“Ano, okay ka na ba?” inis niyang tanong kay Petra dahil alas-onse na ng gabi ay nandito pa rin sila sa bahay nina Mavi. Nagkaroon kasi ng LBM ang babae dahil sa sobrang katakawan nito. “Akala mo kasi hindi ka na makakakain ulit, eh.” “Wala na po bang bisita?” “Sa tingin mo ba may bata pang gising sa mga oras na ‘to?” “Umuwi na po sila?” “Kanina pa. Tayo na nga lang ang nandito, eh.” “Ganoon po ba? Eh, ano pa po bang ginagawa natin dito? Hindi pa po ba tayo uuwi?” “Seryoso ka ba diyan sa tanong mo, Petra?” “Uwi na po tayo, Señorito,” yaya nito pero nakahawak ito sa puwetan nito na para bang anumang oras ay may bubulwak na naman doon. Kung bibilangin niya kung ilang beses itong pabalik-balik sa banyo ay baka umabot na ng isang daang beses. “Ay, teka lang po! May lalabas po ulit!” ani

