Accidentally In Love 17

2771 Words
"Mom! We need to leave!" humahangos na sigaw saamin ni Ritz. Patakbo nitong nilapitan si Nanay Cely at inalalayan makatayo. "May nahuling tauhan ni Morales yung kasama ni Colt. Nagmamanman sa labas. Mukhang nasundan kayo Ate Aish. I'm not sure but we need to leave this place asap." "Ano?" bulalas ni Mrs. Lucinda. "Saan naman tayo pupunta?" "Sandali, mag-iimpake muna ako ng kakailanganin nating gamit." sigunda ni Nanay Cely sabay hakbang palabas ng kusina pero kaagad itong pinigilan ni Ritz. "NO. We have no more time for that Nay Cely. Sabi no'ng Ace--" "Miss A!" boses ni Colt na biglang sumulpot sa kusina. "Kailangan na nating umalis dito." "Bakit Colt--" "Will explain inside the car." binalingan niya si Ritz. "Kunin mo yung susi ng van niyo. Yun ang gagamitin natin." Kaagad tumalima si Ritz. Sumunod dito si Mrs. Lucinda. "Will take some important things. Mauna na kayo sa van, susunod ako!" "Tara na, Miss A." Inalalayan namin si Nanay Cely papunta sa van. Patakbong nilampasan kami ni Ritz saka binuksan ang pinto niyon. "Pumasok na kayo, bilisan niyo. Cola, Dew!" sigaw ni Ritz sa dalawang aso. "Come here my boy!" Sunod-sunod na busina sa labas ang umalingaw-ngaw. "That's Ace. C'mon, get in the car, Miss A." Naupo ako sa unahan. Umikot naman si Colt sa kabila at naupo sa driver seat. Binalingan ko ang tatlo sa likuran ng umandar na ang kotse. Nanay Cely holding a rosary. Iwan kung saan niya iyon nakuha. Namumutla si Mrs. Lucinda---Joeveline, umuusal din ng dasal. Si Ritz naman nakayakap sa dalawang aso. "Ok lang po ba kayo?" "We're fine Ate." "Saan niyo ba kami dadalhin?" Nilingon ko si Colt. "Sa bahay po ni Boss Ryan sa La Trinidad Benguet, Senyora Joeveline." "Drop that Seryora. Allergy ako sa salitang yan. Just call me Tita Jovy." "But you're the mother of my Boss." "Oh please, wag ka ng makipagtalo pa sa akin. Nanginginig na ako sa takot kanina pa." "No worry, everything is under control. Hindi nila tayo masusundan kung sakaling tumawag man yun ng back-up. That's why we used your van instead. And I assure you that you'll gonna be all safe in my Boss house. Walang nakakaalam sa bahay na yun." "May nakuha ba si Ace na info sa tauhan ni Morales, Colt?" "Sa ngayon wala pa. Pero kilala ko si Ace, hindi yun titigil hanggat 'di napapakanta ang lalaking yun." "Alam ba 'to ni Ryan?" "NO. Not yet. Gusto mo bang tawagan ko--" "Wag na." putol ko sa kanya. "Hindi na kailangan." niyuko ko ang purse at kinuha ang phone doon. I dialed Eli's number. Segundo lang kaagad iyon komunekta. "Eli..?" "Ate Aish! Ba't ngayon ka lang tumawag? Ba't 'di ka umuwi kagabi? Saan ka natulog? Subra akong nag-alala sayo. Tapos hindi ka pa sumasagot sa mga tawag at text messages ko. Tinanong ko sina Ace at Colt ayaw naman magsalita." "Sorry. May nangyari kasi sa party na pinuntahan ko kagabi. Hinanap ba ako ni Reuben?" "As usual, alam mo naman 'to hindi makatulog kapag 'di ka katabi. Buti nga 'di ko pa pinapalaundry yung mga damit mo. Ginawa kong kumot niya. Hanggang ngayon nahihimbing pa rin." "Salamat Eli. Please take very good care of him for me. Mamayang hapon na ako uuwi ha." "Bakit nasaan ka ba ngayon?" "'Wag mo ng alamin. Mabuti na yung wala kang alam." "Tumawag nga pala dito si Serena kanina. Hinahanap ka." "Bakit daw?" "Si Zoey daw. . . nag-aagaw buhay sa hospital. Dead on arrival naman yung Uncle niya. Yung Tita at dalawang anak na lalaki parehong sugatan pero hindi naman malala ang pinsala. Ang masaklap nakatakas pa yung nanloob bago dumating yung mga pulis. Pero yung isang kasamahan ng nanloob na napatay ng Uncle ni Zoey dati ng may criminal records and take note takas sa piitan. Tapos may red dragon tattoo pa daw sa batok." Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. Napatakip ng kamay sa aking bibig sa pinaghalong gulat at takot. Oh God! Kung ganun totoo lahat ng sinabi niya sa akin sa telepono? At yung mga narinig ko hindi isang palabas lang... "Si--Siya. . . kumusta ba daw siya, Eli? Nasaan siya? Nasaan si Serena?" "She's fine. Kasalukuyan silang nasa safe house kasama ang pamilya niya. Pakisabi daw kay Kuya Ryan, salamat." "Kanino niya daw nabalitaan yung nangyari kay Zoey, Eli?" "Kay Rhiana daw Ate. Luluwas nga daw ng bansa ang parents ni Zoey e." "Eli makinig ka, 'wag kayong lalabas ng unit ngayon ha. Kapag may pumunta diyan at hinahanap ako 'wag mong pagbubuksan ng pinto." "Kahit si Kuya Josh?" "Kahit pa si Joshua! Kahit na sino. Basta wala kang kakausapin. Naiintindihan mo ba ako ha?" "Kinakabahan naman ako sa klase ng tono mo." "Just do as I said, please?" "Dumaan dito si Kuya Josh kanina. Hindi ko siya pinagbuksan. Pagkaalis niya si Scarlet naman ang nagwala dito sa labas ng unit mo. Tapos si Farehn. Kung ano-ano ang mga sinabi nila, kinakalampag yung pinto. Sinita nga sila no'ng babaeng nakatira sa kabilang unit. Ayun silang tatlo ang nagkairingan. Ayaw paawat ng dalawang malantod na yun kaya tumawag akong pulis. Iwan kung kinulong. Naka-banned na rin sila dito. Dasurb right? Masyadong eskandalosa." Lalo tuloy akong sinisilihan sa aking kinauupuan sa sinabi niya. Labis-labis ang nararamdaman kong pag-aalala at takot sa kaligtasan nilang dalawa ng anak ko. Kailangan kong umuwi. But how? Nilingon ko si Colt na seryosong nakatingin lang sa daan. Lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Is everything ok, Ate?" tanong ni Ritz. Umiling ako. "NO." gumaralgal ang boses ko. "Kailangan kong umuwi Colt." "NO. Hindi pwede. Delikado." "Kailangan ako ng anak ko!" singhal ko sa kanya. "Nagkagulo doon sa Skysuites Tower kanina--" "I know." agap niya. "Maraming nakabantay doon na tauhan ni Boss." "Ano? Maraming nakabantay pala e ba't hinayaan niyo pang makapasok sa building na yun sina Scarlet at Farehn?" "We're afraid to reveal your secret. Kung pagbawalan namin sila ng walang dahilan lalo silang magsususpetsa na may tinatago ka nga. Suot mo yung family heirloom ng mga Aragon kagabi sa party. And Joshua told them that you're happily married. They were curious about your real status with my Boss." "Kasalanan ang lahat ng 'to ni Ryan." "NO. He did that on purpose. You actually helped us a lot, Miss A." "Help you a lot--in what way? Parang pinahamak niyo pa nga ako e." "Mas lalong hindi. There's a hidden cam and audio device in that pearl necklace. Connected lahat yun sa phone ni Boss." "You mean--" "Right. Pareho kayo ng purpose ni Boss sa pag-attend ng party na yun and it's a job well done. We finally had the list of their names. Nag-iimbestiga