Pag-uwi niya sa bahay niya ay para siyang nanibago kahit wala namang nagbago sa loob at labas ng bahay niya. “Hijo, bakit?” tanong ng Yaya Tasing niya. “May masakit ba sa iyo?” “Wala po, Yaya," sagot niya rito. “Pumasok ka na muna sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na akong magluto. Puro paborito mo ang lulutuin ko ngayon para marami ang makain mo." “Salamat po, Yaya,” aniya. Kagaya nga ng sinabi nito ay umakyat na siya sa kuwarto niya. Bungad pa lang ay amoy pabango na ng babae. Wala siyang natatandaan na nagpapasok siya ng babae rito sa kuwarto niya simula nang mawala si Larissa sa buhay niya. “Yaya!” tawag niya sa Yaya niya. “Halika nga po muna sandali.” Mabilis naman na nakarating ang Yaya niya sa harapan niya. “Oh, bakit?” “Bakit amoy babae po rito sa kuwart

