga bibig ni Drei ng walang kalatoy latoy, di nya maintindihan kung saan nanggaling ang mga salitang yun pero isa lang ang nasisiguro nya, yun ay alam nya sa sarili nyang di nya kailanman mararanasan ang situation na kinalalagyan ni Rae sa tanang buhay nya, una kasi uniko hijo sya, wala syang kapatid na babae at walang babae sa mundo ang masasabi nya hindi nya pwedeng gustuhin at pangalawa ay dahil malakas ang loob nya na lahat ng babaeng gugustuhin nyang mkasama ay hindi sya hihindian.)
Rae: I know, its just too hard to absorb and get over it, di ko alam kung pano ako magsisimula
Drei: naiintindihan kita kahit wala ako sa position mo alam kong masakit, but like any other way of moving on kailangan mong buohin ang sarili mo bago mo atupagin ang iba, lumayo ka muna, use space to control what you cant control like your emotions, sabi mo noon sakin kung nalaman mong he is cheating on you,you'll break up with him and just choose yourself instead, its the same way around and the difference is just that you are choosing family instead this time, think that you are cheated by destiny through taking away your brother and knowing him in a different situation leading to become your boyfriend, kung kaya mo syang mawala sayo nung time na sakaling nalaman mong nagloko sya, mas makakaya mong mawala sya sayo ngayon bilang boyfriend especially knowing na hindi na sya mawawala pa sayo kahit kailan kasi sya ay iyong pamilya
Rae: tama ka doctor love, maraming salamat at may ganitong show na gumagabay saming mga sawi at mga walang alam sa pag ibig, nakikinig sa aming mga sugatang puso at nagpapayo ng aming gagawin in times our decision making becomes unreliable and are preoccupied of situations we cant even imagine to go through, I will call you guys when I come back from US soon maybe after how many years, I just hope that this show will have more years to celebrate
Drei: of course Miss Rae hahaha parang gusto mo na ata kaming magsara
Rae: hindi naman po doctor love hahaha sabi ko nga I just hope di kayo magsara at marami kayong nabibless na mga taong katulad ko
Drei: it is an honor Miss Rae, GOD bless you always
Rae: thanks and GOD bless Station 85, til next time bye!
Drei: bye Miss Rae! Okay we are now passed 9 o'clock at medyo napahaba po ang ating show gawa ng napakahabang confession ng ating guest caller however it is our duty to hear their stories and extend a helping hand so hindi na po tayo mgpiplay ng closing song, we will just end from here and I hope to meet you guys soon by tuning in next friday, this is Doctor Love signing off.
At natapos na ang mahabang panayam, napakaraming listeners ang nagreact sa online account ng station 85 gawa ng pagkabanggit ng pangalan ni congmat gayunpaman hindi iyon ang concern ni Drei sapagkat sya ay late na sa dinner date nila ng daddy nya. Dali daling lumabas ng studio si Drei looking at his watch dahil 9:30pm na at di pa sya nakakaalis only to find Gelo at the waiting area.
"Dude andito ka?anything wrong?" Nabibigla man ay pasimpleng itinago ni Drei ang pagtataka at ipinapanalangin nyang sanay hindi ito galit sa pagkakadawit ng ipangalan ng daddy nya sa show nito
"Yes dude, I need someone to talk to" seryoso ang mukha nito na tila ba wala pang tulog, nakayuko at mukhang malungkot
"Hala dude may dinner kami ni daddy, can't it wait?" Sinisipat pa ni Drei ang mukha ni Gelo na nakayuko ngunit mukhang hindi na nga pwedeng pag intayin ang sasabihin nito
"Oh! I know what it is,ito ba yung about sa show?pasensya na ah kasi yung caller mismo ang nagbanggit ng pangalan ni Tito Mat, so you wanted to tell me his side?iyon ba ang ipinunta mo dito?" Pangunguna ni Drei sa pag aakalang isa sa mga kapatid ni Gelo ang tinutukoy ni Rae na Troy Vermont at expecting na sana di sya madamay sa mga nangyayari
"Yes and No Dude! Yes I'm here to clarify things, ako si Troy Vermont at ang kausap mo on Air was Ehra as in Ehra Avrin Robles, she is my biological sister who happens to be my girlfriend and No Im not here to explain the side of daddy, he is still my dad at kahit pa ginawa nila yun, I felt like Im a part of their family and that's something I can't question them about" paliwanag ni Gelo na nagpatulala at nag iwan kay Drei na maging speechless.
