AISHLEEN KATE ALTAMONTE
Tila butiki na naputulan ng buntot na nagtatakbo ako palabas ng building matapos ko makita ang kahindik-hindik na tagpo sa ibabaw ng magulong kama ni Bryce. Their adulterous noise almost made me passed out.
So that's what he want?
How dare he!
Of all people ang bestfriend ko pa na bagong kakilala niya lang! Kailan pa nila 'to ginagawa? Kailan pa nila ako iniiputan sa ulo?
Tinakbo ko ang kinaroroonan ng kotse.
"Bumalik na tayo sa apartment ni Mia." kalmado kong wika kay Ace pagkaupo ko sa backseat pero ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan na pilit kong tinatago sa kanya.
Gulat na nilingon niya ako saka tumanaw sa labas. Pagtingin niya sa akin nagdugtungan na ang kanyang mga kilay. Muli kong kinalma ang aking sarili. Subrang hirap pero kinaya ko. Parang may tumutusok na napakalaking aspili sa puso ko pero nagawa kong itago sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman at baka makaabot pa kay Kuya. Knowing my brother, tiyak sa sementeryo pupulutin si Bryce.
"What's wrong?"
"Nothing wrong," tinuro ko sa kanya ang manibela. "Now start the car kung ayaw mong sipain kita diyan palabas at ako mismo ang magmamaneho."
Nakakaluko niya akong pinagtawanan.
"I guess I know why," he then started the engine. "See, I told you, he's no good for you."
"Shut up!" sigaw ko sa kanya.
Kunting push niya pa't sasabog na talaga ako. But ofcourse he's Ace, the most annoying person on earth I've ever known! Iwan ba't siya pa ang personal bodyguard na tinalaga sa akin ni Kuya. Bukod sa saksakan ng daldal, sipsip, sumbungero, nakakapanggigil ang mga banat niya! Hindi ko alam kung may sa ano ang mata at utak ng lalaking 'to dahil basang-basa at sapol na sapol niya ang bawat galaw at kilos ko. Lagi pa akong binabara.
"Did he surprise you that much for you to transform like a menopausal granny?"
"I said YOU.. fucking.. SHUT UP!"
"Would you like to go in a Break Bar?"
"Hindi ka ba talaga titigil?"
"Oh c'mon Miss A. Have a life! Hindi siya kawalan. There's someone out there who you really deserve. All you need is just to open your eyes para makita mo ang lalaking totoong nagmamahal sayo.. matagal na."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan siya ng matagal saka pinagtaasan ng kilay. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harapan ng dibdib ko.
"May gusto ka ba sa akin?"
"f**k!" muntik na akong masubsob sa upuan sa biglang preno niya. "Are you f*****g serious?"
"Siguro matagal ka ng may pagnanasa sa akin, ano? Aminin mo!"
"Yucks, asa ka naman." humalakhak siya saka muling pinaandar ang kotse. "Wala akong kainte-interes sa mga spoiled brat na kagaya mo."
"Spoiled brat." ulit ko sabay irap. Umayos ako ng upo. Humalukipkip sa sandalan. "So, ang kagaya pala ni Eli ang pinagkakainteresan mo--Aww!" daing ko ng mangudngud ng tuluyan ang mukha ko sa sandalan sa muling biglang preno niya.
Gigil na inabot ko ang kanyang buhok. Mahigpit ko siyang sinabunutan at pinagpupukpok ng kabilang kamay.
"You oaf! Matagal na akong nanggigigil sayo na lalaki ka ha! Bwesit ka!"
"Awww--Miss A! Stop it!" singhal niya sa akin habang iniiwas ang kanyang mukha sa nananapok kong mga kamay. "T'ngna--sabi ng tumigil ka!"
Sunod-sunod na malakas na busina sa likuran ng aming kotse ang nagpatigil sa akin. Hingal na sumalampak ako sa upuan. Giving him a sharp look. Masamang tingin din ang pinukol niya sa akin bago pinaharurot ang kotse palayo.
Hindi ko alam kung inabot ba kami ng oras sa tagal ng byahe namin. Nakita kong ibang daan ang tinatahak niya pero hindi ako nagtanong. I don't wanna talk to him. Naninikip na ang dibdib ko sa galit. Nakaamba na rin ang mga luha sa aking mga mata. Tinutorture na ako ng tagpong aking nakita. Unti-unti na akong kinakain ng subrang panibugho. Habang umaandar ang oras lalo 'din tumitindi ang sakit na nararamdaman ko dahil sa panlulukong ginawa sa akin ng mga taong minahal ko... ng mga taong pinagkatiwalaan ko.
