“Dude, bahay mo ‘to?” tanong ni Jed sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ang nag-imbita sa mga kaibigan niya para guluhin ang nananahimik niyang kaluluwa. Umiinom silang apat dito sa labas ng bahay niya dahil nagdala ang mga ito ng inumin. Nang tanungin niya ang Yaya niya at si Petra ay sinabi nang dalawa na wala raw itong kinalaman sa pagdating ng mga kaibigan niya. “Velarde, bahay mo ba ‘to o isinangla lang sa iyo?” tanong naman ni Gabriel. “In fairness, maganda ang ambience, ah. Medyo, gumagana pa pala ang utak mo. Akala ko talaga simula nang mag-asawa ka ay wala ka nang kautak-utak, eh.” “I think he bought this house for his wife,” komento ni Macarius. “Congrats, Dude. We're happy for you.” Nang mapansin nang tatlo ang lukot niyang pagmumukha ay nagkatinginan ang mga ito. “Ba

