“Hindi ka pa ba napapagod, Jaiyana?” Limang oras na silang paikot-ikot dito sa bayan kaya talagang nagreklamo na siya. Hindi na kaya ng mga paa niyang maglakad dahil halos pabalik-balik lang naman sila at paikot-ikot. Siguro kung umuwi sila ng naglalakad, kanina pa siguro sila nakarating sa safe house nito. “Jaiyana, ang sakit na ng mga paa ko. Utang na loob, umuwi na tayo. Pakiramdam ko, namamaga na 'tong mga paa ko.” “Dapat kasi tsinelas lang ang isinuot mo, eh,” sabi nito habang nakabusangot ito. “Ang hina mo naman sa lakaran. Sa susunod, magsuot ka lang ng tsinelas para komportable ka. Nagsapatos ka pa kasi, eh.” “Mahina pa ba ‘yong limang oras? Ano'ng gusto mo, eight hours dapat bago ako magreklamo?” “Ito naman. Oo na, uuwi na tayo. Ang ikli naman ng pasensiya mo. Ngayon na

