AISHLEEN KATE ALTAMONTE
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ace at sa labas ng kotse. . sa security agency building na pag-aari kuno ng boss niyang nanapak sa kanya. Naka-park ang kotse namin 'di kalayuan.
"Sigurado kang diyan ka galing?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Why? Am I too handsome to be a part of that company?"
"Tss." I rolled my eyes. "You're an art of s**t. Don't you know that?"
"Oh, you disagree? Bakit, mukha ba akong pipitsuging bodyguard lang sayong paningin?"
"Mukha kang mamamatay tao." ani ko sabay bukas ng pinto ng kotse at bumaba doon.
"What the--saan ka pupunta?"
Nakangising nilingon ko siya. "Ayaw mong sabihin sa akin kung anong dahilan ng boss mo ba't ka sinapak so ako na mismo ang aalam."
"T'ngna," frustrated na mura niya. "Ang usapan natin sisilipin mo lang 'yong building. Wala kang sinabi na susugod ka sa loob. Ganun ka ba talaga ka childish para usisain pa ang tungkol doon?"
"Childish?" mapakla akong tumawa. "Sinapak ka ng dahil sa akin tapos sasabihin mong childish na usisain ko kung bakit? Natural lang 'yon diba?Involve ako. Tsaka hindi ko kilala ang pontio pilatong 'yon para sabihin mong ako ang dahilan." dinuro ko siya. "Oras na malaman kong pinaglululuko mo lang ako, tanggal ka na sa trabaho. At isa pa, kating-kati na akong mapalayas ka as my bodyguard kaya chance ko na 'to. Gets mo?"
"f**k--hindi mo kilala ang ugali ng boss ko!"
"Pwes kikilalanin ko nga diba?" sabay talikod.
"T'ngna, Miss A!" galit na tawag niya sa akin.
I heard him cursed many times too pero 'di ko siya pinansin. Deri-deritso lang ang lakad ko papasok sa loob ng building.
Maganda. Maaliwalas. Elegante. Yun ang tatlong depinisyon ko sa aking nabungaran. Maraming lalaking vitamins sa mata. Marami ring babaeng pumuwing sa aking mga mata. All their eyes darted on me. Tila sila nakakita ng artista. Gulat. Nanlalaki ang mga mata. Laglag ang mga panga.
'Di ko alam kung matutuwa ba ako or maiilang sa reaksyon nila. Para kasing kilalang-kilala nila ako e. Nagtinginan sila. Nagbulungan tapos biglang nagsipagkulasan. May napatakbo pa sa kung saan. Ang weird nila.
"Yes, Miss A?" nakangiting bungad ng babae sa front desk hindi pa man ako makapagsalita.
"Ki--Kilala mo ako?"
"OO--Ayy. . ," napakunot-noo ako ng makita kong siniko ito ng katabing babae. "Regular po dito Madam ang kapatid niyo si Sir Keith."
"Si Kuya?"
"Yes po Madam."
"Where's the owner of this agency? Pwede ko bang--"
"How may I help you, Miss A?" wika sa likuran ko ng baritonong boses.
Marahas ko itong binalingan.
Matangkad. Macho. Gwapo. Seryoso ang mukha. Nanunuri ang mga mata. Kung sabog-sabog ang buhok ni Ace, ang lalaking kaharap ko naka-army cut. Muli kong iginala ang paningin sa paligid. Vitamins nga talaga sa mata. Siguro kung dito ako magtatrabaho araw-araw akong busog, lilinaw pa lalo ang mga mata ko.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaki. "Ikaw ba si Ryan?"
He froze. He even shifted on his feet. Same reaction ni Ace no'ng tanungin ko kung nakita niya 'yong lalaking laging nakasunod sa akin na pumasok ng Break Bar. Pero kaagad din itong nakabawi. Then cleared his throat.
"Anong kailangan mo kay Boss?"
"So hindi ka si Ryan?"
Muli kong iginala ang paningin sa paligid. Searching kung saan ang office ng Boss nila. Hindi ko maintindihan kung bakit 'yung kalabog ng puso ko sa loob tila ba nagwawala na. Full of anticipation. Iniisip ko na baka. . .
"I'm Colt. Your new bodyguard."
"New bodyguard?!" bulalas ko. "Na naman. . ."
He vow his head. "At your service, Miss A."
"May bodyguard na ako at hindi ko na kailangan--"
"Ace violated the rule of our Boss kaya one week siyang suspendido."
Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Rule? Anong rule ng Boss mo ang na violate ni Ace? Bakit sinasabi ng hudas na 'yon na ako ang dahilan ba't sinapak siya ng boss niyo? Pinaglululuko niyo ba ako? Nasaan ang boss niyo? Gusto kong makausap--"
Lumampas ang paningin ko sa likod ni Colt. Napanganga ako sa gulat sa aking nakita. Hindi makapaniwalang nasundan ko ng tingin ang lalaki na 'yon, abot langit ang ngiti, nakaakbay sa babaeng. . matrona? Ehh?
Napatakip ako ng kamay sa bibig ko sa aking naisip.
"Miss A?" tiningnan ko si Colt. "Nasa loob--"
"Sino ang lalaking 'yon?"
"Ha?"
Tinuro ko ang daan na nilabasan no'ng dalawa.
"Yung lalaking may kasamang matrona. Sino 'yon?"
He shrugged his shoulder. "Client ni Boss."
"Anong pangalan?"
"It's confidential Miss A. Kung gusto mong malaman kausapin mo na lang si Boss sa loob ng opisina niya. 'Yun ay kung. . sabihin niya nga sayo."
Tinitigan ko siya ng matagal saka nagpakawala ng buntong-hininga.
"Never mind. Pakisabi sa boss mo hindi ko kailangan ng new bodyguard. Suspendihin niya kamo ang sarili niya sa pananapak sa bodyguard ko ng walang dahilan." sabay hakbang palabas pero humarang ito sa daraanan ko.
Pinagtaasan ko ito ng kilay.
"Mawawalan ako ng trabaho Miss A kapag--"
"Problema mo na 'yon." agap ko.
"Pero--"
"'Wag mo na akong konsensyahin pa dahil wala ako no'n."
Mabilis ko itong tinalikuran. Nagpalinga-linga ako sa paligid pagkalabas ko. Natanaw ko pa 'yong lalaki na nakatayo sa harapan ng bintana ng pulang kotse. Humahalakhak. Kausap malamang 'yong matrona na nasa loob na niyon. Nakita ako nito pagbaling sa gawi ko. Hindi na inalis ang titig sa akin. Inis na inirapan ko ito. Malalaking hakbang na tinungo ko ang kinapaparadahan ng sasakyan. Wala si Ace sa driver seat pagkapasok ko sa loob. Saan pumunta ang hudas na 'yon? Iginala ko ang paningin sa labas ng bintana. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto niyon at pumasok si Colt.
"Hey!"
"I'm Colt. At your service Miss A." he started the engine then left.
Na loading ang utak ko bigla.
Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng mahimasmasan ako sa nangyayari.
"Teka, sandali!" sigaw ko. "Paki-park nga muna 'tong kotse sa gilid." pero hindi ako nito pinansin.
Hindi ko ito kilala kaya hindi ko alam kung pa'no ko pakikitunguhan. Mukha pa namang estrikto. I cursed. Dali-dali kong dinukot ang cellphone sa loob ng sling bag ko then dialed Ace number. Nakalimang ulit yata akong tawag bago niya sinagot.
"Nasaan kang bwesit ka?!" gigil na bungad ko. Pinagtawanan niya lang ako sa kabilang linya. "Aba tuwang-tuwa. Tingnan natin kung makakatawa ka pa oras na sabihin ko kay Kuya Bert--f**k! Hindi ka ba marunong magmaneho?!" singhal ko kay Colt sa biglang preno nito.
"You said e-park 'tong kotse."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung saang lugar kami. I looked at my phone again then put it in my ear.
"Hello Ace?" walang sumagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko ang screen. Connected pa naman ang tawag pero ba't 'di nagsasalita. . . "T'ngna, kilala mo ako Ace. Hindi ako 'yong tipong namba-bluff lang. Ginagawa ko talaga ang sinasabi ko!"
Ilang minuto ang lumipas nang may humaharurot na motorbike na huminto sa tabi ng kotse namin. Kumatok sa bintana ang sakay na bumaba doon. Pagkatapos umalis din ang driver ng motor.
Napangisi ako ng pumasok si Ace. Madilim ang mukha.
"Wow ha. Ganun mo kamahal si Eli--"
"Mind your own f*****g business."
Halos hindi bumuka ang kanyang mga labi na angil niya. Ang sama ng tingin sa akin. Lalo akong natawa.
"Naks, nosebleed."
"Ano bang problema mo?" sikmat niya. "Akala ko ba kating-kati ka ng mapalayas ako? Bakit ngayon may patawag-tawag ka pang nalalaman?"
"Tigilan mo nga ako sa drama mong 'yan. 'Di bagay sayo." tinuro ko ang manibela. "Ikaw mag-drive."
"Suspendido nga ako diba? Si Colt ang kapalit--"
"Si Kuya ang nagpapasahod sayo kaya walang karapatan ang boss mo--"
"Ang boss ko ang nagpapasahod sa akin hindi ang Kuya mo."
"What?!"
"They're doing business Miss A. Nagtatrabaho si Bert kay Boss Keith. Katiwala siya ni Boss Ryan. Ako ang kapalit niya para bantayan ka. Gets mo ba?'
"Ano 'yon nag-switch kayo, ganun?"
"Exactly."
"Oh, ba't naman kayo nag-switch ni Kuya Bert? Don't tell me, nag-iimbistiga siya about sa pagkamatay ni Tito Lars? I heard Kuya kasi--"
"Ba't ba ang dami mong tanong?"
"Hmmm, alam ko na." bigla akong nalungkot sa aking naisip. "Ba't hindi man lang ako makatagpo ng kasing sweet mo? Gagawin ang lahat makasama lang si Eli. Nakakainggit tuloy. Ba't puro manluluko ang natatagpuan ko?"
"Sira kasi 'yang mga mata mo."
"Anong sabi mo?"
"Wala. Pwede na ba akong umalis?"
"Hindi."
"Hindi?"
"H. I. N. D. I. Hindi. Now, drive the car. Pupunta tayo ng Yankee bar."
"Yankee bar?" tiningnan niya ang suot na relo. "Nang ganito kaaga?"
"Pwede ba, wag ka ngang OA. Quarter to six na. Kanina pa bukas 'yon." binalingan ko si Colt. "Ikaw nasa driver seat, paandarin mo na ang kotse."
Tiningnan nito si Ace bago iyon pinaandar.
Napahilamos naman siya ng kamay sa mukha. "Ano na naman ba ang gagawin mo doon?"
"Ano bang ginagawa sa loob ng bar?" balik tanong ko.
"Malalasing ka lang doon--"
"Exactly my purpose. Mag walwal."
"Hindi ka pa rin ba naka-move on sa Bryce na 'yon?"
"Nang ganun kadali? Robot ako? Walang feelings? Bawal umiyak? Bawal magpakalasing? Bawal ilabas ang lahat ng sama ng loob? Bawal akong pumasok ng bar dahil malalasing ako. Anong gusto mong inumin ko, gatas? Makakatulong ba 'yon para mawala ang sakit dito sa puso ko kahit saglit lang? Mababangag kaya ako no'n? Kung hindi 'wag kang kontrabida. Lahat na lang bawal. Dapat sinama niyo na rin sa lahat ng bawal niyo na bawal akong saktan para--"
"Oo na!"
"Ganun naman pala--"
"Will you just shut up your mouth? Nakakaimbyerna na."
Iningusan ko siya. "Ang aarte niyo kasi. Kisyo nasuspinde dahil na violate 'yung rules. Sinapak dahil sa akin. Ang totoo, bipolar ba 'yang boss niyo?"
Sabay pang natawa ang dalawa sa sinabi ko. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Baka matameme ka kapag nakita mo si Boss, Miss A."
I scoffed. "Baka kamo malaglag ang brief niya kapag nakita niya ako."
Malakas na napahagalpak ng tawa ang dalawa. Hindi ko na sila pinansin. Itinuon ko na lang ang mga mata sa labas ng bintana.
Ilang minuto ang lumipas ipinarada ni Colt ang sasakyan sa tapat ng bar.
"Lumayas na kayo," sabi ko kaagad kay Ace ng lingunin niya ako. Hinawakan ko ang pinto ng kotse. "Kaya ko na ang sarili ko. Hindi niyo na kailangan pang sundan ako sa loob."
"Seriously? Gusto mong ilibing kami ng buhay ng Kuya mo?"
"Pwede ba Ace? Kilala ko naman ang may-ari--"
"Iba na ang may-ari ng bar na 'yan."
"What do you mean iba na ang may-ari?"
"Binili na ng may-ari ng Air Voice Tecs Company."
"Air Voice Tecs Company? Sino?"
"'Di mo kilala?"
"Mukha ba akong interesado sa mga negosyante?"
Nagkatinginan ang dalawa na para bang napakaignorante kong nilalang at 'di kilala ang may-ari no'n. Well hindi ko naman talaga kilala. Tsaka paki ko ba? Dapat bang kilalanin ko 'yon? Memo ba? Sino ba siya para pag-aksayahan ko ng panahon? Broken hearted ako para magkainteres pa sa lalaking mga paasa.
"Seriously? Hindi mo talaga kilala ang may-ari ng kompanya na 'yon? Hindi mo man lang ba nakita sa social media--"
"Bakit fan ba ako ng socmed? Kailan ba ako nagFB? May nakita ka bang IG account ko? Twitter? LinkedIn? Tumblr?"
"Saan ka bang planeta galing at hindi mo kilala ang chairman ng Air Voice Tecs Company?" sabad ni Colt.
Pailalim ko itong tiningnan na sinuklian din nito ng malamig na tingin. He's exactly an opposite with Ace.
"Businessman si Bryce. Never ka man lang ba nadala sa mga social gatherings na pinupuntahan niya?" dagdag pa nito.
"Ouch. . isampal talaga sa akin ang katotohanan?" tiningnan ko ng masama si Ace. Natsismis ako agad ng hudas na 'to. Binalingan ko muli si Colt. "Just to satisfy your damn curiosity, its a BIG NO. Never akong inimbita ng lalaking 'yon sa sosyalan. Mas atat siyang kaladkarin ako sa kwarto ng Condo Unit niya kasya ang ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend niya ako. Ganun ako katanga kaya naiputan niya ako sa ulo ng walang kamalay-malay. Ano masaya ka na? Gusto mong pag-usapan natin magdamag ang ungas na 'yon?"
Hindi ito umimik. Gigil na lumabas ako ng kotse. Pabagsak ko pang naisara ang pinto niyon sabay hakbang. Hinabol ako ni Ace. Kaagad ko naman siyang hinarap.
"Please, gusto kong mapag-isa--"
"Mas maraming tao sa loob para makapag-isa ka."
"I mean, ayoko ko ng asungot."
"Sa malayo naman kami pupwesto--"
"Doon sa bahay kayo pumwesto. Ganun kalayo ang gusto ko." tinalikuran ko siya pero kaagad ko rin nilingon ng maramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin. Dinuro ko siya. "I swear, kapag 'di mo ako pinagbigyan kahit ngayong gabi lang, susugod ako sa building ng boss mo at magwawala ako doon. Sasabihin ko rin kay Kuya Bert pati kay Nay Gil--"
"FINE!" tinuro niya ang kotse. "Mag-aantay kami doon. Tawagan mo ako agad kung may mambastos sayo sa loob."
"Suspendido ka kaya umuwi ka na. Pakisabi do'n sa kasama mo na ayoko sa kanya. Pauwiin mo na rin. Kaya ko ang sarili ko."
Malakas ang maharot na tugtog, iba't ibang umiikot na ilaw at subrang ingay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng Yankee Bar. Maaga pa pero ang dami na ng tao.
Nakakapagtaka naman na ibenta 'to ni Josh.
Si Joshua, isang binatang negosyante. Boyfriend ng bestfriend kong si Scarlet. Nagkakilala sila sa charity event ng Daddy nitong Gobernador.
Lumapit ako sa bartender. Hindi ko sila kilala. Ibang mukha ang nakikita ko. Puro babae. Pare-pareho ang mga uniform nila. Long sleeve shinny black leather top na kita ang mga cleavage at pusod. Tapos ang iikli ng palda. Kunting tuwad kita na ang tinatago. I looked at the bouncer, iba na rin. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Halos nag-iba lahat. Mula sa pagkakaayos ng mga upuan at mesa at mukhang nadagdagan ng gamit.
"Mag-oorder po ba kayo Ma'am?"
Napabaling ako sa nakangiting babaeng lumapit sa akin.
"Can I order five tequila shots, please?"
"Sure," aniya.
Mabilis ang mga kamay na kinuhanan ako ng order ko saka nilapag sa aking harapan. Iminuwestra nito sa akin ang upuan.
"You can take the VIP table Miss A."
"You know me?"
"Sa picture lang. Si Ace. . he's a friend. Sabi niya suki ka dito. If ever na makita ka namin will offer the VIP table and all your drinks is on the house."
"Wow, ganun?"
"Yes po. Bestfriend niya 'yong Boss namin."
"Really?"
Tumawa ito sabay tuptop ng bibig. "Sorry, nasubrahan yata ako ng daldal."
I smiled then took the shots. Mabilis ko iyon na tinungga. Mulagat na nakatitig lang sa akin ang babae ng umorder ako ulit.
"Magpapakalasing po ba kayo ngayong gabi, Miss A?"
"Yes."
"Problem?"
"Broken-hearted."
"Oh. ."
May nakangiting babae na naglakad palapit saamin. May bitbit na isang malaking plato na may lamang sisig. Nilapag sa harapan ko.
"Pinabibigay sayo, Miss A. Mukha ka daw lonely." anito.
Saka may tinuro sa kabilang panig ng bar. Sinundan ko iyon ng tingin. Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang lalaking 'yon doon. Mag-isang nakaupo sa VIP table din. Walang kurap-kurap na nakatitig sa akin ang malamlam niyang mga mata. Kanina pa ba siya dito?
I gulped. Binalingan ko ang dalawa. Nakangiti pa rin sila sa akin. Tila kinikilig na iwan.
"Si--Sino 'yon? Anong. . . pangalan niya?"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Hindi mo siya kilala?"
"Hindi."
"JR. 'Yun ang pangalan niya. Regular customer 'yan dito."
"JR?" ulit ko saka muling nilingon ang lalaki. "So, he's JR. Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya. Dapat Shane Ward. Mas gwapo pakinggan."
A minute passed staring at each other without blinking my eyes then I looked away. I took the shots of tequila then drink it up. Inabot ko ang kutsara at tinikman ang sisig.
"Hmmm," tumango-tango ako. "Mukhang masarap." nag-angat ako ng tingin sa babae na busy sa paggawa ng order na alak. "May menu ba kayo?"
"Ha?"
Tinuro ko ang sisig.
"Ah yes." kinuha ng kasama nito ang menu saka inabot sa akin. "You can order whatever you want, Miss A. Its on him." turo nito sa lalaki.
"Ah, hindi. Kaya ko naman magbayad."
"Bayad niya na lahat ng 'yan na nasa menu."
Umawang ang mga labi ko sa gulat. "Am I drunk already or what?"
Ngumiti lang ang babae sa akin. Tiniklop ko ang menu saka muling ibinalik sa kanya.
"'Wag na lang pala. I changed my mind."
Magkasunod kong tinungga ang tirang shots na tequila, pinapak ang sisig saka tumayo. Bahagya pa akong gumiwang sa suot kong heels. Humawak ako sa edge ng mesa. Kinalma ang sarili saka humakbang papunta sa gitna ng dance floor.
Hanggang sa namalayan ko na lang na parang bulate na akong gumigiling doon. Walang paki sa paligid. Nakataas pa ang dalawang mga kamay. Malakas na sumisigaw habang nakikipagsabayan ng sayaw sa mga tao. Para akong nakawala sa hawla.
Then suddenly, I felt someone caress my ass. Hindi nakuntento hinapit na ako sa bewang.
"You're so hot, sweetie." boses ng lalaki sa punong tainga ko.
Ramdam ko ang pagdiin ng namumukol nitong harapan sa pwet ko kaya malakas ko itong nasapok. Nabitiwan ako nito.
"f**k--b***h!" sapo ang mukhang wika nito. Nang makabawi muli akong hinarap. "How dare you hurt me!"
Galit na binigwasan ako nito ng kamay sa mukha pero hindi iyon lumapat. Napatingin ako sa babaeng sumangga niyon.
"Who the hell are you?!"
Ipinakita nito ang tsapa sa lalaki.
"Gusto mong makulong?"
"s**t--parak."
Nagkulasan ang apat na matangkad na lalaki. Napatanong pa ako sa sarili kung magkakasama ba sila habang sinusundan ang mga ito ng tingin pero malamang dahil lahat sila lumabas. 'Yung mga katabi namin nakatingin saamin pero sige pa rin sa pagsayaw. Tapos 'yong JR sumunod din doon sa apat na lalaking lumabas. Teka. . hindi kaya kasama siya ng mga 'yon?
"Ok ka lang ba, Miss?"
Tumango ako sabay alis sa dance floor. Pagdating ko sa counter nag-order ulit ako ng alak, this time margarita. May tumabi sa akin at umorder rin ng margarita kaya napabaling ako dito. Nakangiting nakatingin din ito sa akin.
"Thank you nga pala kanina."
"Wala 'yon."
Iniumang ko ang kamay sa kanyang harapan.
"I'm Aishleen--"
"Kate Altamonte," nakangiting dugtong ng babae saka tinanggap ang kamay ko. "Cristal Lopez."
Tiningnan ko ang VIP table na nasa gilid ng counter.
"You can join me in my table if you want."
"Uhm. . may dalawa pa akong kasama e."
"They can join us too. Mag-isa lang naman ako e."
"Are you sure?"
"Very sure."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023