AISHLEEN KATE
"Sa tingin mo, Eli?"
Nakangalumbaba ako sa ibabaw ng mesa. Nanonood sa ginagawa niya. Kasalukuyan kaming nasa kusina. Hating gabi na't 'di ako makatulog kaya bumaba ako. Naabutan ko siya dito na busy gumawa ng chicken salad. Kagaya ko hindi rin daw siya makatulog kaya pinakialaman niya ang loob ng ref.
"Tama lang ba 'yong ginawa ko or ang pangit kong ka-bonding na girlfriend?"
Ilang linggo ng nanlalamig sa akin si Bryce. Lumala lang yata lalo 'yong cold war naming dalawa dahil sa nangyari doon sa loob ng sinehan. Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Sa tambak ng text messages ko sa kanya iilan lang ang nerereplayan at subrang tipid pa.
Nang puntahan ko sa kanyang condo unit wala naman siya doon. No'ng abangan ko sa labas ng building ng opisina niya namuti na ang mga mata ko kakahintay walang Bryce na lumabas. Iwan ko kung pumapasok pa ba siya or hindi na. Iwan din kung saang lupalop pumupunta. Lahat ng posibleng puntahan niya napuntahan ko na pero wala. Hindi ko mahagilap kahit ang buntot ng anino niya.
I visit my bestfriend Misha too. Subrang dami naming napagkwentuhan. Pareho naming na miss ang isa't isa pero minsan napapansin kong parang may nag-iba sa kanya. Parang aligaga na iwan. Lagi din may lakad kaya lately hindi magtugma ang sched ng free time naming dalawa.
Pero hindi ko na gaanong pinagtuunan pa ng pansin lalo't matagal na panahon din kami 'di nagkita at nagkausap. Baka naiilang lang siya sa akin. Kahit naman ako medyo nag-aalangan din ikwento sa kanya ang lahat ng tungkol sa buhay ko. Though she knows everything about me already, still, maraming nangyari din sa buhay ko at pamilya ko na hindi ko na kwinento pa sa kanya simula ng umuwi kami dito sa Pinas after Tito Lars died.
Napapaisip din ako minsan ba't masyado na siyang interisado sa boyfriend ko. Dati nauumay siya at iniiba niya ang usapan pero ngayon bakit parang nag-iba? Pati kay Kuya at sa pamilya ko naging interisado na rin siya. I told her some for the sake of our friendship but not all. I have this weird feelings na pumipigil sa akin na 'wag na ikwento pa. I can't pinpoint what exactly it is but. . . I just know and can feel it not to trust much.
Tapos dumagdag pa 'yong misteryosong lalaking 'yon sa problema ko. Kahit saan ako magpunta lagi din nandun. Pero hindi na ito nakatingin pa sa akin at umaalis din kaagad.
Minsan natutukso din akong sundan ang lalaking 'yon kaso inisip ko na baka mapagkamalan lang akong stalker kaya 'wag na lang. Tinuro ko din 'yon one time kay Mia pero imbes na kilabutan, kinilig pa tuloy ang bruha. Mas gusto niya pa daw 'yon para sa akin kaysa kay Bryce kahit hindi niya naman kilala.
"Anong pangit na ka-bonding?" nakapamewang na hinarap niya ako. Nakataas pa ang isang kilay. "Tama lang 'yon oy. Pumunta kayo ng sinehan para manood hindi para maglampungan."
"Pa'no kung maghanap siya ng iba dahil sa simpleng ganun hindi ko siya mapagbigyan?"
"O, e, hindi ka talaga no'n mahal."
Hindi ako umimik pero ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa sinabi niya. Tinalikuran niya ako. Tinungo ang lalagyanan ng mga plato. Kumuha siya ng dalawang platito saka kutsara't tinidor. Bumalik muli sa mesa at sinalinan ng chicken salad na ginawa niya.
"Alam mo Ate Aish kung ang isang lalaki seryoso talaga sayo rerespetuhin niyan ang gusto mo at higit sa lahat..." nilapag niya sa harapan ko ang isang platitong chicken salad. "...kayang maghintay kung kailan mo ipagkakaloob sa kanya ng buong puso ang sarili mo. Hindi 'yong namimilit siya at pinupwersa ka. Kung maghanap siyang iba e 'di palitan mo din ng iba. Hindi siya kawalan no. Sa ganda mong 'yan?" tinuro niya pa gamit ang tinidor ang mukha ko. "Maraming magkakandarapa at pipila sayo Ate. Kaya 'wag kang magpakatanga diyan sa boyfriend mo na nagpapahalata masyado na 'yang bataan mo lang yata ang habol sayo."
Nakabusangot ang mukha na naupo siya sa kaharap kong upuan sabay lantak sa chicken salad na nasa platito niya.
"Hmmm, sarap." nakapikit pa ang matang sabi niya.
I chuckled. Sumandok din ako sa platito ko saka isinubo.
"Hmmm," ngumunguyang tumango-tango ako. "Ang sarap nga. Pwede ka ng mag-asawa."
Then we both laughed.
"Kung narinig ka no'n ni Inay baka pinong kurot sa tagiliran na naman ang abutin nating dalawa."
We both laughed again. Masyadong old passion si Nay Gil kaya lagi kaming napagsasabihan ni Eli. Same lang sila ni Kuya. Akala mo naman minor pa ako para paulanan ng sandamakmak na bawal. Samantalang siya kaliwat kanan naman ang babae niya. Buti pa si Mom chill lang.
"Birthday niya bukas," maya-maya untag ko makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Gusto ko sana siyang surpresahin."
Nag-freeze sa ere ang tangan niyang tinidor na may nakatusok na chicken. Bahagya pa siyang nakanganga habang nakatingin sa akin. Salubong ang mga kilay na ibinaba niya ang kanyang braso.
"Seryoso kang susuyuin mo pa siya? I mean," umayos pa siya ng upo saka seryoso akong tinitigan. "Base sa kwento mo, for me he's not nice. I'm not an old passion and not against and won't judge those who indulge pre-marital s*x before marriage but. . . ate naman." problemadong inilingan niya ako. "Dapat minsan tuso ka din. 'Wag puro puso ang pairalin mo. Sa panahon ngayon naglipana ang mga mandurugas ng puri. Naturingan ka pang galing States but the way you act..? You seems like you're sooo innocent. Alam mo sa totoo lang, kung hindi kita kilala at kung ang pagbabasihan ko ang panlabas mong anyo iisipin ko na warak-warak na 'yan." nginuso niya pa ang baba ko. "Sorry na agad for my words pero masyado kang bobo pagdating sa Bryce na 'yan."
Gustong kong matawa sa sinabi niya but I can't. Ginugulo ng mga 'yon ang utak kong lutang.
Inaamin ko malandi ako. Nakikipagsabayan ako sa mga kaibigan ko doon sa States. Kung magpalit ako ng boyfriend parang nagpapalit lang din ako ng damit. Laman din ako ng disco-han gabi-gabi. Kaya nga nangunsime sa akin ang mga magulang ko at biglang iniuwi ako dito sa Pinas.
Pero kahit ganun ako I know my limits.
I know when and where to stop.
At sa subrang dami ng naging boyfriend ko tanging si Bryce lang ang nagtiyaga at tumagal sa akin. Sa kanya lang din ako na in love. In fact, hinihintay ko na lang siyang magpropose sa akin e. Hindi na ako bumabata at handa na rin ako para doon. Pero sa nangyayari ngayon sa aming dalawa iwan ko na lang kung. . .
I heaved a heavy sighs.
"Will do this because I love him. Pero kung magmatigas pa rin siya at patuloy pa rin niya akong titikisin well, I guess it's time to move on."
She just shrugged her shoulder then continue munching her food.
"What can I say..? Do you need some help for tomorrow?"
"Yeah. . . pwede mo ba akong samahan bumili ng regalo sa Mall bukas? Puntahan din natin si Mia sa apartment niya. Nagsosolo na ang bruhang 'yon. 'Di na nagagawi dito."
"Okies!"
Pagkatapos naming kumain ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Nakipagtalo at nakipag-agawan pa siya sa akin but ofcourse I win. Sa kwarto ko na rin siya pinatulog.
KINABUKASAN maaga kaming gumayak.
"At saan na naman ang punta niyong dalawa?"
Pababa kami ng hagdanan kaya wala kaming kawala sa mapanuring mga mata ni Mom. Pinasadahan pa niya ang suot namin. Naka-light pink crop top and white high waisted skirt matching with a pink leather pumps and white sling bag ako. Si Eli naman naka yellow long sleeve fitted crop top na nirolyo hanggang siko and black high waisted skirt matching with a white ankle boots and sling bag.
"Hinawaan mo pa talaga 'tong si Elise sa klase ng pananamit mo ha, Aishleen."
I pouted my lips then walked towards her. Yumakap ako sa kanyang braso.
"Mom, dalaga na po si Eli. Ginagawa niyo namang lola ni Nay Gil e. Tsaka isa pa po pupunta kami ng Mall. Alangan magsaya siya? Magmumukha lang siyang yaya sa tabi ko and I hate that."
Salubong pa rin ang mga kilay na nilingon ni Mom si Eli na nakangiwi ng naglalakad palapit sa amin.
"Komportable ka naman ba diyan sa suot mo, Elise?"
"Y-Yes po Tita."
"Sure ka?"
She nodded. "Opo Tita."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Mom. "O siya, si Ace ang magda-drive sa inyo."
"Ah hindi na po, Mom. Kaya ko na."
"Kung walang Ace, walang aalis."
I frustratedly twisted my lips. "Sabi ko nga po, si Ace magda-drive sa amin. Sige po. Alis na po kami."
"Mag-ingat kayo ha. 'Wag masyadong magpapagabi."
Hinatak ko sa braso si Eli palabas. Pagdating namin sa garahe nakakabwesit na ngisi ni Ace ang sumalubong sa amin. Pero kaagad din iyon napawi ng mapadako ang tingin sa kasama ko. Pinasadahan ng tingin si Eli mula ulo hanggang paa at pabalik pa. His face became gloomy. Umigting pa ang panga. Pero pinagbuksan niya pa rin kami ng pinto sa backseat. Still a gentleman na kasapak-sapak.
Naunang pumasok sa loob si Eli na nakayuko. Bago ako pumasok sinamaan ko ito ng tingin sabay irap na sinuklian naman nito ng nakakapang-init ng ulo na ngisi.
"Where are we going today, Miss A?" maya-maya untag nito ng nasa byahe na kami.
"Sa sementeryo. I wanna bury you there alive."
He chuckled. "Sure."
Saglit lang ang itinagal ng byahe namin ng ihinto nito ang kotse sa harap ng gate ng apartment ni Mia. Nagtama ang mata namin sa rearview mirror.
"Kahit papano matalino ka din pala."
"Ofcourse. I wouldn't be here in my position kung hindi ako matalino." ngumiti ito saka nilingon si Eli na subrang tahimik sa tabi ko. "Hi Ela."
"Duh, It's Eli. . . Elise. As in E-L-I. Not Ela. Ilang beses ko na 'yan sinabi sayo panay Ela ka pa rin ng Ela. You may be smart but still, IDIOT. Tsaka kanina pa, panis na rin 'yang Hi mo." sabi ko sabay labas.
Paglingon ko sa likod ko walang Elise na nakasunod sa akin kaya muli kong binuksan ang pinto. Natigilan pa ako ng makita kong pigil-pigil ni Ace ang braso ni Eli. Pero kaagad din nito binitawan iyon ng makita ang mukha ko. Nagpalipat-lipat ang aking nagtatanong na mga mata sa kanila. Si Eli na nagmamadaling lumabas ng kotse at kay Ace na umayos ng upo sa driver seat. Na tila ba walang nangyari.
"O, anong ginagawa niyong dalawa dito?"
Bumaling ako sa gate ng may magbukas doon. Nakadamit panlakad na lumabas si Mia. She looks stunning on her above the knee sleeveless fitted dress.
I grinned then run towards her to give her a tight embrace. Gumaya din sa akin si Eli.
"Na miss ka namin."
"Asus, may kailangan kayong dalawa sa akin no?"
"Nah-ah, mag di-date lang tayong tatlo sa--"
"Ah 'yun lang." agap niya. "May lakad ako e."
Napanguso ako sa sinabi niya. "Bakit sa'n punta mo?"
"Saan pa nga ba? May utos na naman si Menopausal biik."
Malakas kaming napahagalpak ng tawa ni Eli. Kalaunan nakitawa din ito sa amin.
I grabbed her arm. "Ako ng bahala kay Kuya Chad."
"Tsaka off day mo ngayon 'wag siyang abuso." sigunda naman ni Eli.
"Raket din kasi 'yon."
"Naku, dapat tumanggi ka din minsan para dagdagan niya ang bayad sayo."
Saglit itong napaisip. "Ganun ba 'yon?"
"Yeah," ani ni Eli. "Mahirap kamo ang pinapatrabaho niya sayo pwes maghirap din siya sa pagsuyo sayo."
"Aba, marunong ka na din ha. Bakit pala ganyan ang ayos mo, ha?" pinisil nito ang pisngi ni Eli.
"Aww--Ate!"
"Umamin ka, may pinapagandahan ka na, noh?"
Nilingon ko ang kotse namin sa tanong ni Mia. There, I saw Ace leaning outside the car. Naka-krus ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Walang ekspresyon ang mukha na nakatingin sa amin. Literal kay Eli.
I smirked. Binalingan ko ang dalawa. "I think someone make bakod-bakod on Eli."
"What bakod-bakod?" kunot-noong tanong ni Mia.
Lalong lumapad ang ngisi ko ng makita kong nangamatis na ang mukha ni Eli. Hindi na rin makapakali sa kanyang kitatayuan.
"You know what possessive men did to his girl, right?" wika ko kay Mia pero kay Eli ako nakatingin. "Someone making a fence around our baby Eli."
Namilog ang mga mata ni Mia.
"Luh, sino? Alam ba 'to ni Kuya Bert--"
"Hala wala oyy!"
I laughed.
"Tara na nga. Baka maabutan pa tayo dito ni Kuya Chad, mapurnada pa ang lakad natin."
Pagdating sa Mall dumeritso kaagad kami sa jewelry store. Pero ilang minuto na kami doon kakapaikot-ikot wala pa rin akong mapili.
"Nahihilo na ako pero undecided ka pa rin sa sangkaterbang pinakita sayo?"
"Honestly, hindi ko talaga alam kung ano na ang ereregalo ko sa kanya. Binilhan ko na rin 'yon siya dati ng relo e."
"Gawan mo na lang ng card tapos bili ka cake. Pwede na 'yon."
"Bigyan mo na lang ng alak. Sure mas matutuwa pa 'yon."
"Or 'yang sarili mo na lang ang eregalo mo. Tiyak tanggal lahat ng panlalamig no'n sayo." sabay na napahalakhak 'yong dalawa.
Nakasimangot na nilayasan ko silang dalawa. Nakatawa pa rin na hinabol nila ako.
Pumasok kami sa bookstore. Bumili ako ng gamit para sa gagawing DIY na birthday card. Pagkatapos pumunta kami ng Korean Restaurant. Habang busy sa pagluluto at pagkain ang dalawa, busy naman ako sa paggawa ng card.
Then we watched movie after and walked around. Alas dos na ng hapon ng magyaya akong umuwi. Alas singko ang out sa work ni Bryce. May oras pa ako para maiayos ang surpresa ko sa kanya. May access naman ako sa condo niya at kilala ako ni Manong Guard kaya makakapasok ako doon. So I can prepare our simple candle light dinner.
Bumili din ako ng cake ng pauwi na kami saka hinatid ang dalawa sa apartment ni Mia.
"Mga eight nandito na ako. Sabay na lang tayo umuwi, Eli."
"Okies. Goodluck sa sorpresa mong candle light dinner. Sana naman masorpresa siya ng bongga at maalog ang puso't utak niyang naninigas sa lamig."
"Nakow, humayo ka na at baka kung ano pa ang masabi ko sayo." pantataboy sa akin ni Mia.
Nagpahatid ako kay Ace sa Skysuites Tower.
"Kapag sumapit ang seven thirty na wala ka pa dito sa loob ng kotse, asahan mong susugod ako sa loob ng unit ng boyfriend mo." pahabol niya pa sa akin bago ako lumabas ng kotse.
I didn't answer him nor look at his way. I smiled back at Manong Guard when he greeted me. Nanginginig pa ang mga daliri ng aking kamay ng pindutin ko ang 15th floor button pagkapasok ko sa loob ng elevator.
Kanina pa ako kinakabahan na iwan. Nasa apartment pa lang kami ni Mia hindi na ako mapakali pa. Hindi ko alam kung excited lang ba ako sa sorpresa ko kay Bryce or what. Iba kasi e. 'Yung utak ko nag-aalangan na ituloy pa ang plano ko pero ang puso ko sinasabing puntahan ko.
I breath in and out before I finally swipe my key card on the door of his unit. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumalubong sa akin. Naitulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang nagkalat na damit sa sahig. Nabitawan ko ang bitbit kong cake matapos kong marinig ang halinghing ng babae.
Dumako ang aking mga mata sa nakabukas na pinto ng kwarto. Tila robot na humakbang ang aking mga paa, sinusundan ang pinagmumulan ng ingay.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023