na ang mga kasamahan ko. And no worry about your son and Eli. Bantay sarado sila 24/7." "Wala akong nakikitang bantay maliban kay Kuya guard, Colt." "We had sniper, Dax and Geon. An expert one. And some of my Boss men is just one call away. Pakalat-kalat lang sila sa labas ng Tower." "Naalala mo ba yung nangyari doon sa Cubao expo?" "Why?" "Yung lalaking nakita ko doon sa pinangyarihan nakita ko din doon sa labas ng tower. Nakamasid siya saamin ni Ate Cristal. His body built looks familiar but--" "Si Bert yun." "Sigurado kang si Kuya Bert yun hindi tauhan ni Morales?" "Ofcourse. Nakabuntot yun lagi kahit saan magpunta si Señorita Cristal." Nakahinga akong maluwag sa sinabi niya. Pagtingin ko sa phone connected pa rin ang tawag. I put it in my ear. "Eli? Nandiyan ka pa ba?" Wala ng sumagot pa sa kabilang linya kaya pinatay ko na lang ang tawag. I compose a text message then send to her. Saglit lang nakatanggap ako agad ng reply mula kay Eli. I smiled then click the photos she sent to me. Bagong gising lang yung anak ko. Mukhang kakatapos lang umiyak. Hinaplos ko ang screen ng phone ko. Alam niya ang lahat. I can feel it. Pero bakit hindi siya nagparamdam sa akin ng dalawang taon? Napalunok ako ng bigla akong bundulin ng kakaibang kaba. Tumingin ako sa labas ng bintana. Sumandal sa upuan sabay hawak sa aking dibdib. Umuusok na siguro ang ilong no'n sa galit sa akin dahil nilayasan ko siya ng walang paalam. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Muli kong tiningnan ang phone ko. Nagdadalawang-isip kung e-te-text ko ba siya or tawagan na lang. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Pa'no kung 'di niya ako sagutin? Arrrgh! I scroll my call log then press his number. I save it first; named ARAGON. Then count 3-2-1 before I press the call button. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ng mag-ring iyon. Nagpa-panic na ang utak ko kakaisip kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung. . . Hello Ry nasaan ka--NO. Erase. Erase. Nasa Penthouse siya. Baka sagutin niya ako ng pabalang. Or baka pwedeng. . . Hello Ryan pwede ba tayong mag-usap--tooot. Toooot. Tooot. Ehh? Napatingin ako sa screen ng phone ko ng marinig ko ang--- Gosh! Pinatayan niya ako?! How dare he! Kung may sa bakal lang ang kamay ko baka kanina pa nawasak ang cellphone sa higpit ng hawak ko. Umayos ako ng upo. Nagdadabog na sinuksok ang phone sa loob ng purse ko. Pabagsak pa akong sumandal muli sa upuan at tumanaw sa labas. Hmmp! Kung ayaw niya 'di wag! Hindi niya man lang ako sinuyo? Peste siya! I hate you Joe Ryan Aragon! Habang tumatagal ang byahe namin lalong nagngingitngit ang kalooban ko. Hanggang sa huminto ang van sa harapan ng gate ng three storey modern-triplex house. Napanganga ako sa aking nakita. Nilingon ko si Colt na sunod-sunod na nagbusina. Biglang bumukas ang gate at ipinasok nito sa loob ang sasakyan. "B-Bahay 'to ni Ryan?" "Bahay NIYO." aniya sabay baba. Napasunod din ako ng magsibabaan na sila. "Wow!" nakangiting bulalas ni Ritz. "What a home. Nagustuhan niyo ba Cola, Dew ang bagong bahay natin?" sabay na tumahol ang dalawang aso habang kumakawag ang mga buntot. "But you two should behave, ok? Bisita lang tayo dito. Ayaw niyo naman siguro ma-award ni Boss Ryan diba?" sabay ulit tumahol ang mga aso. Nakangiting hinimas-himas naman ni Ritz ang ulo ng mga ito. "Good boy." Manghang-manghang iginagala ko naman ang mga mata sa paligid. Pagtingin ko kay Colt napakunot-noo ako ng makita kong nakatitig ito kay Ritz. He was smiling without showing his teeth. Hmmm. Marunong din pala ngumiti ang rebulto. Tumikhim siya at pumormal sabay iwas ng tingin ng mapansing nakatingin ako sa kanya. "Nakahanda na ang lahat, Colt." wika ng matangkad na lalaking bigla na lang sumulpot. He's wearing a black t-shirt. Kapareho ng uniform ng mga maskuladong lalaking nakita ko sa Yankee bar at security agency na pagmamay-ari ni Ryan. "Thanks bro." binalingan niya kami. "Lets get inside." "Cola, Dew, dito lang muna kayo magbantay sa labas ha." tumahol ang mga aso sa sinabi ni Ritz saka tumakbo at nagpalakad-lakad 'di kalayuan sa gate. She then giggled. Humakbang palapit kay Colt. I saw him gulped while staring Ritz. Napangiti ako sa isip sa naging reaksyon ni Colt. Nilapitan ko ang Mommy ni Ryan at Nanay Cely na namamangha pa rin sa ganda ng bahay. "Tara na po." Kung nakakamangha sa labas mas kagila-gilalas ang loob ng bahay. Nababalutan ng karangyaan. Ngunit may isang bagay na bukod tanging umagaw sa aking atensyon; ang nag-iisang napakalaking portrait na nakasabit sa pader malapit sa punong hagdanan. That was me! Wearing a pink long gown like a princess. Having a big smile in my face while walking down the staircase. Nandun siya sa araw ng debut ko? Pero ba't parang 'di ko naman yata siya nakita doon? "See, I told you iha." Mapanuksong wika ng Mommy ni Ryan na sinigundahan naman nina Ritz at Nanay Cely. Tila ako nasunog sa aking kinatatayuan. Natigil lang ang panunukso nila sa akin ng pumasok ang apat na lalaking may kanya-kanyang bitbit na bag at maleta. "Yan na po yung mga gamit niyo Tita Jovy." wika ni Colt. "Dalhin niyo na yan sa kwarto nila." baling niya sa mga ito. "Sure kayong hindi kayo nasundan?" "Hindi. Pero may nangyari--" "Puntahan niyo ako sa Library pagkatapos niyo diyan." sabad ni Colt sa lalaki. "Doon tayo mag-usap." "Ah--Colt, saan yung kusina?" sabad ni Ritz. "Parang nagutom kasi ako e. Pwede mo ba akong samahan?" "Uhm sige, Señorita--" "Sabi ko Ritz or Gabby na lang itawag mo sa akin. Hindi ako rich kid." nilingon kami nito. "Hindi po ba kayo kakain ulit?" "Saka na lang ako. Parang mas gusto kong magpahinga. Hindi pa rin ako maka-move on sa takot." "Mamaya na lang din ako. Parang sinumpong yata ako ng rayuma ko dahil sa nerbiyos--aroy... saan ba yung kwarto iho?" nakangiwing tanong ni Nanay Cely kay Colt. "Pwede bang dito na lang ako sa ground floor na kwarto? Baka malula ako diyan sa hagdanan gumulong pa ako pababa." Hinatid ni Colt ang dalawa sa kwarto ng mga ito para makapagpahinga saka sinamahan si Ritz sa kusina. Nanatili naman ako sa sala saglit saka naglibot-libot. Hanggang sa mapadpad ako sa masters bedroom memory wall. Natigilan ako sa nakita kong picture ko na nasa pinakagitna; nakasandal ako sa puno habang nakapikit. That looks familiar. Nanlaki ang mga mata ko sa aking naalala. Yan yung sinundan niya ako sa likod ng bahay! Nakakapagtaka naman na napa-frame niya kaagad 'to. Tsaka hindi ko alam na kinuhanan niya pala ako ng litrato doon. Isa-isa kong tiningnan ang mga pictures ni Ryan simula pagkabata hangang sa magbinata. Subrang dami niyang achievements. "Miss A..?" Nilingon ko si Colt. "Bakit--" Napatingin ko sa purse ko ng magvibrate iyon. Dali-dali kong kinuha ang cellphone. Nang makita kong si Eli ang tumatawag kaagad ko iyon sinagot pero binaba din nito kaagad. Sumasal ang puso ko. Nanginig ang aking buong katawan ng mabuksan ko ang mga litratong pinadala ni Eli sa akin. A dead body of the girl next door; brutally murdered! I dialed Eli's number right away. Maingay ang background. May umiiyak din akong narinig. "Eli? What happen? Anong ibig sabihin nitong mga senend mo sa akin?" "Kani-kanilang lang yan nangyari, Ate. Nahuli din yung may gawa pero ayaw umamin kung sino nag-utos. Nandito din si Mr. Brown at sina Kuya Dax at Geon. Nag-iimpake--" "Pauwi na ako." sabad ko sabay takbo palabas. "Miss A!" tawag sa akin ni Colt pero 'di ko siya pinansin. Papasok na ako sa van ng pigilan niya ako sa braso. "Hindi ka pwedeng umalis--" "Kailangan ako ng anak ko! Nagkakagulo doon sa tower ngayon!" "I know--" "Alam mo pala ba't 'di mo sa'kin sinabi kaagad?!" inis na piniksi ko ang kanyang kamay. Nasa ignition pa ang susi ng van, kaagad ko iyon in-start. Dinakma muli ni Colt ang braso ko sa bintana. "You can't leave, Miss A! Nandun sina Dax. Sila na ang bahala--" "NO! Kailangan kong puntahan ang anak ko!" napaatras siya ng paandarin ko palabas ang kotse. "Open that damn gate!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ka pwedeng--" "Bubuksan mo o aararuhin ko yan?!" "Damn!" Pagkabukas niya kaagad kong pinaharurot ang kotse. Ilang sasakyan din ang in-over-take-an ko. Mayroong segundo bago mag red light na halos paliparin ko ang sasakyan makalampas lang doon. Makailang ulit din akong napausal ng dasal. Nasa kasagsagan na ako ng byahe ng biglang may bumundol sa likuran ng kotse ko. Halos masubsob ako sa impact saka binilisan lalo ang pagpapatakbo. Pagtingin ko sa side mirror may dalawang kotseng nakasunod sa akin. Nakilala ko yung isa, si Colt. Napabaling ako sa kaliwa ng may humaharurot na single na motor na tumabi sa kotse ko. Nanlaki ang aking mga mata ng tutukan ako ng baril ng sakay noon. Bigla kong naapakan ang gas sa subrang pagkataranta sabay sara ng bintana ng paulanan na ako ng bala. Pagdating ko sa unahan may sumulpot na puting van. Bumangga ako doon. Napasubsob ako sa manibela. Malakas akong napasigaw ng basagin ng armadong mga kalalakihan ang bintana at sapilitan akong hinatak palabas. Nagpumiglas ako at muling napasigaw ng sunod-sunod na putok ang umalingaw at duguan na bumagsak ang mga lalaki. "Miss A----f**k!" boses ni Ace. Pagbaling ko nanlaki ang aking mga mata ng makita ko itong duguan ang tagiliran. Si Colt nakikipagpambuno sa dalawang lalaki. "Ace!" "Get in my car, Miss A!" sigaw ni Colt saka pinaputukan ang kalaban. Walang buhay iyon bumagsak. Tinakbo ko ang kinaroroonan ng kotse nito. Ngunit may humahagibis na isa pang van ang biglang huminto sa harapan ko. May apat na kamay na humatak sa akin papasok sa loob niyon sabay harurot. "Miss A!" Narinig ko pang sigaw ni Colt bago sumara ang pinto at tinakpan ang ilong ko ng panyong may masangsang na amoy. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD