C-14

1952 Words

“Ay, depungal!” Napatalon sa takot si Mang Kanor nang makita siya nito sa veranda. Alas-dos na kasi ng madaling-araw ay gising na gising pa siya dahil hindi siya dinadalaw ng antok. “Mamamatay yata talaga ako ng maaga!” “Ba't pagala-gala pa po kasi kayo nang ganitong oras? Hindi ba dapat mahimbing pa po ang tulog niyo?” Binuksan niya ang ilaw para magkakitaan sila nito. Kanina kasi ay nakapatay ang ilaw kaya siguro nagulat ito. “Paano ako makakatulog kung maya't maya akong sinusundot ng samurai ni Tasing?” “Bakit niya po ginagawa sa inyo ‘yon?” “Sa palagay ko, malaki na ang tama ng utak ni Tasing, Hijo. Hindi na kasi siya normal kung mag-isip, eh. Kasarapan pa nang tulog ko, ginising-gising na ako dahil may namataan daw siyang dyablo dito sa may veranda.” Napahilot ito sa dibdib nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD