THIRD PERSON's POV BRYCE MORALES "Ano dala niyo na ba ang babaeng yun?!" Ilang araw ko ng pinapahanap ang Monique na yun pero tila yata nakatunog at bigla na lang naglaho sa condo unit na tinutuluyan niya. I have my own access on her condo kaya nakapasok ako. Inip na inip na naghintay doon pero namuti na ang mga mata ko walang anino niyang dumating. Not until now; my men called me that they caught her already. We were in an abandon house here in Ilaya. Lugar kung saan pinapatahimik ang mga taksil. "Nasa kotse boss." sagot ng tauhan ko. "Dalhin niyo dito sa'kin!" Patakbo itong umalis. Lumiliyab sa galit na humigpit ang pagkakahawak ko sa baril. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa tabi ng hukay na inihanda ko para kay Monique--damn her! I thought I can trust her. Hindi ko inaasahan na

