“Jai, sa tingin mo ba magtatagal pa tayo rito sa lugar na ‘to?” tanong niya kay Jaiyana dahil naiinip na si Mang Kanor at ganoon din ang Yaya niya. “Sa tingin mo ba kapag bumalik na tayo sa bahay ko, may hindi magandang mangyayari?” “Maghintay pa tayo ng kaunti pang panahon,” seryoso nitong sabi. “Dito kasi sa lugar na ‘to kahit iwanan ko kayo ay magiging ligtas kayo rito. Doon kasi, hindi ako puwedeng umalis ng matagal dahil baka mapahamak kayo kaya hindi ako makakilos ng maayos para mag-imbestiga. Bigyan mo ako ng isang buwan, pagkatapos noon tiyak ako na magiging normal na ulit ang mga buhay niyo.” “P'wede ba akong tumulong sa pag-iimbestiga mo? Tulungan na kita para mapadali ang lahat o kaya magpatulong na tayo sa mga kaibigan ko. Ano sa tingin mo?"” “Mapapahamak ka lang. Mapapahama

