C-12

2029 Words

“Magandang gabi po, Señorito.” Muntik na siyang atakihin sa puso nang batiin siya ni Petra sa kalagitnaan ng gabi. Nakalimutan niya kasing lagyan ng tubig ang mini ref niya sa sarili niyang kuwarto kaya bumaba siya para kumuha ng tubig dahil bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Mabuti na lang hindi niya nabitiwan ang pitsel dahil kung hindi ay tiyak na magigising ang Yaya niya pati na rin si Mang Kanor. “Nagulat ko po ba kayo?” “Ba’t gising ka pa?” sa halip ay tanong niya. “Hindi ko nga rin po alam.” “Tinatanong ko kung bakit gising ka pa, tapos hindi mo alam?” Tsk! Kapag ito talaga ang kausap mo ay magmumukha ka talagang tanga palagi. “Eh, hindi ko nga po alam, eh. Ito po kasing mga mata ko, ayaw pang pumikit. Mabuti pa sina Mang Kanor at Aling Tasing kanina pa nakapikit ang mga m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD