Accidentally In Love 11

2734 Words
AISHLEEN Bumagsak kami ni Serena sa semento kasabay ng pag-alingaw-ngaw ng malakas na palitan ng putok ng baril sa buong paligid. Mabilis kong dinampot ang baril na nabitawan nito saka gumanti rin ng putok kay Misha. Sadyang pinapatamaan nito si Serena. Buti nakabig ko ito palayo, sa semento tumama ang bala. "Damn that b***h! Seize them!" "Miss A!" boses ni Ace. Lumipad ang tingin ko sa kabilang dulo. Natanaw ko si Ace na nakikipagbarilan. Maraming mga kalaban na nagsipagsulputan. Tumatakbo papunta saamin ni Serena pero iglap lang kaagad din ang mga ito bumabagsak sa semento. Lahat may tama ng bala sa ulo. Iwan kung sino ang nagpapaputok sa mga ito. But it looks like a sniper shot. Muli akong nagtago sa pader. Malikot ang matang iginala sa buong paligid. Natanawan ko si Colt sa kabilang dulo sa likuran namin, nakikipagbakbakan din. Muli kong ibinalik ang tingin kay Ace. "Damn! 'Wag kayong tumunganga lang diyan na dalawa na para bang na-mesmerize kayo sa kagwapuhan ko!" sigaw ni Ace. "Move your f*****g ass if you don't want to die--ouch!" Napakurap-kurap ako ng daplisan ng bala sa braso si Ace. Niyuko ko si Serena na nakangiwi at namumutla na habang nakatanaw sa mga armadong kalalakihan. "Ok ka lang ba?" Tinulungan ko itong makaupo pero umiwas ito sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "I'm sorry Serena, I didn't know. Dapat sinabi mo sa akin--" "That was past," agap niya. "Pareho tayong nasaktan." nag-angat siya ng tingin sa akin, tipid akong nginitian. "We're even. And sorry din. Pasensya na. Nilamon ako ng subrang galit at selos ko sa--" "Miss A!" malakas na boses ni Colt. Sabay kaming napalingon sa kanya. Tumakbo ito papunta saamin. "Mamaya na kayo magdrama. Kailangan na nating makaalis dito. Subrang dami nila. Hurry!" Kaagad kaming tumayo ni Serena sabay takbo nakasunod saamin si Colt, nakikipagpalitan pa rin ng putok ng baril. Kumukubli wag lang matamaan ng bala. Pagliko namin tumambad saaming harapan ang maraming kalaban. Nakatutok lahat ng baril. "Not so fast f*cking fellow," nakangising wika ni Evo. Itinaas ni Serena ang dalawang kamay. Nilingon ko si Colt. Pareho silang nakatingin sa akin, nakataas na din ang kamay nito. Iginala ko ang paningin sa paligid. Napapalibutan nila kami. Darn! Muli kong binalingan si Evo saka dahan-dahan na itinaas ang dalawang kamay na ikinangisi nito. "Don't you know that eavesdropping is a crime, Miss Bautista, Miss Altamonte?" "Attempted murder that's the crime you did, dimwit!" sigaw ni Serena. "Niluluko niyo ang mga Morales!" He evily laughed. "Did you have any evidence with your accusation, Miss Bautista?" "We heard everything!" sigaw ulit ni Serena. "Buti pinapatulog pa kayo ng mahimbing ng konsensya niyo. Or meron pa ba kayo no'n? I bet none." "What you two heard is just a piece of cake, honey. If I kill you both now," he make a whistle sounds. "Evidence gone." "Y-You can't do that, Evo!" "Oh I will and I can," wika nito kasabay ng putok ng baril papunta sa gawi ko. "Argh!" Bumagsak ako sa lupa matapos akong itulak ni Serena. Pagtingin ko sa kanya nanlaki ang aking mga mata ng makita kong duguan ang balikat nito. "Serena!" hindik na sigaw ko. Mabilis naman itong nasalo ni