THIRD PERSON's POV
STANLEY MORALES
We were inside the Library.
I took my glass then gulped the whole content of rum in it. Pabagsak kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang wala ng lamang baso. Lahat sila tumahimik, pumormal at napatutok ang tingin sa akin.
"Helena told me and she was certain of it. Pagmamay-ari ni Joeveline Aragon ang suot na perlas ni Miss Altamonte kagabi. That's a family heirloom!"
"So are you saying na may relasyon nga ang dalawang yun, ganun ba?"
"That's impossible Dad! Baliw sa akin ang babaeng yun!"
"It is POSSIBLE! At natitiyak kong may pinaplano sila laban sa atin. Nakita niyo naman, pinasok ng Aragon na yun ng walang kahirap-hirap ang control room! At ni isa wala man lang nakapansin sainyo? Puro kayo palpak! Mga inutil!"
"Si Farehn ang sisihin niyo Tito. Siya ang kasama ni Aragon--"
"Baka nakakalimutan mong IKAW ang kasama niya magdamag, Franco!"
I saw him gulped then look away.
"So, what's the plan now?"
"I don't know--damn it!"
"Hindi pwedeng wala tayong gawin."
"If we didn't act now, they will definitely ruin our plan."
"I agree with them Tito."
"Agree din ako. They absolutely doing something behind our back. Unti-unti nila tayong pinipilayan Dad. Nabalitaan niyo naman siguro yung nangyari sa grupo ni Devur diba?"
Napatingin ako sa cellphone kong gumagalaw sa ibabaw ng table. Dinampot ko iyon. I answer the call right away and put it in loudspeaker.
"Boss, nakita ko na si Miss Altamonte. Nandito ako ngayon sa Antipolo Rizal."
"Good. Magkasama ba sila ni Aragon?"
"Hindi Boss. Tanging yung bodyguard niya lang na si Colt. Pero galing sila sa kompaya ng mga Aragon, I guess magkasama sila kagabi."
"That asshole... kami ng bahala kay Aragon. Send me the address. Wag mong lulubayan yan ng tingin. Sundan mo kahit saan sila magpunta. Magpapadala akong mga tauhan diyan. Take that b***h dalhin niyo sa Sula."
"Copy Boss."
Binalingan ko sila matapos kong ibaba ang tawag.
"Nasa Mount Quasinta ang panganay ni Del Carpio, puntahan niyo Clark. Dalawin mo rin si Mayor Sarmiento at dalhin mo sa akin si Kevin. Yung iba kunin niyo ang mag-inang Montecellio. Ikaw Stewart kaibiganin mo yung baklang may-ari ng JJ Beauty Salon and Spa sa Makati. Kaibigan yun ng anak ni Julius. Malakas ang kutob kong may ugnayan ang Javier Montefalco na yun kay Julius Montecellio kaya hindi natin mahanap ang gagong yun. At ikaw--"
"Ako ng bahala kay Keith Altamonte." sabad ni Christian. "Hawak ko sa leeg ang private investigator ng kaibigan niya at dalawang espeya niya. Nasa poder na rin ni Rex si Cristal. Ipapatsek ko kay Xandro."
"Mabuti kung ganun. Kumusta pala yung pinagawa mo kay Stacey?"
"Doing great. Just wait and see, babagsak din silang lahat."
"Good. Good." binalingan ko si Bryce. "Hindi ka pwedeng lumabas. Ang gawin mo paimbestigahan mo yung mga babaeng kausap kagabi ni Miss Altamonte."
"Oh c'mon Dad, kaya na yun gawin lahat ni Kuya."
"I'm on it,"
"See? Wala na akong gagawin pa dito." tumayo ito saka humakbang palabas ng Library.
"Saan ka pupunta?"
"Will deal with Joshua Madrigal. I guess alam niya na ang sekreto ko."
*****
AISHLEEN
Nginitian ko ang babae.
"Uhm---nandiyan ba ang Mama mo? Pwede ko ba siyang makausap?" hindi ito sumagot nanatiling nakatitig lang sa akin kasabay ng pagdugtungan ng mga kilay nito. I cleared my throat then smile again. "Pakisabi naman hinahanap ko siya. Aishleen Kate Altamonte ang pangalan ko. Nakilala ko siya--"
"Ikaw si Aishleen?" bulalas niya.
"OO."
"Naku," halos magkumahog ito sa pagmamadaling buksan ang gate. "Pasok ka Ate."
"Ha?"
Nagulat ako ng bigla ako nitong hatakin sa braso papasok sa loob. Nagpalinga-linga pa sa paligid habang nila-lock ang gate. She's acting weird. Napasiksik ako sa kanya ng angilan ako ng dalawang aso.
"Cola, Dew magbantay kayo doon sa likod ng bahay. Tawagin niyo ako kapag may nakita kayong kahina-hinalang tao, dali!"
Mabilis namang tumalima yung dalawang aso na tila ba may utak at naintindihan ang sinabi ng amo. Nakasunod ang tingin ko sa mga ito pero kaagad din akong napasunod sa paghakbang ng muli akong hatakin ng babae papasok sa loob ng kabahayan.
"Mama!" masiglang sigaw nito. "Nandito po si Ate Aishleen!"
"Sino?!" boses ni Mrs. Lucinda.
"Yung asawa ni Kuya Ry!"
Napaubo ako sa sinabi nito. Nakangiti naman ako nitong nilingon saka muling hinatak.
"Halika dali! Nandun sina Mama sa kusina. Tiyak matutuwa yun kapag nakita ka."
"Uh. . . h-hindi ako asawa ng kapatid mo."
Huminto ito sa paghakbang saka hinarap ako. Bumaba ang kanyang mga mata sa braso kong hawak niya, tiningnan yung bracelet ko. Hinawi yung buhok ko saka sinipat ang hikaw ko saka ngumiti ulit.
"Ako nga pala si Ritz, Ate. Ritz Gabrielle. Bunsong kapatid ni Kuya Ryan." then she giggle. "Actually hindi pa kami nagkikita nina Kuya and Da--"
"Kate?" sabad na boses ni Mrs. Lucinda. Lumampas ang tingin ko sa likod ni Ritz. "Oh gosh it's you!" nakangiting sinugod niya ako ng yakap.
Nagulat ako dun sa ginawa niya. I never expected that she'll be happy to see me again at ganito ang sasalubong sa akin. At ang ipinagtataka ko pa yung sinabi ni Ritz. Like. . . her and Ryan. . . are they really siblings? Kung OO meaning si Mrs. Lucinda. . ?
"How are you, Iha? Hindi ko inaasahan na pupuntahan mo ako dito sa bahay. What brought you here anyway?"
Bahagyang binunggo ni Ritz ang tagiliran ng ina ng hindi ako makapagsalita. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"She's very pretty, Mama."
"Yeah, I told you."
"I like her."
"So do I."
Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa takbo ng usapan nila. Lalo na sa uri ng titig na pinupukol nilang dalawa sa akin. Kay lapad ng kanilang mga ngiti. Yung mga kamay ko nakaunat, hawak-hawak ng dalawang kamay ni Mrs. Lucinda. Para kaming mag bestfriend na kay tagal na panahon 'di nagkita.
"Uhm. . ."
Bahagya kong hinatak iyon pero hindi niya ako pinakawalan. Binalingan niya ang anak.
"Ipaghanda mo ng makakain ang Ate mo, Ritz. Sige na."
"Yes po, Mama." binalingan niya ako. "May kasama ka bang driver Ate? Parang may nasilip kasi akong lalaki doon sa loob ng kotse mo kanina e."
"Uh--yes. Si Colt. Yung bodyguard ko."
"Ok. Dadalhan ko na lang din siya ng pagkain." aniya sabay talikod.
Napasunod ako kay Mrs. Lucinda ng igiya niya ako at pinaupo sa sofa. Nakapaskil pa rin ang masaya niyang ngiti sa kanyang mga labi. She looks vibrant and. . . different? Wala yung malaking nunal na nakita ko sa kanyang pisngi kagabi. Tsaka umikli yata ang buhok niya ngayon?
"M-Mrs. Lucinda?"
"Yes iha? Ba't ka pala napasugod dito bigla?"
"Yung nunal--"
Bigla siyang napahagalpak ng tawa saka pinisil-pisil ang kamay ko. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa akin.
"Props ko lang yun," anas niya saka muling tumawa.
Alanganin naman akong ngumiti.
"Uhm..." tumikhim ako saka sumeryoso. "Hope you don't mind po kung hiningi ko yung address niyo po kay Mrs. Andersons. Actually pinilit ko lang po siya."
"Naku, ok lang yun iha. Pero ba't ka nga pala naparito?"
"Uhm. . . gusto ko lang po sanang malaman kung magkakilala po ba kayo ni Jonard Villafuerte?"
"Si Mr. Villafuerte?" I nodded. "I know him but not personally. Actually kagabi ko lang siya nakita ng personal. Nilapitan ko siya para hingin yung number ng anak ko. Tinawagan ko nga kanina ng madaling araw pero hindi naman nagsasalita yung sumagot sa kabilang linya kaya inisip ko na baka nagkamali ng number na binigay sa akin si Jonard. So, ayun, pinatapon ko na kay Ritz yung sim card."
"Ako ho ang nakasagot ng tawag niyo kanina," nahihiyang amin ko sa kanya. "Kasama ko ho ang anak niyo. He's asleep when you called. Pasensya na po kung pinatayan kita ng tawag. Nabigla kasi yung kamay ko, napindot ko yung end call button, sorry po."
Namilog ang kanyang mga mata. "So totoo ngang mag-asawa kayong dalawa?"
I nodded. "Pero sekreto po ang kasal naming dalawa. Hindi po alam ng Daddy niya at buong pamilya ko. Biglaan po yung pagpapakasal naming dalawa."
"Bakit nabuntis ka ba niya? I mean, hindi ka man lang niya niligawan?"
Umiling ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong dahilan ba't kami humantong sa pwersahan na kasalan ni Ryan. Maisip ko pa lang iyon doble-doble na ng hiya ang lumulukob sa akin.
Dismayadong inikot niya ang kanyang mga mata at nagpakawala ng buntong-hininga.
"Torpe talaga," anas niya pero malinaw kong narinig iyon. Muli siyang ngumiti. "But I know how much he loves you, iha. Hindi ibibigay sayo ng anak ko yung pearl set heirloom na suot mo kagabi--" niyuko niya ang braso ko saka muling nag-angat ng tingin sa akin. "...kung hindi ka niya mahal. Malinaw yung usapan namin noon na ibibigay niya lang ang napakaimportanteng alahas na yan sa babaeng pinakamamahal niya at gustong makasama habambuhay."
Heirloom? Itong mga pearls? Siya ang may-ari nito?
Kaya pala yung mga taong nakakita kagabi. . .
Napatakip ako ng kamay sa aking bibig sa subrang gulat at pagtataka. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
Why Ryan gave those to me if has sentimental value?
Biglang rumagasa sa aking utak yung nangyari saaming dalawa kagabi; yung paraan ng pag-angkin niya sa akin, yung lahat ng sinabi niya.
Ibig sabihin seryoso talaga siya sa akin?
Mahal niya talaga ako?
Hindi niya binibilog lang yung ulo ko?
Pero. . . ano ang relasyon niya kay Farehn at iba pang mga babaeng napaugnay sa kanya?
Palabas lang ba ang lahat or talagang niluluko niya ako?
I didn't get it!
Nakangiting ginagap niya ang kamay ko saka muling pinisil ng marahan.
"Alam kong maraming babaeng napaugnay sa kanya pero tanging ikaw lang ang bumihag sa puso ng binata ko, Aishleen. Baby ka pa lang sinabi na no'n na ikaw ang babaeng pakakasalan niya paglaki mo. Hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Sinundan ka pa nga no'n paglipat niyo sa US e. Kahit tanungin mo pa si Alicia."
"Ma, nakahanda na po ang mesa," sabad na boses ni Ritz.
Sabay kaming napabaling dito. Abot langit ang ngiti. May bitbit na dalawang patong na malaking baunan at isang malaking tumbler.
"Pupuntahan ko lang po yung kasama ni Ate Aish."
"Ba't hindi mo na lang papasukin dito sa loob ng bahay iha?"
"Uhm---mukha kasing istrikto yung mukha niya Ma kaya dadalhan ko na lang po ng pagkain para sure na hindi makatanggi."
I chuckled. "Istrikto talaga yun at siguradong tatanggihan ka lang pero try mo pa rin baka tanggapin yang dala mong pagkain. Actually, wala pa po talaga kaming kain." nakagat ko ang ibabang labi ng ma-realized ko ang huling sinabi kasabay ng pagkulo ng tiyan ko.
Ritz giggled. "Dalawa ang dala ko. I'm sure he'll never refuse to eat with me."
"At kailan ka pa natutong magpapansin sa strangers ha, Ritz Gabrielle?"
Her face became crimson pink. "Ma!"
Pinaningkitan ito ni Mrs. Lucinda ng mga mata. "Ayahin mo siya. Kung ayaw niya, ibigay mo yang pagkain pagkatapos---"
"Makikipag-chika po ako sa kanya about kay Kuya." anito sabay hakbang palabas. "That's my purpose why I brought food for him outside."
"Teka--Ritz!" habol ng ina pero deritso lang ito palabas ng bahay.
Nilingon ko si Mrs. Lucinda. Nagkibit-balikat na lang siya saka niyaya ako papunta sa kusina. Nakahanda na ang hapag. Isang may edad na babae ang naabutan namin doon na naglalagay ng baso at pitsel ng malamig na orange juice sa tabi ng dalawang plato. Nag-angat ito ng tingin sa akin at tipid akong nginitian.
"Siya nga pala si Nanay Cely." pakilala ni Mrs. Lucinda. "Mayordoma siya dati ng mga Gowiengco."
"Maupo na kayo nang makakain na."
"Sumabay na po kayo saamin Nay." pinaghatak ito ng upuan ni Mrs. Lucinda. Kinuha yung plato na nasa kabisera at nilapag sa harapan ng matanda. "Maupo ka na iha," baling niya sa akin.
Hinatak ko ang upuan na nasa harapan ko pero nakasunod ang tingin ko sa kanya. Kumuha siya ng isa pang plato, kutsara't tinidor saka naupo sa kabisera.
Tahimik na nagsimula kaming kumain. Pasulyap-sulyap pa sa akin ang matanda pati si Mrs. Lucinda. Bigla tuloy ako nailang. Parang sinisilihan na ako sa aking upuan.
"Mind if I ask kung. . . nagtatago po ba kayo Mrs. Lucinda?" basag ko sa ginagawa nila. "I mean pakiramdam ko kasi parang--"
She took a heavy sighs. Sinulyapan niya muna si Nanay Cely bago ako sinagot.
"Unfortunately yes. We were hiding. May taong gustong pumatay sa akin noon. Matalik na kaibigan mismo ng asawa ko. Si Romualdo Gowiengco."
"Ang D-Daddy ni Farehn?"
Tumango siya. "In fact; Helena and I were friends. Siya ang takbuhan ko noon ng magkaroon ng 'di pagkakaunawaan sa pagitan ng asawa ko, ni Rafael at Daddy mo.
No'ng araw na pumunta ako sa bahay nila aksidente kong narinig ang masamang balak nila sa tatlo. Nalaman ko ring buhay si Marverick Lewis. Kitang-kita ng mga mata ko ngunit nahuli nila ako. Kinulong ako sa underground ng bahay nila for a week. Pwersahan akong pinagawa ng sulat para kay Raymond. Kapalit ng kalayaan ko kailangan kong layuan ang asawa ko. So I did. But they're so cruel. Balak nila akong patayin sa araw na palalayain nila ako at itatapon sa ilog ang katawan ko para magmukhang nag-suicide ako.
That night Nanay Cely helped me to escape. Nagkagulo sa mansyon ng mga Gowiengco. Hindi ako sure kung sinadya talaga pero nakita kong binaril ni Marverick Lewis si Romualdo bago ko pa makalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko at pinapalabas nilang ako ang may gawa no'n.
Hinabol kami ng mga tauhan buti na lang may mga armadong kalalakihan na tumulong din sa amin. Hindi ko alam kung sino sila. Then; nadaanan kami sa kalsada ng Tito Larry mo. Siya ang nagdala saamin ni Nanay Cely dito. Sabi niya namana niya itong bahay na tinutuluyan namin sa mga abuela niya. Walang nakakalam tungkol dito kaya dito niya kami dinala."
"Ibig sabihin hindi po totoo yung balitang kumalat noon na iniwan niyo yung Daddy ni Ryan? That he's cheating on you? You left him for some reason."
Sunod-sunod siyang umiling. "Gawa-gawa lang yun ng mga Gowiengco. To ruin the reputation of my beloved family, our business and Raymond friends."
"Ang mga Gowiengco kaya ang pumatay kay Tito Lars?"
"Hindi. Sabi ni Larry sa akin dati pang may laging nakasunod sa kanya. Iniisip niya tauhan ni Rex Chua or Serafin Lopez." she then sobbed. Tears rolled on her cheeks but she wipe it out right away. "Hindi ko man lang. . . hindi ko man lang siya nailigtas. Malamang nadamay din siya sa gulo ng pamilya ko dahil yung sumusunod sa kanya ay parte rin sa grupo ng sindikato na kinabibilangan ni Lewis at Gowiengco. They probably killed Larry to shut his mouth."
"J-Joeveline po ba ang totoo niyong pangalan, Mrs. Lucinda?"
Marahan siyang tumango. "Hindi ko alam na buntis ako no'ng panahon na yun. We need to hide our real identity for our own safety. Ngayon nanganganib ang buhay ng panganay ko kaya hindi ako mapakali sa isang sulok lang. Kailangan ko siyang makausap sa kahit na anong paraan. Ngunit. . . lahat ng numero sa bahay mukhang pinalitan na yata. Pati sa kompanya subrang higpit ng sekretarya niya. Wala rin akong mahagilap na kaibigan niya. Si Jonard lang ang tanging nakita ko kagabi. Takot na takot nga ako lalo't nakita ko pa doon yung mag-inang Gowiengco at anak ni Lewis. Lucky me, no one recognized me."
Sunod-sunod na tumahol ang mga aso pero tumahimik din bigla. Nagkatinginan kaming tatlo. Sinalakay ako kaagad ng kaba. Tumayo si Mrs. Lucinda.
"Sandali lang. I'll check--"
Bigla akong napatayo ng pabalyang bumukas ang pinto sa likod ng kusina.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023