THIRD PERSON's POV
ORLAN (POLICE SERGEANT CRISTAL JANE LOPEZ BESTFRIEND)
Paglabas ng apat na lalaking 'yon sa bar sinundan namin ni Les kaagad si Aragon. I wonder why he bought this bar.
Is it because of Keith Altamonte's sister or sadyang may illegal businesses talaga silang magkakaibigan. Ang bar na 'to ang gagamitin nilang front. . dito mangyayari ang mga business transaction nila.
Pwede ring hindi.
Baka may mas malalim pang dahilan.
But what?
And why is that Defacto gang approached Aishleen Kate Altamonte?
Anong kailangan nila sa babaeng 'yon?
And why Tito Serafin is here?
Ibig sabihin ba gumagawa din itong illegal businesses?
Hindi ba ito aware na magkaibigan sina Keith Kyle Altamonte at Joe Ryan Aragon?
At sino 'yong lalaking kasama nitong pumasok ng VIP room?
Loud full blows hit the face drenched with blood of that four Defacto men. Suntok at tadyak ang pinadapo ni Aragon sa apat na lalaki. Lalo na dun sa nangahas na hipuan si Miss Altamonte habang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Nakapalibot sa mga ito ang tauhan ni Aragon. Some of them were the bouncer.
"Hindi kaya may gusto 'yang Aragon na 'yan kay Miss Altamonte?" bulong ko kay Les habang tahimik na nanonood sa kanila.
Nasa basement kami. Kumukubli sa mga sasakyan.
"Hmmm maybe yes, maybe not." aniya. "Bestfriend niya ang Kuya ni Miss Altamonte malamang ipagtatanggol niya talaga lalo't dito pa mismo sa sarili niyang bar nangyari."
"Ba't hinayaan niya pang hipuan e kitang-kita mo naman na nakita niya 'yung ginagawa no'ng apat na 'yon?"
Marahas akong nilingon ni Les. "Tanga ka ba? Kung doon niya sa loob binugbog e 'di nagkagulo ang mga tao. Kuw, bopols ka din noh. Same lang kayo ni Cristal."
"Tss bopols. Kung hindi dahil sa akin hindi niyo malalaman na inutusan lang ni Aragon si Mister Brown na bilhin 'tong bar kay Joshua on his behalf."
"Oh so kwentahan na ngayon ng naiambag, ganun?" inirapan ko siya sa sinabi niya. "Kwentahin mo na rin na ikaw ang nakakilala sa mga Defacto na 'yon. Nahiya ka pa."
"Pwede ba? Hindi ganun ang gusto kong sabihin. Dyina-justify ko lang 'yong pagtawag mo sa akin na bopols."
"Ganun 'yon. 'Wag ka ng magpalusot."
"s**t ka. Bahala ka nga diyan sa buhay mo. Sarap umbagin 'yang nguso mo."
Malalaking hakbang ko siyang nilayasan. Pero kaagad din akong napaatras sabay tago ng matanaw ko si Mutya na lumabas ng 'di ko kilalang kotse. Saglit akong naghintay doon.
Hanggang sa nagdugtungan ang mga kilay ko ng makita ko si Rald James Gonzalvo na lumabas. Iginala pa ang paningin sa paligid bago lumapit kay Aragon.
So they know each other? Are they friends too? Hmmm, interesting.
Bumalik ako sa loob ng bar. Nagpalinga-linga ako, hinanap si Cristal. Nagulat pa ako ng matanawan ko ang dalawa na nakaupo sa VIP table malapit sa counter. Maraming bote at shots ng alak sa ibabaw ng mesa. May mga sari-saring pulutan. Hindi lang 'yon ang nagpagulat sa akin kundi ang kasama nitong magulo ang buhok, hilam sa luha ang mga mata. . . umiiyak?? Ehh? Why oh why?
Dali-dali ko silang nilapitan.
"He cheated on me!" lasing na lasing na wika nito habang umiiyak. "Minahal ko sya. Sya lang tapos. . . tapos nagawa niya pa akong lukuhin! Ang masaklap sa bestfriend ko pa!" inabot nito ang shot sabay tungga niyon. Malakas din na ibinagsak ang shot glass sa mesa sabay bunghalit ng iyak.
Hinawakan ko si Cristal sa kanyang balikat pero nakatuon pa rin ang aking tingin kay Miss Altamonte.
"What happen to her?"
"Broken-hearted I guess,"
"Sa ganda niyang 'yan?"
"Yun ang paulit-ulit niyang sinasabi kanina pa e. Nahuli niya sa akto 'yong long time boyfriend at bestfriend niya sa Unit no'ng lalaki. Mismo sa araw ng birthday. Isusurprise niya daw sana kaso siya ang nasurprise ng bongga."
"Ouch. . sakit no'n ah."
"Ranas mo na ba?"
"Hindi pa. But look at her. Kawawa naman."
Nag-angat ito ng tingin sabay turo sa akin.
"Siya ba ang kasama mo, Sergeant?"
Napangiwi si Cristal sa tawag sa kanya ni Miss Altamonte. Napangisi naman ako. Lumapit ako dito at nagpakilala.
"I'm Orlan Ramirez."
Nakipag-shake hands naman siya sa akin. 'Yun nga lang mukhang balak tanggalin ang pagkakadikit ng braso ko sa balikat sa lakas ng alog niya. Tinawanan ako ni Cristal.
"Pulis ka din ba like her?"
Nilagay ko ang hintuturo ko sa aking bibig saka nilapit ang mukha sa kanyang tainga. "It's a secret."
Namilog ang mugto niyang mga mata. "Secret?" she giggled. "Your secret are safe with me." aniya sabay muwestra ng kamay sa bibig na tila nilagyan ng zipper.
"Mukhang lasing na 'to ah--"
"I'm not drunk yet," agap nito na ikinatawa ko.
"Malakas ang radar--"
"I hate gossiper," muling sabad nito. "I hate the way your eyes moved. Para kang spy."
I bark a laughter. Sinamaan ako nito ng tingin.
"You know what; I like you!"
"Great! You can join us!" she cheerfully exclaim.
"But don't drink too much Miss--"
"Don't be a kontrabida like my bodyguard. Sisipain kita palabas ng bar na 'to."
"Ba't nandito kayo?" sabad ni Lester sa likuran ko. "Nilalasing niyo ba 'yang kapatid ni Altamonte?"
"You know my brother?"
Malakas kong siniko sa sikmura si Lester.
"f**k--your damn elbow!" angil ni Les.
"Watch out your mouth. Malakas ang radar--"
"I said I hate gossiper." muling sabad nito. "Ayokong pinagbubulungan ako. If you have something to say about me please said it out loud in front of me frankly."
Nagkatinginan kaming tatlo sabay layas. Lumapit ako sa bartender. Narinig ko pang nag-explain ang dalawa kay Miss Altamonte. Mukhang nagustuhan naman ang paliwanag dahil masaya na silang nagtatawanan tapos biglang nagdrama ulit ito. Umiling-iling ako saka nag-order ng vodka tonic pagkaalis ng lalaki.
"Bago ka lang ba dito?" pasimple kong tanong sa babae pagkalapag ng alak sa harapan ko habang iginagala ang paningin sa buong paligid.
She sweetly smiled at me. "Yes, handsome."
"Hmmm halos lahat ng staff na nakikita ko mukhang. . bago lahat."
"I can tell you're a regular costumer here in Yankee bar to notice that."
"It's my fav hangout."
"Oh, I see. Ngayon lang kita nakita."
"You just said you're new here."
"And first time din na may kumausap sa akin na pogi like you."
"Really?"
"Uh-huh,"
"Sa ganda mong 'yan?"
Sinulyapan niya ang table ng mga kasama ko.
"Narinig kong sinabi mo rin 'yan kay Miss A." natigilan ako bigla. She grinned. "The design is very chick boy."
I laughed. "Malakas din ang radar mo."
"I have to. . kung hindi mamumura ako ng costumers kapag 'di ko narinig ng tama ang orders nila sa lakas ng tugtog, Mister Chick boy." sabay kindat sa akin ng babae.
Nakangiting umiling-iling ako. Sumimsim ako sa aking baso saka nagpaalam sa kanya. Nilapitan ko si Lester. Kaagad itong tumayo pagkakita sa akin.
"Alis na tayo." wika ko sa kanyang tainga, umiikot pa rin ang mga mata sa paligid. Mas dumami lalo ang tao. "Wala tayong makukuha na info dito. Well trained ang mga staff. Kaliwa't kanan din ang mga CCTV. Siguradong bantay sarado na tayo dito next na balik natin."
"Nalagay ko na sa bag niya. Lumabas na rin si Tito Serafin. Sasabihin ba natin kay Cristal?"
"Don't mention him to her. Siguradong masasaktan lang siya. Hayaan mong siya mismo makakita sa Daddy niya. Kung Daddy niya nga ba talaga 'yon. Mukhang binibenta na siya e."
"Anong pinagbubulungan niyo?"
Naistatwa kami pareho ni Lester ng bumalandra ang mukha ni Cristal saaming harapan. Nanunuri ang mga mata.
"Uhm. ."
"Wala," nilingon ko si Miss Altamonte na nakayukyok sa ibabaw ng mesa. "Plakda na?"
"Mixed alcohol ang ininom malamang bagsak talaga 'yan."
"Oh, pa'no 'yan?"
Cristal shrugged her shoulder. "Dadalhin ko sa apartment ko."
"Seriously?" bulalas ni Lester.
Nagkatinginan kaming dalawa. Pinamewangan naman kami ni Cristal.
"Alangan iwan natin 'yan dito? Ganun na ba kayo kawalang puso?"
"Tss. Kinonsensya mo pa kami e may mga bodyguard naman 'yan na nag-aantay sa labas. Ba't 'di mo tawagin? Mamaya tayo pa ang sisihin ba't lasing na lasing 'yan."
"Ikaw tumawag tutal ikaw naman nakaisip."
Nagpalinga-linga si Cristal sa paligid saka tinawag ang bouncer. Pero kaagad din kaming natigilan nang madilim ang mukhang lumapit si Aragon. Isinukbit sa balikat ang bag at walang sabi-sabing binuhat ang tulog nang si Miss Altamonte. Iwan kung saan dadalhin 'di naman lumabas ng bar.
"Oh, that's explain everything," sabay naming wika ni Lester habang sinusundan ito ng tingin.
*****
JOE RYAN ARAGON
Malalaking hakbang na binaybay ko ang makitid na pasilyo papunta sa VIP room na inuukupa ko. Maingat na inihiga sa kama si Aish. Akmang lalayo ako sa kanya ng bigla ito magmulat. Nanlaki ang aking mga mata ng magtama ang paningin naming dalawa kasabay ng paghatak niya sa akin nangudngod ang nguso ko sa kanyang mga labi.
Naestatwa ako. Nahigit ko ang aking hininga. Pero 'yong puso ko tila binabagyo na sa loob. Nanikip ang pantalon ko. f**k--nakainom lang ako! Epekto lang ng alak!
Kaagad kong inilayo ang mukha sa kanya pero ipinulupot niya naman ang mga braso sa aking leeg. I mentally cursed.
Matamis niya akong nginitian. Natunaw ang puso ko kahit ngiting lasing lang iyon. Subrang ganda niya sa aking paningin. T'ngna, nakailang baso ba ako ng alak para mawala ako sa katinuan ng ganito?
"May. . . may nilagay si Lester Montalban sa gilid ng bag ko."
"Ha?"
Ipinaling niya ang mukha. Tumambad sa aking paningin ang makinis niyang leeg. Napalunok ako ng wala sa oras. Damn.
"May nilagay si Lester Montalban sa gilid ng bag ko." ulit niya. "Tingnan mo kung ano 'yon."
"Aren't you drunk?"
"NO." she smiled at me again. "s*x tayo--"
"Whaaaat?!"
Parang napapasong mabilis kong kinalas ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg ko. Nilapitan ko ang bag niya saka hinanap ang sinasabi niyang nilagay ng pulis na 'yon.
There; I saw a spy cam. I scoffed. Hinulog ko iyon sa lapag saka inapakan ng sapatos ko para masira.
"Sneaky bastard." nakangising anas ko. "Ba't hindi si Serafin ang sundan nila imbes na ako? Wala silang mapapala sa akin."
Natigilan ako ng may pumulupot na mga braso sa akin bewang mula sa likuran. Pagbaling ko sinalubong ako ng maamong mukha ni Aish, nakapikit na ang mga mata pero nakangiti pa rin ang mamula-mulang mga labi. T'ngna.
"Am I not sexually attracted to you?"
"Tss,"
Kinalas ko ang mga braso niya pero humigpit lang lalo iyon. Hinilig ang mukha sa likod ko, pati ang malulusog niyang dibdib ramdam kong. . t'ngna talaga.
"Aishleen lasing ka na. Matulog ka na doon."
She opened her eyes then giggled. "You know my name!"
"N-Narinig ko lang--"
"Hmm, ikaw 'yong laging nakasunod sa akin diba? Bakit mo ako sinusundan? May gusto ka ba sa akin? Stalker? Pinagnanasaan mo ako? Umamin ka. Gusto mo din akong maikama."
"Tss, ang daldal mo--"
"Ang bango-bango mo. s*x tayo."
"T'ngna--"
"Dali na," umikot siya sa harapan ko. "Anong lasa no'n? Masarap ba?"
Nagulantang ako ng makita kong nakapanty lang...
Lumipad ang aking nanlalaking mga mata sa kama pababa sa lapag. Nagkalat doon ang crop top, jeans, heels at bra. . . holy crap!
Pagyuko ko sa kanya sinalubong niya ako ng marubdob na halik. Frusrated na hinawakan ko ang magkabilaan niyang mukha at inilayo sa akin. Nakaawang ang nangingintab niyang mga labi. She stared at me confused with her drowsy eyes.
"You're drunk, Aishleen. Hindi ako mapagsamantalang tao pero pagdating sayo tumitiklop ako."
"Ha? You don't want to have s*x with me? 'Yun ang gustong-gusto ng ex ko. Ayaw mo no'n?"
I cursed.
Hinatak ko siya papunta sa kama. Napaupo siya sa gilid no'n ng sapilitan ko pa siyang kalasin sa mahigpit na pagkakakapit sa akin. Gulat na tiningala niya ako.
"Don't stare me like that. Matulog ka na."
Tinalikuran ko siya pero mabilis ang mga kamay niyang hinablot ang damit ko. Tumalsik ang mga butones ng suot kong long sleeve polo.
Kumurap-kurap siya sabay ngisi habang nakatitig sa nalantad kong dibdib.
"Wow, Abs." nakakagat labing anas niya sabay tayo.
Mabilis kong hinuli ang kamay niya bago pa man iyon lumapat sa balat ko. Mariin akong pumikit para kalmahin ang sarili kong 'wag siyang angkinin. Lasing siya, nakainom rin ako. Kapag nawala na ang init sa katawan tiyak mas lalo niya akong 'di magugustuhan. Ang masaklap baka isumpa niya pa ako ng tuluyan. Mawawalan ako ng pag-asang makapasok sa puso niya. . .sa buhay niya.
Pagmulat ko naglalakbay ang kanyang mga mata sa dibdib ko, pababa sa tiyan ko, pababa pa ng pababa.
"A-Aishleen--s**t!"
She grabbed my trouser!
Bigla akong hiningal ng tangkain niya iyon buksan. Nasagi niya pa 'yong akin--damn it! Mahigpit kong pinigilan ang dalawa niya ng kamay na nagpupumilit na kalasin iyon. Malapit ng mapigtas ang pagtitimpi ko. Tukso ang kahubaran niya. Tila nag-aanyaya sa aking paningin ang malulusog niyang dibdib na nakabalandra na putcha! Hindi naman siya ganito dati kapag nalalasing. Pero bakit ngayon--f**k!
"Aishleen, ano baaa?!"
"Patingin nga ako kung ano itsura niyan. Malaki ba? Isukat mo nga sa akin kung kasya."
"T'ngna. . ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"
Natigilan ako ng pag-angat niya ng tingin sa akin hilam na ng luha ang kanyang mga mata.
She sniffed. "Nakita ko kung paano inangkin ni Bryce si. . . si Misha." her voice cracked. "Ang sakit-sakit na makita mo 'yong taong mahal na mahal mo ipinagpalit ka mismo sa bestfriend mo na pinagkatiwalaan mo."
Naumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. Napatitig lang ako sa kanyang mukha.
"Of all people, bakit siya pa? Siguro matatanggap ko pa kung ibang babae kaso. . hindi e. Si Misha pa. Alam niya kung gaano ko kamahal si Bryce."
"Sa subrang dami ng boyfriend ko siya lang ang bukod tanging sineryoso ko kaya ng makita ko sila sa ibabaw ng kama nadurog ng subra yung puso ko. Lalo na 'yung ego ko. Lumagapak yung pride ko. Pati 'yong self-esteem ko tinakasan ako."
"Tapos. . .tapos ang lintik na Ace at Colt na 'yon sinasampal pa ako ng katotohanan kung gaano ako katanga. Nagpakatanga ako sa lalaking walang kwenta. Pinaglaruan lang ako. Ngayon ko lang narealized sa sarili ko na 'yung iniingatan kong puri lang pala ang nais niya. Matagal niya na 'yun inuungot sa akin. Na kisyo may pangangailangan siya bilang lalaki."
Noong nasa Break Bar pa lang siya parang hinihiwa na ang puso ko sa naririnig kong lakas ng sigaw at hagulhol niya. How much more now na mismong nasa harapan ko na siya... humahagulhol habang lumalabas ng sama ng loob? Its killing me!
"Now tell me, s*x ba ang nagpapatatag sa isang relasyon?"
Sinapo ko ang kanyang mukha. Pinalis ang mga luha doon saka umiling.
"NO."
"E ano? Bakit nagluluko ang mga lalaki?"
"Hindi lang naman ang mga lalaki ang nagluluko pati mga babae ganun din."
"Hindi ako nagluko. Ako ang niluko ng boyfriend ko kaya 'yung tanong ko ang sagutin mo."
I chuckled. "You're drunk. Hindi mo rin naman maaalala ang sasabihin ko. Ask me again that question when you're sober."
Pailalim niya akong tiningnan sabay tabig sa mga braso ko.
"Ayaw mo sa akin kasi matrona ang tipo mo,"
"Ano? Matrona? Anong matrona?"
"Mga walang kwentang lalaki."
Tinulak niya ako. Bumaling sa kama, gumapang sa ibabaw no'n. Pagdating sa gitna saka lang huminto at dumapa. Sinilip ko siya. Nakapikit na ang kanyang mga mata.
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Tinungo ko ang kinalalagyan ng remote control sa ibabaw ng night stand. I adjust the temp of the aircon. Hindi ko na inayos ang higa niya, sinuutan ko na lang ng bagong t-shirt ko saka ipinaloob sa comforter. Binuksan ko ang lampshade at pinatay ang ilaw. Dumeritso ako ang banyo and took a cold shower.
Pagkatapos ko magbihis tinawagan ko si Ace. Segundo lang kaagad itong sumagot.
"Hanapin mo si Bryce." bungad ko kaagad sa kanya. "Yeah that asshole--NO, ikaw na ang gumawa baka mapatay ko lang ang gagong 'yon. Kasama ko siya. Bukas mo na sunduin dito--ahh hindi si Colt pala. Suspendido ka gago. Ako ng bahala sa kanya---T'ngna, bahala ka magdahilan sa Mommy niya. Kausapin mo si Miss Marquez--damn you!"
Inis na pinatay ko kaagad ang tawag ng pagtawanan ako nito sa kabilang linya.
"That moron. . . masasakal ko talaga siya kapag nalaman ni Keith na pinagnanasaan ko ang bunsong kapatid niya." nilingon ko si Aishleen na himbing na himbing ng natutulog. Bahagya pang nakaawang ang mga labi. I smirked. "Naughty girl. Buti naman at 'di ka na minor sweetheart. Kung nagkataon makakasuhan ako ng child abuse sa paghalik mo sa akin."
Mahina akong natawa ng maalala ko ang mga kalukuhang pinagsasasabi niya kanina.
"Isukat sa kanya," umiiling akong tumawa. "Maalala niya pa kaya 'yon?" humakbang ako palapit sa kanya saka maingat na ginawaran ng halik sa labi. "E-try natin next time babe kung kasya nga sayo. Baka umiyak ka ulit pero sigurado akong ibang sakit na iyon. Hindi ang puso mo."
Muli kong inayos ang kumot niya saka lumabas ng kwarto. Lumipat ako sa control room, doon nagpalipas ng gabi. Kasama ang isang baso at bote ng whiskey. Thinking about her while staring at the monitor. There's an audio device and hidden cam at that room. Tanging ako lang ang nakakaalam.
Now she finally noticed me, what's gonna be my next move?
FIVE O'CLOCK in the morning; muli akong bumalik sa kwarto niya. Ipinatong ko sa night stand ang dalawang aspirin na nakalagay sa glass sauce bowl at isang basong tubig with sticky note. Bumalik ako sa control room.
Ilang minuto ang lumipas ng maalimpungatan siya. Bumalikwas ng bangon matapos igala ang paningin sa paligid sabay ngiwi at sapo sa ulo.
"Nasaan ako? Ba't napunta ako dito? Kanino kwarto--shet, ba't naka-panty lang ako?!" kaagad siyang bumaba ng kama saka binuksan ang ilaw. "What a calamity. . ."
Napaatras pa siya sa pader sa gulat habang nakatingin sa nagkalat niyang damit sa lapag. Hindi ko ginalaw ang mga iyon. Hinayaan ko lang doon. Hindi ko alam kung maaalala niya pa ako but I hope yes.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa ng kapain niya ang buong katawan lalo na ng silipin niya pa ang kanya at dinama iyon.
"Ba't ba ako nagpakalasing kagabi?" kausap niya sa sarili habang nakasabunot ang dalawang kamay sa buhok. "Nakakahiya kina Sergeant Lopez, para akong tangang nagmelodrama sa harapan nila bwesit! Sakit ng ulo ko. Anong idadahilan ko kay Mom? Gising na kaya si Mia?"
Dali-dali niyang dinampot ang mga damit sa lapag saka nagtungo sa banyo. Saglit lang siyang nanatili sa loob niyon. Paglabas bagong ligo na.
I arched my brows. "She's fast. I thought women takes hours in a shower."
Lumapit siya sa night stand. Kinuha ang sticky note. Matagal iyon na tinitigan bago ininom ang mga nilagay ko doon.
I pressed the side button of my wristwatch.
"Colt,"
"Boss?"
"Sunduin mo na."
"Right away."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023