Accidentally In Love 12

2918 Words
"What's wrong?" untag niya habang lulan kami ng elevator. Hindi ako mapakali sa loob. Paulit-ulit kong inaanalisa ang pinag-usapan namin kanina ni Josh. It got me curious and creep me out at the same time. "N-Nothing wrong, Ate." binuksan ko ang katabing pinto ng Unit ko sa tenth floor. "Pasok ka Ate." "Mommmy!" my baby boy cheerfully claimed. Akmang sasalubungin ako nito ng pigilan ni Eli. Nakangiting nilapitan ko ito then kissed on his cheeks. "Magbibihis muna ang Mommy, ok?" tinungo ko ang kusina. Kumuha ako ng fresh orange juice sa ref na nasa pitsel tsaka isang baso. Nilapag ko sa center table sa sala. Nilingon ko si Ate Cristal na nakatitig sa anak ko. "Maupo ka Ate. Uminom ka muna ng malamig. Magpapalit lang ako saglit." sabay hakbang papunta sa connecting door papunta sa kabilang unit na binili sa akin ni Kuya. Mabilis ang mga kilos na nagbihis akong damit. Nasa sala na ako ng mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang telepono. Napahawak ako sa aking dibdib na parang kabayo sa bilis ng pagtakbo. Humakbang ako papunta sa tabi ng telepono. Nanginginig ang mga kamay na inangat iyon. "Kate?" boses ni Zoey. "Kate are you there?" "Z-Zoey?" "Thanks God---buti sumagot ka." "B-Bakit Zoey? May--" "Kate makinig ka," sabad nito. "May kailangan kang malaman. Miyembro ng sindikato ang pamilya ni Scarlet pati sina Catleya at Bryce!" "A-Ano?" I heard her sob next line. "I'm sorry Kate. Hindi namin nasabi sayo ni Rhiana ang plano nina Scarlet no'ng gabing iyon. Pinagbantaan nila kami. Papatayin nila kami ni Rhiana kapag nagsalita kaming dalawa kaya napilitan kaming makisama. I'm so sorry Kate. Please forgive us." "P-Papano mo nalaman na miyembro sila ng sindikato, Zoey?" "Nakita ko 'yong kaibigan mo noon sa airport, si Misha. Magpinsan pala sila ni Scarlet. May kausap siyang lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali, tauhan yun ni Tito Stanley. Ikaw ang pinag-uusapan at yung anak ng may-ari ng Air Voice Tecs Company. Yung lalaking tumulong sayo no'ng gabing yun sa bar, remember him? Nakita kayo ng bodyguard ko. I heard nagkaanak kayong dalawa at tinatago mo sa kanya. Tell him the truth Kate, kailangan mo siya. You need someone to protect you and your baby." "A-Anong. . . Pa--Papano mo nalaman--" "The girl next door of your unit, tauhan siya ni Dad. Nakiusap ako sa kanya na palihim kang bantayan," she sobbed again. "Kate nanganganib din ang buhay mo. Kung anong pakay nila hindi namin alam. And I guess yung Daddy ni Bryce ang pinaka big boss nila. I'm not sure though. But; all those creepy men I saw got a red dragon tattoo! Natatakot ako Kate. Lately, napapansin kong may palaging nakasunod din sa akin dito sa States. Tinawagan kita just to warn you. Mag-iingat ka sa mga Morales." "Z-Zoey I--I don't know what to say." "Please believe me, Kate. I'm telling you the truth! Kakampi mo kami ni Rhiana--ahhhh! Who are you?! How did you get in here?!" "Who are you talking to?" mapanganib na boses ng lalaki. "You called Miss Altamonte, do you?" "NO--Uncle--Help meeeee! Uncleeee!" Sumunod na narinig ko ay mga kalabog, mga nabasag na gamit at salamin, mga pinaghalong mura ng boses lalaki, pabalyang pagbukas ng pinto kasunod ang putok ng baril at sigaw ni. . . "Zoeeey! Hello? Zoey!" then the line ended. Lalo akong nahintakutan. "s**t--Zoey! Nooo! Zoey!" Nabitawan ko ang aparato. Nanginginig sa takot ang buong kalamnan na napasandal ako sa pader. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa ganung posisyon ng marinig ko ang hagikhik ng anak ko at boses ni Eli. "Mauuna na daw si Ate Cristal, Ate Aish. May emergency---Ate Aish?" nag-aalalang nilapitan niya ako. "Something wrong? You look pale." Tulalang napatitig lang ako sa kanyang mukha. Hindi ako makapagsalita. Is Zoey's. . . dead? Is she--- "Mommy," Napakurap-kurap ako ng makita ko ang mukha ng anak ko. Mabilis ko itong hinablot kay Eli na nagsalubong lalo ang mga kilay sa inakto ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Anong nangyari Ate Aish?" maya-maya untag sa akin ni Eli matapos ibalik ang nabitawan kong telepono sa lalagyanan. "M-May. . . May napapansin ka bang kakaiba sa paligid ng tower na 'to Eli? Or wala ka man lang bang napapansin na nakasunod sayo na kahinahinala sa tuwing lumalabas ka?" "Meron," I loudly gasped. Hinatak niya ako paupo sa sofa. "Si Farehn." "Si Farehn?" kunot-noong ulit ko. "Ba't ka naman sinusundan ng haliparot na yun?" "I dunno. Yun ang sabi sa akin ni Ace. Pati nga daw ikaw ini-stalked kaya dapat triple ingat tayo. Mahirap na," pinisil niya ang pisngi ng anak ko. "Baka pagkainteresan itong si Kulet. Kita mo naman, parang pinagbiyak na bunga ang mukha nila ni Kuya Ryan--" Nagkatinginan kaming dalawa ng muling tumunog ang telepono. "Hindi mo ba sasagutin?" "Uhm," nagmamadaling nilapitan ko iyon. "H-Hello?" "Hello po, Miss A." boses ng sekretarya ni Kuya. "Remind ko lang po kayo Ma'am sa event na dadaluhan niyo po sa La-Shangri Royale around seven. Franco Dela Merced is expecting you to be there, Miss A." "Oh gosh muntik ko ng makalimutan. Thanks for reminding me Kelly." Matapos magpaalam dali-dali akong pumunta sa connecting door sa kabilang unit. I took the phone in my bag then dialed Jordan's number. Saglit lang kaagad iyon komunekta. "Yes Miss A?" boses ng may-ari ng JJ Beauty Salon and Spa. "How may I help you?" "Judy, pwede magpa-service today? Emergency lang. Wala na akong oras pumunta diyan sa salon mo." "Where to?" "Skysuites Tower. Ipapasundo kita sa bodyguard ko." "Sure. Si Baby Ace ba?" "No. Si Colt--" "Yung rebulto?" I chuckled. "Awit. Sige na. Magre-ready na ako bye." Tinawagan ko rin si Colt at sinabihang sunduin si Judy. "Siyanga pala may dinala ditong parcel kanina sina Ate Mia at Kuya Chad." wika ni Eli pagkababa ko ng cellphone. Sinundan ko ito ng tingin ng pumasok sa kwarto. Paglabas may bitbit ng mahabang kahon. Napatutok doon ang nagtatanong kong mga mata ng ilapag niya iyon sa ibabaw ng sofa. "Pinabibigay daw ni Kuya Ryan. Susunduin ka daw mamaya doon sa mansyon niyo around seven." "Bakit ano ba 'yan?" "Dress. 'Yan daw suotin mo sa event na--" "Nababaliw na ba siya?" bulalas ko sabay bukas ng kahon. Napasinghap ako sa aking nakita. Binuhat ni Eli ang anak ko. Kinuha ko naman ang damit. It's a beautiful silver (upper part) and black (lower part) v-neck long dress. May mahabang slit hanggang sa kalagitnaan ng hita. Meron na ding ka-partner na silver four inches high heels. May pearl necklace set jewelry din. "Ang ganda, Ate." Marahan ko iyon hinaplos. "Ang ganda nga." "I guess gusto ka ng ipakilala--" "Hindi ako sasama sa kanya." agap ko. "May ibang event akong pupuntahan." "Mas importante ba yun para e turn down mo ang imbitasyon sayo ni Kuya Ryan?" "Kaugnay sa trabaho ko sa kompanya ang pupuntahan kong event Eli." nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Kung seryoso talaga siya sa akin; ang pamilya ko dapat ang pinakauna sa lahat na makaalam ng tungkol saaming dalawa hindi ang media. I don't want to be the center of attraction. Lalo na ngayon Eli. Kung may utak siya dapat naisip niya yun." "Sabagay. For safety purposes. Pero," tiningnan niya ang damit. "...sayang naman 'yan kung hindi mo gagamitin." "O, e di, ito na lang ang suotin ko sa pupuntahan ko. Problema ba yun--" Muli kaming nagkatinginan ng tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ang caller na nakita ko ng damputin iyon. Hinarap ko kay Eli ang screen. "Kilala mo ba 'tong number?" Umiling siya. "No." Kaagad kong pinatay ang tawag saka binalik sa kahon ang damit ngunit muling tumunog ang phone ko. Same caller. I cancel the call again pero muli iyong tumawag. "Sagutin mo na. Baka importante." I sighed then press the answer button. "Hello?" "Babe, it's me. Ryan." "Sino?!" "Ryan--" "How did you get my--" "I got your number since the day you went back here in the Philippines." "Seriously?" "Did you get the dress I sent to you? Nagustuhan mo ba?" "Oh, ikaw pala bumili no'n? Walang ka-taste-taste. Ang pangit. Hindi ko gusto." "Oh. Ok. Will fetch you up around--" "I said NO! Tinatamad ako lumabas ng bahay! Ayoko sumama sayo! Bye!" then ended up the call. Pagtingin ko kay Eli lalong uminit ang ulo ko. "What's funny?" She laughed even more. Pati anak ko gumaya din sa kanya sabay talikod. "Maligo ka na. Darating na 'yon si baklang Jordan." ***** RYAN Bago mag-seven pumunta ako sa Skysuites Tower. I tried to call Aish number but its off now. Gusto ko sana siyang puntahan sa Unit niya pero siguradong maghe-hysterical iyon kapag nakita niya ako doon. Bukod sa mabubuking niya akong alam ko ang lahat ng sekreto niya, baka magalit siya kay Eli lalo't kasabwat ko din iyon. Tinanaw ko ang building. Malalim na nagpakawala ng buntong-hininga saka nilisan ang lugar. Dumeritso ako sa La-Shangri Royale. "Sweetheart," Nairita ako ng bigla na lang may pumulupot sa braso ko. Pagbaling ko sinalubong ako ng halik ni Farehn. Ngali-ngaling ibalibag ko ang babaeng 'to sa labas kung wala lang nakatingin saamin na mga tao. Kaso halos lahat ng mga mata nakatutok sa akin. "Hinintay kita sa bahay. Hindi mo man lang ako sinundo." "Get your hands off me, Farehn." pigil ang boses na angil ko sa kanya. "Wala tayong relasyon para gawin iyon." Pero tinawanan lang ako nito. "Oh you don't want me to make a scene here, do you?" halos 'di bumubuka ang mga labing anito, saka matamis akong nginitian. "Wala ka namang date diba? You can use me to shoo away those girls whose drooling at you. Look at them? Ang dami nila." Parang gusto ko tuloy magsisi na pumunta pa ako dito. But I had important reason why I am here now. At sagabal ang babaeng 'tong parang sawang nakapulupot sa akin, makamandag. I felt like she's a spy. Kaya panay dikit sa akin. Puro ligwak tuloy ang mga plano ko sa bawat dinadaluhan kong event, hindi ako makakilos. "Mr. Aragon," Nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin. Its Franco Dela Merced, a young bachelor and successful businessman in Asia. Siya yung kasama ni Serafin sa Yankee bar na sinusundan ng tatlong pulis na yun two years ago. And he's the real owner of this building; La-Shangri Royale. One of the famous hotel and casino with multiple branches. We got an intel that he and Alexandro Fontanella were secretly seeing each other lately. Kaya pumunta ako para malaman kung sino ang circle of their friends of friends and colleague. Kaso 'di ko inaasahan na nandito rin si Farehn. T'ngna... Kung sana'y nandito si Aishleen--Oh dammit! nakalimutan kong makapal pala ang apog ng babaeng 'to. Baka kahit kasama ko si Aish halikan pa rin ako nito mismo sa harapan ng asawa ko. Lintik... baka magkagulo lalo. Hindi ko alam ba't naging kaibigan ko pa 'to. Akala ko mabait 'di pala, kailan lang lumabas ang sungay. Dad was right after all. Kasalanan ko ba't 'di ako naniwala sa mga sinabi niya about sa pamilya Gowiengco. Ang masaklap tinulungan ko pang makabangon ang negosyo nila. Tiyak mapapatay ako ni Dad oras na malaman ang mga ginawa ko or maybe alam niya na hindi lang nagsasalita? I don't know. Matagal na akong 'di umuuwi sa mansyon. "Mr. Dela Merced." bati ko. "I'm surprised to see you here." nakangiting wika nito pagkahinto sa harapan ko. Nakipag-shake hands ako sa kanya. "You were out from the spotlight lately. Nagpapayaman ka yata masyado." I chuckled. "Hindi naman. Na-busy lang. . . you know," I shrugged my shoulder. "...personal matters." "Oh, I see." bumaba ang tingin nito kay Farehn. Nakita kong tumalim ang kanyang mga mata dito pero saglit lang, napalitan iyon kaagad ng amusement. "And who's this beautiful lady beside you?" "Ah, si Farehn. She's a friend--" "His girlfriend," agap nito sabay lahad ng kamay. "And you're Franco Dela Merced, right?" Franco chuckled. "Right," inabot nito ang kamay ni Farehn. "So the humors was true?" Hindi ako umimik. Hinayaan kong magsalita ng magsalita si Farehn. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya kay Franco. After all siya ang nagsabi no'n hindi ako. Iginala ko ang paningin sa paligid. Nakita ko sa grupo 'di kalayuan sina Stanley Morales at Helena Gowiengco. Matamis ang ngiting nakatanaw sa akin yung babae. I mentally cursed her. Umiwas ako ng tingin. Puro bigating negosyate at pulitiko ang mga nakikita ko. Some were familiar but mostly were new faces to me. May nahuli pa akong lalaking nakatitig sa akin pero kaagad din umiwas ng tingin. Hindi ko siya kilala but he looks suspicious. Tinandaan ko ang kanyang mukha. Kumuha akong goblet ng alak sa waiter na dumaan. Patuloy pa rin sa kwentuhan ang dalawang kasama ko. I'm not paying attention of what they've talking about. I'm not interested. Pero mukhang magkakilala sila. I noted again. I started to get bored ng may mahagip ang aking mga mata. Muli ko iyon nilingon. Napakurap-kurap ako sa aking nakita baka namamalikmata lang ako but... its really her! Looking gorgeous with the dress I bought for her. But what the f**k she's doing here? Akala ko ba. . . Tumibok ang puso ko ng pagkabilis-bilis. Tila slowmo na huminto ang buong paligid ng matanaw ko si Aish papasok ng grand entrance. Nagpapalinga-linga na tila ba may hinahanap. Is she looking for me? Halos lahat ng mata napatutok sa kanya. Akma ko siyang lalapitan ng maunahan ako ni Franco. "Oh, finally; my date has arrived. Excuse me." Did he just said MY DATE?? Nabingi ako sa sinabi nito. Nakasunod dito ang nagtatanong kong mga mata hanggang sa huminto ito sa harapan ni Aish. Tila kabalyerong yumukod pa kay Aish na abot-langit naman ang ngiti ng halikan ng lalaking yun ang kamay niya. 'Di pa nakuntento ang hinayupak hinalikan pa ang asawa ko sa pisngi. F*ck! Tumalikod ako kasama si Farehn na nakapulupot pa rin ang braso sa akin. Patungo sana ako sa gilid na mesa, yung hindi makikita ni Aish pero naharang ako ng kaibigan ni JM, si Jonard Villiafuerte. One of the stockholder in DCC Corp. "Ry, glad to see you again. Kumusta?" nakangiting nakipag-toss ito sa akin. "Doing good." "Evidence were visible," then we both laughed. "Come with me in our table. Someone wants to meet you." Sumama ako sa kanya papunta sa pinakagitnang table malapit sa unahan. Grupo iyon ng mga bigating negosyante. Kabilang si Alexandro Fontanella, Javier Montefalco at yung 'di ko kilalang lalaking nahuli kong nakatitig sa akin kanina. "Gentlemen," agaw ni Jonard sa atensyon ng mga ito. Lahat napatutok ang mga mata sa akin. "Kilala niyo na si Joe Ryan Aragon, right?" "Sinong 'di makakakilala sa Chairman ng Air Voice Tecs Company?" wika ng 'di ko kilalang lalaki na sinigundahan naman ng iba. "Pero pahirapan kang makausap ng personal, Mr. Aragon. We're glad that you joined us here in our table." "Yeah, kanina ko pa nga siya gustong lapitan, humahanap lang ako ng tiyempo." dugtong pa no'ng isa. Lahat binati ako. Nakipag-shake hands and toss ng goblet sa akin. Then resume talking each other. Halos lahat gusto makausap ako. I entertained them but not much. Nasa iba ang atensyon ko. 'Yung mga mata ko nakasunod kay Aish na pinapakilala ni Franco halos sa bawat maraanan na table. Nagngingitngit ang kalooban ko. Hanggang sa igiya siya nito papunta sa table namin. Natigilan siya pagkakita sa akin. Nanlaki ang mga mata ng magtama ang paningin naming dalawa. I remained impassive. Malamig ko siyang tinapunan ng tingin ng irapan niya ako sabay baling sa kausap ko, si Mr. Cedric Alexander Calderon. One of the owner of the biggest Cargo Shipping Company here in the Philippines; the CAC International Corp and Calderon Construction Company. Pinakilala siya ni Franco saaming lahat. Parang gusto ko dukutin ang mga mata at baliin ang mga braso ng mga nakipagkamay sa kanya na halos ayaw ng bitawan pa ang kamay niya. Nagdilim ang paningin ko ng makita ko ang kabilang braso ni Franco na nakapaikot sa kanyang bewang. Teka... may relasyon ba silang dalawa? Nagpapaligaw ba siya? Ba't 'di ko yata alam? T'ngna... tatamaan talaga sa akin ang hinayupak na Ace at Colt na yun. "Mr. Aragon, this is my girl; Aishleen Kate Altamonte. She's an acting CEO of Altamonte Group of Companies." nakangiting binalingan siya nito. "Leen, meet the chairman of Air Voice Tecs Company, Joe Ryan Aragon and his girlfriend Farehn Gowiengco." Gusto kong umbagin ang mukha ni Franco sa subrang selos na lumulukob sa akin pero pilit sumisiksik sa utak ko that my wife turn down my invitation and choose Franco over me instead. It was her choice anyway. Meaning she doesn't want to be with me. I'm not sure. Iba yung tingin na pinupukol niya sa akin e. Parang gusto niya akong lamunin na buhay. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin? Samantalang ako yung bumili ng damit niya pero sa iba siya nagpaganda. Mapait akong napangiti sa aking isip. "Hi, pleased to meet you both, Miss Gowiengco, Mr. Aragon." Tila hangin na dumaplis lang ang kamay ko sa kanya, kaagad kong binawi ang kamay ko at sumimsim ng alak. Nakipagbiso-biso naman sa kanya si Farehn. Saglit lang tumagal sa table namin si Franco. Nagpaalam ito kay Aish na pupunta muna sa gitna para mag speech doon. Kausap ni Jonard si Farehn kaya pasimple akong tumabi sa kanya. "Busy pala ha," wika ko habang nakatuon ang pansin sa unahan. "Kapag pala tinatamad lumabas ng bahay nagpapaganda at umaatend ng event. That's a news flash." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD