Accidentally In Love 1
AISHLEEN KATE ALTAMONTE
"Misha..?!" tawag ko sa babaeng papasok ng Mall.
Araw ng sabado. Off ko sa work kaya niyaya ko si Bryce manood ng sine para naman makabawi ako sa kanya. Alam kong nagtatampo siya sa akin sa makailang ulit kong pagtanggi sa kanya lumabas. Busy kasi ako sa trabaho last past few weeks. Hindi pumapasok sa opisina si Kuya kaya ako ang pinapasalo sa ibang business meeting at appointment niya. Puro mukha ni Kuya Liam pa ang nakikita ko. Nakakasuya, puro utos.
Dagdagan pa ng demanding kong boyfriend. Kung ano-anong paratang ang binabato sa akin kahit sandamakmak na pictures na ang pinapadala ko sa kanya kung saan ako pumupunta. I felt exhausted. No freedom. And jailed! But I don't want to act in my impulse. Ayokong pagsisihan ang maling hakbang ko sa huli dahil lang sa nasasakal ako.
Tapos 'yung bwesit na Ace na 'yon lagi pang nakabuntot sa akin. Ayon, tapos na.
Like hello..? I'm not a f*****g minor anymore and I don't need a babysitter! Iwan ko ba kay Kuya at Dad, masyadong OA. Akala mo naman anak ako ng presidente at may magkakainteres na dukutin ako.
Kagaya na lang ngayon, nakasunod si Ace sa amin 'di kalayuan. Hindi siya boto at inis sa boyfriend ko. Harapan niya iyon sinabi sa akin, sa amin ni Bryce na para bang Daddy ko siya!
"Kate?" gulat na lumingon siya sa akin.
My smile widened. Patakbo ko siyang nilapitan.
"Oh my gosh--ikaw nga!" then I hugged her tightly. "Namiss kita sissy! Kailan ka pa dumating?"
Hindi siya umimik nakatitig lang sa likuran ko. Nilingon ko iyon. Natigilan ako saka nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ng boyfriend ko ng makita kong nakatitig sila sa isa't isa.
Do they know each other?
Saka lang bumaling sa akin ang bestfriend kong si Misha ng huminto si Bryce sa aking tabi at inakbayan ako.
She smiled sweetly. "Ang gwapo ng boyfriend mo ha."
I paused for a sec then giggled. "Syempre, maganda ako e." then we both laughed. Oh, I miss this girl so much!
"Kailan pa kayo? Nagtatago ka na ng sekreto sa akin ha."
"More than one year na. Siya yung kinukwento ko sayo dati no'ng nasa States pa ako. Naalala mo pa ba? Bigla ka na lang kasi hindi nagparamdam e. 'Di ko na makontak pa 'yong number mo."
"Ah oo, siya ba 'yon?" alanganin siyang ngumiti.
"Oo sissy," nakangiting ipinaikot ko sa bewang ni Bryce ang kaliwang braso ko saka humilig sa kanyang dibdib. "May family business sila dito kaya sinundan niya ako dito sa Pinas. Ang sweet niya diba?" kinikilig ko pang imporma sa kanya.
She was smiling but her eyes was. . . sad and shock?
Hinawakan ko siya sa kanyang braso ng makita kong namutla siya. "Sissy, ok ka lang?"
"Ha? A... e, oo. O-Ok lang ako." hinilot niya ang kanyang sentido saka mariin na pumikit. Pagmulat niya nakangiti na siya ulit. "May jetlag pa siguro ako. Kararating ko lang kasi kanina e." sinulyapan niya si Bryce na tahimik lang sa tabi ko saka muli akong nginitian. "May nangyari kasi noon tsaka nawala 'yong phone ko kaya ayon. . . nawalan ako ng kontak sayo." she sighed then smiled again. "Anyways, saan punta niyo? Mukhang. . . may date kayo ha?"
Hinatak ako lalo ni Bryce palapit sa kanyang katawan.
"We're going to watch a movie." ani ni Bryce. "Do you want to come with us?"
Mabilis akong napatingala kay Bryce sa gulat. Hindi ko inaasahan na iimbitahin niya ang bestfriend ko sa date namin. I mean it's very rear for him to invite someone else in our date. Hanggat maaari ayaw niya ng istorbo.
Nawala ang agam-agam ko ng yukuin ako ni Bryce saka nakangiting pinatakan ng matunog na halik sa aking noo.
"Ha? Uhm--thanks but no thanks." tinuro niya ang loob ng Mall. "May importante lang akong bibilhin sa loob kaya pumunta ako dito. Uuwi din ako agad e. . . para makapagpahinga. Sige. . . enjoy your date na lang sissy. Mauna na ako sa inyo ha." sabi niya sabay talikod.
"Wait--!" tawag ko ng may maalala ako. Muli niya akong nilingon. Mabilis ko namang dinukot ang cp sa loob ng sling bag saka nakangiting inabot sa kanya. "Can I have your new number? Usap tayo mamaya or kung kailan ka free. Subrang dami kong ikukwento sayo."
She laughed. Kinuha niya ang phone ko saka mabilis na nagpindot doon. Then gave it back to me. Pinindot ko ang call button. Nang mag ring iyon pinatay ko din agad.
"Save my number ha."
"Ofcourse." hinatak niya ang braso ko saka mahigpit akong niyakap. "Na miss din kita, subra." saka nakangiting pinakawalan ako. "Sige na. Tawagan na lang kita." kumaway pa siya bago tuluyan kaming iniwan.
I waved back at her. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. Nakalimutan ko na papasok din pala kami ng Mall. Dapat pala nagsabay na lang kami para nakapag-chit-chat ng kahit kunti. But watching her as if she's in a hurry, that's not possible.
"So, she's your bestfriend ha?" untag sa akin ni Bryce.
Nakaakbay pa rin siya sa akin ng pumasok na kami sa loob. Kahit nakasakay kami sa escalator 'di na siya lumayo pa sa akin. And I like the feeling. Alam ko bati na kaming dalawa.
"Uh-huh. Kaklase ko siya no'ng college. After graduation saka lang kami nagkahiwalay but we had communication. Nagkikita din kami minsan kapag may free time siya. She's like a sister to me. Siya ang takbuhan ko noon kapag may problema ako. Pero no'ng umuwi ako dito sa Pinas bigla na lang 'di ko makontak pa ang number niya. And that's the end of our communication."
"Oh, I see."
Pagdating namin sa fourth floor nagtingin-tingin muna kami kung ano ang magandang palabas na panonoorin.
"Which one do you like to watch, babe?" tanong niya habang marahan na humahaplos ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat.
Napalunok ako saka bahagyang sinulyapan ang kamay niyang gumagalaw. He always did that, 'yung pahaplos-haplos niya kahit nasa public place kami na ikinaiinis ko sa kanya. Pinapayagan ko naman siya umakbay, e-kiss ako sa noo or pisngi or holding hands in public. Pero 'yung maglumikot na ang kamay niya na kung saan-saang parte na ng katawan ko dumadapo naiirita ako. Buti kung steady lang, ang kaso hindi e!
Last na nag-away kami't nilayasan ko talaga siya 'yung nasa pilahan kami sa counter ng grocery store. Naka-high-waist brown miniskirt ako no'n. Lampas tuhod ang haba na tinernuhan ko ng black fitted long sleeved crop top. Nakapaikot sa bewang ko 'yong isang braso niya, nakahawak naman yung isa sa cart namin na puno ng grocery.
Hanggang na naramdaman ko iyon na humaplos sa ibabaw ng tiyan ko. No'ng una hinayaan ko lang, pero ng pumunta na sa tagiliran ko mabilis ko iyon pinigilan. Sinulyapan ko ang mga taong nakapila sa likuran namin. They're maliciously staring on us. Uminit ang mukha ko saka pinandilatan siya. Nginitian niya lang ako.
Tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko. Ang sumunod na ginawa niya ang 'di ko inaasahan. Pagigil niyang pinisil ang pang-upo ko. I heard those girls giggled behind us.
"Grabe, dito talaga?"
"'Di makapaghintay sa kwarto."
Narinig ko pang sabi ng mga tsismosa ng mag-walk-out ako. He called me but I never look back. Iniwanan ko siya. Umuwi ako sa bahay.
And now; I hope he won't do it here again. Dahil talagang lalayasan ko siya. 'Di bale ng 'wag na kaming magbati, magbago lang siya sa mannerism niya. Hindi kasi maganda sa mata ng mga nakakakita. Mahirap na't baka umabot pa sa mga magulang ko at kay Kuya. Sumbungero pa naman si Ace. Panigurado puputulan siya ng braso ng mga 'yon. 'Di na rin siya makakatungtong pa ng masyon.
"HOW'S THAT?" tinuro ko sa kanya ang 'Maybe Before You movie'. "Napanood ko 'yan dati sa netflix. Maganda. Nakakaiyak."
"Napanood mo na pala e." ani niya. "Try natin 'yung hindi mo pa napanood."
"Ayaw ko ng horror." tinuro ko ang iba pang movie. "Mas lalong 'di ko rin bet ang mga 'yan. But ofcourse, up to you. You're the boss today and my treat."
Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinabi ko.
"Really?"
"Uh-huh, ngayon lang." then I grin.
He shook his head. "As expected. The boss of all the boss. Maybe before you then. And it's on me. Next time mo na lang ako e libre."
"Are you sure, boss?"
"Sure na sure, baby."
Pagigil ko siyang niyakap. "Thank you boss."
He smiled then pinch my chin. "Anything for you babe."
Pumila kami sa ticket booth. Limang pares lang ang nakapila sa unahan namin. Palinga-linga ako sa paligid habang hinihintay sila makatapos.
"Babe," maya-maya tawag ko sa kanya.
"Hmmm?"
"Bibili muna ako ng mangangat-ngat natin sa loob at drinks."
"Ako na lang. Mamaya after ko magbayad--"
"Hindi na. Ako na lang. Mabilis lang ako, promise."
He then nodded. "Ok."
Nag-ikot-ikot ako sa mga stall na nakita ko na puno ng iba't ibang paninda. Kumuha ako ng tagdalawang malaking chips. Bumili din akong popcorn tsaka dalawang drinks namin saka inabot sa tindera at one thousand peso bill. Hinihintay ko ang pinamili ko ng 'di sinasadyang mahagip ng paningin ko ang isang matangkad na lalaking walang kurap-kurap na nakatitig sa akin.
Teka. . . nakatitig? Kanina pa ba siya nakatitig sa akin?
Dalawang beses ko itong nilingon. Naigala ko pa ang aking mga mata sa paligid ko at baka nagkamali lang ako pero hindi. Sa akin talaga ito nakatitig.
Nagsalubong ang mga kilay ko ng magtama ang mata naming dalawa. Hindi man lang ito umiwas bagkus ngumiti pa sa akin. Nagulat ako dun bigla. But strange, It didn't frightened me. Kinapa ko ang aking dibdib ng tumibok iyon ng malakas. Hindi ko rin alam ba't hindi ko kayang magbawi ng tingin sa lalaking 'yon.
I was bewitched by his deep eyes. Ang gwapo din niya. Kahawig niya yung kumanta ng No Promises na song.
Napalunok ako ng bumilis pa lalo ang kalampag ng puso ko sa loob sabay iwas ng tingin. It never happened to me the first day I've met Bryce.
"Hindi tama 'to."
"Alin ang 'di tama?"
Napapitlag ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko. Nagtatakang mukha naman ni Bryce ang sumalubong sa akin.
"Alin ang 'di tama?" ulit niya saka tinanaw ang gawi na tinitingnan ko kanina.
Pagtingin ko doon wala na ang lalaki.
"Uh, wala."
Dinampot ko ang mga pinamili ko na nakalagay sa harapan ko pero mabilis iyon inagaw sa akin ni Bryce. Kanina pa siguro iyon doon. Nakangiti sa akin ang tindera e nang ilagay ko sa walet ang sukli. Hilaw ko itong nginitian sabay talikod.
Muli niya akong inakbayan ng maglakad kami papasok ng sinehan. Siniksik ko ang katawan ko sa kanya ng makita ko muli ang lalaki. Nilingon pa ako nito bago tuluyang pumasok sa loob kung saan din kami manonood ng movie.
"Something wrong?" untag sa akin ni Bryce. "Kanina pa kita kinakausap pero 'di mo ako sinasagot?"
"Ha? A-Ano ba 'yong tanong mo?"
Pagak siyang tumawa. "'Dun kanina sa stall tinatawag kita 'di mo man lang ako narinig. Tapos ngayon. . . may problema ka ba?"
Umiling ako. Pinaikot ko ang kabilang braso ko sa kanyang bewang. Then smiled at him.
"Iniisip ko lang kung iiyak ka ba sa palabas na panonoorin natin. Ang cute mo siguro no'n."
"What?" he chuckled.
Madilim sa loob kaya binuksan ko ang flashlight ng phone ko para makita ang daan. 'Yung first time kasi na pumasok ako ng sinehan kasama ang mga kaklase ko natisod ako. May nayakap ako no'n na lalaking nasa unahan lang namin. Kaya ayon, sangkaterbang kantiyaw ang natamo ko.
Pagdating namin sa taas nagpalinga-linga ako kung saan uupo pero hinatak ako ni Bryce papunta sa dulo. Mas madilim. May natamaan pa ako ng flashlight ko na magkapareha sa dilim na naghahalikan. Actually marami sila.
Teka. . . don't tell me ganun din ang balak niya? Binundol ako ng kaba ng paupuin ako ni Bryce sa upuan dalawang hilera ang layo mula sa pinaka dulo. Madilim sa parteng iyon at may naririnig pa akong mahinang daing ng babae. Oh shet!
Kahit malamig ang paligid pinagpawisan ako ng malapot ng lingunin ko si Bryce. Nakatitig siya sa akin kaya malamang narinig niya rin ang narinig ko. T'ngna!
"S-Sayang 'di natin nasimulan, babe." pilit akong tumawa. "But I'm sure you will enjoy it."
Napalunok ako ng ilapit niya ang mukha sa aking tainga.
"I will, babe." he huskily whispered.
Damn--! Ba't sa kanya na longtime boyfriend ko natatakot ako pero do'n sa lalaking 'yon hindi? Tumambling pa nga ang puso ko e. Bwesit... ba't ako nagkakaganito ngayon kung kailan bumabawi ako sa kanya? Tss.
Inabot ko ang brown paper bag saka nilabas ang popcorn. Inabot ko rin sa kanya ang isa at drinks. Kinuha niya iyon pero binalik din sa loob. Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa isandal niya ang likod sa upuan at tinutok ang mga mata sa palabas.
I sighed. Umayos ulit ako ng upo saka sinandal ang ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang kanyang mga mata sa akin kaya tiningala ko siya. Matamis ko siyang nginitian sabay umang ng kamay kong may tangan na popcorn sa kanyang bibig. He never take off his eyes on me when he eat it. Napasinghap ako ng pati daliri ko pinasok niya sa kanyang bibig.
Mabilis ko iyon naibaba. Kumuha akong popcorn pero sa akin ko na sinubo. Itinutok ko ang aking mga mata sa unahan. Pero hindi ako makapag-concentrate sa aking pinapanood sa naririnig kong bulungan at mahinang ungol. Na peste! Bakit dito sila naglalampungan hindi na lang dumeritso ng motel?! Nakakaistorbo sila sa ibang mga nanonood.
Napahinto ako sa pagsubo ng makita ko ang dalawang magkaparehang bagong pasok at naupo sa unahan namin. Then suddenly, I felt Bryce hand caress and squeezed my legs. Nilingon ko siya ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng salubungin ako ng mainit niyang mga labi.
Then the next thing I knew, he was savagely kissing me. Ito ang unang nangahas siyang halikan ako ng ganito kapusok. Siguro nadala lang siya sa naririnig niya sa paligid namin or sa palabas na may naghahalikan din. Or baka naman talagang tigang na tigang na siya sa akin dahil never ko siyang pinagbibigyan?
Napahawak ako sa kanyang balikat ng hayaan kong pumasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. No doubt he's a good kisser.
I closed my eyes then kissed him back. He's my boyfriend anyway and I love him too. I know this place supposed to be to watched movie not for wild makeout but. . .
Hanggang sa napadilat ako bigla ng maramdaman ko ang kanyang kamay na pumasok sa loob ng palda ko at dinama ang akin. Kasabay ng paglaki ng aking mga mata ng makita ko 'yong lalaki kanina matapos tamaan ng liwanag na nakatayo sa gilid. Watching us! Oh damn--!
Malakas kong naitulak si Bryce palayo. Gulat at awang ang mga labing nakamaang siya sa akin. Frustrated na napahilamos naman ako ng kamay sa aking mukha.
"What's wrong?" inis na tanong niya.
Hindi ako umimik. Mabilis kong dinampot ang snacks namin. Pagtingin ko muli sa lalaki wala na ito doon. I gulped many times.
Sino ba 'yon? Bakit niya ako sinusundan?
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023