EXCITED na excited na si Raven para sa prom nila. January pa lang ay pinaghahandaan na niya ang mga susuotin niya. Nag-ipon na siya buong taon para makabili siya ng magandang sapatos. Noong nakaraan ay nagpasadya sina Naynay Melinda at Maymay Belinda ng susuutin niya. Humingi pa ng pabor ang kanyang Naynay Melinda sa amo nitong babae para maigawa siya ng magandang gown ng isang fashion designer. Medyo napagastos sa damit ang dalawa niyang tiyahin. Na-guilty siya pero hindi rin maikakaila na masayang-masaya siya. Tulad din siya ng ibang mga babae na gustong nag-aayos at nagbibihis nang maganda. Isang linggo bago ang prom noong nakaraang taon ay sinamahan niya ang isang kaibigang babae na bumili ng isusuot na sapatos. Nagpunta sila sa isang high-end na department store. Noon niya nakita an

