“Jai, nakasunod sila sa atin.” Pag-alis nila sa fastfood kanina ay umalis na rin ang dalawa. Ibig sabihin ba nito, nasundan sila? “Sina Yaya Tasing at Mang Kanor, wala silang kasama roon.” “Umakto ka lang ng normal. 'Wag mong ipahalata na alam mo na sinusundan nila tayo,” sabi ni Jaiyana sa kaniya na para bang walang nakaambang na panganib sa kanila. “Hindi sila mapapahamak doon dahil matibay ang pundasyon ng safe house ko. Kahit gumamit sila ng bomba, hindi nila basta-basta mapapasok ‘yon puwera na lang kung sina Mang Kanor at Aling Tasing mismo ang magpapapasok sa mga taong gustong manakit sa iyo.” “f**k! Kung ganoon, umuwi na tayo!” “No. Ililibre mo pa nga ako, eh,” anito kaya hindi siya makapaniwala na tiningnan ito. “'Wag ka ngang kabado. Kahit malayo ako kina Mang Kanor at Aling T

