FABIO/RYAN Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang tatlo dito sa isla; Jorge, Nixon, and Jerald. I thought they were dead! Anong ginagawa nila dito sa isla?? Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Kinabisado ang lahat ng mukha ng trabahador. Sinenyasan kong lumapit si Atom saka bumulong sa kanyang tainga. "Kilala mo ba ang lahat ng mga trabahador na 'to?" "Yes. Taga rito silang lahat maliban sa tatlong yan. Mga taga Villahermosa daw ang mga yan sabi ni Otoy pero kakilala sila ni Engineer." "Tawagan mo si Engineer. Sabihan mong magkita-kita tayo mamayang gabi." "Sige," anito sabay dukot ng cellphone sa bulsa at lumayo saamin. Binalingan ko silang lahat na nakatanga pa ring nakatingin sa akin. Iba-iba ang ekspresyon ng mukha; may takot, may masaya, may salubong ang mga kilay, may

