PINAKATITIGAN ni Raven ang nakabalot na regalo na hawak niya. Itinatanong na naman niya sa sarili kung bakit niya iyon binili at ibinalot. “It’s Christmas, Raven. It’s time of giving gifts and giving love. Hindi mo siya bibigyan ng love kaya bibigyan mo siya ng gift. It’s not a big deal. Huwag mo nang gaanong isipin kasi,” pagkausap ni Raven sa sarili. Inilagay niya ang regalo sa malaking paper bag na lalagyan niya ng mga regalong ipamimigay bago pa man magbago ang kanyang isip. Ngayong araw ay pupunta siya sa isang pribado at eksklusibong resort para sa Christmas party ng kanilang klase. Regalo iyon sa kanila ng isang magulang ng kanilang kaklase. Sinagot nito hindi lang ang stay nila sa nasabing resort, pati na rin ang trasportation, mga pagkain at iba pa nilang mga kailangan. Dalawan

