AISHLEEN
The place looks opulent.
The entourage event were fancy; cast with men and women wearing with their finest suit and dresses.
Patalbugan sa naglalakihang mamahaling alahas. Thanks to Ryan for giving me those precious sets of pearl.
Maraming namangha. Maraming napatitig doon. Nagulat. Umawang ang mga labi. Nagbulong-bulongan kahit nasa tabi lang nila ako. Nagulat pa nga ako ng bigla akong lapitan ni Mrs. Gowiengco at nagtanong tungkol sa alahas na suot ko. Halos lumuwa ang mga matang nakatitig doon na para bang pamilyar sa kanya ang mga perlas na suot ko. I wonder why. Saan ba 'to binili ni Ryan at takang-taka naman yata sila masyado?
Its kinda weird and frightened me at the same time. Kanina pa ako kinakabahan pagsayad pa lang ng suot kong takong sa entrada. Tapos si Stanley Morales pa ang kaagad kong nakita. Halos himatayin ako sa subrang takot. But seeing Ryan was there; it actually made me feel safe kahit na na shock ako ng bongga ng mahagip siya ng aking mga mata. Kasama pa ang malantod na Farehn na yun!
Kung alam ko lang na ito rin yung importanteng event na tinutukoy niya e di hindi na lang sana ako pumunta.
However; I can't miss this huge chance. Minsan lang mangyari ang ganitong pagtitipon. Marami na akong nadaluhan na event sa nakalipas na dalawang taon but this one is different. Mga bigatin ang panauhin; may dalawang dayuhan na kasosyo sa negosyo ng mga Dela Merced ang bumisita dito sa Pinas kaya napapayag ako sa paanyaya ni Franco. Gusto ko rin malaman ang koneksyon ni Catleya sa kanya. I saw them once together. Natatandaan kong kasama din ito ni Serafin sa Yankee Bar noon.
Iginala ko ang paningin sa paligid na tanging mga mata lang ang gumagalaw.
Lahat kaya ng nandito may red dragon tattoo?
Pasimple kong nilingon si Stanley Morales. Napakunot-noo ako sa natanaw kong babaeng kausap nito na tumingin sa gawi namin. Yun yung babaeng nahagip kong may nilagay sa inumin na dala ng waiter na tinawag ni Franco papunta saamin. May kinawayan iyon dito sa table namin saka lumabas.
I gave a quick glance to a guy who wave back at her, ang dayuhan na si Stewart Vermont. Sinundan ko iyon ng tingin ng tawagin ito ni Franco sa unahan. He looks different. Pero wala akong maramdamang takot sa kanya kahit nakakaintimidate ang awra niya. He's handsome and got smiling face.
Muli kong nilingon si Stanley, pasimple itong umalis pero ibang daan nga lang ang tinungo. Naiwan si Mrs. Gowiengco na may katawanan na na ibang lalaki.
Napakislot ako ng tumabi sa akin si Ryan. Nanoot sa ilong ko ang gamit niyang mamahaling pabango. Parang gusto kong sumiksik sa kanya. Baklasin ang braso ng Farehn na 'to na kahit may katawanan na ibang lalaki nakakawit pa rin ang braso kay Ryan. Tsk like mother, like daughter.
But what Ryan said fueled me with anger. Naalala ko bigla yung 'di kanais-nais na tagpo na naabutan ko kanina.
"Important event pala ha," balik tuya ko. "Hindi ka na nahiya makipagtukaan sa kabit mo sa harapan ng maraming tao."
"Kung napaaga sana yung dating mo e di sana nakita mo ang totoong nangyari."
Inis na nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ba't mo ba ako kinakausap? Why don't you just focus with your GIRLFRIEND?" pinagdiinan ko pa ang huling sinabi ko.
Blangko ang ekspresyon ng mukhang bumaba iyon, halos dumikit na ang mga labi sa aking tainga.
"Let me remind you my wife; you're a married person. Kung ayaw mong lamukusin kita ng halik dito sa harapan ng maraming tao, act like one." umayos siya ng tayo saka muling sumimsim sa hawak na alak.
"Hey sweetheart," sabad ng maarteng boses ni Farehn. Bahagya pa akong napahakbang sa gilid ng banggain ako nito. "I gotta go to powder room, pwede mo ba akong samahan?"
"Sure."
I stayed still. Hindi ko sila sinundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa inakto ni Ryan. Kung dapat ba akong mainsulto or ano?
Sabagay; ano ba ang aasahan ko sa mga lalaki? Pare-pareho lang naman sila manluluko.
"Leen, c'mon will introduce you to my bestfriend." biglang lumitaw si Franco sa harapan ko.
Hindi na ako nakatanggi ng igiya niya ako sa table ng grupo ng mga kalalakihan na may kanya-kanyang partner. Natigilan pa ako ng makita ko si Zephanie; ang dayuhang si Clark Steves na pinakilala ni Franco ang ka-partner nito. Nandun din sina Josh at Scarlet. Napatingin ako sa mga kamay ni Scarlet na nakablack na gwantes hanggang siko ang haba. What a witty b***h. And worst, nandun din si Bryce. Wearing on his two piece suit. Sitting on his wheelchair.
Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa akin. Umawang ang mga labi. Nagpaligsahan ang iba't ibang emosyon sa kanyang mukha; gulat, galit, tumiim ang bagang, dumilim ang mukha, nakita ko pang kumuyom ang kanyang kamao habang nagpapalipat-lipat ang nanlilisik na mga mata saamin ni Franco saka ngumiti.
Natigil ang tawanan ng makalapit na kami sa mesa. Napatutok saamin ang atensyon nila ng ipakilala na ako ni Franco. Halos makalimutan kong huminga sa sinabi nito. Like... BESTFRIEND niya si Bryce?!
Hindi aakma ang salitang gulat na naramdaman ko sa mga oras na iyon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ng makipagkamay ito sa akin. Josh warning stares gave me goosebumps.
"Nice to see you again, Kate." nakangiting wika nito but his dagger eyes sent chills in me. Dagdagan pa ng higpit ng hawak nito sa kamay ko na para bang gusto nitong durugin iyon saka dinala sa labi at hinalikan iyon. Gumapang ang kilabot sa aking katawan. "You look ravishing as always, baby."
"Wait... did you know each other?" nagtatakang sabad ni Franco.
Bryce chuckled. "Yeah, she used to be my--"
"EX-GIRLFRIEND." madiin na sabad ko sabay bawi ng aking kamay.
Malakas na napasinghap ang babaeng katabi ni Zephanie. "Oh my gosh! Aren't you married Mr. Morales?" makahulugan na tinitigan ako nito. "So the Altamonte Princess dated a married man ha."
"What a shame."
"Oh wait; hindi kaya siya yung babaeng tinutukoy--"
"It wasn't her," galit na sabad ni Josh sa isa pang babaeng mapanuri akong tinititigan. "No one even seen her in any events or anywhere with Mr. Morales. That ex-girlfriend thing was past. In fact she's happily married before that incidents happened to Mr. Morales. Kate is a good friend of mine. I know her and I believed that she's not capable of doing such morbid things. So don't you dare accused her without a solid proof and just relying on what you've heard and read in socmed."
"Oh, she's Married?!"
"Really?"
"To whom?!"
"Ba't 'di namin nabalitaan yan?"
Hindi makapaniwalang bulalas nila.
"Imposible naman yata yang sinasabi mo. She's an Altamonte. Kung kinasal siya tiyak pinagpyestahan na yan ng paparazzi."
"Ba't pagdating sa tsismis ang bilis niyong maniwala pero pag totoo yung sinabi sainyo hinahanapan niyo ng pruweba?"
"Ba't mo ba kinakampihan ang babaeng 'yan ha, Mr. Joshua Madrigal?"
"She's a homewrecker for goodness sake!"
"Don't be deceived with an innocent face Madrigal. Ang anay ay anay. Baka hindi mo mamalayan pati ang relasyon niyo ng anak ni Gov matibag niyan, right Scarlet?"
"H-Ha? Uhm--"
"Aren't we here to enjoy the party not to gossip or spread fake news or humiliate someone?" mariin na wika ni Josh na ikinatahimik ng lahat. "If not I guess," niyuko nito si Scarlet na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin pero kaagad din ngumiti ng matamis. "...we have to go babe. This party is getting into my nerve." nag-angat ito ng tingin kay Franco na tahimik lang sa tabi ko. "Thanks for inviting us, Mr. Dela Merced. I really had a good time; really. Excuse us." tiningnan ako ni Josh na para bang nagsasabing umalis na rin ako sabay talikod.
Tila binuhusan naman ako ng yelo sa nangyari. Hindi ko inaasahan 'to. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. I saw some other guest nearby watching us. Literal na sa akin. Those people in our table resume talking each other as if nothing happened.
"Leen, I'm sorry--"
"Oh no honey, you don't have to apologize. It's fine; really." nakangiting agap ko kay Franco. "In fact its an honor to be a part of this marvelous events and meet some other faces. I got entertained and never get bored." hinalikan ko ito sa kanyang pisngi na ikinasinghap lalo nila. "Thanks for inviting me here Franco. If you'll excuse me."
Taas noong tinalikuran ko si Franco'ng nalulon na yata ang dila. I managed myself to walk with poise. Nagawa ko pang ngumiti sa ibang panauhin na bumati at nakipag-usap sa akin saglit.
"Oh dear you're very beautiful!"
"Yes... absolutely stunning and glamorous!"
"Manang-mana ka talaga kay Alicia. Napakagandang dalaga."
"Naku, salamat po. You all look younger in your age too!" they all giggled.
"Naku, ikaw ang star of the night ngayon, iha. Wag mong pansinin ang mga sosyal na mosang na yan, inggit lang sila sayo."
They all laughed. "Agree!"
"If I'm not mistaken isang heirloom yang suot mong mga perlas, iha."
"Oh shut up, Lucinda. Wag mo ng dagdagan pa ang etsitsismis nila sa dalagang 'to." sita ni Mrs. Andersons.
Lahat naman ng Ginang napatakip ng kamay sa bibig at kinindatan ako. I can't help myself to smile at them.
Mrs. Andersons is a widowed. Founder of the private orphanage Selfless Haven Incorporated. One of the Charity Institution that my family and I supported.
"I'm so happy to see you here, Kate. Hindi pa ako sayo nakakapagpasalamat ng personal sa mga pinadala mo sa opisina noong nakaraan. I wonder why you're not the one who went there. May nangyari ba?"
"Wala naman po. Na-busy lang masyado kaya 'di ako nakapunta. But I promise, one of this day dadaan po ako doon. Na miss ko na din po ang mga bata."
"Naku palagi kang hinahanap ni Lienard."
"Pakisabi po miss ko na din siya, sila pong lahat."
She cheerfully hugged me again. "Makakarating iha."
"Sino po pala ang kasama niyo pagpunta dito, Mrs. Andersons?"
"Ah yung kaibigan ko. Si Javier Montefalco. Ayun oh."
Nilingon ko ang kinawayan nito. The guy talking to a group of men but he's watching us. Nahagip ko pa ang madilim na mukha ni Farehn na nagpapalinga-linga sa paligid.
"Sige na iha. Mauna na kami sayo. Ikumusta mo ako sa Mommy at Daddy mo ha."
"Sige po. Mag-iingat po kayo."
"Salamat. Ikaw din."
Binalingan nito ang mga kasama. "Kayo? Hindi pa ba kayo uuwi?"
"Pauwi na rin kami."
"Ikaw, umuwi ka na rin," pinanlakihan pa ako ng mata ng kaibigan ni Mrs. Andersons. Ngumiti lang ako. "Wag kang magpapaiwan dito."
"Sumabay ka na kaya saamin?" sigunda naman nong isa pang Ginang.
"Nasa labas lang po yung bodyguard ko. Pauwi na rin po ako. Sasaglit lang po ng restroom."
Pagkaalis nila tinungo ko ang daan papuntang restroom pero may hitad na humarang sa akin doon.
"Where's Ryan?"
I arched my brows. "Ano ako lost and found?"
"Anong pinag-usapan niyo kanina?"
"Bakit narinig mo bang nag-usap kaming dalawa?"
"Lumapit siya sayo."
"So? May problema ka ba doon?"
"I'm his fiancee!" angil nito. "Mang-aagaw ka talaga e noh."
"Excuse me Miss Gowiengco, WALA AKONG INAAGAW SAYO."
"'Wag kang magkaila. Kitang-kita ko kung gaano mo tinitigan ang fiancee ko kanina. Bakit nangangati ka din ba at gusto mong magpakamot sa kanya?"
I scoffed. "Ang dinig kong pakilala sayo ni Franco kanina you're just his girlfriend. Bakit ngayon sinasabi mong fiancee ka niya? Twice mo ng pinangalandakan iyon sa akin ha. Hindi ka na nahiya sinadya mo pa talaga ako sa opisina ko. Bakit? Threat ba ako sayo? Kung ganun dapat sinabi mong asawa ka na niya. Nahiya ka pa."
Maarte itong tumawa. "Well, just wait and see Miss Altamonte." nakangiting pinasadahan ako nito ng tingin from head to toe. I almost rolled my eyes at what she did. "Look at yourself. Hindi ang tipo mo ang magugustuhan ni Ryan. 'Di hamak na mas maganda naman ako sayo kaya marami talagang humahabol sa akin."
I chuckled. "Oh really? Maganda ka kaya maraming humahabol sayo at kabilang na doon si Mr. Joe Ryan Aragon, ganun ba ang ibig mong sabihin ha Miss Gowiengco?"
"Oh, you don't have to be sarcastic Miss Altamonte. Malinaw naman siguro ang paningin mo. Kung nanlalabo na 'yang mga mata mo I suggest you visit the EO. Baka sakaling makita mo kung sino ang binabangga mo."
"Really?" I sweetly smiled at her. "Sabagay ang laki ng puntos mo doon sa sinabi mo ha Miss Gowiengco. You want to know why?" nakangising nilapit ko ang mukha sa kanyang tainga. "Because cheap items attract more buyers."
I felt her body stiffened. Namula ang mukha nito sa galit. I even heard her cursed. But who cares? Sila lang ba marunong mamahiya ng tao?
Malikot ang aking mga matang gumagala sa paligid habang tinutungo ang daan papunta sa restroom. Then as of cue something halted me. I've seen someone walk passed across the corridor. Umatras ako saka tinanaw ang dinaanan niyon. I wonder kung sino ang kakatagpuin no'n.
Nilingon ko ang kabilang daan. Yun ang tinahak ng aking mga paa. Nang may makasalubong akong dalawang lalaki dali-dali kong kinuha ang phone ko sa purse. Basta ko na lang pinindot ang unang number na lumabas sa call log ko at nagkunwang may kausap.
Paglampas ng dalawa sa akin kaagad akong tumalilis. Tinungo ko ang makitid na pasilyo. Pagliko ko ganun na lamang ang gulat ko ng may malakas na kamay na humatak sa akin. Nakulong sa lalamunan ko ang tili ng takpan nito ang aking bibig. Nagpumiglas ako sa takot.
"Shhhh it's me." kumalma ako ng makilala ko si Ryan.
"Nakita niyo ba kung saan pumunta?" boses ni Stanley Morales.
"No Sir." boses ng lalaki. "Napasok po ang control room. Deleted lahat ng footage at wala pong malay ang mga bantay doon ng maabutan ko. Pati po yung mga CCTV sinadyang sirain."
"ThatSonOfABitch! Hanapin niyo! Hindi pa yun nakakalayo."
Nagmamadaling mga yabag papalayo ang sumunod na narinig ko. Meron ding papalapit. Hinatak ako lalo ni Ryan palapit sa kanya. Nakatakip pa rin ang kamay sa aking bibig.
"Ba't ngayon ka lang?!"
"Sorry Boss," boses ni Catleya. "Nagpalit pa po kasi ako ng damit."
"You moron! Palpak ang ginawa mo!"
"What do you mean Boss?"
"Si Farehn ang nakainom ng inumin na nilagay mo doon sa waiter!" singhal nito. "Hindi mo man lang nakita na pinalitan ng Altamonte na 'yon ang baso niya!"
"Imposible--"
"Dad," boses ni Bryce.
"Ikaw---You dimwit! Anong pumasok sa kukute mo at pumunta ka dito sa event ng walang abeso sa akin ha?!"
"Dad relax. Gusto ko lang naman makita si Miss Altamonte."
"Gago! Muntik ka ng mamatay dahil sa kanya tapos gusto mo pa rin siyang makita?! Lumayas ka sa harapan ko ngayon din baka 'di ko mapigilan ang sarili ko mahampas ko yang lintik na wheelchair na yan sa mukha mo!"
Bryce chuckled. "Itapon mo na yang wheelchair, Catleya. I don't need that anyway--"
"Ang laking bobo mo talaga! Kapag may nakakita sayo--"
"Boss," sabad na boses ng lalaki. "Dumating na po ang panganay niyo. Hinihintay na po kayo dun sa opisina. Nandun na din po sina Clark at Stewart."
Panganay? May panganay na anak si Stanley Morales? May kapatid si Bryce? Pa'no nangyari yun e nag-iisa lang naman siyang anak?
"Nasaan na si Franco at ang babaeng iyon?"
"Kasama po ni Franco si Farehn. Si Miss Altamonte nadaanan namin doon sa hallway kanina."
"Sabihan mo ang mga kasamahan mo, balikan niyo si Miss Altamonte. Dalhin niyo sa akin."
"Masusunod po."
Nanghilakbot ako sa aking narinig.
Iginiya ako ni Ryan, maingat na umalis sa pinagtataguan namin. Malalaking hakbang na tinungo ang kabilang hallway. Halos buhatin niya na ako sa laki at bilis ng hakbang niya. Pero kaagad din kaming natigilan sa mga nagmamadaling yabag papunta sa gawi namin. Nagpalinga-linga sa paligid si Ryan sabay hatak sa akin papasok sa isang kwarto na bahagyang nakaawang. The room was dark and cold. Kaagad niya iyon ni-lock.
"You like that ha?" boses ni Franco.
Umungol ang babae. "Yes--ahh!"
"How about this?"
"Yes! Yes! More please--Franco--ahhh!"
Pareho kaming natigilan ni Ryan. Pagbaling ko sa kanya nagtagpo ang labi naming dalawa. Tinulak ko palayo ang kanyang mukha.
"Ba't ba ang lapit mo? Lumayo ka nga," pabulong na angil ko sa kanya. "Buksan mo na ang pinto. Lumabas na tayo bilis."
"Nakalimutan mo na bang may naghahanap sa atin sa labas? Maya-maya na."
"Gusto mo lang yata makinig e. Or baka naman balak mo pang manood?" siniko ko siya sa dibdib ng marahan niya akong pagtawanan. "Silipin mo kung anong ginagawa nilang dalawa doon sa kama. Kuhanan mo na rin ng video dali."
"Shhhhh, wag ka ngang maingay. Baka marinig nila tayo 'di mayari pa tayo."
"Tsk, tumabi ka na nga. Aalis na ako. Kung ayaw mo bahala ka sa buhay mo. Maiwan ka dito. Kainis ka talaga."
"Mamaya na sabi ang ingay mo." muli niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko.
"Hmmm... now tell me; sino mas magaling saamin ni Aragon?"
"Its you Franco--oh f*ck!"
"Talaga?"
"Yes sweetie. In fact he got extra small C. . . Oh--make it faster please--ahhh! That's it. Faster..!"
I heard the creaking sound of a bed. Pinagpawisan ako bigla ng malapot kasabay ng apoy na unti-unting lumulukob sa akin lalo't halos nakayakap na sa akin si Ryan mula sa likuran.
"E sa inyo ni Miss Altamonte; sino mas magaling sainyong dalawa sa kama?"
"Syempre ako. Kaya nga ako hinahabol-habol ni Ryan--f*ck! Make it rough--ahh!" sunod-sunod na ungol ng dalawa ang bumalot sa buong kwarto.
I heard Ryan cursed.
Mabilis niyang binuksan ang pinto, kinaladkad ako palabas. Dumeritso kami sa fire exit.
Pagdating namin sa basement may mga tauhan ni Stanley na nakabantay doon. Mabilis niya akong hinatak papunta sa Black Fortuner car para magtago.
"Ace, where's the car?"
"Right where you are." sagot ni Ace. Napatitig ako sa relong suot niya. How come Ace voice came out in that wristwatch? "Nandito kami ni Colt sa loob ng pulang kotse mo. Sibat na kami ha. Mag-iingat kayo."
Nabulabog ang mga tauhan ni Stanley ng biglang umandar ang pulang kotseng binabantayan ng mga ito.
"T'ngna--habulin niyo!"
"Get in the car," utos niya.
Kaagad akong tumalima. Sumabit pa ang takong ng heels ko sa pagmamadali ko. Pagkaupo ni Ryan sa driver seat kaagad niya iyon pinaandar.
"Yung seat belt mo!"
Hindi niya ako pinansin. Mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Naabutan kami ng red light sa daan. Unti-unting nagmenor ang takbo ng kotse. Hanggang sa huminto iyon sa likod ng puting van. Kumilos siya. Akala ko isusuot niya ang kanyang seat belt. Namilog ang aking mga mata ng dumukwang siya sa akin at walang babalang siniil ako ng marubdob na halik.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023