"Here we are," untag niya matapos iparada ang kotse.
Napakurap-kurap ako ng makita ko ang itsura ng hinintuan naming lugar. Maliwanag, buhay na buhay. Maraming taong naglalakad sa kalsada. Iba't ibang lahi. May ilang open na resto din akong nakita. Pagbaling ko sa kabila natanaw ko ang malaking karatula 'Break Bar'.
"Pwede mong ilabas ang lahat ng galit mo diyan sa loob ng bar na 'yan."
"What makes you think na galit ako?"
He moved his neck in a circular motion. Narinig ko ang pagtunog ng mga ugat niyon. Pagkatapos nginitian niya ako.
"I can fell it the way you tweaked my hair and punched my head and my handsome face," binuksan niya ang pinto ng kotse sa gilid niya saka nagsenyas gamit ang ulo. "C'mon on. You will love that place."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka lumabas na din ng kotse.
"Ladies first," tila kabalyero na yumukod pa siya sa akin.
Gusto ko sanang mangiti sa itsura niya pero wala ako sa mood sa kaek-ek-kan niya.
"Ikaw mauna dahil hindi ko kabisado ang lugar na 'yan."
"Oh," he paused then scratched his chin. "Ang hirap naman e-please ng batang 'to." anas niya.
"Anong sabi mo?"
"Nothing," then he grinned. "Follow me."
Sinundan ko lang siya ng tingin saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Buti pa ang isang 'yon laging nakangiti. How did he manage to smile everyday? Tila ba wala siyang kapuro-problema. He seems like he always woke up in a right side of the bed.
Humakbang ako para sundan siya pero kaagad din akong natigilan ng mahagip ng aking mga mata ang lalaking 'yon. I flicked my wide eyes twice but. . . hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Siya 'yung lalaking laging nakamasid sa akin kahit saan ako magpunta!
"Miss A!"
Napabaling ako kaagad sa lakas ng boses ni Ace. Nakapamewang na ito. Nakabusagot ang mukha na nakatanaw sa akin.
"Bilisan mo na diyan!"
Nilingon ko muli ang lalaki pero wala na ito doon. Where did he go? Nagpalinga-linga ako sa paligid. But I can't see any trace of him anymore. Hindi kaya namamalikmata lang ako? I step forward. Still searching for him. Tinanaw ko ang posibleng daanan nito pero wala. Kahit sa magkabilaang kalsada wala rin. Saan nagpunta 'yon?
"Miss A!" tawag ulit sa akin ni Ace.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalaking iyon na pumasok sa loob ng Break Bar. Kunot-noong sinundan ni Ace ng tingin ang tinitingnan ko saka malalaking hakbang na nilapitan ako. Inabot niya ang siko ko, hinatak papasok sa loob ng bar na iyon.
"Sino bang hinahanap mo?"
"I think. . . I've seen someone."
INSIDE.. the place was huge. Dim light. Loud bouncy music. Maraming taong nag-iinuman. Natatawanan... in short masaya ang lugar.
"Someone?"
"Yeah,"
"Someone who?"
"I dunno..."
"If you seen your bf--NO your ex motherfucker boyfriend, geez--forget about him. Ang pangit-pangit no'n. Ba't ka ba na e-in love sa mga ganung klaseng lalaki? Gwapo nga wala namang bayag. Sinabi ko na sayo na mukha pa lang no'n hindi talaga mapagkakatiwalaan. Ayaw mo naman kasing maniwala."
Deritso lang ang lakad namin ni Ace. Ang dami niyang sinasabi pero wala akong paki dahil 'yung mga mata ko sumusuyod sa bawat sulok-sulok, hinahanap ang lalaking 'yon. But he wasn't there! May sa ninja talaga ang lalaking 'yon. Bigla na lang naglalaho.
Pagdating sa dulo binuksan niya ang isang pinto doon saka pinapasok ako.
That room was too way different sa dinaanan namin kanina. Its too quite.. hindi abot 'yung ingay na nagmumula sa labas. Kulob at ume-echo ang tunog na likha ng takong ko. Subrang liwanag at walang katao-tao. Sa pinakagitna, there is a throwing range. There is a target inside.. with a big diamond-plate steel wall where you can smash a glass or bottle against the wall. Tanaw na tanaw ko ang mga basag na mga bote sa ibaba ng pader na 'yon.
"Here,"
Tiningnan ko ang boteng inaabot sa akin ni Ace saka nag-angat ng tingin sa kanya.
