Accidentally In Love 6

3157 Words
THIRD PERSON's POV Too much anger. That's what engulfed my whole being while staring at my husband unconscious body. Halos hindi ko makilala ang kanyang namamagang mukha. Buong katawan niya puno ng latay at malalaking pasa na para bang nilatigo at pinagpapalo siya ng dos por dos na kahoy. Hindi ko alam at hindi ko nakita kung sino ang posibleng gumawa nito. Halos walang buhay na siyang naabutan kong nakabulagta sa labas ng bahay. Naliligo sa sariling dugo. "Pagbabayaran nila ng malaking halaga ang ginawa nila kay Bryce," I gritted my teeth and clenched my fist. "Nagkamali sila ng taong binangga. First, si Sofia. They killed my bestfriend. Ngayon ang asawa ko." "Sino sa tingin mo ang gumawa niyan sa kanya?" I wiped out my tears then look at my cousin Scarlet. "None other than his mistress, Aishleen Kate Altamonte." "I don't think Kate is capable--" "Mahal niya si Bryce at nasaktan ang pride niya." sabad ko. "Mayaman ang pamilya niya. Kayang-kaya niyang magbayad ng tao para gulpihin--" I sobbed. Nilapitan niya ako saka niyakap. Napahagulhol ako sa kanyang balikat. "Kung tutuusin malaking panluluko ang ginawa niyo kay Kate." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Scarlet saka hinarap ang nobyo nito. "How dare you said that in my face, Joshua!" asik ko sa kanya."Mas kakampihan mo pa talaga ang babaeng 'yon?!" "Wala akong kinakampihan. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko." I scoffed. "Really? Base sa tono mo parang pinamumukha mo sa akin na karma 'yong nangyari kay Bryce." "Hindi ba--" "Mahal!" saway ni Scarlet sa kanya. "Baka pwedeng doon ka na muna sa labas. Mag-uusap lang kami saglit ng pinsan ko. Please." He sighed. Nagpalipat-lipat ang tingin niya saamin saka lumabas. "Ganung uri ba ng lalaki ang gusto mong pakasalan, Scarlet?" Hinarap niya ako. "Magkaibigan sila ni Kate kaya kakampihan niya talaga 'yon." "Girlfriend ka niya. Pinsan mo ako. Dapat sa atin ang simpatya niya hindi sa malanding 'yon!" "Ano bang plano mo?" "Ipapadukot--" "Bantay sarado siya ng dalawang bodyguard niya." I cursed. Frustrated na nagparoot parito ako ng lakad sa harapan niya. Nag-iisip ng paraan pa'no ko magagantihan ang babaeng 'yon. "Bff ka niya diba?" she nodded. "Pwes, ikaw ang tutulong sa akin para madukot ko siya." "Dudukutin mo siya tapos ano? Gagawin mo din sa kanya 'yong ginawa nila kay Bryce? Nag-iisip ka ba?" "Hindi ba dapat lang na iparamdam ko din sa kanila kung gaano kasakit ng ginawa nila sa asawa ko?" "Sa tingin mo hindi nila malalaman na ikaw may gawa no'n? Maimpluwensya ang mga Altamonte at sinisiguro ko sayong hindi ka magtatagumpay laban sa kanila. Tapos bigla ka pang umuwi dito sa Pinas. 'Di ka talaga nag-iisip." "Oh so kasalanan ko ang lahat ng nangyari kay Bryce? Ganun ba ang gusto mong sabihin ha?" "Kasalanan mo talaga kapag nalaman nila na magkadugo tayo! Tapos gaganti ka pa in brutal way. Pareho tayong sasabit. Tiyak kamumuhian ako ni Josh kapag nangyari 'yon. Mababaling ang atensyon niya kay Aishleen. 'Di na matutuloy ang kasal. Gets mo ba?!" "O so ano ang gagawin ko? Pa'no aber? Tutunganga na lang ako at mag-aantay kung kailan bawian ng buhay si Bryce, ganun?" "Basta, ako ng bahala. May kaibigan akong galit din kay Kate." "Sino?" "Si Zephanie." "'Yung anak ni Serafin Lopez?" "Yeah. Siya ang gagamitin natin." I evily smirked. Napatango-tango ako sa plano niya. "Pwede." "Will invite Kate later mag bar hop. Hindi 'yon tatanggi lalo't broken-hearted kaso hindi ko mahagilap lately e. Iwan kung nasaan. 'Di ko makontak ang number niya." "Puntahan mo ulit sa kanila." "Ok. . ang gawin mo mamaya magpadala ka ng lalaki do'n sa bar. Make sure na hot para magustuhan ng babaeng 'yon. E-message na lang kita kung what time." "Sige. Call." ***** AISHLEEN Malakas ang volume ng TV. Sari-sari ang pagkain na nakalatag sa center table na nasa harapan ko at ilang can beer. Nakataas ang aking mga paa habang nakahilata sa sofa dito sa sala. Hawak ng kaliwang kamay ang remote control, sa kabila naman tinidor. "Wala ka pa rin bang balak umuwi sa mansyon?" Sinulyapan ko lang si Kuya na nakahalukipkip sa may pintuan. Nayayamot na nakatingin sa akin habang nakakrus ang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib. "Dalawang linggo ka ng nagpapapiyesta dito," sigunda pa niya. "Tapos 'di mo man lang ako pinaabisuhan na nandito ka sa bahay ko. Magkaiba ang dahilan na sinabi namin ni Ace. Sandamakmak na sermon tuloy ang inabot ko kay Mom. Kinailangan ko pang piktyuran ka para lang maniwala siya na nandito ka nga. Pati si Mia dinadamay mo sa pagsisinungaling mo ha." Dinampot ko ang can beer saka iniumang sa kanya. "Oh, iinom mo na lang 'yan. Ang aga-aga ang init kaagad ng ulo mo." "AISHLEEN KATE--" I arched my brows. "Complete name talaga, Kuya?" "Kailan ka ba tatanda?!" singhal niya na sa akin. Saglit akong natigilan pero kaagad din akong ngumiti. "Kailan ako tatanda?" ulit ko. "Bakit gusto mo na ba akong ma-deads--" "Aishleen!" I pouted my lips. Nagdadabog na nilapag ko sa center table ang can beer. "Kuya naman e. Ngayon nga lang tayo nagkita tapos pinapalayas mo na ako agad." "Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?" hindi ako umimik. "Dahil ba kay Bryce?" "Wala na kami." "You broke up with him?" I scoffed. Pailalim ko siyang tiningnan ng mahimigan ko ang gulat sa boses niya. Dinampot ko ang chips, nakatitig pa rin sa kanya ng isubo ko iyon sa bibig. "You looks shock. Hindi ka ba masaya?" "Well he's in the hospital. Comatose." Pagak akong tumawa. "Weee, seriously?" Dinampot ko ang brown envelop sa ilalim ng mesa saka hinagis sa kanya. Mga sweet pictures iyon nina Bryce at Misha. Kuha ni Ace. Pinadala pa sa akin ng hudas na 'yon. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya isa-isa ang mga pictures. Dumilim ang mukha. Umigting ang mga panga. Hindi na ako nagulat ng makita kong halos lamukusin iyon ng nakakuyom niyang mga kamao. "That bastard," "He's nothing to me now, Kuya." Makahulugan niya akong tiningnan. "Ikaw ba may kagagawan no'n?" "Ha?" "'Yung nangyari kay Bryce. Bugbog sarado ang buong katawan pati mukha. Kilala kita pero--" I chuckled. "Do you think I'm capable of doing morbid things? Alam ko malakas ang saltik ko pero hindi ako ganun kadesperada para maghabol sa kanya. If he likes Misha more than me then I let him go. End of the story." He stared at me intently. "Kung hindi ikaw ang may gawa no'n e 'di sino?" "Seryoso ka ba talaga diyan sa sinasabi mo?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Isinandal ko ang likod sa sofa saka muling nanood sa palabas sa TV. "Aren't you hiding with your girl Cristal?" "My girl Cristal? Cristal who?" Muli ko siyang binalingan. "The girl you're obsessed with." "Kilala mo siya? I mean--" napahilamos siya ng kamay sa mukha. "Ba't napunta sa kanya ang usapan?" "I've seen her in person." "Pa'no mo naman nasabi na si Cristal 'yong nakita mo e hindi mo naman 'yon kilala?" "I've seen her photos inside your room--" "What the--pumasok ka sa kwarto ko?!" hysterical na singhal niya. I laughed. "OA mo naman masyado." "Aishleen!" "Sorry. I was drunk. Namali lang 'yong kwartong napasukan ko." "T'ngna--umuwi ka na nga." "Sabay ganun?" "Just leave. Doon ka sa mansyon magkalat wag dito." "Magpapakilala ako sa kanya na kapatid mo ako. Sasabihin ko kay Sergeant Lopez na ini-stalk mo siya at pinababantayan kay Kuya Bert." He glared at me murderously. "Don't you dare." "Sasabihin ko rin na nangungulekta ka ng pictures niya at ikaw ang Kuya Kyle--" "FINE!" angil niya. "You can stay here as long as you want--damn it." "Don't cursed me. Isusumbong kita kay Dad." "Tss. You're really pain in my ass!" "But for me you're the best brother in the world, Kuya." ngumisi ako sabay tayo sa aking kinauupuan. "Pupuntahan ko sina Scarlet. Will celebrate about what happened to Bryce. He deserve--" "Aren't you hurt about what happened to him?" "NO. I'm not. Naka-move on na ako sa kanya." Mabilis ko siyang tinalikuran ng umamba ang luha sa aking mga mata kasabay ng pagkirot ng puso ko. I'm still hurting. I'm not over him yet. At nagagalit ako sa sarili ko ba't nag-aalala pa ako sa kanya! Sinong pontio pilato ang nambugbog sa kanya para ma-coma siya? Dumeritso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nagmamadali na nagbihis at lumabas ng kwarto bitbit ang sling bag ko. Naabutan ko si Kuya na busy sa pagligpit ng kalat ko sa sala niya. Pinasadahan niya ang suot ko saka umiling. Pinagpatuloy ang ginagawa. Nakangiti ko naman siyang nilapitan saka niyakap ng mahigpit sa kanyang leeg. Matunog ko siyang hinalikan sa pisngi na inis niya namang pinunasan ng kamay. "Bitawan mo nga ako! Ang galing-galing mo magkalat 'di ka naman marunong magligpit." "I love you, Kuya. Pupunta ako ng Yankee bar mamaya ah. Pagtakpan mo muna ako kina Mom and Dad please." "Tigilan mo na nga 'yang kakainom mo. Walang magandang maidudulot 'yan sayong kakapunta mo ng bar." "Promise, last na 'to." "You don't have to promise me, gawin mo para sa sarili mo." "I will." "Ba't 'di si Mia ang ayahin mo pagpunta ng Yankee bar mamaya? Ba't si Scarlet pa? Hindi ko gusto ang circle of friends no'n." "Ok naman silang ka-bonding. Tsaka pagagalitan ako nina Mom at Nay Gil kapag si Mia niyaya ko mag-bar hop. Tapos nakadikit do'n si Kuya Chad. Hindi rin ako no'n paiinumin ng alak." He sighed. "Last na 'to ha, Aish." "Yes po, Kuya." "Nasa labas si Ace. Mag-iingat kayo." "Haaayst," inis akong lumayo sa kanya. I even stamped my feet. "I can drive on my own Ku--" "Kung walang Ace, walang aalis." "Wow ha, ginaya mo pa talaga 'yong paboritong dialogue ni Mom." "Kung ayaw mo dito ka na lang magpakalango--" "FINE!" sabay layas. Nagkalat ang mga tauhan niya sa labas ng bahay. Napailing na lang ako sa aking nakita. Pinagbuksan ako ng tauhan ni Kuya ng pinto ng kotse. Pagpasok ko sa loob nakangising mukha ni Ace ang sumalubong sa akin sa rearview mirror. "Hello again, Miss A. I'm back." "Ikaw ba may gawa no'n?" "Nang alin?" patay malisyang tanong niya saka in-start ang makina. "You know what I'm talking ab--" "Wala akong kinalaman sa nangyari sa ex mo, Miss A. 24/7 akong nakabantay--" "Hindi mo makakalap ang mga pictures na 'yon kung 24/7 kang nakabantay dito sa labas ng bahay ni Kuya." "Ganun ba ako ka gwapo para pambintangan mo ng ganyan?" I rolled my eyes. "Wala akong tiwala sa karakas ng mukha mo." "Ganun? How about him?" Biglang bumukas ang pinto sa katabi niyang upuan at pumasok si Colt na seryoso ang mukha. "Hi. I'm Colt. At your service Miss A." "Tss. Isa pa 'to. Laging may intro." Ace Laughed. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng umusad na ang kotse. "Where are we headed to, Miss A?" "Sa hospital--" "Hindi pwede." "Sino ba ang dapat masunod sa ating dalawa? Ako or ikaw?" Tiningnan niya si Colt na parang statue sa upuan. "Sundin mo na lang." "Mayayari tayo nito mamaya." "Its fine. Sabi niya kay Boss Keith last na 'to so," he shrugged his shoulder. "Pagbigyan mo na." Ace curse then drove the car to the hospital where Bryce confined. Malalaking hakbang na tinungo ko ang information desk. "Excuse me po," agaw ko sa atensyon ng Nurse. "Saan po ba naka-confine si Bryce Morales?" "Kaano-ano niyo po ang pasyente, Ma'am?" "K-Kaibigan ho." "Sorry po Ma'am pero mahigpit pong bilin saamin ni Mr. Stanley Morales na bawal magpapasok ng kahit na sinong kaibigan maliban sa kamag-anak at asawa ng pasyente." "A-Asawa? May asawa si. . .B-Bryce Morales?" "Yes po Ma'am. Nasa ICU--" "Kate?" boses ng kaibigan ko. Marahas ko itong nilingon. Gulat na mukha nina Josh at Scarlet ang sumalubong sa akin. "What are you doing here?" Bumukas ang mga labi ko pero walang salitang namutawi doon. Tila naalog ang utak ko sa sinabi no'ng Nurse. Muli ko iyon itinikom saka lumapit sa kanila. Nakangiti naman akong sinalubong ng yakap ni Scarlet. "Kumusta ka? Hindi ka na nagpaparamdam sa akin ah. Saan ka ba naglalagi? Pumunta ako sa mansyon niyo pero sabi ni Tita nasa bahay ka daw ng Kuya mo. Pagpunta ko doon sabi ng Kuya mo sa akin na kay Mia ka daw. Nang puntahan ko 'yong apartment ni Mia wala namang tao doon. Inisip ko tuloy pinagtataguan mo na ako ngayon. Galit ka ba sa akin?" "Sorry. . ," I crossed my fingers behind my back. "P-pumunta kasi kami ni Mia ng Baguio para mag-unwind." pagsisinungaling ko. Umangat ang kamay niya. Bumagsak iyon sa ibabaw ng balikat ko. Napatingin ako doon ng marahan niya iyon pinisil. "Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. "I heard about your break up with Bryce. 'Di mo man lang kami tinawagan. Para kang others." Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Actually pupuntahan sana kita ngayon sa Unit mo e. Yayayain sana kitang mag-bar hopping mamaya sa Yankee bar." "Shoot! Anong oras ba?" "Around seven." nag-angat ako ng tingin kay Josh na tahimik lang na nakikinig saaming dalawa. "Ba't pala ibinenta mo 'yong Bar? Ang lakas no'n tapos basta mo na lang ibinenta sa iba. Wala na tuloy akong free cocktail." He chucked. "Triple 'yong offer sa'kin ng buyer kaya na-temp ako. Tsaka," niyuko niya si Scarlet sabay akbay dito. "...gusto ko ng mag-focus kay mahal kaya ibinenta ko na kay Mr. Brown. In fact we're getting married. Abay ka ha." Gulat na napatakip ako ng kamay sa aking bibig. Pinagtawanan naman nila ako. "Seriously?" Nakangiting ipinakita naman ni Scarlet sa akin ang engagement ring niya. "Olala bhe. Inggit ako." Npapadyak pa ako sa sayang naramdaman ko para sa kanya. Ikinawit ko ang kamay sa kanyang braso saka humilig sa kanyang balikat. Pinanggigilan ko siya. Tawang-tawa naman ang dalawa sa akin. "Congrats Car. Can't wait for your wedding day." "Mas excited ka pa kaysa sa akin ah." "Syempre. Abay ako eh." then we both laughed. "Sino nga pala ang binibisita mo dito?" "Ah, si ano," dahan-dahan akong humiwalay sa kanya. "'Yong asawa no'ng katrabaho ko sa opisina. Nasa ICU." "ICU? Bakit anong nangyari?" "Hindi ko alam. Na-comatose daw. Gusto ko sanang dalawin kaso sabi no'ng nurse nailipat na daw sa ibang Hospital kani-kanina lang." imbento ko ng kwento. "Aw sad." nagkatinginan silang dalawa. "Mind if I ask kung sino si Mr. Brown, Josh?" "Ah, he's a businessman. Half Filipino-half American. He bought the bar para daw sa nag-iisang anak niya na babae na laging nagbababad doon. He was worried sick about her security kaya ayon. . . he persuade me." "Si Mr. Brown ba 'yong may-ari ng Air Voice Tecs Company?" "No. Ang alam ko si Mr. Raymond Aragon ang may-ari ng kompanyang 'yon." "Sure ka?" "Ofcourse. We're same in business world. Nakakasalamuha ko si Mr. Aragon sa ibang events na dinadaluhan ko. Pero madalas 'yong anak niya." Lumalim ang kunot ng noo ko sa sinabi niya. Sinungaling talaga ang mga damuhong na 'yon. "Bakit?" "Ah, wala naman. Na-curious lang ako sa bagong may-ari. Kaya pala halos puro babae ang mga staff doon sa bar." "Oh, ganun?" "Oo. Galing ako do'n two weeks ago bago kami pumunta ng Baguio ni Mia." "I see." "Baka gusto mong sumama mamaya?" "I loved to but," matamis niyang nginitian si Scarlet saka nag-angat ng tingin sa akin. "Its a girl nights out. Ma-o-op lang ako do'n." "Good boy. May matino ka pa bang kapatid na lalaki like you? Ipakilala mo ako." "Si Kuya Evo na lang ang single--" "NO thanks." mabilis na agap ko pagkarinig sa pangalan ng heartbreaker niyang Kuya. "Palabas na ba kayo? Sabay na tayo." They both laughed at what I said. Magkakasama kaming lumabas ng Hospital. "Mamaya ah," paalala ko kay Scarlet. "Doon na lang tayo sa loob magkita-kita. Ipa-reserve ko na 'yong VIP table malapit sa dance floor." "Sure. Darating kami. Ako na lang magtetext sa iba." "Salamat Car. Mag-iingat kayo." "Ayaw mo bang sumabay saamin? Hatid ka na namin sa Hospital na--" "Ah hindi na," agap ko sa kanya. "Parating naman na 'yong sundo ko." "Sige. Kita-kits na lang." She waved at me. I smile then wave back at her. Pagkaalis nila malalaking hakbang na bumalik ako sa loob ng Hospital. Hinanap ko ang ICU. Nagtanong-tanong ako sa mga nurse na nakakasalubong ko sa daan. "Doon po sa pinakadulo ang ICU Ma'am." "Salamat po." Halos takbuhin ko iyon pero kaagad din akong napaatras ng makita ko si Misha na naglalakad sa hallway. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghanap ng pwede kong pagtaguan. Lumabas ang nurse sa kwartong nasa gilid ko. Pagkaalis nito pumasok ako kaagad do'n. Pag-angat ko ng tingin apat na pares na mga mata ang napatutok sa akin. "Ah," kinalma ko ang sarili. Sineryoso ang mukha. "Dito po ba naka-confine si. . ." inikot ko ang paningin sa buong kwarto habang nag-iisip ng pangalan. Dalagita at binatilyo ang nakahigang pasyente sa kama. "S-Serena Bautista?" Nagkatinginan ang mga ito saka umiling. "Ano pong nangyari sa kanila mga ate?" Muli silang nagkatinginan. I bit my lower lip. Tumalikod ko. Pinihit ang seradura saka sumilip sa labas. Nang makita kong wala na doon si Misha niluwagan ko ang pinto. Lumabas ako at sinilip siya sa hallway na dinaanan niya. May kamay ng lalaki na nakahatak sa kanyang braso ang natanaw ko, lumiko sila sa pinakadulo. Muli akong pumasok sa kwarto na pinagtaguan ko. Nilapitan ko ang mga nakabantay sa dalawang pasyente at inabutan ito ng tag sampung libo. "Sana po makatulong sa inyo." Pareho itong natigilan sa binigay ko. Gulat na napatitig sa akin. Ngumiti ako saka nagmamadali silang iniwan. Tinungo ko ang ICU para lang din matigilan sa aking nakita. Siya ba ang asawa ni Bryce? Ba't 'di ko yata nabalitaan silang ikinasal? Kailan pa? Ba't tinago nila sa madla? Anong purpose ba't niligawan ako ni Bryce? Sunod-sunod akong napalunok. Tila gripong pumatak ang luha sa aking mga mata sabay karipas ng takbo paalis sa lugar na iyon. May nabangga pa akong matangkad na lalaki pagliko ko sa hallway. I'm not sure if its Evo. Hindi ko na pinansin. Deritso lang ang takbo ko lalo na ng makita ko si Misha na gulat na napatingin sa akin. "f**k--what happen?" hysterical na tanong sa akin ni Ace pagkapasok ko sa loob ng kotse at malakas na umatungal doon. "T'ngna--ano sabi ang nangyari?!" "May nanakit ba sayo, Miss A?" Umiling ako pero patuloy pa rin umiyak. Nakatakip ang dalawang kamay sa aking mukha. Bakit ganun? Lahat ng taong importante sa akin at kaaway ko ang pinatos niya? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya para saktan niya ako ng ganito katindi?! Inabutan ako ni Colt ng panyo. Kinuha ko iyon. "Nakita mo 'yong asawa ni Bryce?" Umawang ang labi ko sa gulat. Padaskol kong pinunasan ng panyo ang luha na walang tigil sa pag-agos. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ito. "Alam mong may asawa si Bryce?" "K-Kanina lang, Miss A." "Ba't 'di niyo sinabi sa'kin?! Ba't hinayaan niyong----t'ngna naman!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD