"Sinong tumawag?"
Bigla kong nabitawan ang cellphone sa gulat. Humigpit lalo ang paghapit ng braso niya sa akin. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata but the way his hands and body moved seems like he's fully awake.
Lumapat ang kanyang mga labi sa dibdib ko. My body stirred. We were still both naked under the sheets.
Inabot ko ang nabitawang cellphone sa ibabaw ng comforter saka ibinalik sa ibabaw ng bedside drawer.
"R-Ryan. . ?"
"Hmmm?"
"Kilala mo ba si Sofia Collins?"
"Why do you ask?"
"Just answer me, please."
He sighs. "Oo."
"T-Totoo bang may kinalaman si Kuya sa pagkamatay niya?"
"WALA,"
"Pero--"
"Nandun ako sa pinangyarihan ng krimen Aish." agap niya. "Girlfriend ng anak ng pinuno ng sindikato si Sofia. Pinagplanuhan nilang paibigin si JM. But their planned gone wrong. Nagkagusto din si Sofia kay JM."
"What happened, Ryan?"
"Bakit gusto mong malaman?"
"Parte sila sa nangyayari ngayon sa buhay ko. At... natatakot ako Ryan. Natatakot ako sa kaligtasan ng buong pamilya ko. Gusto kong malaman para handa ako. Para alam ko kung sino ang dapat kong iwasan at pagkatiwalaan."
"Can't you trust my men?"
"I do trust them but I'm. . . I'm really scared! At isa pa subrang dami nila, Ryan."
"Paano mo naman nasabing subrang dami nila?"
"Oh Ryan, ang hirap e explain. Pakisagot na lang ng tanong ko, please?"
Ramdam kong nag-aalangan siya pero kaagad din nagsalita matapos magpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Bumaliktad si Sofia. Pero bago niya pa mailaglag saamin ang tungkol sa grupo ni Christian Lewis; her long time boyfriend na anak ng isa sa miyembro ng sindikato, she was abducted by him. JM chased them to rescue her. But it was too late."
"You mean. . ."
"Yeah. Si Christian mismo ang pumatay kay Sofia sa harapan ni JM. Yun ang dahilan kung bakit pinauwi kaming magbabarkada ng Daddy ni JM dito sa Pilipinas. Para makaiwas doon sa States but you see. . . they're here."
"Pero. . . bakit sinasabi ni Misha na si Kuya ang pumatay sa bestfriend niya?"
"Probably she was brainwashed. Si Keith ang nagpakulong kay Christian. He even threatened your brother ng hinuli na siya ng kaibigan ng kuya mo, si Sheriff Martin. But sadly, may mga galamay sa loob ng pulisya si Lewis. Ang balita namin tinulungan siya ng kapatid niyang si Stacey kaya nakalabas siya ng kulungan. Pero iba ang kutob namin lalo't out of nowhere napabalitang na-ambush si Sheriff Martin at ang mga kasamahan niyang pulis na tumulong saamin noon. Christian found not guilty with the crime he committed and unfortunately he's after us for revenge."
"R-Revenge?"
"Yes. Not just because we put him in jail but also. . ."
Hindi na niya dinugtungan pa iyon kaya napatitig ako sa kanyang mukha. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. But the stiffed muscles on his face, the way his jaw clenched said it all. . . he's mad.
"Also what?"
"It was from the past, baby."
"Past? Anong ibig mong sabihin tsaka sinong Stacey?"
"I don't want to talk about it."
"Ry--"
"Sinong tumawag kanina?" putol niya sa akin.
Hindi ako sumagot sa kanya. Nagmulat naman siya ng mga mata saka inabot ang kanyang cellphone. Bumalik din siya sa kanyang pwesto, salubong ang mga kilay na nakatitig sa screen ng phone. Hinatak niya ako palapit sa kanya. Our body getting warm even more with the contact. Bigla akong nahirapan lumunok.
"Sinong kausap mo kanina, Aish?" muling tanong niya.
Hindi ako makaimik. Wala akong maapuhap na salita.
"This number is private. Walang nakakaalam maliban sa mga kaibigan ko." dugtong niya. "And I'm not familiar with this callers number."
Bigla akong sinalakay ng kaba sa sinabi niya.
"M-Mommy mo ba si Mrs. Lucinda?"
Lalong nagdugtungan ang kanyang mga kilay. Lumalim ang gatla sa kanyang noo.
"You don't know who's my Mom? Even my father?"
Umiling ako. Mapakla siyang tumawa.
"Sabagay. Ba't ka nga naman magkakainteres sa buhay ng lalaking hindi mo naman gusto?"
"I'm asking you now. Why don't you just answer my question?"
"Nagtanong ka dahil may kailangan ka hindi dahil sa gusto mo talaga."
"Pwede ba--"
"Bakit pumayag kang may mangyari sa ating dalawa kagabi?" pag-iiba niya ng usapan. "Nasa tama kang huwisyo. So, bakit?"
"Ryan. . ."
"Hindi mo ba talaga ako gusto, Aish?"
I've seen so much sadness and pain crossed on his eyes. Hindi niya iyon itinago sa akin. And that's new to me. Ibang-iba sa pagkakakilala ko sa kanya. Or kilala ko na ba talaga siya? Bakit nahihirapan akong paniwalaan ang mga sinasabi niya?
"Kahit katiting wala ba akong pag-asa magkaroon ng puwang diyan sa puso mo?"
I froze. Then my heart jump for joy. But then again in a split seconds it just fade away. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko matukoy kung ano't bakit parang may kulang. I heard the magic words after our countless wildest lovemaking but it felt like there is an emptiness. There's still a missing piece in it. Hindi pa rin sapat at naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit parang may hinahanap pa rin ako. Kung ano hindi ko sure. Pero kung puwang sa puso ko. . . definitely have. Will always have. Wala kami dito sa ibabaw ng kama niya kung wala siyang puwang sa puso ko.
Was it lust? Maybe. . . I don't know and I'm not sure.
In my previous relationship I've learned that; nawala sa akin si Bryce dahil hindi siya ang tamang lalaking nakalaan para sa akin.
I've learned na normal lang ang masaktan, mawalan ng tiwala, matakot sumubok muli dahil parte iyon ng pag-ibig. Hindi mo masasabing umiibig ka kung hindi ka nasasaktan sa taong iniibig mo. Kailangan magkamali para matuto. You'll never learn if you don't make mistakes.
Natutunan ko na kapag iniwan ka at pinagpalit sa iba; hayaan mo. Pakawalan mo. 'Wag kang maghabol. Kapag bumalik sayo ibig sabihin palpak ang ipinalit sayo. Kung hindi mo kaya't nasasaktan ka. . .
Iiyak mo.
Isigaw mo.
Namnamin mo ang sakit.
'Wag kang magmukmok.
Magpaganda ka.
Know your worth.
Improve yourself.
Learn from it.
Overcome from it.
Move on.
Start a new fresh.
The process of moving on was tough and hard. Diyan na papasok yung mamimis mo siya. You will remember those sweet nothing moments together. Siya na lang lagi ang laman ng isip mo. Minsan laging bukambibig mo pa. Hahanap-hanapin mo. Laging nakaabang sa cellphone baka magtext or tumawag man lang umaasa na suyuin ka. Mangangati ang mga kamay mo para kamustahin siya. Parang tangang tinatadtad na ang inbox at sandamakmak na miss call habang umiiyak. Nag-aalala ka kung ok lang ba siya. Minsan mapapa-stalk ka pa sa ex mo para makita mo kung sino at ano itsura ng pinagpalit sayo. . . at lalaitin mo. Napapatanong ka kung ano pa ang kulang sayo samantalang ginawa mo naman ang lahat para sa kanya pero pinagpalit ka pa rin sa iba. Maghahabol ka. Maaaning ka. Mae-stressed. Madi-depressed. Hindi na makakain. Hindi na makatulog. Para ka ng mababaliw.
Pero naiisip mo ba na siya'y maligaya sa piling ng iba samantalang ikaw ay nagdurusa?
That's a cycle of love. It will only stop till you found the right one for you.
Remember that everybody wants happiness. Nobody wants pain. But you can't have a rainbow without a little rain.
At naniniwala pa rin ako sa kasabihan na kung si Ryan talaga para sa akin, kahit anong mangyari magiging akin at akin pa rin siya. In a right time. In Gods perfect timing.
Yung hindi ko kailangan maghabol.
Hindi ko kailangan magmakaawa.
Hindi ko kailangan humiling na sukliaan ang pagmamahal na inaalay ko sa isang lalaki.
Sabi nga nila 'wag hanapin ang pag-ibig dahil kusa iyon darating. 'Wag magmadali. 'Wag mainip sa paghihintay dahil kusa iyon mangyayari.
Kung hindi ikaw ang darating sa kanya, siya mismo ang darating para sayo.
Ang lalaking tanggap ang buong pagkatao mo; kung sino at ano ka. Lahat ng kagandahan at kapintasan mo. Mahal ka dahil iyon ang nilalaman ng puso't isip niya, hindi dahil alam niyang mahal mo siya. Kayang ialay sayo ang buong buhay niya ng walang alinlangan. Because that's what true love is. Kayang isakripisyo ang lahat para sayo. That's what we called fate. A destiny. Ang tamang lalaking nakatadhana sa bawat isa. Para sa akin.
"You're a cold, dangerous billionaire in town Mr. Aragon. How can someone like you wanted to be with someone like me? You deserve better--"
"Walang kinalaman ang katayuan ko sa buhay sa nilalaman ng puso ko Aish."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "After what happened to my previous relationship with Bryce at sa mga ginawa sa akin ng mga itinuring kong tunay na kaibigan, honestly. . . I've got a trust issues. Natatakot akong magtiwala pa sa ibang tao."
"I understand." nagpakawala siya ng buntong-hininga saka sumeryoso ang mukha. "But anyways, Joeveline ang pangalan ng Mommy ko."
"Jo---Joeveline? Hindi Lucinda? Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Why would I lied? And who's that Lucinda?"
"Si---Si Jonard Villafuerte, alam ba yang number mo?"
Umayos siya ng higa saka hinarap ako. "Deritsahin mo nga ako. Sino ba talaga yung kausap mo kanina?"
"It's a girl claiming she's your mother but I recognized her voice. Kaboses niya si Mrs. Lucinda. Yung babaeng nakilala ko doon sa event kagabi. Nakuha niya daw yung number mo kay Mr. Villafuerte. Hinanap ka daw niya kagabi pero 'di ka na niya makita pa."
"What?"
Bumalikwas siya ng bangon sabay abot ng kanyang cellphone. Mabilis ang mga kamay na nagtipa sa aparato then an operator voice repeated itself. Nagtatanong ang mga matang niyuko niya ako.
"I swear; I'm telling you the truth believe me."
"I believed you."
Muli siyang nagtipa sa aparato. Isang saglit lang may sumagot sa tawag. Namamalat na boses ng isang lalaki.
"Ry?"
"Sorry to wake you up but I just want to know if you gave my private number to--"
"Oh yes, sorry Ry." sabad nito. "Nagmakaawa siya sa akin and she showed me your Mom's ID. Authentic naman yung mga sinabi niya kaya naniwala ako sa kanya. Hinanap ka namin and tried to call you last night but your number was busy."
"Baka yan yung tinawagan kita," sabad ko saka bumangon. Sumandal sa headboard.
"Wait---are you with Miss Altamonte?"
"Yes,"
"Buti nakaalis kayo agad. Nakita ko si Christian kagabi."
"Nandun siya sa party?"
"No. Nakita ko siya sa corridor. May mga kasama siya. Mukhang mga dayuhan. Na-inform ko na rin si Migz about that."
Pagkatapos magpasalamat dito muli siyang nagtipa sa screen ng phone. This time nilagay niya na iyon sa kanyang tainga. Nakatitig siya sa akin habang may kinakausap sa kabilang linya.
"Third, magkita tayo mamaya. And please tell Ace to double the security--oh thank you. She's with me--what? Ba't 'di niyo sa akin sinabi kaagad--hindi na. Kunin ko na lang doon mamaya. Yes--will tell you everything later---yes please do that. Tell them in case of emergency bring them all to my house--I said ALL! Malamang lahat, wala kayong ititira. Siguraduhin niyo kung ayaw niyong tamaan sa akin! Hindi pa! 'Wag mo akong pangunahan! Ako ng bahala doon--Ano? Oh, is she ok now? Ok. Bring her to the safe house. Puntahan niyo rin ang pamilya--ok good. Alam niyo na ang gagawin. Thank you. See you later."
Tahimik na pinatay ang tawag saka muling ibinalik sa ibabaw ng bedside drawer ang cellphone. Binuksan ang unang drawer at may kinuha sa loob niyon. Kakaibang relo ang nakita ko. Natigilan ako ng kunin niya ang braso ko at walang pasabing isinuot iyon doon.
"Don't take it off no matter what happen, ok?"
"W-Why? Para saan yan?"
"It's a token of my love for you. Kapag tinanggal mo yan meaning wala talaga akong halaga sayo. It's waterproof so there's no reason for you to take it off except that one."
Mariin niya akong hinalikan sa aking noo saka ibinagsak ang katawan sa tabi ko. Hinatak ako pahiga. Niyakap ng mahigpit. Isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Subrang aga pa, babe. Tulog tayo ulit."
"Ryan--"
"Go back to sleep. Will talk later."
*****
Ilang oras ang lumipas na hindi ako makagalaw sa aking kinahihigaan. Hindi na ako makabalik pa sa pagtulog. Binabagyo na ako sa takot. Alam kong may iba ng nangyayari. Pero bakit siya mukhang kampante lang?
Dahan-dahan kong kinalas ang mga braso niya pero lalo lamang iyon humihigpit.
"Ryan..?"
"Hmmm?"
"Gising ka ba?"
"Hindi naman ako natulog."
"Kailangan ko ng umuwi."
"Maya-maya na. Ihahatid kita sainyo." nag-angat siya ng tingin sa akin. "I want to talk to your parents about us."
I unconsciously held his cheeks with my left hand then caress it. "P-Pwede bang ipagpaliban na lang muna natin ang tungkol diyan?"
"Pero--"
"May mas importante pa doon na dapat nating unahin."
He was taken aback at what I said then scoffed. . . look away. Bumitaw siya saka lumayo sa akin. Bumaba ng kama. Walang saplot na naglakad patungo sa isang pinto at pumasok doon. I guess that's comfort room. Pabagsak niya iyon isinara. Halos mabingi ako sa subrang lakas.
Napakapit ako ng mahigpit sa comforter sa pinaghalong nerbiyos at gulat. Bigla kong naalala yung mga sinabi ni Colt tungkol kay Ryan. That he's a violent person and coldblooded one. Sukat doon napabalikwas ako ng bangon. Napatakbo ako palabas, papunta sa elevator. Halos magkumahog ako sa pagsuot ng damit ko na nakakalat pa rin sa loob niyon.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng purse at tinawagan si Colt. Pagkatapos mabibilis ang mga kamay na pinulot ang mga damit ni Ryan, tinupi ko at inilagay sa ibabaw ng sofa. Yung sapatos nilagay ko sa shoe rack.
Tinanaw ko ang pinto ng kwartong nilabasan ko kanina bago ko tinungo muli ang elevator at nilisan ang penthouse.
Pagdating ko sa basement nagulat pa ako ng pagbukas ng pinto ng elevator nandun mismo si Colt. Nakatayo sa harapan ko.
"May dala akong damit, Miss A. Magpalit muna kayo sa loob ng kotse."
"Salamat." dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at nagpalit ng damit. Skyblue sleeveless turtleneck top and white jeans. "Tara na, Colt." tawag ko sa kanya pagkatapos ko magbihis.
Tahimik naming nilisan ang lugar.
"Saan tayo pupunta, Miss A?" maya-maya tanong niya ng nasa byahe na kami.
'Di ko siya nilingon. Nanatili akong nakatanaw sa labas ng bintana.
"Alam niya yung tungkol sa anak namin diba?" hindi niya ako sinagot kaya tiningnan ko siya sa rearview mirror. "Alam ni Ryan ang tungkol kay Dan Reuben diba?"
"Rest assured na wala akong sinabi sa kanya even the other men."
"Pero alam niya." I stated. "I have this guts feeling na alam niya ang lahat."
"Kung sakaling tama ka, galit ka ba na nalaman niya ang lahat ng tinatago mong sekreto?"
"NO." sunod-sunod akong umiling. "Kung para sa kaligtasan ng anak namin masaya ako na palihim niya kaming binabantayan."
"Wala ka pa rin bang balak sabihin sa kanya ang lahat?"
"Honestly, gusto ko. Gustong-gusto ko pero," sunod-sunod na pumatak ang luha sa aking mga mata. "...pero natatakot ako, Colt."
"Why don't you give him a chance to prove himself? Mabait naman yun si Boss."
"Mabait naman si Bryce. In fact subrang bait--"
"Don't compare my boss to that bastard, Miss A. Iba si Boss Ryan. Kung bubuksan mo lang ang puso't isipan mo sa kanya malalaman mo ang totoong pagkatao niya. And I assure you, hinding-hindi ka magsisisi. Beside kasal naman na kayo, may isa ng anak. Ba't ka pa matatakot?"
"Pwede mo ba akong dalhin sa bahay ni Mrs. Andersons?" pag-iiba ko ng usapan.
Hindi siya umimik pero kaagad iniliko ang sasakyan. Saglit lang ang itinagal ng byahe namin kaagad kaming nakarating doon.
"Address ng bahay ni Lucinda?" gulat na ulit pa nito.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala. Inalok ako ng agahan pero tumanggi ako dahil nagmamadali ako. Kailangan kong malaman ang totoo.
"Kung pwede sana Mrs. Andersons."
She genuinely smile at me. Tumayo ito. Pumasok sa kwarto. Pagbalik may bitbit na kapirasong papel. Inabot nito iyon sa akin.
"Ikumusta mo na lang ako sa kanya ha, iha."
"Maraming salamat po. Makakarating po kay Mrs. Lucinda."
Napatingin ako sa kamay nito ng gagapin nito ang kamay ko.
"Masaya ako na ikaw ang natagpuan ng binata ni Jovy, iha."
"Ho?"
She smiled again. "Sige na." pagtataboy nito sa akin, may kasama pang marahan na tulak palabas ng bahay. "Mag-iingat kayo sa byahe niyo ha."
Lumabas ako ng kanyang bahay na puno ng katanungan ang isipan. Muli kaming bumiyahe papuntang Antipolo Rizal. Inabot din kami ng ilang oras sa paghahanap ng bahay ni Mrs. Lucinda.
Dalawang palapag na makalumang bahay na may naglalakihang puno ng mangga ang hinintuan ni Colt. Kulay black yung pintura ng gate. Maraming namumulaklak na iba't ibang halaman ang nakalagay sa paso na nasa ibabaw ng bawat poste ng modern bricks and wrought iron fence.
Bumaba ako ng kotse. Nagpalinga-linga sa paligid. Mangilan-ngilan ang mga taong dumadaan sa kalsada nakatingin sa akin, literal sa kotse ko. Lumapit ako sa gate. Naghanap akong doorbell pero wala akong makita. Sumilip ako sa loob.
"Tao po?!" sigaw ko. "Mrs. Lucinda?!"
Ilang ulit ko iyon ginawa pero walang taong lumabas kundi dalawang malaking aso. Sunod-sunod akong tinahulan niyon. Umatras ako pero muli kong tinawag si Mrs. Lucinda.
"Cola! Dew!" boses ng babae. Kumawag ang buntot ng mga ito.
Muli akong lumapit sa gate at tinanaw ang pinagmulan ng boses. Isang napakagandang dalaga ang lumitaw sa katawan ng malaking puno. Mukha itong kastila. Mamula-mula ang kutis. Nakasuot ng bulaklaking bestida. Walang ekspresyon ang mukhang naglakad ito palapit sa akin, nakasunod ang dalawang malaking aso.
"Sino sila?" malamig na boses nito. "Anong kailangan niyo kay Mama?"
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023