Colt pero nasa akin ang kanyang mga mata. "You ok, Miss A?" Hindi na ako nakasagot pa ng magliparan ang mga bala kasabay ng pagsabog at pagbagsak ng mga kalaban. Wala ng buhay. Pero nakatakbo si Evo habang malutong na nagmumura. "Move your f*cking ass!" sigaw ni Ace. Marami itong kasama na kino-cover kami. Kaagad akong tumayo. Mabilis namang binuhat ni Colt si Serena. I took his gun then shoot those men while running. "Mauna ka na sa sasakyan, Miss A!" sigaw ni Colt. "No! Bring her to the car, I'll cover you!" balik sigaw ko habang nakikipagpalitan din ng putok ng baril. "Hindi pwede! Dapat kasama ka. Hayaan mo na dito sina Ace--sh*t." "Ahw--!" hiyaw ko ng daplisan ako ng bala sa hita sabay tago sa pader. Akma nitong ilalapag sa semento si Serena ng malingunan ko. "Don't you dare, Colt. I'm fine! Bring her to the car, NOW!" sigaw ko sabay paputok ng baril pero nakatunganga pa rin itong nakatanaw sa akin. "Damn it, Colt! Kapag naubusan 'yan ng dugo na kaibigan ko diyan sa ulo mo ipuputok ko itong baril!" Malutong itong nagmura sabay takbo. Humabol ako sa kanila pero. . . "Argh--" Hiyaw ko ng may humarang na binti sa daraanan ko. Tumama sa aking dibdib na ikinabagsak ko sa lapag. Nabitawan ko ang baril. "Miss A!" sigaw ni Colt. "Just go!" balik sigaw ko sabay gulong. Iniwasan ko ang balang ipinutok ni Misha sa akin. Tinakbo ko ang baril na nabitawan ko pero pinaputukan nito iyon. Kumubli ako sa pader na halos tadtarin na nito ng bala. "Come out, Kate!" sigaw nito. "Don't hid there just like a scared rat!" "Stop it, Misha!" "Not until I've kill you, b***h!" "Anong kasalanan ko sayo? Bakit ginagawa mo 'to sa akin, Misha?!" sigaw ko sabay takbo ng magsipagsulputan ang mga kasamahan nito at paputukan ako. "Your brother killed my bestfriend Sofia Collins!" "Imposible 'yang sinasabi mo! Tsaka wala akong kinalaman doon! Ba't mo ako dinadamay?!" "I want revenge! Killing you means justice for my bestfriend death! Makakaganti na rin ako sa Kuya mo!" "You're unbelievable, Misha!" Natigilan ako ng may matigas na bagay na dumiin sa aking ulo. Pero mabilis kong tinabig iyon. Siniko ito sa mukha. Ipinaikot ang isang braso sa kanyang leeg, ginawang pananggalang ang katawan nito. Hinawakan ang kamay ng lalaking may hawak na baril sabay gamit niyon pagbaril kina Misha at mga kasamahan nito. Pagkatapos malakas kong tinuhod ito sa dibdib. I took his gun saka pinaputukan ito pero kaagad ko rin iyon nabitawan ng pagbaling ko may sumipa sa aking kamay. "S-Scarlet..." anas ko sabay atras. Nakangising tinutukan ako nito ng baril. Patuloy pa rin ang palitan ng putok ng baril saaming paligid. Dinig ko ang boses ni Ace na panay tawag sa pangalan ko habang malutong na nagmumura. At boses ni Misha na sinisigawan si Scarlet na patayin na ako habang panay ding mura. "How evil you are hiding behind your angelic face, Kate. Hindi ko akalain na makakaya mong gawin iyon kay Bryce." Mapakla akong natawa sa sinabi nito. "Seriously? Naririnig mo ba ang sarili mo, Scarlet? Pagkatapos ng ginawa niyong magpinsan sa akin niyo isisisi ang pagkakamali niyo?" "Kate, wala akong alam sa sinasabi mo. Inosente ako at mas lalong hindi ko kayang gawin ang bagay na 'yon sa boyfriend ng bestfriend ko dahil alam kong ikasasakit iyon ng damdamin mo." "Talaga? Kaya pala pinainom niyo ako noon ng drugs at pinagplanuhan ipagahasa sa tatlong lalaking inupahan niyo sa loob ng VIP room ng Yankee Bar." She gasped loudly. "Oh gosh Kate, that's not true! You know that I am very protective of you. You're my bestfriend, nakalimutan mo na ba? How can you accused me like that, Kate?" Lalo akong namangha sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig lalo na sa ekspresyon ng kanyang mukha na tila ba nasasaktan ko siya at hindi makapaniwalang nakaya kong akusahan siya ng bagay na 'di niya naman ginawa. Hindi ganun ang Scarlet na kilala ko, ang Scarlet na pinagkatiwalaan ko at kasa-kasama ko. The girl standing in front of me holding a gun pointing at me is exactly a wolf in sheep's clothing! "Pwede ba Scarlet? Don't act as if you're so naive. Dinig namin lahat ng pinag-usapan niyo kaya 'wag ka ng magkaila pa. Hindi ko alam kung may kinalaman din ba si Josh--" "'Wag mong idamay dito ang fiancee ko, Kate!" hysterical na singhal nito sa akin. "Sisihin mo mag-isa ang sarili mo dahil kasalanan mo naman talaga ang lahat! Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito! Ikaw ang nagtangka sa buhay ni Bryce kaya hindi na siya makalakad pa! Ikaw Kate! Ikaw!" "Ano? Hindi ka man lang ba kinikilabutan sa mga pinagsasasabi mo ha, Scarlet? Grabe ka. Hindi ko akalain na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niyo ni Misha." She laughed mocking me. "Masyado kang plastik, Kate. Bait-baitan para mapasaiyo ang atensyon ng mga lalaki. Inakit mo na nga ang asawa ng pinsan ko pati fiancee ko gusto mong agawin sa akin! Anong klase kang kaibigan?! Pinagkatiwalaan kita Kate! Tinuring na parang isang tunay kong kapatid tapos ito pa ang igaganti mo sa akin? Balak mo pa kaming ipakulong! Hindi ka man lang ba nakokonsensya sa gagawin mo ha? Ikaw ang may kasalanan. Kayo nina Rhiana at Zoey! Bakit hindi mo pa aminin na magkakasabwat kayo ha?! Mga traydor kayo!" Gulat na napamaang ako sa kanya. Hindi kayang e-absorb ng utak ko ang mga sinasabi niya. Dapat ako ang nagsasabi no'n sa kanya pero bakit parang binabaliktad niya yata? "Hah. . . Nababaliw ka na ba talaga, Scarlet? Sa pagkakatanda ko wala akong ginagawang masama sa inyo ni Misha. Mas lalong wala akong inaagaw sa inyo. Siraulo ka ba?" "Ikaw ang nawawala sa katinuan! Sagabal ka sa buhay ko kaya kailangan mo ng mamatay!" "Ha?" Bumagsak ako sa semento sa subrang takot kasabay ng malakas ng putok ng baril. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong duguan ang kamay ni Scarlet. Nakangiwing nabitawan nito ang baril. "Miss A!" boses ni Ace. "Aishleen sakay!" Napabaling ako sa sumulpot na motor sa harapan ko. Nakahelmet ito at overall na black leather outfit kaya hindi ko mamukhaan but her voice. . . "A-Ate Cristal?" "Sakay na! Bilisan mo!" sigaw nito habang nakikipagpalitan ng putok ng baril. "Wag kang matulog diyan, Miss A!" sigaw muli ni Ace. "Sumakay ka na! Dalian mo!" Mabilis akong bumalikwas ng bangon sabay takbo papunta dito. Isinuot ko ang helmet na bigay nito sa akin. Halos magkumahog ako sa pagsampa sa kanyang motor. Nakita kong kino-cover kami ni Ace at iba pang tauhan. I even saw a very familiar tall guy pero likod na lamang nito ang natanaw ko matapos sumakay sa motor at pinaharurot iyon palayo. Nakasunod kami dito pero iglap lang bigla itong nawala. Nagsusuot sa kung saan-saan. "Salamat sa pagsagip sa akin Ate. Pero ano pala ang ginagawa mo sa lugar na 'yon?" Kasalukuyan kami sa apartment niya. Ginagamot ang sugat sa hita ko. Daplis lang naman. Hindi gaanong masakit, medyo mahapdi lang pero hindi siya pumayag na hindi gamutin iyon. Hinayaan ko na lang. "Wala 'yon. Malapit lang ako sa lugar ng pinangyarihan. Makikipagkita sana ako sa kaibigan ko pero ng makarinig ako ng palitan ng putok ng baril napasugod ako lalo't nakita ko ang kotse ng bodyguard mo." Nilinis niya ang mga ginamit. Ibinalik sa kabinet. Yung mga bulak na may betadine at dugo itinapon sa basurahan saka naghugas ng kamay sa lababo. "I wish I could have a sister like you, Ate Cristal." Nakangiting nilingon niya ako. "Really?" Tumango ako. Unti-unti naman napalis ang kanyang ngiti saka nagpakawala ng buntong hininga. "Kung pwede lang sana mamili ng magiging kapatid, isa ka sa pipiliin ko Aishleen." "Nag-iisa ka lang bang anak?" tanong ko kahit kilala ko na ang buong pamilya niya. "No. I had one sister and two brother. Nakilala mo na 'yong dalawang kaibigan ko diba?" tumango ako. "They're like my own brothers to me." tipid niya akong nginitian. "Ikaw ba? Mabait ba sayo ang Kuya mo?" "Oh he's the best big brother in the world, Ate. Kaso palagi niya akong pinapagalitan." "That's because he loves you." "Ganun ba yun? Kapag pinapagalitan ibig sabihin mahal ka?" She shrugged her shoulder then chuckle. "Actually, hindi ko talaga alam." "Palagi ka rin ba pinapagalitan ng Ate mo, Ate Cristal?" "No. I'm her eldest sister." "So meaning kagaya ka din ni Kuya, very protective." She chuckled again. "I'm a police officer, tungkulin kong protektahan ang mga naaapi." "Aaaaah," nilapitan ko siya saka mahigpit na niyakap. "I'm lucky that I meet you. Sana kayo ni Kuya ang magkatuluyan para totoong Ate na kita." Sunod-sunod siyang napaubo sa sinabi ko. I mentally grin. Lumayo ako sa kanya. Namumula ang mukhang umiwas siya ng tingin sa akin. How gorgeous. Anong klaseng utak meron ang pamilyang Lopez para tratuhin siya na parang hayop? Like... she's so kind and gentle. Hindi ko halos maisip na nakaya---damn! Bumabaliktad ang puso ko sa subrang awa at galit sa tuwing naaalala ko 'yong video nito na aksidente kong napanood sa laptop ni Kuya sa loob ng kanyang kwarto. "Ok ka lang ba Ate?" "Yeah, nasamid lang ako." umayos siya ng tayo saka humakbang palabas ng kusina. Sumunod ako sa kanya. "Saan pala ang bahay niyo? Ihahatid na kita." "'Wag na po, Ate. Tatawagan ko na lang--" "I insist," sabad niya. "Hindi rin ako mapapalagay kung hindi kita mismo maihahatid sa bahay niyo ng safe." "Ok." Sakay ng kotse niya itinuro ko sa kanya ang daan. Pero hindi pauwi sa mansyon ng mga magulang ko kundi sa Skysuites Tower na tinutuluyan ko. "D-Dito ang bahay niyo?" nagtatakang tanong niya habang sinisipat ang building. Natigilan pa ako ng matanaw kong palabas doon si Josh. "Saglit lang Ate ha, may kakausapin lang ako." Nagmamadaling bumaba ako ng kotse saka nakangiting sinalubong si Josh. Nagliwanag ang mukha nito pagkakita sa akin pero kaagad din napalitan ng pagtataka ng pasadahan ang kabuuan ko. "Josh, what brought you here?" Nagpalinga-linga muna ito sa paligid bago ako sinagot. Nagulumihan ako bigla sa inakto nito. "Ah, galing ako sa unit mo. Kanina pa ako doon kumakatok. Kaya pala walang sumasagot, wala ka naman doon." "Bakit? May problema ba?" "Wala naman. Nagkita ba kayo ni Scarlet? Ang paalam kasi sa akin kanina sasaglit lang daw muna siya sayo dito, pinapapunta mo kasi may importante daw kayong pag-uusapan. Tungkol ba saan 'yon?" "Ha? Ah, ano," saglit akong nag-isip. Wala akong idea sa sinasabing kasinungalingan sa kanya ni Scarlet. Then something happened in Cubao expo a while ago popped up in my head. Meaning hindi involved si Josh or... its another tricked of them to kill me? Biglang akong linukuban ng takot sa aking naisip pero hindi ako nagpahalata. "Hindi ba sayo nabanggit ni Scarlet?" "Hindi. Confidential daw." "Uhm, baka magalit siya sa akin kung sasabihin ko sayo Josh. Mabuti pang siya na lang ang tanungin mo." Matiim niya akong tinitigan. "Tungkol ba kay Bryce ang pinag-usapan niyo? I heard you secretly investigating about what happened to your ex-bf." "Kanino mo naman narinig 'yan?" "I heard her talking someone over the phone. No'ng tinanong ko siya sabi niya ikaw ang kausap niya at pinapapunta mo nga siya dito." I unconsciously clenched my fist with so much anger. Anong pinaplano niyo ni Misha sa akin Scarlet? "So, I guess she's lying to me." Marahas akong napaangat ng tingin sa kanya. Salubong ang kanyang mga kilay at hinihimay ang kaloob-looban ko ng tingin na pinupukol niya na sa akin. "Tell me, ikaw ba talaga ang kausap niya sa phone kanina?" "Ah, ano kasi--" "It's not you right? Ba't ka naman magrereport sa kanya about sa nangyari kay Bryce e hindi naman siya ang girlfriend ng lalaking yun in the first place?" "Josh--" "I knew it." tumiim ang bagang nito kasabay ng pagdilim ng mukha. Lalo akong naguluhan. Hinawakan niya ako sa aking balikat, seryosong tinitigan sa aking mga mata. "You're a good friend of mine. Wala akong nakikitang kapintasan sayo maliban sa lasinggera ka pero kailan man wala kang inagrabyadong tao. I don't wanna get you hurt. Iwasan mo sina Scarlet at Misha. At kung hindi mo pa alam; I'm telling you that Bryce is fine. Fake news ang lahat ng balita na kumakalat sa media. Don't fall for their evil tricked and please be very careful Kate, ok?" marahan niyang pinisil ang balikat ko saka ako tinalikuran. Nakasunod dito ang aking naguguluhan na mga mata. Kasabwat ba siya or ano? Pero bakit gusto niyang iwasan ko sina Scarlet at Misha? Hindi kaya may alam siya sa mga ikinikilos ng fiancee niya? So perhaps he's not involved with them? And why he's telling me that Bryce. . . "Aishleen..?" napapitlag ako sa kamay na dumantay sa braso ko. "Nanlalamig ka. Ok ka lang ba?" Saglit akong napatitig sa mukha ni Ate Cristal. Iginala muli ang mga mata sa buong paligid. Nahigit ko pa ang aking hininga ng makita ko 'di kalayuan yung lalaking nakamotor kanina. Hindi ako sigurado kung nakatanaw nga saamin dahil nakasuot ito ng helmet pero pakiramdam ko sa akin ito nakatitig. Kaagad kong nahablot ang braso ni Ate Cristal, kinaladkad papasok ng tower. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD