C-18

2049 Words

“Ba’t ang dami mong ibinigay sa girlfriend ko?” tanong niya kay Callynn na asawa ni Mavi. “Mamaya sumakit ang tiyan, eh.” Napakarami kasi nitong ibinigay na pagkain kay Petra. Halos lahat yata ng menu ay inilapag nito sa harapan ng babae. Nasa kabilang lamesa si Petra dahil ayaw daw nitong maistorbo at sa buong lamesa na ‘yon ay punong-puno ng pagkain na akala mo bibitayin na ito pagkatapos. Para itong halimaw kung kumain. Akala mo maraming trabaho ang ginagawa sa bahay niya samantalang wala itong ginagawa roon kun'di bigyan siya ng ikakainit ng ulo niya. “Ano ‘yan, last supper? Mauubos niya ba lahat ‘yan?” “Siya ang may gusto ng lahat ng iyan, Jordan. Ang sabi niya, ang dami niya daw gutom kaya halos lahat sinandok niya,” sagot ni Callynn sa kaniya. “Para siyang lalaki kung kumain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD