“Hey.” “Are you, alright?” “Dude.” Sa sobrang sakit ng ulo niya kanina ay nakatulog siya at paggising niya ay namulatan niya ang tatlo niyang kaibigan na nakamasid sa kaniya ng mariin. “Ba't nandito kayo?” tanong niya kina Mavi, Jed at Gabriel. "Sino ang nagpapunta sa inyo rito?" “Sabi ni Aling Tasing, madalas daw sumakit ang ulo mo, ah. Ba't hindi ka tumatawag sa amin?” “Hindi naman big deal ‘to kaya hindi na ako tumawag sa inyo, Mavi.” “Ba't hindi mo sinasabi sa amin na kaya pala kayo nandito ay para magtago?” si Gabriel naman ang nagsalita habang si Jed ay umiling-iling lang. “Guys, okay lang ako. Ano ba ang pagkakasabi ni Yaya sa inyo? Sinabi niya ba na mamamatay na ako kaya kayo nandito? si Yaya ba ang nagkuwento sa inyo o si Jaiyana?” “Bakit hindi ka na nagsasabi sa amin?”