"Di ko lang alam kung saan ako lulugar, should I leave the country?or should I go to US with Ehra and mom? After all they were my real family and mom needs better therapy, what should I do?" Untag ni Gelo na bakas sa mukha ang sobrang pagkalito at pag aalinlangan
"Dude if they are leaving let them, mahal mo si Ehra alam ko yun at mahal ka din nya, you both need space, you both have to move on first before you can accept each other as family,its the best for everyone, a time to heal the wounds and a space to adjust for a new set up" payo ni Drei na alam nyang mas makakabuti sa lahat.
"Yeah I know you're right, ok I'm staying, thanks dude! Aalis na sila in two days, can I bring you along? Gusto ko sana silang ihatid sa airport" pag aanyaya ni Gelo sa kaibigan
"Of course dude! Anytime! So pano ba yan?Troy Vermont hahahaha I guess Troy is a better name than Angelo, what should I call you then?" Pagbibiro pa ni Drei na tila ba walang nangyaring dapat ikalungkot ng kaibigan
"loko loko! Anything dude! So ano na nga?sasama ka maghatid on Sunday ah?" Pangungulit pa ni Gelo
"oo na hahaha bakit pa kasi kailangan ko sumama?ano yun moral support?" At sabay na nagtawanan ang magkaibigan pero sa loob loob ni Drei, alam nyang handa syang tumayo sa tabi nito anytime kailanganin nito ang tulong at suporta nya, ito ang kinalakihan nyang pinakamatalik na kaibigan at gaya ng ginagawa nito sa kanya, gusto din ni Drei na andun sya sa mga masasaya at malulungkot na araw ng buhay nito, thats what best of friends should be!natigil ang pagkukwentuhan nila ng tumunog ang phone ni Drei
"Patay!" Bulalas ni Drei ng makita sa screen ng phone nya ang name ng daddy nya
"Hello dad! Im on my way! Sorry po Im so late" bungad agad ni Drei pagkasagot pa lamang sa phone
"Come here now! We've been waiting for 2 hours Drei" galit na bungad ni Anton
"We?you're with who dad?"natatakot man bagamat natanong parin ni Drei kung sino ang kasama nila magdidinner
"Just come and I'll introduce you to them in person" medyo huminahon na ang boses ni Anton. Agad agad na nagpaalam si Drei kay Gelo, in 25 minutes ay nakapark na si Drei sa parking space ng Restaurant. Isa itong International Cuisine Resto kaya naman mostly ng mga customers ay di kataka takang europeans at americans, dumiretso si Drei sa table na itinuro ng receptionist ng itinanong nya ang reservation ng daddy nyang si Anton Sandoval, tumayo sya sa tabi ng daddy nya pagdating pa lamang nya sa table.
"Hi Im so sorry to be late" pagpapaumanhin ni Drei sa 2 babaeng nasa harap nya. Ang isa ay bata pa na batid nya ay nasa 16 years old lang at kasing edad pa ata nya o mas bata pa, ang isa naman ay nasa mid 30's na parang kaedad lang ng daddy nya or mas bata pa, ang mas matandang babae ay may hawak na saklay at nakabandage ang ulo,naghihintay sya kung kailan sya ipapakilala ng kanyang daddy sa mga ito.
"Drei sya ang babaeng nabangga ko last week na nagcomatose ng 3days sa SMGH" turo ni Anton sa babaeng nakasaklay.
"Ah hello po! nice meeting you! im Andrei Sandoval, you can call me Drei" nakangiting pagpapakilala ni Drei sa sarili, hinihintay nya na ipakilala din sya sa magandang babaeng kasama nito na tila ba hindi sya nakikita at busyng busy sa pagtitipa ng text sa phone nito. Nag abot si Drei ng kamay sa babaeng nakasaklay kahit ang mga mata nya ay nakapako ang tingin sa babaeng katabi nito at inabot naman ito ng babaeng nasabing nabangga ni Anton.
"Hi Drei, my name is Vera Robles"
Paulit ulit na nag echo sa tainga at utak ni Drei ang pangalang binanggit ng babae VERA, VERA, VERA, ang minsang ngiti sa mga labi ni Drei ay unti unting nawala at napalitan ng pagkalito, ang tingin nyang nakapako sa magandang babaeng katabi nito ay unti unting lumipat sa babaeng nagpakilala bilang VERA Robles. Ang babaeng ito ang nabangga ng Daddy nya at kapangalan lang ba nito ang VERA na unang minahal ng ama? O sadyang naglaro na naman ang tadhana at pinagtagpo na naman sila? Kung ito ang babaeng yun, ano ang mangyayari sa kanya ngayung bumalik na ito sa buhay nila? Isang napakalaking banta ng tadhada ang nakaabang kay Drei, sino na naman kaya ang susunod na mawawala? Sya ba?