“Ang tagal mo naman, Petra! Sa sobrang tagal mo, wala na tayong aabutan doon!” Kanina pa niya hinihilot ang sentido niya dahil sa sobrang kunsumisyon. Dalawang oras kasi itong naligo tapos dalawang oras din itong nagbihis. Kakaunti ang damit pero nahirapan pa yatang pumili sa kung ano ang isusuot nito. Sa sobrang tagal, nakaidlip na siya sa kahihintay sa sala pero hindi pa rin ito lumalabas kaya ang ginawa niya, kinatok niya na ito nang sa kuwarto nito kung saan ito natutulog kasama ang Yaya niya. Kung mayroon lang sana itong makakasama rito para magbantay ay baka kanina niya ito iniwanan. “Aalis na po ba tayo?” “Sa tingin mo ba tatawagin kita kung hindi pa tayo aalis?” “Sorry po. Ang sabi niyo kasi, mag-ayos ako ng mabuti. Nahirapan po kasi akong ayusan ang sarili ko kaya po ako na