"Nakita mo ba 'yong matangkad na lalaking pumasok kanina?"
He froze. He even shifted on his feet. Nagtaka ako bigla sa naging reaksyon niya. Kilala niya ba ang lalaking 'yon?
"Sino doon?" tinalikuran niya ako. Pumwesto sa gitna ng labas ng throwing range saka malakas na binato sa pader ang bote. Naglikha iyon ng malakas na ingay kasabay ng pagkapira-piraso niyon. "Marami 'yong pumasok kanina. 'Di ko alam kung sino sa kanila ang tinutukoy mo."
"Why I felt like.. you're hiding something from me..."
He laughed. "Why didn't you use that instinct to that cheater boyfriend of yours?"
I rolled my eyes. "Whatever,"
Humakbang ako papunta sa kinalalagyan ng mga bote. Kumuha akong tatlo saka lumapit sa kanya. Iniumang ko sa kanya ang aking balikat kung saan nakasabit ang sling bag ko.
"Pakihawak muna ng bag ko, please."
"Sure," he then chuckled.
Isinukbit niya iyo sa kanyang balikat saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga bote. Kumuha doon ng ilang peraso saka bumalik muli. Tumayo 'di kalayuan sa akin.
"You can shout, cry or cursed.. whatever you want to do. Walang pipigil sayo dito."
Tears fell in my cheeks right away then.. bang! Malakas akong nagsisigaw habang buong lakas na pinagbabato ang dalawang target na nasa pader.. thinking that was Bryce and Misha.
Hinainan ako ng hinainan ni Ace ng maraming bote. Hindi pa nakuntento nilapit na mismo sa akin ang lalagyanan na box niyon. Natawa ako sa kanya pero patuloy pa rin ang pagtulo ng masaganang luha sa aking mga mata.
Seconds, minutes, hours passed and couple of hours and some more hours passed. But I didn't stop crying.. shouting.. cursing.. throwing some more bottles on the wall. Namamaos na ang boses ko. Mugtong-mugto na ang aking mga mata. Nangalay na rin ang mga braso ko pero 'yung sakit nandun pa rin. Para bang nakaukit doon at ayaw umalis sa loob ng dibdib ko.
Nanghihinang akmang uupo ako sa lapag ng malalaking hakbang na nilapitan ako ni Ace. Inalalayan niya ako papunta sa mahabang upuan sa gilid malapit sa pinto.
"Dito ka lang, will get you some water." sabay talikod.
Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay. Gulat na nilingon niya ako.
"Thank you so much.." tumayo ako saka matamis siyang nginitian. "And sorry sa lahat."
"It's fine--"
"Am I that bad, Ace?"
"Ofcourse not--OH well, you're super duper spoiled, drunkard and--"
"So I'm.. bad?" agap ko.
"Hindi nga."
"I don't need your sympathy, Ace. What I need is your honesty. So tell me, s*x ba ang nagpapatatag sa isang relasyon?"
"f**k! 'Yan ba ang sinabi sayo ng Bryce na 'yun?!" galit na bulalas niya.
"No. I saw him banging my bestfriend Misha inside his condo."
"So that's his big surprise to you." tumango-tango siya. "Now I get it... malamang siya 'yong babaeng kasama ng Bryce na 'yon na palabas ng sinehan."
"W-What..?" hindi makapaniwalang napatakip ako ng kamay sa aking bibig.
He cleared his throat then look away.
"Well, nasa SM din sila kanina ng babae niya--"
"Why you didn't tell me?"
"Kung sinabi ko ba sayo paniniwalaan mo ako?" pagak siyang tumawa ng 'di ako makaimik. "Hindi diba? Masyado kang in love sa lalaking 'yon kaya kung sakali mang sinabi ko kanina malamang mababanlawan lang ako agad. And I'm sure na iisipin mo pa na sinasabotahe ko 'yong surprise mo sa birthday niya. Ayoko din naman na saktan ka kaya mas pinili ko na manahimik na lang. Mas ok na 'yong ikaw mismo nakakita sa akto."
"Wala ka ba talagang gusto sa akin?"
He looks shocked. His jaw dropped. He even blinked his wide eyes many times. I mentally grinned.
Bago pa siya makasagot sa akin, mabilis kong pinatakan ng halik ang awang niyang mga labi. Tila kidlat sa bilis na itinikom niya iyon sabay tulak sa mukha ko.
"What the hell you're doing?!" hysterical na singhal niya sa akin.
Gigil na pinunasan pa ang kanyang mga labi gamit ang braso. Lalo akong napangisi. Kahit nakakainit ng ulo ang isang 'to mukhang matino naman.
Dinampot ko ang sling bag sa upuan saka nakangising hinarap siya.
"Just wanna make sure na hindi mo lulukuhin si Eli. Na hindi mo gagawin sa kanya ang ginawa sa akin ni Bryce. Dahil kapag pinaiyak mo iyon..." sunod-sunod akong umiling sa kanya. "I.. Will.. Kill.. You.."
I saw him gulped.
Nagpahatid ako sa kanya deritso sa mansyon and told him na 'wag sabihin sa dalawa ang nangyari or kahit kanino sa buong pamilya ko. I have my own key kaya tahimik akong napasok sa loob. Pero nahirapan akong kumbinsihin si Ace sa gusto kong mangyari so, I got no choice but to threatened him.
"Sasabihin ko kay Kuya Bert na pinupormahan mo ang kapa--"
"Fine!" inis na agap niya sa akin na sinuklian ko naman ng tawa.
"Papayag ka din naman pala, pinapahirapan mo pa ako."
I just texted Mia na 'di ako makakauwi ngayon gabi kaya doon na lang magpapalipas si Eli, bukas na susunduin ni Ace.
Dalawang araw akong 'di lumabas ng kwarto ko. I turned off my phone. Wala din akong kinausap kahit isa.. even my Mom. She was so worried about me but.. mas lalo lang 'yon mag-aalala kapag nakita ang itsura ko. Mabubuking din ako kaya nagdahilan na lang ako.
"Afternoon Mom, Nay Gil," nakangiting bati ko sa dalawa na nagmemeryenda.
"Oh, buti naman at bumaba ka na."
"Sakto nagluto ako ng paborito mong maruya, iha."
Iginala ko ang paningin sa buong kusina. "Where's Eli?" hinatak ko ang upuan sa harap ng mesa at naupo doon.
Nilapag ni Mom ang isang platong may lamang dalawang malaking maruya. Kaagad ko iyon nilantakan. Napaso pa ako dahil bagong hango lang pala.
"Nasa labas. Pinahatidan ko ng meryenda sina Ace."
"Wow, anong masamang hangin ang nasinghot no'n at biglang nahiya yata pumasok dito sa loob ng kusina ang lalaking 'yon?"
"Ikaw nga dapat ang tinatanong namin e," ani ni Mom. "Ba't putok ang labi ng isang 'yon? Saan kayo pumunta noong nakaraang gabi at madaling araw na kayo umuwi?"
Bigla akong nabulunan sa kinakain ko. Inabot ko ang isang basong tubig ni Mom at ininom iyon. Tinitigan nila ako pareho. Nilipat ko ang mata sa maruya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Putok po ang labi? Ba't naman po pumutok 'yong labi ni Ace?"
"Mukhang sinapak," sabi naman ni Nay Gil. "May nangyari ba kaya pati si Elise inumaga na ng uwi? Doon pa kay Mia nakitulog ah."
"Ha?"
"Hindi mo alam?" nagkatinginan ang dalawa.
"Mukhang sinapak? Imposible naman--"
"O, e, tingnan mo doon sa labas."
Bitbit ang isang buong maruya lumabas ako ng kusina. Dumeritso ako sa garahe. Naabutan kong masayang nagtatawanan 'yong dalawa. Aba.. ang sweet ah.
"Miss A!"
Sabay pang napatayo ang dalawa pagkakita sa akin. Si Eli naman nangamatis ang mukha. Bahagya pang yumuko.
"Uhm, maiwan ko muna kayo--"
"Hindi, dito ka lang." nakangiting sabad ko sa kanya. "I just came here to see his.." tinuro ko ang putok na mga labi ni Ace. "Sino may gawa niyan?"
He glance at Eli then sighed.
"Si Boss--"
"Si Kuya?!"
"NO. Si Boss Ryan."
"Ryan?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Sinong Ryan?"
"Joe Ryan."
"Joe Ryan, who?"
"My Boss."
"Kaya nga, sino 'yang Joe Ryan na 'yan na boss mo?"
"The one who owned the security agency where I work before he deployed me here as your bodyguard."
"So ba't ka sinapak ng Ryan na 'yon?"
He glance at Eli again. I looked at her too. Do I smell something... a love triangle? Hmmm..
"Dahil ba kay Eli kaya ka sinapak ng Boss mo?"
"NO."
"No? Then why?"
"It's because of YOU."
"ME?!" gulat na turo ko pa sa aking sarili.
Why me? Do I know him?
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023